Natutulala na lang siya habang nakatitig sa kisame. Hindi niya alam kung "blessing in disguise" ba ang biglaang pagpapakasal niya kay Amber o isa itong patibong para sa kanya.Muli niyang kinuha ang cellphone... tatawagan niya ang kapatid niyang si John. Hindi man sila palaging nag-uusap pero close naman sila. Masyado lang silang naging busy kaya hindi sila nakakakapag-usap. Pero kapag may pagkakataon, tinatawagan niya ito. Taliwas sa sinabi ng daddy niya na wala siyang pakialam sa bunsong kapatid.Dinayal niya ang numero ng kapatid. Ayon sa mommy niya, nasa London daw ito. Hindi niya alam kung bakit pumunta ito sa London, huling pag-uusap nila ay nasa Madrid ito. Napailing na lang siya. Masyadong easy-go-lucky ang kapatid niya at waldas ng waldas ng pera, pero hindi naman pinapagalitan ng daddy nila. Kung sino pa itong matino at naghahanapbuhay, iyon pa ang laging pinapagalitan. Siguro dahil siya ang panganay at malaki ang expectation sa kanya na siya ang mag-aasikaso ng mga negosyo
**************BEBE:Bigla niyang kinurot ang kaibigang si John nang marinig ang sinabi sa kapatid na girlfriend daw siya nito."Aray! Aray!" sigaw ni John. "Bakit ka ba nananakit?" tanong nito habang hinihimas ang kinurot niyang braso."Bakit mo sinabi sa kapatid mo na girlfriend mo ako?" sita niya."Sasagutin mo naman ako balang araw, di ba? Hahaha! In-advance ko lang. Doon na rin naman tayo papunta." Nakangising wika ni John, tila nagpapacute."Hindi kita sasagutin, no! Sa ikli ng pagkakakilala ko sa 'yo, alam ko na agad na babaero ka. Kaya huwag mo akong isama sa mahabang listahan mo!" sitang sagot niya sa kaibigan.Nasa London siya ngayon at plano niyang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Nang umalis siya sa bahay ni Ate Jonie, plano sana niyang bumalik sa Baguio at makipag-live-in kay James. Pero nang marinig niya ang usapan ni James at Clark na hindi naman pala siya siniseryoso ni James, bigla siyang nalungkot.Napagdesisyunan niyang hindi na bumalik ng Baguio at hindi na rin magp
Mabilis na inayos ni James ang lahat ng kailangan nila para sa biyahe papuntang Scotland. Ngayon ay nasa eroplano na sila papunta roon, at excited na siya. Marami na siyang napuntahang ibang lugar noon dahil palagi siyang sinasama ni Ate Jonie. Pero ngayon, hindi kasama ang pinsan niya. Mahilig siyang maglakbay, at gustung-gusto niyang mag-explore ng ibang bansa. Agad siyang nag-search tungkol sa Scotland nang kumpirmahin ni John ang pag-alis nila. Akala niya kasi noong una ay nagbibiro lang ito. Ayon kay G****e, maraming kastilyo doon, kaya excited siyang makakita ng castle. Parang prinsesa lang ang peg kapag ganun! Mag-gown kaya siya tulad ng nakikita niya sa mga pelikula na may Scottish movie? Magaganda rin ang mga tanawin doon na para bang nasa medieval ages ka talaga. Excited na siyang makakita ng kalikasan at mga bundok, hindi katulad ng London na puro gusali at isang busy city. Magkatabi sila ni John habang nakaupo sa eroplano. Business class pa ang kinuha nito, at nagulat p
Napukaw ang atensyon niya nang magsalita ang piloto na magla-landing na ang eroplanong sinasakyan nila. Napaupo siya nang tuwid at muling kinabit ang seatbelt niya."I'm excited!" sabi niya kay John, hindi maitago ang kanyang kasabikan.Hehehe… I promise you'll love it here. I’ll make sure this is going to be your best vacation ever!"Ngumiti siya nang todo at lalo siyang na-excite. Ayon sa mga kwento ni John kanina, malaki raw ang bahay nito at may mga kabayo pa. Parang rancho lang ng ate niyang si Jonie. Na-miss niya ang Pilipinas, kaya sigurado siyang mag-e-enjoy siya sa bakasyon nila."There's only one thing I'd like to ask of you, though," putol ni John sa pag-iimagine niya. Napalis ang ngiti niya dahil naging seryoso ang mukha nito."What is it?" nag-aalangan niyang tanong sa kaibigan."P-Pwede bang ipakilala kita sa mga magulang at kuya ko bilang girlfriend ko?""What? Ano na namang kalokohan 'to, John!" Ayaw niyang magsinungaling sa iba, kaya hindi siya papayag sa plano ni Joh
