Share

CHAPTER 1203

Author: dyowanabi
last update Petsa ng paglalathala: 2025-12-16 22:42:31

Tumigas ang kanyang panga habang nakatitig sa pintuang sinarhan ni Ben. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao, pilit nilulunok ang galit na gustong sumabog sa dibdib niya. Isang maling galaw, magkakabukingan ang lahat. Hindi lang ang relasyon ni Ben kundi pati ang sa kanila ni Aria.

Dahan-dahan siyang bumalik sa kama. Nakatagilid si Aria, mahimbing ang tulog dahil pinagod niya kanina. Pinagmasdan niya ito nang matagal, saka marahang hinaplos ang buhok.

What is he going to do now? Sasabihin ba niya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Carmen Gabrinez Bansag
open please hindi ma basa
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
my CCTV namn siguro dyan sa hotel mo aria yan tingnan mo
goodnovel comment avatar
H i K A B
Aria, get CCTV footage, ask your secuity team kung matagal na nila napapansin yung 2.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1447

    “H-Huh? Hindi ah! Hindi ko iniisip ’yan!”Pagsisinungaling iyon. Ngunit mali rin ang pagkakaintindi ni Tyler sa naging reaksiyon niya. Ang akala nito’y umaasa siyang singsing ang laman ng kahon. Hindi nito alam na kabaligtaran ang totoo, ipinagdarasal pa nga niyang huwag sana iyong singsing.Marahang hinawakan ni Tyler ang kanyang mukha at itinuon iyon sa sariling mukha nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata, punong-puno ng lambing.“Don’t worry, love,” mahina ngunit matatag nitong sabi. “Next time, singsing na ang laman ng box na ’yan.”Napatigil siya. “A-Ano ka ba… hindi ko iniisip ’yan. Saka marami ka pang plano sa buhay. Kailangan mo pang tapusin ang trabaho mo.”Huminga nang malalim si Tyler. Bahagyang yumuko ang ulo nito bago muling tumingin sa kanya.“Kung puwede nga lang na hindi na ako aalis…”Sa simpleng linyang iyon, ramdam na ramdam niya ang lungkot sa tinig ni Tyler.“Kailan na ba ang alis n’yo? Okay na ba ang papeles ni Tiffany?”“Yeah, okay na. Sa susunod na linggo na ang

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1446

    Lumipas pa ang mga araw at sa wakas ay araw na ng pag-uwi nina Tyler at Tiffany sa Pampanga. Kanina pa siya tinawagan ni Tyler upang sabihing nasa biyahe na sila. Simula nang marinig niya ang boses nito, halo-halong emosyon ang gumulo sa dibdib niya, matinding pananabik na makita muli ang nobyo, at kaba na hindi niya maipaliwanag.Sa bawat gabing hindi sila magkasama, palagi siyang pinapahiwatigan ni Tyler kung gaano siya nito nami-miss. Halos gabi-gabi ay tumatawag ito, minsan pa’y may kasamang lambing at pagbibiro.“Maghanda ka sa pagdating ko,” madalas nitong sabihin sa malambing ngunit mapanuksong tinig. “Pagdating ko, magkukulong tayo sa kwarto.”Sa tuwing naaalala niya iyon ay hindi niya maiwasang mapailing at mapangiti. Ngunit sa likod ng kilig, may kung anong bigat pa rin siyang dinadala sa dibdib.Kung ganoon kalaki ang pananabik ni Tyler sa kanya, ganoon naman kalaki ang pagkayamot niya kay Tiffany.Gabi-gabi na lamang ay nagsesend ito ng mga larawan nila ni Tyler na magkasa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1445

    Hindi na siya sumagot.Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin pa niyang umuwi agad sa Pampanga para makasama si Jolisa kaysa maglibot pa sa siyudad kasama si Tiffany.Habang tahimik silang kumakain, may isang tanong na biglang pumasok sa isip niya.“Habang nasa Sagada ka, Tif... wala ka bang naging nobyo doon?”Biglang natigilan si Tiffany. Para bang nabigla ito sa tanong niya.“B-bakit mo naman natanong ’yan, Ty...?”“Wala lang,” sagot niya habang nakatingin dito ng diretso. “Matagal ka ring nanirahan doon. Sa ganda mong ’yan, imposibleng walang nanligaw sa’yo.”Unti-unting ngumiti si Tiffany, at tila nabuhay ang pag-asa sa mga mata nito.“Maganda ba ako, Ty? Hanggang ngayon... nagagandahan ka pa rin ba sa akin?”Bahagya niyang pinigilan ang sariling mapataas ang kilay. Maganda naman talaga si Tiffany. Kaya nga minahal niya ito noon.Pero wala nang malisya ang tanong niya ngayon. Isa na lamang iyong simpleng usisang nagmula sa curiosity.“Well... may mga nanligaw naman sa akin,” sa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1444

    TYLER'S POV:Napatingin siya sa kanyang cellphone. Pinatayan ba siya ng telepono ni Jolisa? Kasasabi pa lamang niya ng I love you, ngunit hindi man lang ito nagsabing 'I love you too?' Sa halip, bigla na lamang naputol ang tawag.Aksidente lang ba iyong pagkamatay ng linya, o sadyang ibinaba talaga ni Jolisa ang tawag?Huminga siya nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata. Sabagay, hindi naman talaga sanay si Jolisa na sagutin ang bawat pag-amin niya. Ilang beses na niyang sinabi rito ang salitang iyon, ngunit ni minsan ay hindi siya nakarinig ng kapalit.Para bang may kung anong pumipigil sa dalaga na takot at pag-aalinlangan.Paano nga ba ito magsasabing mahal siya kung hindi pa siya tunay na mahal?Ngunit ganoon nga ba talaga? Kung wala itong nararamdaman, bakit iba ang kilos nito sa kanya? Bakit sa bawat tingin, sa bawat pag-aalala, at sa bawat simpleng pag-aasikaso ay tila may init na hindi maitatanggi? Siguro naman, kahit kaunti… kahit katiting lang… ay may puwang siya sa p

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1443

    “S-sige… I have to go. Andito na ang taxi,” mabilis niyang pag-iiba ng usapan.“Tyler… the food is ready.”Narinig niya ang boses ni Tiffany sa kabilang linya.“Saan kayo?” hindi niya napigilang itanong.“Sa condo ko, love. Dito muna kami habang pinaprocess pa ni Tiffany ang papers niya.”Hindi na siya agad nakapagsalita. Marahil ay naramdaman ni Tyler ang biglang niyang pananahimik.“Anong gusto mong pasalubong pagbalik ko?” tanong nito, pilit na ibinabaling ang usapan.“W-wala naman…”“Hindi ako papayag na wala. Dapat meron,” natatawang sabi nito. Parang bigla itong naging sobrang sweet... parang may gustong patunayan.“Wala ka bang cravings lately? Maasim? Mangga kaya?”Natigilan siya. ang pagke-crave ng mga maasim, di ba sa mga buntis yun? Iniisip na ba ni Tyler na buntis siya? Sabagay, matagal na silang nagse-sex at wala naman silang ginagamit na contraceptives. Pero nagkaroon siya ng regla kamakailan lang, kaya imposibleng buntis siya.“I have to go, Ty… andito na ang taxi.” Hin

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1442

    Pagbalik ni Daniel sa stage ay muling umugong ang buong lugar sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao. Para bang lalo pang sumigla sa muling pagharap nito sa entablado.Pero siya, hindi na lumapit pa roon. Sapat na ang ilang minutong nagkausap silang dalawa, higit pa nga sa sapat. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib sa alaala ng maikling tagpong iyon.Hindi niya maiwasang kabahan. Baka kung magtagal pa siya roon ay mapansin siya ng iba. Baka may makakilala. Baka may magsimulang magtanong kung sino siya at ano ang koneksiyon niya kay Daniel.Nakakahiya kung machismis siya kay Daniel. Kahit magkaibigan sila, may mga tao talagang binibigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay-bagay.Naalala niya ang sinabi ni Mama Jessa. Marami nang nagsabi sa kanya noon na maganda siya... matangkad, may hubog ang katawan, at may natural na dating. Pero para sa kanya, kulang ang mga papuring iyon para mabura ang mga insecurities na matagal nang nakabaon sa kanya

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 581

    Hindi siya mapakali. Habang nagda-drive ay iniisip niya kung bakit biglang tumawag si Victoria. Dati ay hindi naman siya nito kinukulit.Pagdating nila sa resort ay hinayaan niyang si Fe ang kumausap sa engineer nito at lumayo muna siya ng kaunti para tawagan si Victoria. Ang iniisip niya kasi ay b

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 612

    Panandaliang namayani ang katahimikan sa loob ng kwartong iyon."Ahm, Fe... magpapaalam na kami. Baka aalis na din kami dito sa Pilipinas. Sa Australia na kami maninirahan ni Kevin. Doon na lang kami magbagong-buhay kasama ang anak namin. Lalayo muna kami sa mga mapanuring tingin ng mga tao sa akin

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 609

    "Oo nga, iha. Napadami ang luto ko. Alam mo na, na-excite ako sa pagdating ni Clarkson. Pero hayaan mo na, madami ang kakain niyan mamaya. Tingnan mo, ubos 'yan mamaya, hahaha!" wika nito saka tinuro ang mga kasambahay na nakangiti. Maging siya ay napangiti na rin. Mabait talaga ang pamilya ni Clar

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 616

    Kasalukuyan silang nasa kotse, pauwi ng mansion nina Clark. Nasa passenger seat si Tita Felicia, at sila naman ni Clark ang nasa likod. Hindi siya pinapansin nito, nakatingin lang ito sa labas ng bintana na parang sinasaulo ang daan.Pasimple lang siya kung tumingin dito dahil baka magalit ito sa k

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status