Pagdating sa parlor ay andoon na naka-park ang kotse ng dad niya. Tinabihan niya ang kotse nito saka lumabas na.“Andito ka din pala, anak?” tanong ng mommy niya nang makita siya. Napabuntong-hininga siya. Hindi ba sinabi ng daddy niya o ni Aria na susunod din siya doon? Parang tuloy siyang na-outcast.“Hi, Mom.” Bati siya sa ina saka humalik sa pisngi nito. Hindi ito makaalis sa kinauupuan dahil nagpapamanicure at pedicure ito. May nakapulupot ding plastic sa buhok nito at malamang ay nagpapaayos din ng buhok.“Where is Aria, Mom?”“Nandoon sa kabilang kwarto at inaayusan na.”Pinuntahan niya ang kwartong sinasabi nito.Pagpasok niya ay nakaupo na si Aria at inaayusan ng buhok habang abala ito sa pagce-cellphone. Alam niyang nakita siya nitong pumasok pero hindi siya pinansin.“Maganda ka na kahit hindi ka magpapaayos, bunso…” sambit niya saka umupo sa tabi nito pero hindi siya pinansin.“Hey…” muling tawag niya. “I’m sorry, okay… pansinin mo naman ako.”“Bakit ka ba nanggugulo? Gust
“Babe... Aria is trying to escape from work. Aalis na daw siya, hindi pa nga tapos ang work niya,” sumbong ni Madison.“Si Dad ang nag-utos sa kanya, Madison.. si Dad naman ang boss dito at hindi ikaw, ‘di ba?” Naiinis na siya sa panggigipit ni Madison kay Aria.Nagulat si Madison sa pamamaraan ng kanyang pagsagot, agad itong kumapit sa kanyang braso. “Saan ba kayo pupunta? Pwede din ba akong sumama?”“Magpa-parlor lang si Aria, sasamahan siya namin.”“Huh? Hindi ba siya marunong? Bakit kailangan samahan niyo pang dalawa ni Gov?”“It’s none of your business, Madison.. sila ni Mommy ang sasamahan namin at hindi lang si Aria. Leave Aria alone.”Nakita niyang napapitlag si Madison. Palibhasa hindi kasi ito nasasaway, palagi niya itong pinagbibigyan sa mga kapritso nito. Pero ngayong nakikita niyang si Aria na ang kinakalaban nito, ay hindi siya papayag.“Babe... paano naman ako...” kumapit ito sa braso niya. “Pwede mo ba akong bisitahin sa condo ko mamaya? May ibibigay ako sayo...” malan
Mabilis niyang inubos ang kanyang lunch. Gusto niyang makausap si Aria at mag-explain. Si Madison naman ay halatang binabagalan ang pagkain, tila nahalata nito ang nasa isip niya.Nang sa wakas ay natapos na silang kumain, hinatid niya si Madison sa opisina nito. “Stay ka muna dito, babe…” sabi nito nang i-lock ang pinto. Marahan siya nitong tinulak sa couch saka kumandong sa kanya.“I miss you, babe... ilang araw na din tayong hindi nagse-sex. “Gusto mo ba akong bisitahin sa condo mamaya?” sabi nito habang hinahalikan siya sa leeg hanggang tenga. Kinagat pa siya ito sa leeg saka sinipsip doon.Napapikit siya. Noong una ay nag-iinit agad siya sa mga halik at pangfi-flirt ni Madison sa kanya, pero ngayon ay hindi na. Iba kasi ang nasa kanyang isip.“Babe... we’re in your office. Baka may makakita sa atin...” pigil niya sa dalaga.“Pero ginagawa naman natin ‘to dati, ‘di ba?” Walang tigil ito sa pagroromansa sa kanya. Ang kamay nito ay naglalakbay na din sa kanyang katawan. Akmang bubuk
“Ano ba... sa bahay magkasama din naman tayo kumain. Baka kung ano na ang sasabihin ng mga tao dito. Si Madison ang kulitin mo doon at hindi ako.” muling sabi ni Aria.“But you are my sister too!”Ewan, pero parang may nakita siyang pait sa mga mata ni Aria.“Sige na nga! Pero sa isang kondisyon... this will be the first and last. Kapag andito tayo sa opisina, huwag mo akong kulitin. Ayaw kong nilalapitan mo ako dito. Si Madison ang nobya mo at hindi ako. Alam mo namang nagseselos siya kapag kasama mo ako. Ayaw kong pinag-iinitan niya ako.”“Madison will understand dahil kapatid nga tayo, Aria. Hindi mo akong pwedeng pagbawalan...” pamimilit niya.Napangiwi ito at kinagat ang ibabang labi. He suddenly felt the heat. Gusto niya ding kagatin ang labi nito.“So… kakain na tayo?” pag-iiba niya ng usapan. Kung anu-ano na naman kasi ang mga naiisip niya.Tiningnan siya nito, sandaling nagdalawang-isip. “Sige, hintayin mo lang akong i-save ‘to.”Habang nagta-type pa si Aria, hindi niya mapig
CLARKSON'S POV:Mapait siyang napangiti. May nakita siyang lungkot sa mga mata ni Aria. Alam niyang may gusto ang kinakapatid sa kanya… at ganoon din naman siya. Pero natatakot siyang baka hindi niya mapanindigan, kaya pilit niyang pinapaalala sa kanyang sarili at kay Aria na magkapatid sila. Pero ang totoo ay nasasaktan din siya.Kagabi, nung una niya itong hinalikan ay hindi naman si Madison ang nasa isip niya. Of course, alam na alam niyang si Aria ang kahalikan niya. Ewan kung bakit niya nasambit si Madison… dahil ba takot siyang umasa si Aria sa kanya?“Aaaggghh! I’m the biggest asshole!”Wala sa sariling naglalakad at hindi alam na nakapasok na pala siya sa opisina ng dad niya.“Anak…” pukaw nito sa pagkatulala niya.“Ano ba ang iniisip mo at mukhang malalim ‘yan, huh?”Humugot siya ng malalim na hininga at umupo sa harap ng upuan nito.“I-it’s about Aria, Dad…”“What about her?”Tiningnan niya muna ang ama. Iniisip niya kung sasabihin niya ang problema, pero wala naman siyang m
Napayuko siya at mariing pumikit. Pilit niyang pinipigilan ang pag-init ng mga mata niya. Baby sister... Iyon lang talaga siya kay Clarkson. Wala palang kahulugan ang mga titig, ang mga biro, at ang yakap nito dahil isa lang siyang kapatid. “Aria...” tawag nito sa kanya nang mapansin siguro ang pananahimik niya. “Okay ka lang ba? Parang ang tahimik mo.” “Okay lang ako. Busy lang,” sagot niya, hindi man lang tumingin dito. Tinuon niya ang atensyon sa monitor ng computer at nag-type ng pinapagawa ni Madison. Kailangan niyang magmukhang busy para tigilan na siya ni Clarkson. “Good.” Ngumiti si Clarkson at tumayo. “I’ll check on Dad first, then I’ll come back for lunch, ha?” Ngumiti siya ng pilit. “S-sure.” Pagkaalis nito, saka siya napabuntong-hininga. Bakit ba ako umaasa? bulong niya sa isip. Alam ko namang wala akong karapatan. Habang tumatakbo ang oras, sinubukan niyang ibuhos sa trabaho ang sakit. Binilisan niya ang pag-type para matapos niya agad iyon. Maya-maya ay biglang