Habang papalabas ng limousine, pasimpleng tinignan niya ang mga magulang ni John. Magiliw ang salubong ng ginang sa kanila.Mukhang masayahin ang ina ni John at sa tantiya niya ay nasa edad singkwenta. Maganda ito at glamorosa ang galaw kaya batang-bata pa ring tingnan. Samantala, ang ama ni John ay sinipat niya nang mabilis... Alam na niya kung saan nagmana si John ng kagwapuhan. Seryoso ito habang nakatingin sa kanila, mukhang kilabot ito ng mga babae noong kabataan dahil sa angkin nitong kakisigan kahit halata na rin ang tanda. Nakaupo ito ngayon sa wheelchair, hindi na siya nagtanong kay John kung ano ang nangyari sa ama nito dahil rude iyon. "Anak!" masayang bati ng ina ni John sa kanila at agad na yumakap sa kanila."Mom!" malugod ding bati ni John sa ina at niyakap ito nang mahigpit, pagkatapos ay bumaling sa ama. "Dad... I miss you." Nakatingin lang ang ama sa kanya, seryoso ang mukha."Sino ang kasama mo?" tanong ng ama habang tinitingnan siya. Bigla siyang nanginig, kung ga
"Anong meron dito?" Napalingon silang lahat sa dumating na lalaki.... Napatigil ang mundo niya nang makita niya ang lalaking lumalapit sa kanilla. Hindi siya makapaniwala. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig, at halos mapatid ang kanyang hininga. Siya ang lalaking matagal na niyang tinatakasan, ang taong akala niya ay hindi na niya makikita muli, lalo na dito sa Scotland.... si James. “Kuya!” masayang bati ni John, agad na tumayo mula sa kanyang kinauupuan upang yakapin ang nakatatandang kapatid. Niyakap ni James si John ng mahigpit, halatang close ang magkapatid. Siya, na pinipilit na maging invisible, ay palihim na umaasang hindi siya mapapansin ni James. Ngunit ang kinatatakutan niya ay nangyari—nabaling ang tingin ni James sa kanya, at ang ngiti nito sa labi ay unti-unting naglaho. Nanatili si James sa kinatatayuan, nakatitig sa kanya nang mataimtim. Mabilis siyang yumuko, nagdarasal na sana’y hindi siya makilala nito pero alam niyang imposibleng hindi siya makilala nito
"So, ano ang pakiramdam na malapit nang ikasal, Kuya?" tanong ni John habang kumakain sila."M-masaya... dahil finally, may babae na talaga para sa akin. Napagod na rin kasi ako sa kakahanap ng ‘the one.’ Saan-saan ko pa siya hinanap, ‘yun pala andito lang sa Scotland," sagot ni James, sabay tingin sa kanya. Siya ba ang pinaparinggan ni James?"Amber is beautiful and hot... and she likes me, hindi tulad ng iba kong nakaraan na pinaasa lang ako, hindi naman pala ako gusto." sabi pa ni James, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ba dapat cya ang magsasabi nun? Narinig niya mismo iyon sa usapan nila ni Clark. Bakit siya ang sinisisi nito ngayon? Nasaktan cya lalo ng sinabi ni James na maganda at hot si Amber... bigla cyang nagselos. "Mukhang may hugot ka, Kuya ah... mukhang masakit ang heartbreak mo sa Pilipinas," kantiyaw ni John sa kapatid. Nagkibit-balikat lang si James at nalungkot ang mukha; parang nakita niyang namasa ang mga mata nito, o baka imagin
