"Ngeeee.. Alis ka na.. tawagan mo nalang ako kapag babalik ka na para ipaghanda kita ng gusto mong kainin...." wika nya kay Ken. Mas gusto nyang umalis muna ito dahil hindi pa cya handa ulit pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina sa banyo.. Nasa loob na sila ng elevator pababa ng condo.... silang dalawa lang ang naroon kaya malaya silang makapag-usap "Promise?" "Oo naman! Makabayad man lang ako sa utang na loob ko sayo..." "Hindi utang na loob to Jonie.... Binayaran kita kaya andito ka... kahit pa alam ko na labag sa loob mo ito.." Nakita nyang nalungkot ito sa sinabi nito.. gusto sana nyang sabihin na hindi ito labag sa loob nya. Siguro noong una pero ngayon ay masaya cyang ginagawa ito... masaya cyang pinagsisilbihan ang lalaki. "Huuu!... drama ka pa jan Sir..hindi bagay sayo!!!" Sambit nya para pasahayinn ito. "Oh oww!..." nakangiting sambit ni Ken. "What????" Nagulat cya ng maalala ang sinabi. "Ay sorry!...." wika nya saka tinakpan ng kamay ang bibig.. nagkamali na naman
Binaling nya ang sarili sa trabaho kaya hindi nya napansin ang pagdating ni James.. "Hi beautiful!.." bati ni James sa kanya. Matalik itong kaibigan ng boss nya, matagal na nyang naramdaman na parang may pagtingin ito sa kanya dahil lagi itong nagpapahaging pero hindi nya iyon pinapansin. Technically ay bosss nya din itong si James dahil business partner ito ng boss nya na si Ken. Umupo ito sa silya sa harap ng table nya."Sir James ikaw pala... nasa loob po si Sir Ken." nakangiting wika nya. "Akala ko ba nasa Pampanga sya?" nagtatakang tanong nito. "Ah eh.. ewan ko po. puntahan mo nalang sya sa loob. Pag-iiwas nya. Baka mahalata ito sa kanilang dalawa... Ewan ba nya, hindi talaga cya makapag tago ng sekreto. parang feeling nya guilty cya lagi. Ayaw nya ng ganitong feeling. Hindi cya makagalaw ng maayos. Tumayo ito at pumasok sa office. Hindi na ito nag abala pang kumatok. "Hey bro... Bakit andito ka? akala ko ba nasa Pampanga ka?" "At bakit andito ka din kung ang alam
Nagbyahe na sila papuntang Pampanga. Nagkwentuhan lang sila sa byahe ng kung ano-ano. Masarap kausap si Jonie, masayahin ito... lahat ng joke nya ay tinatawanan ng dalaga. Hindi nya tuloy alam kung totoong nakakatawa cya o pinagbibigyan lang cya nito para hindi cya mapahiya.Pero sa palagay nya ay hindi naman pilit ang mga tawa nito. Mababaw lang kasi ang kaligayahan nito. Napakasarap sa pakiramdam nakakatawa na din sya dahil kay Jonie. Kapag sa opisina kasi ay napaka seryoso nya.. puro lang cya trabaho. "Do you want something to eat? May chips and soda jan sa likod." Wika nya. "Haay salamat, kanina pa ako gutom eh... Akala ko sa Pamapanga pa tayo makakakain!" Rekalamo naman ng dalaga sa kanya. Tumagilid si Jonie para kunin ang chips sa likod. Dahil sa laki ng boobs nito ay bahagyang nag tama ito sa braso nya. Lihim cyang napa-ungol pero isinawalang bahala nya yun. Mahirap na... nag da-drive cya kaya hindi cya pwedeng mag-imagine ng kung ano-ano ngayun. Binuskan ni Jonie ang c
