*************KEN POV:Kasalukuyan silang nasa ospital ni Jonie para magpa-checkup. Hindi niya kailanman pinalalampas ang pagsama sa asawa tuwing may checkup ito sa doktor.Pinangako nya iyon sa sarili na personal nyang aalagaan ang asawa sa pagbubuntis nito dahil hindi nya iyon na experience noong pinagbubuntis nito si Gray."Doc, kamusta po ang baby namin?" tanong niya sa doktor."The baby is fine, Mr. Enriquez. Malakas ang heartbeat niya, ibig sabihin, healthy siya. Kailangan lang ng konting pag-iingat dahil ayaw nating maulit ang nangyari noon. Baka sa susunod ay hindi na makaligtas si baby, pati na rin si Jonie," wika ng doktor, na tumutukoy sa pagkahulog ni Jonie sa hagdan. "Pero huwag kang mag-alala, Mr. Enriquez, alam kong iingatan mo ang asawa mo kaya hindi na mangyayari iyon," dagdag pa ng doktor nang makita ang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Ken.Magkahalong lungkot at galit ang naramdaman niya sa narinig mula sa doktor. "Yes, doc, iingatan ko ang mag-ina ko," sabi niya
Pagdating nila sa rancho ay sakto namang nagising si Jonie. Lumiwanag ang mukha nito nang makita ang kanilang kaibigan na naroon na at naghihintay sa kanila."Bestie!" sigaw ni Fe, sabay kaway sa kanila. Napailing na lang siya. Parang matagal nang hindi nagkita ang dalawa, kahit gabi-gabi naman silang nag-uusap tungkol sa preparation ng kasal nila.Pag-stop ng kotse ay agad bumaba si Jonie. "Slow down!" bilin niya sa asawa. Napalakas ang boses niya dahil pabara-bara itong bumaba, tila nakalimutan na naman na buntis ito. Napabuntong-hininga na lang siya."Bestfriend!" sigaw ng dalawa sabay yakap. Nagtinginan na lang sila ni Clark."Para kayong isang taon nang hindi nagkita ah!" komento ni Clark."Na-miss lang namin ang isa't isa. Hihihi..." sagot ni Fe.Nabaling ang atensyon nila nang pumasok ang kotse ni James sa rancho. Nakatuon ang mata nila roon."Himala! Nagpakita ka!" sigaw niya.Nakangiti pa ito habang papalapit sa kanila."Bakit naman? Over naman ang reaksyon niyo!" sigaw ni Ja
WEDDING DAY! Dumating na ang araw! Ngayon na ang araw ng kasal nina Jonie at Ken. Di mapakali si Jonie sa kanyang kwarto. Naroon na rin ang mga bisita, karamihan ay mga prominenteng tao na kilala nila. Isa ito sa pinaka-magarbong kasal sa kasaysayan!"Napakaganda mo naman, Madam!" nakangiting wika ng mga baklang nag-aayos sa kanya."Oo nga, daig mo pa ang mga artista, Madam. Talo mo sila sa ganda mo," sambit ng isa pa. Tatlo ang stylists na nag-aayos sa kanya para sa kasal na iyon, at manghang-mangha sila sa angking kagandahan niya.Napatingin siya sa salamin, at maging siya ay namamangha sa ganda ng pagkakaayos nila sa kanya. Para bang hindi niya nakilala ang sarili niya."Ang galing niyo kasi mag-ayos kaya gumanda ako," puri niya sa mga ito."Hindi, Madam! Natural lang talaga ang ganda mo, kaya lalo pang na-enhance.""Tigilan niyo na nga ako sa kapupuri. May bonus na kayo mamaya!""Yeeeh! Si Madam talaga, maganda na mabait pa. Napakaswerte naman ni Sir Ken!""Swerte din naman ako s
Kumpadre, salamat sa pagtanggap sa anak ko. Ako rin ay may pagkukulang sa panghihimasok sa relasyon ng mga anak natin. Matagal ko nang alam na may anak sina Ken at Jonie, pero hindi ko alam na anak mo pala ang nakabuntis sa anak ko. Kung hindi mo siya anak, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. Kaya patawarin mo ako sa pagtatago ko ng apo nating si Gray sa'yo. "You knew, Pa?" gulat na tanong ni Jonie. "Of course, iha. Pinaimbestigahan ko na siya agad noong sinabi mong buntis ka, kahit pa hindi mo sinabi kung sino ang ama." "Yun din ang dahilan kung bakit ayaw kong magkabalikan ang dalawa noon, kumpadre, dahil natatakot ako sa maaaring gawin mo sa anak ko. He's all I have, and I was scared na kung malaman mong nasaktan niya ang anak mo, baka parusahan mo si Ken," naluluhang sabi ni Papa Gilbert. "Hahaha! Mabuti na lang at naging anak mo siya at hindi nya natikman ang paghihiganti ko, kumpadre! Pero kidding aside, maswerte pa rin tayo dahil ang mga anak natin ang nagkatuluyan, kah
Nang magkatabi na sila sa altar ay magkahawak ang kanilang mga kamay ni Ken. Halos hindi na niya maintindihan ang mga sinasabi ni Father sa sobrang saya.Panay din ang pisil ng asawa sa kamay niya. Napatingin siya rito nang tinutusok-tusok ng hintuturo nito ang gitnang palad niya. Hindi nito sinalubong ang tingin niya pero may malaking ngisi sa labi nito na nakakaloko. Alam niya ang gusto nitong mangyari... inaakit siya nito sa gitna ng maraming tao at sa harap ng pari! Napakapilyo ng asawa niya! Ginagawa ito ni Ken sa kanya kapag nasa publikong lugar sila o kapag maraming kasama at mag-aaya ito ng sex. Iyon ang kanilang hand signal bilang mag-asawa! Baka sabihin ng iba na naglalandian na sila kahit hindi pa tapos ang seremonya! Gusto niyang humagikhik dahil nakikiliti siya, kung hindi lang nakakahiyang gawin sa harap ng pari at mga bisita.Bumalik lang ang atensyon nila sa pari nang umpisahan na nitong basahin ang kanilang mga panata. Nagharap silang dalawa, hawak nito ang dalawa niy