Nang matapos na ang kanilang lunch ay pinahatid na siya ng mommy ni John sa kanyang kwarto.Magkahawak-kamay silang naglalakad ni John patungo sa kwarto niya, at naiilang pa rin siya."Impressed ako, sweetie. Hindi ko alam na mayaman ka din pala. Mas mayaman ka pa ata kaysa sa akin," sabi ni John."Hindi ako mayaman. Ang pinsan ko iyon," nahihiyang sagot niya, dahil ginamit na naman niya ang pangalan ng pinsan niya para sa kanyang personal na dahilan. Gusto sana niyang magpaka-low-key, pero ayaw naman niyang mapahiya sa pamilya ni John, lalo na sa ama nitong mukhang matapobre."Ganun na din iyon. Nabasa ko rin ang tungkol kina Jonie at Gregore Miller sa mga business magazines, at isa sila sa pinakamayayamang tao sa buong mundo."Nagkibit-balikat lang siya. Ayaw na niyang magbida tungkol sa pinsan niya. Tama na yung nabanggit niya ito ng isang beses; ayaw niyang ipagkalandakan na connected siya dito dahil nahihiya siya sa pinsan niya. Wala itong kaalam-alam na ginagamit niya ang connec
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat
Nagising siya kinaumagahan na masaya. Ang sarap ng tulog niya. Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Lumabas agad siya ng kwarto para makita ang dahilan kung bakit siya masaya.Paglabas niya ng kwarto ay narinig niyang maingay sa kwarto ni Lilly. Hindi iyon nakasara kaya sumilip siya. Nandoon si Lilly kasama si Rosie. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan. Binigay na ni Rosie ang pasalubong nito sa kapatid niya at tuwang-tuwa ito."Good morning, girls!" bati niya nang tuluyang buksan ang pinto. Nagulat pa ang dalawa sa pagsulpot niya."Kuya, andito ka pala. Ano ang pasalubong mo sa akin from Baguio?"Napakamot siya ng ulo."Pasensya na, Lillyt. Wala akong pasalubong.""Ano ka ba naman, Kuya, bakit wala? Si Ate Rosabel nga merong pasalubong sa akin eh!""Ah eh... 'yan na nga ang pasalubong namin sa’yo. Kami ang bumili niyan na dalawa."Agad na sabat ni Rosie sa pagta-tantrums na naman ni Lilly."Bakit, mag-jowa ba kayo na iisa lang ang pasalubong niyo sa akin?"Napatingin siya kay Ro
GRAY'S POV:Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit... dahil siguro sa saya na dala ni Rosie sa kanya.Pabagsak siyang humiga sa kama. Malayo ang dri-nive niya pero hindi siya napagod dahil masaya kasama si Rosie. Aaminin niyang kanina ay masama ang loob niya. Pero naramdaman niyang pilit pinapagaan ni Rosie ang loob niya.Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Ang daddy niya ang pumasok."Hi, Dad... May kailangan ka?"Tumayo lang ito sa harap niya na parang binabasa ang kanyang mga mata."Do you like Rosabel, anak?" diretsahang tanong nito."A-ano ka ba, Dad... parang kapatid ko na siya!" agad na sagot niya. Nahihiya siyang aminin sa daddy niya na may special siyang pagtingin kay Rosabel."Hindi ako tutol kung gusto mo siya, iho. Ang sa akin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral, at ganoon din si Rosie. Patapusin mo siya ng pag-aaral. 'Yun lang hinihingi ng nanay niya.""D-Dad, what are you talking about? Akala mo ba sa akin tirador ng ba
ROSIE'S POV:Wala na naman silang pansinan sa biyahe, hapon na sila umalis sa resort at mukhang gagabihin sila pagdating sa Manila..Lihim siyang napahinga ng maluwag nang nagdesisyon si Gray na uuwi na sila. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung paano sila mamayang gabi. Iisa lang ang kama at dalawa lang sila doon. Hindi imposibleng may mangyari sa kanila at ayaw niyang mangyari yun.Oo, may gusto siya kay Gray, pero hindi pa siya handa. Madami pa siyang plano sa buhay."Huuuuy... bakit tahimik ka jan, kuya?" Siya na ang naunang pumansin dito, ayaw niyang magkasamaan sila ng loob hanggang sa pagdating nila sa Manila."Pansinin mo naman ako..." wika niya. "Galit ka ba sakin? Sorry na... gusto ko na kasing umuwi eh.""It's okay... hindi ako galit." tipid nitong sagot"Hindi daw pero hindi naman namamansin!? Pilit niyang pinapagaan ang kanilang conversation. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa."Paandarin mo lang ang audio... gusto ko ng sounds!" utos niya. Sinunod n
