Se connecter“Good morning, Ma’am Catriona,” bati ng isa sa mga katulong. “Gusto niyo na po bang kumain?”“Kaya nga ako bumaba, hindi ba?” pabalang niyang sagot.Agad na natigilan ang mga katulong. “Ah… opo, Ma’am.”Nagmamadali silang kumilos upang ihanda ang kanyang almusal. Halatang natataranta ang mga ito sa takot na baka lalo siyang magalit.Umupo siya sa sofa at kinuha ang kanyang cellphone. Wala siyang pakialam sa mga taong nagkukumahog sa paligid niya. Binuksan niya ang kanyang social media at nagsimulang mag-scroll.Hindi niya kailangang pansinin ang mga iyon, hindi naman niya ka-level ang mga ito.Ilang sandali pa ay napatingin siya sa paligid.“Nasaan si Lolo? Uncle? At si Lewis?” tanong niya nang hindi man lang inaalis ang mga mata sa kanyang cellphone.“Maaga po silang umalis, Ma’am Catriona,” maingat na sagot ng isa sa mga katulong. “May aasikasuhin daw po sila sa opisina. Binilin po nila na pakainin kayo agad kapag nagising na kayo.”Hindi siya sumagot. Ipinagpatuloy lang niya ang pa
Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kama. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang biglang kumirot ang kanyang ulo. Napahinto siya.“Agh…”Napahawak siya sa kanyang noo at napangiwi. Para bang biglang bumigat ang kanyang ulo at may pumipintig sa kanyang sentido.Muli na namang umikot ang kanyang paningin. Saglit siyang napapikit at nanatiling nakatayo, pilit na hinahanap ang balanse ng kanyang katawan. Hinawakan niya ang gilid ng dingding upang hindi matumba.“Baka sa sobrang pagod lang…”Mahina niyang bulong. Pilít niyang kinumbinsi ang sarili. Wala naman siyang halos nakain buong araw. Sa dami ng nangyari, hindi na niya namalayan kung gaano na pala katagal mula nang huli siyang kumain. Masyado siyang abala sa kung anu-anong iniisip at sa mga pangyayaring sunod-sunod na dumating sa buhay niya.Napatingin siya sa banyo, dapat sana ay maligo muna siya, magpalit ng damit, kumain ng kahit kaunti at marahil ay uminom ng gamot para sa sakit ng ulo. Pero nang tingnan niya ang sa
Hindi niya namalayan na ilang segundo na pala siyang nakatitig kay Uncle Blair nang walang imik. “Catriona?” Napakurap siya at tila saka lang bumalik ang kanyang isip sa kasalukuyan. “Yes, Uncle?” “Are you all right?” Agad siyang ngumiti. Pilit. Masyadong pilit para maging kapani-paniwala. “Y-Yes. I’m fine.” Pero kahit siya mismo ay hindi kumbinsido sa sarili niyang sagot. Hindi siya fine, Malayo sa pagiging maayos ang lahat. May mga bagay na patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. Mga tanong na ayaw niyang sagutin. Mga katotohanang pilit niyang itinatago. At higit sa lahat, ang takot na baka isang araw ay hindi na niya kayang kontrolin ang lahat ng kasinungalingang sinabi niya. Napansin marahil ni Blair ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata dahil bahagya itong lumapit sa kanya. “Hindi mo kailangang matakot,” malumanay nitong sabi. “Nandito na kami. Hindi ka na nag-iisa.” Tumango siya. “I-I know, Uncle.” Pinilit niyang ngumiti muli pero sa loob-loob niya, lalo lang siyang na
