ログインSamantala, sa kabilang kuwarto…Unti-unting nagmulat ng mga mata si Catriona. Saglit siyang napatitig sa kisame, tila hindi pa lubos na nauunawaan kung nasaan siya. Ngunit nang tuluyang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari, nanikip ang kanyang dibdib.Nasa isang private room siya ng ospital… Mag-isa. Isang nurse lang ang naroon upang magbantay sa kanya.Dahan-dahan siyang napalingon sa paligid. Tahimik ang buong silid, wala ang kanyang pamilya, wala ni isa man sa mga taong inaasahan niyang naroon sana sa kanyang tabi.Napapikit siya. Alam niya kung bakit… nasa kabilang kuwarto ang lahat, kasama si Jolie. Mas nag-aalala ang mga ito kay Jolie kaysa sa kanya. Iyon ang matagal na niyang kinatatakutan. At ngayon, pakiramdam niya ay tuluyan na itong naging katotohanan.Dahan-dahang pumatak ang unang luha sa gilid ng kanyang mata. Sinundan iyon ng isa pa, hanggang sa hindi na niya napigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha.Gusto niyang umiyak nang malakas, pero pinilit niyang pigilan
“Love…”Napalingon si Jolie kay Tyler.“Sabi ng doctor, puwede na raw tayong umuwi ngayong nagising ka na.” Marahan nitong hinaplos ang kanyang kamay. “Pero kung gusto mong manatili muna rito, puwede naman...hangga’t gusto mo.”Sandaling nanatiling tahimik si Jolie. Pagod pa rin ang kanyang katawan. Mabigat pa rin ang kanyang ulo at tila may mga bahagi ng nangyari na ayaw niyang balikan. Pero higit sa lahat, gusto na niyang makaalis sa ospital.Umiling siya. “Gusto ko nang umuwi.”Mabilis na nagkatinginan ang mga taong nasa paligid niya.“Jolie, anak…”Napatingin siya sa kanyang ama. May pag-aalala sa mga mata ni Blair habang nakatitig sa kanya. Halatang gusto nitong makasiguro kung saan siya magiging komportable at ligtas pagkatapos ng lahat ng nangyari.“Gusto mo bang sa bahay natin ka umuwi?”Bahagyang natigilan si Jolie, napababa siya ng tingin. Walang kaalam-alam si Blair, hindi nito alam ang mga hinala niya tungkol kay Catriona. Kung sasabihin niya ang lahat ngayon, maaaring tul
Muling bumalot ang katahimikan sa kanilang lahat. Sa kabila ng kanilang pagtatalo, may isang bagay na hindi nila maaaring ipagkaila… tama si Sebastian.“Kapag nagising siya…” mas mahinang sabi ni Sebastian, ngunit nananatiling matatag ang kanyang tinig, “hahayaan natin siyang pumili.”Napatingin si Tyler sa kanyang lolo. At sa unang pagkakataon mula nang dumating sila sa ospital, bahagyang lumuwag ang kanyang ekspresyon. Dahil kahit gaano pa man sila magtalo at magsisihan, iisa lamang ang gusto nilang lahat… ang makitang ligtas si Jolie.*****Unti-unting bumabalik ang kamalayan ni Jolie dahil sa mahihinang tinig na kanyang naririnig.Noong una ay hindi niya maintindihan ang mga salitang umaabot sa kanyang pandinig. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata, nanlalabo pa ang kanyang paningin.Ilang beses siyang kumurap bago unti-unting luminaw ang mga mukha ng mga taong nakapaligid sa kanya… Si Lolo Sebastian, Lolo Craig, Daddy Blair, at… Tyler.Totoo ba ang lahat ng nakikita n
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng emergency room. Agad na napalingon si Tyler nang lumabas ang doktor. Mabilis siyang lumapit dito, halatang hindi mapakali habang hinihintay ang sasabihin nito.“Doc, kamusta ang asawa ko?” halos nanginginig na tanong niya. “How is Jolie? Is she okay?”Sandaling tiningnan siya ng doktor bago ito ngumiti nang bahagya.“There’s nothing to worry about, Mr. Blacksmith,” mahinahon nitong sabi. “She’s safe, and so is the baby in her belly.”Parang biglang nawala ang napakabigat na batong nakadagan sa kanyang dibdib. Doon lang tuluyang nakahinga nang maluwag si Tyler.Napapikit siya habang napayuko, pilit pinipigilan ang matinding emosyon na kanina pa niya kinikimkim. Mula nang makita niyang walang malay si Jolie at dalhin ito sa ospital, pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya. Ilang minuto lang silang naghintay sa labas ng emergency room, ngunit para sa kanya ay tila napakahaba na ng mga oras na iyon.“Thank God…” mahina niyang bulong.Napahawa
