Mabilis niyang inubos ang kanyang lunch. Gusto niyang makausap si Aria at mag-explain. Si Madison naman ay halatang binabagalan ang pagkain, tila nahalata nito ang nasa isip niya.Nang sa wakas ay natapos na silang kumain, hinatid niya si Madison sa opisina nito. “Stay ka muna dito, babe…” sabi nito nang i-lock ang pinto. Marahan siya nitong tinulak sa couch saka kumandong sa kanya.“I miss you, babe... ilang araw na din tayong hindi nagse-sex. “Gusto mo ba akong bisitahin sa condo mamaya?” sabi nito habang hinahalikan siya sa leeg hanggang tenga. Kinagat pa siya ito sa leeg saka sinipsip doon.Napapikit siya. Noong una ay nag-iinit agad siya sa mga halik at pangfi-flirt ni Madison sa kanya, pero ngayon ay hindi na. Iba kasi ang nasa kanyang isip.“Babe... we’re in your office. Baka may makakita sa atin...” pigil niya sa dalaga.“Pero ginagawa naman natin ‘to dati, ‘di ba?” Walang tigil ito sa pagroromansa sa kanya. Ang kamay nito ay naglalakbay na din sa kanyang katawan. Akmang bubuk
“Ano ba... sa bahay magkasama din naman tayo kumain. Baka kung ano na ang sasabihin ng mga tao dito. Si Madison ang kulitin mo doon at hindi ako.” muling sabi ni Aria.“But you are my sister too!”Ewan, pero parang may nakita siyang pait sa mga mata ni Aria.“Sige na nga! Pero sa isang kondisyon... this will be the first and last. Kapag andito tayo sa opisina, huwag mo akong kulitin. Ayaw kong nilalapitan mo ako dito. Si Madison ang nobya mo at hindi ako. Alam mo namang nagseselos siya kapag kasama mo ako. Ayaw kong pinag-iinitan niya ako.”“Madison will understand dahil kapatid nga tayo, Aria. Hindi mo akong pwedeng pagbawalan...” pamimilit niya.Napangiwi ito at kinagat ang ibabang labi. He suddenly felt the heat. Gusto niya ding kagatin ang labi nito.“So… kakain na tayo?” pag-iiba niya ng usapan. Kung anu-ano na naman kasi ang mga naiisip niya.Tiningnan siya nito, sandaling nagdalawang-isip. “Sige, hintayin mo lang akong i-save ‘to.”Habang nagta-type pa si Aria, hindi niya mapig
CLARKSON'S POV:Mapait siyang napangiti. May nakita siyang lungkot sa mga mata ni Aria. Alam niyang may gusto ang kinakapatid sa kanya… at ganoon din naman siya. Pero natatakot siyang baka hindi niya mapanindigan, kaya pilit niyang pinapaalala sa kanyang sarili at kay Aria na magkapatid sila. Pero ang totoo ay nasasaktan din siya.Kagabi, nung una niya itong hinalikan ay hindi naman si Madison ang nasa isip niya. Of course, alam na alam niyang si Aria ang kahalikan niya. Ewan kung bakit niya nasambit si Madison… dahil ba takot siyang umasa si Aria sa kanya?“Aaaggghh! I’m the biggest asshole!”Wala sa sariling naglalakad at hindi alam na nakapasok na pala siya sa opisina ng dad niya.“Anak…” pukaw nito sa pagkatulala niya.“Ano ba ang iniisip mo at mukhang malalim ‘yan, huh?”Humugot siya ng malalim na hininga at umupo sa harap ng upuan nito.“I-it’s about Aria, Dad…”“What about her?”Tiningnan niya muna ang ama. Iniisip niya kung sasabihin niya ang problema, pero wala naman siyang m
Napayuko siya at mariing pumikit. Pilit niyang pinipigilan ang pag-init ng mga mata niya. Baby sister... Iyon lang talaga siya kay Clarkson. Wala palang kahulugan ang mga titig, ang mga biro, at ang yakap nito dahil isa lang siyang kapatid. “Aria...” tawag nito sa kanya nang mapansin siguro ang pananahimik niya. “Okay ka lang ba? Parang ang tahimik mo.” “Okay lang ako. Busy lang,” sagot niya, hindi man lang tumingin dito. Tinuon niya ang atensyon sa monitor ng computer at nag-type ng pinapagawa ni Madison. Kailangan niyang magmukhang busy para tigilan na siya ni Clarkson. “Good.” Ngumiti si Clarkson at tumayo. “I’ll check on Dad first, then I’ll come back for lunch, ha?” Ngumiti siya ng pilit. “S-sure.” Pagkaalis nito, saka siya napabuntong-hininga. Bakit ba ako umaasa? bulong niya sa isip. Alam ko namang wala akong karapatan. Habang tumatakbo ang oras, sinubukan niyang ibuhos sa trabaho ang sakit. Binilisan niya ang pag-type para matapos niya agad iyon. Maya-maya ay biglang
Hindi naman nagtagal ay pumasok si Clarkson.Umupo din ito sa upuan sa harap niya, sa desk ni Gov. Hindi niya ito pinansin. Nasa kay Gov lang ang atensyon niya.“Hi, bunso... next time be careful ha. Titingnan mo ang nilalakaran mo. Paano kung wala ako doon, eh di natumba ka?”Tiningnan niya lang si Clarkson na parang wala lang, saka muling tinuon ang atensyon kay Ninong Clark. “Ninong, may iuutos ka ba sa akin? Ano ba ipapagawa mo? Gusto mo pa ba ng isa pang kape?”“Hahaha... wag na, iha. Papatayin mo ba ako sa kape?”“Hihihi... syempre hindi, Ninong. Love kita eh.”“Bunso, pansinin mo naman ako...” biro ni Clarkson pero hindi niya ito pinansin. Maya-maya ay pumasok si Madison. Lihim siyang napangiwi... sinusundan talaga nito kung saan si Clarkson at siya. Grabe talaga ang pagka-praning nito.“Ahm, Aria... andiyan ka pala. May ipapagawa sana ako sa’yo.”Agad siyang tumayo. “Ninong, doon muna ako sa desk ko ha.”“Sige, iha.”“Samahan na kita, bunso.” Tumayo din si Clarkson at inakbaya
Humugot siya ng malalim na hininga at nag-ipon ng maraming pasensya. Nakaka-toxic pala ng Madison na yun. Maiintindihan niya kung galit ito dahil kay Clarkson, pero ang pagbintangan siyang tinutuhog ang mag-ama ay ibang usapan na yun.Gov. Clark is like a father to him. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na may tao palang mag-iisip sa kanila ng ganun.Pumasok siya sa cubicle at umupo siya sa kanyang table. Ookupahin niya ang table ng secretary ni Gov noon. Inayos niya ang mga nakakalat na papel sa kanyang lamesa. Sandaling kakalimutan niya ang sinabi ni Madison at mag-focus sa kanyang sarili. She will not let Madison ruin her day. First day niya iyon kaya dapat ay maging memorable iyon sa kanya.Habang abala ay nagulat siya nang biglang may pumasok na hindi man lang nagpasintabi... Si Madison na naman.“Aria, ipagtimpla mo ako ng kape.”“Huh? Bakit ako? Kaya mo namang timplahan ang sarili mo.”“Ako ang boss mo, remember? Di mo ba narinig ang sabi ni Gov? Ako ang magtuturo sa’yo ng lah