CATRIONA'S POV: Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse habang pauwi sila ni Lewis. Mula nang makaalis sila sa ospital, halos wala nang ibang marinig si Catriona kundi ang mahinang ugong ng makina at paminsan-minsang tunog ng mga sasakyang dumaraan sa kabilang linya ng kalsada. Nakatitig siya sa bintana, pinagmamasdan ang mga tanawing unti-unting lumalayo sa kanilang likuran. Mali ang sinabi niya kanina sa ospital. Hindi niya dapat sinabi kay Lewis na sana ay maging masaya rin sila tulad nina Jolie at Tyler. Hindi niya iyon sinadya. O marahil, nasabi niya iyon dahil sa sobrang emosyon. Pero alam niyang hindi pa handa si Lewis na pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa. Sa lahat ng pagkakataon, iniiwasan nitong buksan ang usaping iyon. Ang alam ni Lewis, may nangyari sa kanila noong gabing nalasing ito. At iyon ang kasinungalingang siya mismo ang nagpaniwala dito... iyon ang gusto niyang paniwalaan ni Lewis. Pero habang tumatagal, lalo niyang nararamdaman na hindi na sapat
Pagkalabas nila ng ospital, sandali muna silang tumigil sa parking lot bago tuluyang maghiwa-hiwalay. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig.“Bunso, bibisitahin kita sa Blacksmith Estate, ha,” malambing na sabi ni Lewis kay Jolie. “Kung may kailangan ka pa tungkol sa kasal, huwag kang mag-atubiling magsabi sa akin. Ako na ang bahala.”“Okay, Kuya,” sagot ni Jolie habang bahagyang nakangiti. “Pero you have nothing to worry about. Maayos na ang lahat at wala nang kulang. Ang gusto ko na lang ay naroon ka sa kasal ko... kayo ni Daddy at ni Lolo.”“How about me, Jolie?”Napalingon silang lahat kay Catriona na nakatayo sa tabi ni Lewis. Nakahalukipkip ito habang nakatingin kay Jolie, tila naghihintay ng sagot.“Hindi na ba ako invited sa kasal n’yo?”Agad na nagbago ang ekspresyon ni Jolie. “O-of course, invited ka, Catriona. Ano ka ba?” mabilis niyang sagot. “Siyempre, kasama ka.”“Ah, okay...” Bahagyang ngumiti si Catriona, ngunit may kakaibang t
“What are you doing here, Catriona?”Matalim ang boses ni Tyler habang nakatingin sa babae. Kitang-kita sa mukha niya ang galit at pagkadismaya. Halatang hindi niya inaasahang makikita si Catriona roon, lalo na sa kalagayan ni Jolie.“Whoa! Bakit ganyan ka makapagtanong kay Catriona, Tyler?” agad na singit ni Xavier. “She’s my cousin, and Jolie’s cousin too. She’s family.”“Family?”Malakas at puno ng diin ang pagkakasabi ni Tyler sa salita.Napatingin si Jolie kay Tyler. Alam niyang hindi simpleng galit lang ang nararamdaman nito. May duda sa mga mata ni Tyler, at higit sa lahat, may posibilidad na tuluyan nitong ilantad ang lahat ng nalalaman nila tungkol kay Catriona.Hindi iyon maaaring mangyari… Hindi ngayon. Baka kapag nabunyag ang lahat sa harap nina Lewis at Catriona, magkaroon pa ng pagkakataon si Catriona na tumakas. At hindi nila maaaring hayaang mangyari iyon.Agad na hinawakan ni Jolie ang kamay ni Tyler, bahagyang pinisil iyon bilang babala.“Babe…” mahinang tawag niya.
“Babe…”Sambit ni Madison saka kumapit sa braso niya pero iwinaksi niya iyon.“Paano nangyaring buntis ka, Madison? We haven’t had sex lately?” singhal nya“What do you mean? We have sex countless times! Kanino pa ba ang batang ito, eh ikaw ang boyfriend ko?”“Tama na yan!” sigaw ng dad niya.Napasa
ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma
JOLISA'S POV:Sa kanyang pagkagulat ay na-enjoy niya ang company ni Tristan. Masaya siya dahil binisita siya nito doon. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi kung anu-ano lang. Minsan, nasasama rin sa usapan nila ang mga artista—kung sinong naghiwalay at kung sinong bagong magjowa.Sumali rin
Kinabukasan ay nagising siya sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Maaga na pala. Mag-isa lang siya. Wala naman siyang inaasahang katabi, siguradong hindi siya tatabihan ni Tyler. Napag-usapan na nila iyon. Ang masakit pa, lumabas pa ito ng kwarto kagabi. Ok naman sana iyon… nainsulto lan







