Lason na Pag-ibig

Lason na Pag-ibig

last updateHuling Na-update : 2026-08-16
By:  Sai-WritesIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
3Mga Kabanata
10views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Akala niya, pag-ibig lang ang kailangan para maging masaya. Pero paano kung ang puso niyang pinili ay may ibang taong inuuwian? Sa isang bawal na relasyon, natutunan niyang hindi lahat ng pagmamahal ay tama, at hindi lahat ng nararamdaman ay dapat ipaglaban. Habang lalo silang nagiging malapit, mas lalo rin siyang nasasangkot sa isang relasyon na hindi naman talaga kanya. Sa huli, kailangan niyang pumili—ipaglalaban ba niya ang pag-ibig na parang lason, o matututunan niyang bumitaw bago tuluyang masira ang lahat?

view more

Kabanata 1

Chapter 1: Arabella POV

Arabella POV

“Bella, look at me. Ikaw lang ang mahal ko, walang iba.”

Napangiti ako nang sobrang lapad habang niyayakap niya ako nang mahigpit, yung tipong ayaw na niyang bitawan pa kailanman. Alejandro Villanueva always said those words with so much certainty, so much warmth, na kahit sinong babae ay siguradong matutunaw agad. 

For two years, he was my world. Siya yung taong laging nandiyan kapag kailangan ko ng kausap, ng yakap, ng kasama. He never missed a chance to call, to text, to make time no matter how busy he claimed his work was.

Bihira kaming mag-away, at kapag nagkakaroon man ng hindi pagkakaintindihan, siya agad ang gumagawa ng paraan para maayos ang lahat. 

Perfect. Iyon ang tamang salita para sa kanya. Perfect boyfriend, perfect partner, perfect man. Never in my wildest dreams did I ever think na ang pagmamahalang iningatan ko nang buong puso ay nakatayo pala sa isang malaking kasinungalingan.

“Alam mo ba kung gaano kita kamahal?” tanong ko habang pinipisil ang kamay niya, our fingers laced together perfectly.

Tumingin siya sa akin, those deep brown eyes that always made me feel safe, and he smiled that gentle smile that only seemed reserved for me. 

“More than you can imagine, Arabella. Ikaw ang buhay ko.”

That was the last thing he said to me that morning bago siya umalis, paalis daw papuntang ibang probinsya para sa isang importanteng business trip. 

I waved him off happily, proud that I had someone so hardworking yet so devoted to me. Wala akong kaunti man na pagdududa. Bakit pa? He gave me everything I ever wanted. Oras, atensyon, pagmamahal—lahat ay ibinigay niya nang buong-buo.

The afternoon sun was warm but gentle kaya nagdesisyon akong maglakad-lakad lang muna sa park malapit sa apartment ko. Wala naman kasi akong ibang gagawin since wala muna si Alejandro. 

I loved this place dahil tahimik dito, puno ng puno at bulaklak, at perfect para mag-isip o kaya naman ay magbasa habang ini-enjoy ang simoy ng hangin. 

I was walking leisurely, smiling to myself as I replayed our last moments together in my mind, when my eyes landed on a familiar figure standing near the big oak tree sa gitna ng park.

My steps slowed down. My heart skipped a beat.

Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang likod na iyon. Kilalang-kilala ko ang tindig na iyon, ang hugis ng balikat niya, kahit ang paraan ng pagtayo niya. It was Alejandro. 

Pero bakit nandito siya? Sabi niya nasa malayo siya dahil sa trabaho? My mind was racing, trying to find a logical explanation, maybe he just arrived early and wanted to surprise me? 

Pero bago ako makahakbang palapit para tawagin ang pangalan niya, may nakita akong kasama siya.

Isang babae. Maganda, maaliwalas ang mukha, at may suot na simpleng saya na parang pang-araw-araw lang. 

She was holding a small picnic basket in one hand and the other was gently resting on the arm of Alejandro. Tawa siya nang tawa sa sinasabi ng lalaking akala ko ay akin lang. 

Then my breath caught in my throat when a little boy, maybe around four or five years old, ran towards them screaming—

“Daddy! Daddy! Catch me!”

Nakita ko ang pagyukod ni Alejandro, ang pagbukas ng braso niya nang malawak at sinalo ang bata nang buong pagmamahal. He lifted him up high, spinning him around until the boy was giggling uncontrollably. 

