LOGINMuling bumalot ang katahimikan sa kanilang lahat. Sa kabila ng kanilang pagtatalo, may isang bagay na hindi nila maaaring ipagkaila… tama si Sebastian.“Kapag nagising siya…” mas mahinang sabi ni Sebastian, ngunit nananatiling matatag ang kanyang tinig, “hahayaan natin siyang pumili.”Napatingin si Tyler sa kanyang lolo. At sa unang pagkakataon mula nang dumating sila sa ospital, bahagyang lumuwag ang kanyang ekspresyon. Dahil kahit gaano pa man sila magtalo at magsisihan, iisa lamang ang gusto nilang lahat… ang makitang ligtas si Jolie.*****Unti-unting bumabalik ang kamalayan ni Jolie dahil sa mahihinang tinig na kanyang naririnig.Noong una ay hindi niya maintindihan ang mga salitang umaabot sa kanyang pandinig. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata, nanlalabo pa ang kanyang paningin.Ilang beses siyang kumurap bago unti-unting luminaw ang mga mukha ng mga taong nakapaligid sa kanya… Si Lolo Sebastian, Lolo Craig, Daddy Blair, at… Tyler.Totoo ba ang lahat ng nakikita n
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng emergency room. Agad na napalingon si Tyler nang lumabas ang doktor. Mabilis siyang lumapit dito, halatang hindi mapakali habang hinihintay ang sasabihin nito.“Doc, kamusta ang asawa ko?” halos nanginginig na tanong niya. “How is Jolie? Is she okay?”Sandaling tiningnan siya ng doktor bago ito ngumiti nang bahagya.“There’s nothing to worry about, Mr. Blacksmith,” mahinahon nitong sabi. “She’s safe, and so is the baby in her belly.”Parang biglang nawala ang napakabigat na batong nakadagan sa kanyang dibdib. Doon lang tuluyang nakahinga nang maluwag si Tyler.Napapikit siya habang napayuko, pilit pinipigilan ang matinding emosyon na kanina pa niya kinikimkim. Mula nang makita niyang walang malay si Jolie at dalhin ito sa ospital, pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya. Ilang minuto lang silang naghintay sa labas ng emergency room, ngunit para sa kanya ay tila napakahaba na ng mga oras na iyon.“Thank God…” mahina niyang bulong.Napahawa
Galit na galit na tumitig si Clarkson kay Tyler. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya at pangamba, habang ang buong silid ay tila nabalot ng mabigat na tensiyon.“Answer us, Tyler. Anong nangyari?”Napalunok si Tyler. Ilang sandali siyang nanahimik bago marahang ibinaba ang tingin. Para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos matanggap ang lahat ng nangyari.“She was kidnapped,” mahina ngunit malinaw niyang sagot. “Together with Catriona.”Biglang natahimik ang lahat pero saglit lang iyon.“At hindi mo sinabi sa amin?” muling singhal ni Clarkson.Napapikit si Tyler at mariing napahawak sa sariling batok. Ramdam niya ang pagpipigil sa sarili. Pagod na siya. Pagod sa takot, pag-aalala, at sa lahat ng nangyari. Pero alam niyang kailangan niyang ipaliwanag ang sarili.“Ang bilis ng mga pangyayari,” saad niya. “Tumawag ang kidnapper at humihingi sila ng isang milyong pound. Wala akong oras para mag-isip nang matagal... I have to save Jolie first.”Tumingin siya sa mga taong nakapa