***************KEN POV:Napakasaya ng kanilang after weddingg party kung saan ay doon din sa rancho ginanap. Lahat ng mga kaibigan at mahal sa buhay nila ay naroon. Sinayaw si Papa Gregore ang anak nitong si Jonie, pagkatapos ay ang Papa Gilbert nya naman ang nakipag sayaw sa asawa nya. Napatingin sya sa mga ito. pakiramdaan nya ay muling bumalik ang closeness ng ama nya at ni Jonie. Napangiti cya, ang sarap sa pakiramdam na ang dalawa nyang mahal sa buhay ay nagkasundo na. "Excuse me 'Pa, pwede ko bang mahiram ang aking esposa?" paalam nya sa ama at kinuha ang kamay ng nito. "Of course Iho, dance with your wife. Nagpapasalalamat ako at natupad ang dasal ko na kayo talaga ang nagkatuluyan, take care of your wife, anak. Magmahalan kayo" wika ng papa nya saka umalis na. "Ano ang nangyari ka Papa? bakit parang may kakaiba sa kanya?" Tanong nya sa asawa habang sumasayaw sila."Nagheart to heart talk na kami ni papa Gilbert kanina, babe and Im also happy dahil bumalik na ang dati nam
Tapos na ang party, at nagsiuwian na ang ibang mga bisita. Ang natitira na lamang ay ang mga malalapit nilang kaibigan na doon na makikitulog sa rancho.Maya-maya ay nag-vibrate ang cellphone sa bulsa niya. Naka-silent mode pa rin pala iyon. Sinilent niya iyon habang kinakasal sila ni Jonie, baka kasi may biglang tumawag sa kanya at nakakahiya.Nagtaka siya nang makitang number lang ang lumalabas—hindi naka-save ang number sa cellphone niya. Hindi niya ito pinansin at pinindot ang off button. Akmang ibabalik na niya ang cellphone sa bulsa nang muling nag-ring ito. Tumayo siya at lumayo nang kaunti sa mga kaibigan at asawa, baka importante iyon kaya napagdesisyunan niyang sagutin.“Hello?” tamad na sagot niya.“H-hello, Kuya Ken...”Pakiramdam niya ay ang lahat ng dugo niya ay umakyat sa ulo niya nang marinig ang boses ni Bebe.“Kuya, please, don’t hang up the phone... Alam kong ayaw mo akong kausapin, pero nakikiusap ako, pakinggan mo muna ako…”Humugot muna siya ng malalim na hininga
Magkahawak sila ng kamay habang paakyat ng pangalawang palapag. Pinipisil-pisil niya ang kamay nito."Are you happy, wifey?" tanong niya."Of course, I’m happy, hubby! It’s our dream come true!" sagot nitong nakangiti nang malapad. "Sayang nga lang at hindi nakapunta si Bebe, pero baka hindi pa siya handa." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya nang maalala ang pinsan."Halika, may ipapakita ako sa’yo," sabi niya saka tumungo sa kwarto ni Bebe."What are we doing here? Ano ang gagawin natin sa kwarto ni Bebe? Wag mong sabihing dito tayo magho-honeymoon?" tanong niya nang lumaki ang mga mata."Of course not!" natatawang sagot niya.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at nanlaki ang mga mata ni Jonie nang makita na nasa loob si Bebe, luhaang nakatingin sa kanila."Bebe!" umiiyak na sabi ni Jonie habang mabilis na niyakap ang pinsan. Pumasok din siya at isinara ang pinto, ayaw niyang may makakita na andoon si Bebe."Ate… huhuhu.." bumulahaw sa iyak si Bebe. Halos hindi na makapagsalita
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis
Nakarating lang sila ng bahay nang magulo ang isip niya. Palaisipan sa kanya ang sinabi ni Gray... Bakit siya nito titikman? Ano ang ibig sabihin nun?Oo nga’t virgin siya pero hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay.“We're here... anunsyo nito.”Nauna itong bumaba saka inalalayan si Lilly na makababa. Sumunod siya, hinawakan siya nito sa braso para alalayan. Sandali siyang napaigtad, parang napaso siya sa mga hawak ni Gray. Oo nga’t dati pa niya naramdaman 'yon pero ngayon ay mas lalong pinaigting ang kanyang damdamin sa lalaki. Nagkaroon siya ng malisya bigla kay Gray, lalo pa nang makababa na siya at hindi pa nito binitawan agad ang kamay niya. Ang lapit ng katawan nila sa isa’t isa na napakalapit na ng ilong niya sa katawan nito at naamoy niya ang mamahaling pabango ng binata.“Hey guys!” masayang salubong ni Ma'am Jonie sa kanila. Nakasunod dito ang asawang si Sir Ken. Agad siyang binitawan ni Gray at umikot sa compartment para kunin ang mga pinamili.“Hey mom! We're here
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat