Ang Asawa Kong No Read No Write

Ang Asawa Kong No Read No Write

last update最終更新日 : 2025-09-27
作家:  Miss Jesszzたった今更新されました
言語: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 評価. 1 レビュー
7チャプター
18ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

Drama

First-Person POV

CEO

Billionaire

Goodgirl

Forgiveness

Misunderstanding

Weak to Strong

Elaina Hernandez grew up in a poor family. She is the eldest of eight siblings. Because of the poverty, and the numbers off siblings she failed to study.Until Oliver Arkin Delavega a businessman and rich man,came into her life. He immediately proposed marriage to her. She rejected him several times because of her status and their life span.Langit ito,habang siya naman ay lupa. But the your Delavega did not stop him. He did everything he could. And it succeeded. But she never thought that by marrying a Delavega ay magiging usap usapan at tampulan siya ng pangungutya.Pang aalipusta sa mismong pamilya ng kanyang asawa.Sa pag papakasal ni Elaina kay Arkin ay naging magulo ang buhay niya. Tiniis niya ang pananakit sa kanya ni Donya Octavia. Alang -alang kay Arkin na mahal niyang Asawa.Ngunit hanggang saan nga ba Ang kayang gawin na pag titiis ni Elaina kung pati ang asawa niya ay tila sinukuan na rin siya. Paano kung malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya pinakasalan ng kanyang asawa. Magagawa parin kaya niyang ipaglaban ito,o tuluyan ng sukuan ang pagmamahal niya para sa asawa.

もっと見る

第1話

Simula:Pagmamalupit ng biyenan.

“Hoy, babae! Tumayo ka na diyan! Anong akala mo? Porke’t kasal ka na sa anak ko, magbubuhay-reyna ka na dito sa pamamahay ko?!” galit na sita na naman sa kanya ni Doña Octavia nang maabutan siya nitong nagpapahinga sa kwarto nilang mag-asawa.

Dahil masama nga ang pakiramdam niya, hindi niya agad nagawang bumangon nang maaga. At heto nga, pinuntahan na naman siya ng malupit niyang biyenan sa silid nilang mag-asawa. Halos sumakit ang buong katawan niya dahil sa paglilinis ng buong mansiyon kahapon. May okasyon kasi kahapon sa mansiyon ng mga Delavega, at matapos iyon, pinalinis sa kanya ng malupit niyang biyenan ang lahat ng kalat. Ni hindi man lang siya pinatulungan ng mga maid na naroroon.

“P-pasensya na po, Ma… pagod at masakit po kasi ang buong katawan ko,” saad niya at dahan-dahan ang ginawang pagbabangon sa kama.

Imbes na maawa sa kanya ang biyenan, nagawa pa siya nitong hablutin mula sa kama.

“Sabihin mo, umaarte ka lang! Hoy, babae! Ito ang i*****k mo sa kokote mo ha,hindi porke’t asawa ka ng anak ko ay magagawa mo nang magpasarap sa buhay!” saad nito habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

“Mama… nasasaktan po ako,” halos mangiyak-ngiyak na siya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang braso.

“Talagang masasaktan ka, babae ka! Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan sa’yo ng anak ko at ikaw pa ang pinakasalan niya! Bukod sa walang pinag-aralan, bobo,hindi marunong bumasa, ay hampas-lupa pa!” ani nito at bigla siyang hinila sa buhok.

“Mama, tama na po… n-nasasaktan na po ako!” reklamo niya sa malupit na biyenan. Ngunit tila bingi ito at patuloy lang sa paghila sa kanyang buhok. Kinakaladkad siya nito patungo sa laundry area.

“’Yan! Labhan mo lahat ‘yan! Nang magkaroon ka naman ng silbi dito sa pamamahay ko! At huwag na huwag mong gagamitin ang washing machine ko kung ayaw mong malintikan sa’kin! Total naman, sanay ka sa hirap, kamayin mo lahat ng mga ‘yan!”