TYLER’S POV:Nanginginig ang mga kamay ni Tyler habang maingat ngunit nagmamadaling binubuhat si Jolie palabas ng sasakyan. Halos hindi niya maramdaman ang sarili niyang mga binti sa tindi ng takot.“Doctor! Nurse! Help us!” malakas na sigaw ni Lewis habang kasunod nilang tumatakbo papasok sa emergency room.Agad na napatingin sa kanila ang mga nurse. Nang makita nilang walang malay si Jolie at halos magpapanic na si Tyler, mabilis silang kumilos.“Put her here, sir!”Dahan-dahang inilapag ni Tyler si Jolie sa stretcher. Ngunit bago pa tuluyang mailayo ang asawa, mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.“Jolie…” nanginginig niyang tawag.Walang tugon. Lalong nanikip ang kanyang dibdib. Mabilis na itinulak ng mga nurse ang stretcher patungo sa emergency room habang may isang nurse na nanatili upang magtanong sa kanila.“What happened?” mabilis nitong tanong habang tinitingnan si Jolie.“She’s pregnant,” agad na sagot ni Tyler. Halos mabasag ang boses niya. “She was under a lot of stre
Hindi siya nakasagot. Nanginginig ang kanyang mga labi habang pilit niyang iniiwasan ang mga matang nakatutok sa kanya.“Catriona,” dagdag ni Lewis. Mas tumalim ang titig nito. “Kung may alam ka, sabihin mo na.”Napayuko si Catriona. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan. Sa loob ng ilang segundo, pilit niyang hinanap ang tamang salita, ang tamang kasinungalingan, ang isang paliwanag na maaari nilang paniwalaan. Ngunit wala siyang maisip dahil alam niyang kahit magsinungaling siya ngayon, hindi nito mababago ang katotohanan.At kung tama ang kutob niya... May alam na si Jolie. Hindi niya alam kung gaano karami. Hindi niya alam kung ano mismo ang nalaman nito pero may alam ito.At kapag nagsimula na ang imbestigasyon ng Mackenzie at Blacksmith families, hindi magtatagal at lalabas din ang lahat… Ang pangalan ni Arthur… ang kanilang plano.,, ang kidnapping… at ang papel niya sa lahat ng ito.Unti-unti niyang itinaas ang mukha at huminga nang malalim. Muli silang nagtama
CATRIONA’S POV:Biglang nanigas si Catriona sa kanyang kinauupuan. Para bang may nagyelong tubig na biglang ibinuhos sa kanyang buong katawan. Ngayon lang niya lubusang naramdaman na hindi pa pala talaga tapos ang lahat.Noong una, bago niya ginawa ang desisyong makipagsabwatan kay Arthur, akala niya ay ganoon lang kadali ang plano... Kikidnapin si Jolie, magbabayad ang mga Mackenzie at Blacksmith ng ransom, pagkatapos paghahatian nila ang pera, at tapos na... wala nang problema.Pero iyon ang akala niya.Habang mabilis na umaandar ang sasakyan at palayo sila nang palayo sa lugar kung saan sila ikinulong, unti-unting nagbago ang lahat. Hindi dahil nakaligtas na sila ay ligtas na rin siya, hindi dahil nakauwi na siya ay tapos na ang kanyang problema. Sa katunayan, baka ngayon pa lang nagsisimula ang lahat.Napahigpit ang pagkakahawak ni Catriona sa kanyang sariling mga kamay. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa mga susunod na araw.Oo, sinabi nina Tyler at Lewis na ang pinakamahal
Pagdating nila sa police station, agad niyang tinungo ang records section. Si Bert naman ay dumiretso sa intel room para i-check kung may nakalap nang bagong impormasyon tungkol sa black Montero.“Boss, eto,” tawag ni Bert matapos ang ilang minuto, hawak ang folder na makapal na puno ng mga dokumen
Habang binabaybay niya ang kalsada, ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Sumasakit na ang ulo niya at medyo lumalabo ang paningin, pero pinipilit niyang mag-focus sa daan. Hindi siya pwedeng mawalan ng malay sa gitna ng kalsada, lalo na ngayon na hawak niya ang ebidensyang magpa
Abala siya sa pagtatrabaho nang hindi napansin ang oras. Kinatok siya ni Willow sa opisina niya. "Ma'am Rosabel, hindi ka pa ba uuwi? 6 PM na po." "Huh? Ganoon ba?" Marahil ay wala nang tao sa labas ng opisina. Naawa siya kay Willow, naghihintay ito malamang na makauwi na siya para makauwi na ri
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weeke