JONIE POV: Nang makarating na sila bahay ni Ken sa Pampanga ay ngayun nya lang narealise ang nagawa nya. Paano kung mag tanong ang Papa nito kung sino sya? Ano ang isasagot nya? Bigla cyang kinabahan... papasok na ang sasakyan sa gate. May isang matandang naka wheelchair ang naka abang sa pag dating nila, malamang yun ang Papa ni Ken. Naunang bumaba si Ken sa sasakyan saka cya pinagbuksan ng pinto. Ayaw nya sana na gawin iyon ng binata pero mabilis itong kumilos.... wala na cyang nagawa kundi bumaba ng sasakyan. "Hi Pa!" Masayang bati ni Ken... "Nakalabas ka na pala ng ospital Pa?" Wika ni Ken na humalik sa pisngi ng ama. "Oo kanina pa... hinihintay nga kita pero ang sabi ni Gener ay nasa Manila ka daw." "Sorry Pa... may emergency lang akong inayos doon. I'm glad na okay ka na.." "Yes anak sa awa ng Diyos ay hindi naman ako nabalian ng husto." wika ng Papa ni Ken pero ang atensyon nito ay sa kanya. "At sino itong magandang dilag na kasama mo?" Namula cya sa komento ng ama ni
Binitawan ni Ken ang kamay nya... pasimpleng sinulyapan nya ito... malungkot na ang mukha nito tila apektado ito sa sinabi ng Sir Gilbert. "Iha.. ano pala ang pinagkakaabalahan mo sa buhay?" magiliw na tanong ni Gilbert sa kanya. "Ah Sir... Executive secretary po ako si Sir Ken. Bago palang ako sa work. kakagraduate ko lang kasi from college mga.. 4 months palang po ako sa EK Builders." Paliwanag nya. "Ah ganun ba.. mabuti naman at kinuha ka agad ng anak ko. Mapili pa naman yan sa mga empleyado." "Shes a Summa com Laude Pa kaya deserve nya mabigyan ng break.." pagsali ni Ken sa usapan nila ng ama nito. "ohh.. matalino ka pala kung ganun.. I'm impressed! Saan nga pala ang mga magulang mo?" Bigla cyang nalungkot ng maalala ang mama nya na nasa ospital. Muntik na tumulo ang luha nya pero pinigilan nya agad. Nakakahiya naman kung doon pa cya mag-drama. Nakakahiya kay Sir Girlbert, baka sabihin nito dramatista cya. "Ahm may mother is a teacher po Sir... kaya lang nag-retire na c
KEN: Malaki ang ngiti sa labi ni Ken ng lumabas ng kwarto ni Jonie. Naka iskor na naman cya sa dalaga at may utang pa itong dalawang halik sa kanya. Hindi nya maintindihan ang sarili pero parang kontento na cya sa paghahalikan palang nila ni Jonie.. its so true and real! "Ken!..." Nagulat cya ng may tumawag sa kanya.... ang Papa nya na nasa labas na kwarto nito na mukhang hinihintay sya. Hindi nya akalain na gising pa ito dahil madaling araw na. Tinaon nya talaga na lumabas sa kwarto ni Jonie ng madaling araw para walang makakakita sa kanya. "Pa... why are you still awake?" "Hinanap kita... pumunta ako sa kwarto mo pero wala ka doon." "Ahm.. andoon lang po ako sa kwarto ni Jonie Pa... may pinag-usapan lang kaming importanteng bagay." Pagdadahilan nya."Anong klasing lalaki ka na tumatambay sa kwarto ng secretary mo kung wala naman kayong relasyon?" Galit ng Papa nya sa kanya. "Pa.. why don't you leave me alone!" Nawawalan na cya ng pasencya at maisagot. Hindi cya makakalus
"Ang mabuti pa tara na at mag breakfast. Baka nagugutom na si Jonie." Putol ni Gilbert sa usapan. Naging awkward na naman kasi si Jonie. Marahang tinulak ni Jonie ang wheel chair ng Papa nya. Maagap naman cyang pumunta sa likod nito para agawin iyon. "Ako na ang magtutulak kay Papa." Wika nya. Hindi agad nakuha ni Jonie ang kamay nito kaya nahawakan nya ito... napapitlag ito sa ginawa nya. "S-sorry..." wika nya. Nagkatinginan silang dalawa, tumango lang ito sa kanya saka naglakad patiuna. Sumabay ito sa Papa nya samantlang sya ay nasa likuran ng dalawa. "Ahm Sir Miguel, ano po ang gusto mong kainin? Gusto mo ipagluto kita?" Magiliw na wika ni Jonie. Paraan din nito iyon para madisctract sa kanya. Napangiti cya... kahit papaano ay kilala nya na ang galawan ni Jonie. Basang-basa nya na ang ugali nito. "Talaga iha?... magaling ka ba maluto?" "Oo naman Sir!" pagbibida nito na parang bata. Ano ba ang paborito mong pagkain?" Tanong nito. Nakikinig lang cya sa usapan ng dalawa. ayaw n