Ani Doña Octavia sabay pabalang na binitawan siya at iniwan. Muntik pa siyang masubsob dahil sa lakas ng pagkakatulak sa kanya ng matandang doña.

Mangiyak-ngiyak siyang tumingin sa mahahabang kurtina na may mga kalakihan at marurumi. Alam niyang sinadya na naman ng donya na lagyan ng dumi ang mga iyon. Ganito na lagi ang ginagawa sa kanya ni Doña Octavia—ang pahirapan at pagmalupitan siya kapag nasa malayo o ibang bansa ang kanyang asawa.

Akala niya’y ayos na ang lahat nang makipagbati ito kay Arkin at inalok pa silang dito na tumira sa mansiyon. Ngunit hindi niya akalain na doon lang pala siya lalo pahihirapan at pagbubuntunan ng poot ng ina ng kanyang asawa.

Umiiyak niyang kinuha ang malalaking kurtina at sinimulang labhan nang mano-mano. Sanay naman siya sa mabibigat na gawain, ngunit ang hindi niya kaya ay ang paulit-ulit na pang-aalipusta at paghamak sa kanya ng nanay ni Arkin.

Matapos ang dalawang oras at kalahati, natapos din niya ang isang katerba ng mga kurtina. Napangiwi siya nang kumalam ang sikmura. Wala pa pala siyang almusal. Nagmamadali niyang sinampay ang mabibigat na kurtina bago tinungo ang kusina. Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo niya nang makita na walang kahit anong laman ang mga kaldero.

Gutom na nga siya, masama pa ang pakiramdam, tapos heto—wala man lang makain. Gusto na naman niyang maiyak dahil sa kanyang sitwasyon. Kung naririto lang sana ang kanyang asawa, hindi niya mararanasan ang ganitong pagmamalupit mula sa ina nito.

Humihikbi siyang nagbukas ng ref, nagbabaka-sakaling makakita ng makakain. Ngunit lalo lang siyang nanlumo nang makita na walang laman iyon kundi puro malamig na tubig. Kumuha siya ng baso, nagsalin, at agad ininom iyon. Kahit paano’y bahagya siyang nabusog.

Palabas na siya ng kusina nang makasalubong niya ang mayordoma ng mansiyon na si Aling Erma. Habag ang nangingibabaw sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

“P-pasensya ka na, Elaina… pinag-utos kasi ni Doña Octavia na huwag kang pakainin ngayong tanghali. H-hindi naman namin magawang suwayin… alam mo naman ang ugali ng matapobreng biyenan mo. Kapag nahuli kaming nagbibigay sa’yo ng pagkain, kami ang malilintikan,” ani Aling Erma.

Hapo na tumango na lamang siya sa matanda. Alam niya na mahigpit na binalaan ni Doña Octavia ang lahat ng maid na huwag siyang pakainin o tulungan sa mga ipinagagawa.

Tahimik siyang tumalikod at bumalik sa laundry area. May mga damit na dinala doon si Arlene kanina, pinalalabhan daw ni Doña Octavia. Wala siyang nagawa kundi labhan din ang mga iyon.

Mas lalo nang nanakit ang kanyang mga kamay. Halos mamula at magsugat-sugat na ang kanyang palapulsuhan sa dami ng nilabhang kurtina. At ngayon, may pahabol pang mga damit.

Napahinga siya nang malalim, halos mawalan ng lakas. Ngunit pinilit pa rin niyang ipagpatuloy. Hindi dahil sa takot, kundi dahil alam niyang wala siyang ibang magagawa.

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

コメント

user avatar
Miss Jesszz
Hello mga mie!This is my new story po. Sana ay suportahan ninyo po akong muli. Paki add to lib na rin po ako and comment na rin. Maari nyo rin po akong i add sa aking fb account na Ebonee Writes. Iyon lamang po. Maraming salamat.
2025-09-30 12:00:42
0
7 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status