로그인Samantala ...Nasa isang tahimik na sulok ng isang bar si Lewis, mag-isa at tahimik na umiinom. Sa harap niya ay isang baso ng whiskey na kanina pa niya hawak, marahang iniikot ang laman habang nakatulala sa mga yelong unti-unting natutunaw.Maingay ang paligid, may mga taong nagtatawanan, may mga magkakaibigang nagkukuwentuhan, at may musikang umaalingawngaw sa buong lugar. Pero kahit napapaligiran siya ng mga tao, pakiramdam niya ay mag-isa pa rin siya.Hindi niya maiwasang isipin ang nangyari kanina. Sandali siyang nakaramdam ng hindi pagiging komportable mula nang silang dalawa lang ni Catriona ang magkasama sa iisang bahay.Oo, siya mismo ang nagprisinta na samahan ito papuntang Paris. Alam niyang mas magiging panatag si Catriona lalo na’t sa mga nangyari noong mga nakaraang araw. Bilang pinsan nito, natural lang para sa kanya na protektahan ito.Pero mula nang silang dalawa na lang ang nasa apartment, parang may kakaibang pagbabago sa kilos ni Catriona. Hindi niya maintindihan,
Dali-dali niyang kinuha ang cellphone na nakapatong sa bedside table at agad na hinanap ang pangalan ni Lewis sa contacts. Ilang segundo lang siyang naghintay bago nito sinagot ang tawag.“Hello?”Bahagya siyang nakahinga, pero hindi niya hinayaang marinig nito ang anumang kaba sa kanyang boses.“Where are you, Lewis? Bakit wala ka dito sa kwarto mo?”Sa halip na sagutin ang tanong niya, tila nagulat pa si Lewis sa narinig. “You went into my room?”Napakurap siya. Sandali siyang natigilan bago mabilis na nag-isip ng dahilan.“Ah… eh… kasi may ipis sa kwarto ko. Gusto ko sanang makitulog sa kwarto mo, pero wala ka roon.” Pagdadahilan niya.Tahimik sa kabilang linya. Napakagat siya ng kanyang labi. Ramdam niyang unti-unting umiinit ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung naniniwala ba si Lewis sa palusot niya o sadyang pinagdududahan na nito ang tunay niyang pakay.“Do you think it’s appropriate, Catriona?”Nanigas siya, hindi siya agad nakasagot. Nahalata kaya nito ang plano niya? Nan
Tinapos niya ang pagligo na may ngiti sa mga labi. Habang pinupunasan ang basang buhok, hindi niya mapigilang mapangiti sa sarili. Sa dami ng nangyari sa kanyang buhay nitong mga nakaraang araw, sa lahat ng problema, takot, at maling desisyong ginawa niya, ngayon lang niya muling naramdaman ang kakaibang gaan sa kanyang dibdib.Ngayon lang siya muling sumaya. At habang nakatitig siya sa kanyang repleksiyon sa salamin, isang tanong ang biglang pumasok sa kanyang isip.Bakit ngayon lang niya naisip iyon? Kung hindi siya humabol kay Tyler noon… kung hindi niya ibinigay ang lahat ng atensiyon niya rito at sa halip ay pinili na lang niyang bigyan ng atensyon si Lewis, marahil ay hindi na sana humantong sa ganito ang lahat.Hindi sana siya napilitang makipagsabwatan kay Arthur. Hindi sana niya inilagay sa panganib ang sarili niyang buhay. At higit sa lahat, hindi sana siya napunta sa sitwasyong ngayon ay pilit niyang inaayos.Napabuntong-hininga siya. Maaari siyang magsisi habang buhay, per