Tahimik lang sila ni Jonie habang nag ba-byahe pauwi ng Manila. Naging uncomforable tuloy sila sa panunukso ng Papa nya. Kahapon ay okay naman sila nung pumunta sila sa rancho.. masaya naman ang byahe nila. Ngayon ay nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse nya. "Ah matulog muna ako ha.. hindi ako masyadong nakatulog sa bahay nyo, namamahay kasi ako" Wika ni Jonie saka pumikit ng mata. Alam nyang nag dadahilan lang ito. Naramdaman nya din sa mga galaw nito na naiilang ito sa kanya."Sige matulog ka lang jan... gigisingin nalang kita mamaya pagdating natin ng Manila." Wika nya. Mas maganda nga yun para hindi na rin cya mailang sa dalaga. Pasimpleng pinagmasdan nya si Jonie, nakapikit na ito. Hindi nya alam kung tulog talaga ito o nagtutulog-tulugan lang. Tama ang Papa nya.. ang swerte ng lalaking mapapangasawa ni Jonie. Lahat ata ng katangian na hinahanap ng isang lalaki sa isang babae ay nasa kay Jonie na. Bonus pa na virgin ang dalaga.. kung sakaling cya ang unang lalaking magi
Hindi siya napansin ng babae. Patuloy lang ito sa paglangoy paroo’t parito sa pool, at mukhang nag-e-enjoy.Hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga. Lalong nag-init ang katawan niya, para siyang manyak na naninilip kay Rosie na walang kaalam-alam na andoon na siya. Naramdaman niyang gusto nang kumawala ang junior niya.“Fuck! Ano ang gagawin ko?” Hindi siya pwedeng magpakita kay Rosie nang nasa ganoong sitwasyon. Hindi rin pwedeng hindi niya ito mailabas dahil sasakit ang kanyang puson! Pwede din siyang lumabas, hanapin si Samantha at yayain ito dahil mukhang game naman ang dalaga... pero ayaw niya.Pumasok siya sa CR. Hindi pa rin siya nakita ni Rosie dahil may glass door na nakapagitan sa kuwarto at sa swimming pool area.Pagpasok niya sa banyo ay dali-dali siyang naghubad ng damit at binuksan ang shower. Kahit doon man lang ay maibsan ang init ng katawan niya. Pero parang hindi sapat ang pagligo lang...Wala sa sariling kinapa niya ang kanyang alaga. Matigas na ito sa galit... gan
GRAY'S POV:Hindi siya papayag na umuwi sila ng Manila na hindi matikman ang labi ni Rosabel. Ang akala niya kagabi ay 'yun na 'yun... pero napurnada pa.Kung magiging first kiss siya ni Rosie, ay ganoon din naman siya. He never kissed a girl on the lips before... ayaw niya. Ang gusto niya, kapag gustong-gusto na niya ang babae, ay 'yun ang magiging first kiss niya. Si Rosabel na ba 'yon? tanong niya sa sarili.Alam niyang bad move 'yong desisyon niyang mag stop-over sila roon dahil sarili lang din niya ang pahihirapan niya. Ilang libong pagtitimpi ang inipon niya na walang gagawin kay Rosie. Ginagalang niya ang babae at ayaw niyang pagsamantalahan ito.Pero kung ibang babae lang iyon, ay baka naikama na niya ito. He's in heat, malibog siyang lalaki, at hindi uso sa kanya ang nagtitimpi.Inaamin niyang inaakit niya si Rosie sa pamamagitan ng paghuhubad sa harap ng dalaga, sa pasimpleng pagdadantay ng katawan niya sa katawan nito. Lalaki pa rin siya at hindi santo. Umaasa siyang bibig