Galit na galit na tumitig si Clarkson kay Tyler. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya at pangamba, habang ang buong silid ay tila nabalot ng mabigat na tensiyon.“Answer us, Tyler. Anong nangyari?”Napalunok si Tyler. Ilang sandali siyang nanahimik bago marahang ibinaba ang tingin. Para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos matanggap ang lahat ng nangyari.“She was kidnapped,” mahina ngunit malinaw niyang sagot. “Together with Catriona.”Biglang natahimik ang lahat pero saglit lang iyon.“At hindi mo sinabi sa amin?” muling singhal ni Clarkson.Napapikit si Tyler at mariing napahawak sa sariling batok. Ramdam niya ang pagpipigil sa sarili. Pagod na siya. Pagod sa takot, pag-aalala, at sa lahat ng nangyari. Pero alam niyang kailangan niyang ipaliwanag ang sarili.“Ang bilis ng mga pangyayari,” saad niya. “Tumawag ang kidnapper at humihingi sila ng isang milyong pound. Wala akong oras para mag-isip nang matagal... I have to save Jolie first.”Tumingin siya sa mga taong nakapa
TYLER’S POV:Nanginginig ang mga kamay ni Tyler habang maingat ngunit nagmamadaling binubuhat si Jolie palabas ng sasakyan. Halos hindi niya maramdaman ang sarili niyang mga binti sa tindi ng takot.“Doctor! Nurse! Help us!” malakas na sigaw ni Lewis habang kasunod nilang tumatakbo papasok sa emergency room.Agad na napatingin sa kanila ang mga nurse. Nang makita nilang walang malay si Jolie at halos magpapanic na si Tyler, mabilis silang kumilos.“Put her here, sir!”Dahan-dahang inilapag ni Tyler si Jolie sa stretcher. Ngunit bago pa tuluyang mailayo ang asawa, mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.“Jolie…” nanginginig niyang tawag.Walang tugon. Lalong nanikip ang kanyang dibdib. Mabilis na itinulak ng mga nurse ang stretcher patungo sa emergency room habang may isang nurse na nanatili upang magtanong sa kanila.“What happened?” mabilis nitong tanong habang tinitingnan si Jolie.“She’s pregnant,” agad na sagot ni Tyler. Halos mabasag ang boses niya. “She was under a lot of stre
Kinabukasan ay maaga siyang naligo at nag-prepare. Pupunta siya sa ospital para umpisahan ang pagpapagamot kay Doc JM. Naalala niya ang bangayan nila ni Vicky kagabi. Kung hindi man siya nito samahan kay JM ay okay lang.Matapos siyang magbihis ay lumabas na siya ng cottage. Sa kanyang pagkagulat ay
“Hi Aria! It’s good to see you again!” nakangiting bati ni Doc Vicky sa kanya. Mukhang sincere naman si Vicky na masaya itong makita siya... pero siya?...Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. May mga tao naman doon maliban kay Clarkson at Vicky pero sa dalawa lang natuon ang atensyon niya...
Hindi niya mapigilang ngumiti habang nakasakay sa elevator papunta sa kanyang opisina. Hanggang ngayon ay tila kinikiliti pa rin ang petchay niya sa pang-aakit ni Clarkson sa kanya. She can’t wait na matulog sa suit nito mamaya.Pagpasok niya ng opisina ay hindi pa rin napalis ang ngiti sa kanyang
Pinasundo sila ng driver ni Lolo Gregore. Silang dalawa lang ni Vicky ang babalik sa rancho. Sa mansion na lang daw siya hihintayin ng mga pamilya niya.Lihim siyang napangiti. Mukhang may naamoy siyang surprise party para sa kanya. Kilala na niya ang mga ito. Mahilig sila sa pa-surprise. Kaya ba h