Tahimik lang si Lewis habang kumakain. Wala itong kamalay-malay na habang abala siya sa kaniyang pagkain, ibang-iba naman ang takbo ng isip ni Catriona. Sa halip na pagkain ang iniisip, si Lewis ang unti-unting pumupuno sa kaniyang isipan.Pinagpapantasyahan na niya ang sarili niyang “pinsan.” Hindi niya alam kung kailan eksaktong nagsimulang magbago ang paraan ng pagtingin niya rito. Siguro dahil sa lahat ng nangyari sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Siguro dahil si Lewis ang taong nanatili sa tabi niya nang pakiramdam niya ay wala nang ibang kakampi sa kaniya. O baka… Sadyang ngayon lang niya napansin kung gaano ito ka-attractive.Muli siyang pasimpleng napatingin dito. What if…“Are you done, Catriona?”Napakurap siya at agad na ibinalik ang atensiyon sa kaniyang plato. “Huh?”Tumingin si Lewis sa kaniya. “You’re not eating anymore.”Napatingin siya sa natitira niyang pizza. Hindi niya namalayang matagal na pala siyang hindi kumakain.“Yes. I’m done.”Tumango si Lewis. “Okay.”T
“Ang mabuti pa, halika na. Bumili ako ng pizza. Kumain ka muna. I know you’re tired. Take a rest after we eat.”Maingat na inalalayan ni Lewis si Catriona patungo sa dining area. Hindi niya ito pinilit magsalita at hindi rin niya muling tinanong kung bakit ito umiiyak. Alam niyang kailangan muna nitong huminga at makapagpahinga matapos ang lahat ng pinagdaanan nito.Pagdating nila sa mesa, agad na sumalubong sa kanila ang amoy ng bagong-biling pizza. Karaniwan, sapat na ang amoy na iyon para magutom si Catriona.Pero ngayon, wala man lang siyang naramdamang gana. Parang nawalan ng panlasa ang kaniyang bibig at ng interes ang kaniyang tiyan sa pagkain. Naupo siya nang tahimik habang si Lewis naman ay inilalabas ang mga pagkain mula sa paper bag.Kumuha ito ng isang slice ng pizza at inilagay sa kaniyang plato. “Eat.”Napatingin siya rito. “I’m not hungry.”“I know,” sagot ni Lewis. “Pero kailangan mong kumain kahit kaunti.”Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Kinuha niya ang pizza at
Samantala, sa kabilang dako ng mundo...Kasalukuyang nakatayo si Catriona sa harap ng floor-to-ceiling window ng kaniyang apartment sa Paris. Tahimik siyang nakatanaw sa labas habang pinamamasdan ang nagkikislapang mga ilaw ng matataas na gusali. Sa kaniyang kamay ay may hawak na baso ng wine, umaasang kahit kaunti ay mapapakalma ng wine na yun ang magulong isip niya.Kakarating lang nila ni Lewis sa Paris. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon, pagkalabas na pagkalabas niya ng ospital, agad niyang pinilit si Lolo Craig na asikasuhin ang kanilang paglipad. Ayaw na niyang manatili pa sa Scotland kahit isang gabi. Ayaw niyang maulit ang lahat, ayaw niyang muling makita si Arthur.Alam niyang nagdududa ang pamilya nya sa bigla niyang pagnanais na umalis. Marahil ay iniisip nilang trauma lang ang dahilan kung bakit gusto niyang lumayo. At sa huli, iyon din naman ang ipinakita niya sa lahat.Na-trauma siya oo, hindi naman iyon kasinungalingan. Nakakatrauma talaga ang lahat ng nangyari.Pe
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na ang photoshoot. She was exhausted, but satisfied.“Great job, everyone!” sigaw ni Kelly. “This is going to be amazing!”“Thank you, Kelly. I’m so glad you liked it.” nakangiting sabi nya sa kaibigan“Liked it? I loved it! This is going to be the talk of the to
"Wag! Bitawan mo ako, Dylan! Bitawan mo ako!!!"Hawak siya ni Dylan sa kamay at nanlilisik ang mga mata nito na parang demonyo. Sa sobrang pagpupumiglas niya na makawala sa pagkakahawak ni Dylan ay nahulog siya mula sa kung saan.Napamulat siya ng mata at palinga-linga sa paligid. Nasa kwarto siya
ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma
"Pagod ka na ba?" tanong ni Precious nang mahalata nito ang pananahimik niya."Medyo..." pagsisinungaling niya. Pero ang totoo ay iniisip niya si Finn."Ahm, lalabas lang ako sandali para makalanghap ng sariwang hangin.""Sure... tatawagan na lang kita kapag kailangan ka dito."Tumango siya saka lu