Nag-drive na ito pabalik sa Manila... Wala na naman silang pansinan. Hindi man lang nito pinaandar ang audio para sana may konting ingay sa loob ng kotse. Pumikit na lang sya para kunyaring natutulog. Ayaw naman niyang mag-open ng conversation, hindi niya alam kung gusto din ni Gray na kausapin niya. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ang pagtulog-tulogan niya ay natuluyan. Dahil na din siguro sa antok at sa sarap ng aircon kaya mahimbing siyang nakatulog sa passenger's seat.Nang maalimpungatan ay napansin niyang nakatigil ang kotse. Pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nasa isang beach resort sila. "Where are we?" "Mag-stop over muna tayo dito... Pagod na akong mag-drive eh." Napatingin siya ng diretso dito. Ngayon pa ito nagreklamong pagod mag-drive samantalang nakapagpahinga naman ito sa bahay nila!?Hindi na siya nakapagreklamo ng nauna na itong bumaba ng kotse. Bumaba na din siya at sumunod sa likod nito, pumunta ito sa front desk."1 room, please." "Overnight
"Stop what, baby?...." pabulong na na tanong ni Gray. Ang hininga nito ay tumatama sa leeg at tenga niya."Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi? Iniisip ko 'yung naantala nating kiss.... Puwede ba nating ituloy?"Napapikit siya. There's a part of her na nadedemonyo at gustong pagbigyan si Gray pero after that kiss, anong mangyayari sa kanya? Aasa ang puso niya at masasaktan siya? Alam niyang laro lang ang lahat ng ito kay Gray.... Papayag ba siyang paglaruan lang siya nito?"Stop it, kuya… Let go of me..." mahinang pakiusap niya. "Anak ka ng amo ng nanay ko… Anak ako ng katulong niyo… Tigilan mo na ang paglalandi sa akin, please... Sa iba mo na lang gawin 'yan…”Pabulong niyang sabi habang nakayuko... Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na masambit ang lahat ng katagang iyon pero 'yon ang dapat. Ayaw niyang tuluyang mahulog ang loob niya kay Gray dahil sa patuloy nitong paglalandi sa kanya. Wala pa siyang karanasan sa pag-ibig at siguradong masasaktan lang siya s
Maaga siyang nagising para mag-prepare ng breakfast. Nagsasangag siya ng kanin, itlog at hotdog naman ang ulam na niluluto niya. Nag-iinit na din siya ng tubig para ready na mamaya sa kape nila.Tulog pa ang lahat maliban sa kanya. Di rin siya nakatulog masyado dahil sa hilik ng lolo at lola niya. Marahil ay sanay na ang mga ito sa ingay ng isa’t isa kaya mahimbing pa din ang tulog ng mga abuelo. Tila nag-uusap pa din ang dalawang matanda sa pamamagitan ng kanilang paghihilik. Natatawa na lang siya.Naalala niya ang kanyang bisita na si Gray. Kamusta na kaya ito sa kwarto niya? Komportable ba siya? Nakatulog ba siya ng maayos? Bigla siyang kinilig nang maalalang kamuntikan na siyang magpahalik kay Gray. Kung hindi lang sila kinatok ng lolo niya kagabi, malamang mararanasan na sana niya ang kanyang "first kiss"!Hindi niya alam kung bakit kapag andyan si Gray ay naiilang siya. Ang lakas kasi ng dating ng lalaki na parang hinihigop nito ang lakas niya, para siyang nahihipnotismo. Iyon s
"D-doon ka na lang sa kwarto ko. Iyong lang kasi ang may aircon. Doon na lang ako matutulog sa kwarto ni Lolo at Lola.""H-hindi... nakakahiya naman. Aagawan pa kita ng room. We can share room if you want.""Huh?.... Ah eh...""Don't worry, wala akong gagawin sa'yo....""Huh? Parang tanga 'to! Di ko iniisip 'yan noh... Paano mo naman nasabi 'yan?" Agad na sagot niya pero ang totoo ay naliing na siya."Where's your room? Antok at pagod na din kasi ako...""Huh? Ah eh, dito..." Agad siyang nagpauna sa kwarto niya at binuksan iyon.Malaki naman ang kwarto niya. Dalawa kasi sila ng nanay niya doon kapag umuuwi ito sa Baguio."Dito na lang ako sa floor. Ikaw na d'yan sa kama." sabi nito"Sure ka ba, kuya?... Baka hindi ka sanay?""I'm gonna be okay...""S-Sige... Nasa labas pala ang banyo kung gusto mong maligo muna."Kumuha siya ng malinis na tuwalya sa cabinet niya at ibinigay kay Gray."Thanks, Rosie..." wika nito saka pumunta sa banyo.Nakahinga siya ng maluwag nang siya na lang ang n