Hindi siya napansin ng babae. Patuloy lang ito sa paglangoy paroo’t parito sa pool, at mukhang nag-e-enjoy.Hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga. Lalong nag-init ang katawan niya, para siyang manyak na naninilip kay Rosie na walang kaalam-alam na andoon na siya. Naramdaman niyang gusto nang kumawala ang junior niya.“Fuck! Ano ang gagawin ko?” Hindi siya pwedeng magpakita kay Rosie nang nasa ganoong sitwasyon. Hindi rin pwedeng hindi niya ito mailabas dahil sasakit ang kanyang puson! Pwede din siyang lumabas, hanapin si Samantha at yayain ito dahil mukhang game naman ang dalaga... pero ayaw niya.Pumasok siya sa CR. Hindi pa rin siya nakita ni Rosie dahil may glass door na nakapagitan sa kuwarto at sa swimming pool area.Pagpasok niya sa banyo ay dali-dali siyang naghubad ng damit at binuksan ang shower. Kahit doon man lang ay maibsan ang init ng katawan niya. Pero parang hindi sapat ang pagligo lang...Wala sa sariling kinapa niya ang kanyang alaga. Matigas na ito sa galit... gan
GRAY'S POV:Hindi siya papayag na umuwi sila ng Manila na hindi matikman ang labi ni Rosabel. Ang akala niya kagabi ay 'yun na 'yun... pero napurnada pa.Kung magiging first kiss siya ni Rosie, ay ganoon din naman siya. He never kissed a girl on the lips before... ayaw niya. Ang gusto niya, kapag gustong-gusto na niya ang babae, ay 'yun ang magiging first kiss niya. Si Rosabel na ba 'yon? tanong niya sa sarili.Alam niyang bad move 'yong desisyon niyang mag stop-over sila roon dahil sarili lang din niya ang pahihirapan niya. Ilang libong pagtitimpi ang inipon niya na walang gagawin kay Rosie. Ginagalang niya ang babae at ayaw niyang pagsamantalahan ito.Pero kung ibang babae lang iyon, ay baka naikama na niya ito. He's in heat, malibog siyang lalaki, at hindi uso sa kanya ang nagtitimpi.Inaamin niyang inaakit niya si Rosie sa pamamagitan ng paghuhubad sa harap ng dalaga, sa pasimpleng pagdadantay ng katawan niya sa katawan nito. Lalaki pa rin siya at hindi santo. Umaasa siyang bibig
Nag-drive na ito pabalik sa Manila... Wala na naman silang pansinan. Hindi man lang nito pinaandar ang audio para sana may konting ingay sa loob ng kotse. Pumikit na lang sya para kunyaring natutulog. Ayaw naman niyang mag-open ng conversation, hindi niya alam kung gusto din ni Gray na kausapin niya. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ang pagtulog-tulogan niya ay natuluyan. Dahil na din siguro sa antok at sa sarap ng aircon kaya mahimbing siyang nakatulog sa passenger's seat.Nang maalimpungatan ay napansin niyang nakatigil ang kotse. Pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nasa isang beach resort sila. "Where are we?" "Mag-stop over muna tayo dito... Pagod na akong mag-drive eh." Napatingin siya ng diretso dito. Ngayon pa ito nagreklamong pagod mag-drive samantalang nakapagpahinga naman ito sa bahay nila!?Hindi na siya nakapagreklamo ng nauna na itong bumaba ng kotse. Bumaba na din siya at sumunod sa likod nito, pumunta ito sa front desk."1 room, please." "Overnight