"Tikman mo na, Kuya," muling sabi nito. Natatawang kinuha niya ang kutsara at tinikman ang ulam. Napangiti siya nang malasahan ang pinagmamalaki nitong paboritong ulam.Nagtatalo ang anghang at asim na may konting alat dahil sa bagoong. Dumagdag pa sa sarap ang malambot nitong baboy saka ang pritong talong na nakahalo doon."Masarap nga siya, Lola... I think ito na din ang paborito ko. Mukhang mapapadami ang kain ko nito." nakangiting wika niya."I told you!... masarap kasi magluto ang Lola ko.""Huuu! Binola pa ako ng apo ko!" natatawang wika ng matanda"Because you're the best, Lola!""Paano naman ako, apo?" sabat naman ng Lolo nitong mukhang nagtatampo."Syempre, the best ka din, Lolo!""Hhmmm... Kaya ikaw ang paborito naming apo, eh.""Eh Lolo, ako lang naman ang apo niyo, eh!""Ay ganun ba? Hahaha..."Pati siya ay natawa sa pag-uusap ng mga ito. Bigla niya tuloy na-miss ang Lolo Gregore at Lola Beth niya. He missed his Lolo Gilbert too, pero kasalukuyan itong nasa America kasama
Nakangiti si Rosie habang binaba ang telepono. Tinapos na nito ang pakikipag-usap sa kapatid niya.How he wished na ganoon din ka-sweet si Rosabel sa kanya. Oo, ngayon okay sila. Pero hindi siya sigurado pagdating nila sa Manila. Baka mag-iba naman ang pakikitungo nito sa kanya.“Mhie... uwi na kami, ha.” Paalam ng mga kaibigan ni Rosie. Isa-isa itong nagtayuan saka yumakap kay Rosabel.“Bisitahin mo kami ulit dito kapag may time ka, ha...” Nalungkot ang mga ito.“Sir Gray, ikaw na ang bahala sa kaibigan namin, ha.”“Oo naman.” sagot nya.“Wag nga kayo ganyan. Amo ko siya, kaya wag niyo siya utusan!” inis na sabi ni Rosie.“Ay oo nga pala. Pasensya na, Sir Gray. Basta mhie, ingat ka dun. Mag-update ka lagi sa group chat natin sa mga nangyayari sa'yo dun, ha.”“Ok, mga mhie...” naluluha ding wika ni Rosie. Alam niya masakit din 'yun para kay Rosie.Nang nagkahiwa-hiwalay na sila, ay sumakay na sila ni Rosie sa kotse niya. Tinuro nito kung saan ang bahay nito para ihatid niya.“Dito na
"Hahaha... Sorry, I can't help it."Parang mahihirapan talaga siya kay Rosabel. Kung ibang babae lang ito, ay baka naglumpasay na sa kilig kapag binanatan niya ng kanyang mga pambobola. Pero iba si Rosabel. Supalpal siya palagi dito.Pero sa kabila ng lahat ay sobrang saya niya na nagkakausap na sila ni Rosie ng gano'n. Komportable na ito sa kanya, pakiramdam niya ay close na sila. Nakatulong siguro ang ambiance at malamig na hangin sa Baguio kaya sila naging at ease sa isa't isa.Pinagpatuloy pa niya ang pagsagwan. Nang nilibot niya ang mata sa paligid, ay napansin niyang sila na lang pala ang naroroon. Ang mga kaibigan ni Rosie ay andoon na sa waiting area at naghihintay sa kanila. Napasarap ang pagkukuwentuhan nila ni Rosie."Tara na sa kanila..." aya nito. Tumango siya at nagsagwan pabalik sa pampang."Bati na ba tayo? Hindi ka na galit sa akin?""Galit? Hindi naman ako galit ah.""'Di ba galit ka kahapon dahil hindi ko tinupad ang pangako kong ilibre kita ng milktea?""Ahahaha...