“Ang bigat mo na, anak! You’re getting so fast!” narinig ko ang boses niya, punong-puno ng ligaya at pagmamahal—yung tono na hindi ko kailanman narinig kapag kausap niya ako.

Lumapit ang babae at hinalikan si Alejandro sa pisngi nang buong lambing. 

“Grabe ka talaga sa kanya, parang wala nang bukas,” sabi nito habang nakangiti, yung tingin niya kay Alejandro ay puno ng pagmamahal na tila sila ang pinaka-perpektong pamilya sa buong mundo.

Naramdaman ko ang paghina ng mga tuhod ko. Parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Ang lahat ng tunog sa paligid ay parang naging malabong ugong na lang. 

Ang tanging nakikita ko ay ang tatlong taong iyon—isang pamilya. Isang pamilyang buo, masaya, at nandoon si Alejandro—ang Alejandro na nagsabing ako lang ang mahal niya, na ako ang buhay niya.

“Ano ‘to… Anong nangyayari?” bulong ko sa sarili, parang ayaw pa rin ng isip ko na maniwala sa nakikita ng mga mata ko. 

Gusto kong tumakbo palayo, gusto kong umiyak nang malakas, pero parang may nakahawak sa mga paa ko at hindi ako makagalaw. 

Parang ipinipilit ng tadhana na panoorin ko ang lahat, panoorin ko kung gaano kasaya ang buhay niya habang ako naman ay pinaniwala sa isang kasinungalingan.

Nakita ko silang umupo sa isang inilatag na kumot, nagpapalitan ng pagkain, nagtatawanan, habang ang bata ay naglalaro ng laruan sa tabi nila. 

Every now and then, hahalikan ni Alejandro ang noo ng babae, o hahawakan ito sa kamay nang may pagmamahal na halos masira ang puso ko. 

Lahat ng alaala namin, lahat ng pangako, lahat ng salitang binitawan niya—parang biglang naging isang malaking biro lang.

“Kaya pala…” parang kusang lumabas ang salita sa bibig ko. 

“Kaya pala may mga oras na hindi siya makontak. Kaya pala bawal akong mag-message kapag gabi na. Kaya pala laging ‘business trip’ ang dahilan niya kapag nawawala siya ng ilang araw.” 

Lahat ng palaisipan na hindi ko pinansin noon, lahat ng tanong na sinagot ko na lang ng tiwala—lahat ay nagkakaroon na ng malinaw na sagot ngayon.

I was the other woman. Ako ang kabit. Ako ang naging dahilan ng pagkasira ng isang pamilyang hindi ko naman alam na umiiral sa simula pa lang.

Tears started streaming down my face, pero hindi ko na pinahiran. Hinayaan ko na lang na dumaloy ang lahat ng sakit na dalawang taon kong itinago sa pagmamahal na akala ko ay totoo. 

How could I be so blind? 

How could I trust him so completely na hindi ko man lang naisip na baka may tinatago siya? He was so perfect, so attentive, so loving—kasi nga siguro ay ibinibigay niya sa akin ang atensyon na dapat ay para sa kanila na lang. 

Ninakaw ko ang oras, ang pagmamahal, ang pagkakataon na dapat ay buo silang magkakasama, at ang mas masakit sa lahat ay hindi ko man lang nalaman.

“Ang sakit naman… Grabe ang sakit,” hagulgol ko nang mahina, yakapin ang sarili ko nang mahigpit habang pinapanood ko silang masaya. 

Every laugh they shared felt like a dagger piercing through my chest. 

Every smile Alejandro gave to them was a slap to my face reminding me that I was never the priority. 

I was just an option. A lark in his perfect little life.

Biglang lumingon si Alejandro, parang naramdaman niya ang tingin ko. Nagtagpo ang mga mata namin mula sa malayo. 

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya, ang pagkawala ng kulay sa pisngi niya, ang paraan ng pagtigil niya sa pagtawa. 

Parang nakakita siya ng multo. Dahan-dahan akong humakbang palapit, kahit na parang pinapahirapan ng bawat hakbang ang buong pagkatao ko. 

Wala akong pakialam kung makikita ako ng babae o ng bata. Kailangan kong marinig mula sa kanya. Kailangan kong malaman ang totoo kahit gaano pa ito kasakit.

Nakita ng babae ang pagbabago sa ekspresyon ni Alejandro kaya lumingon din ito sa kung saan ako nakatayo. 

Nagtaka ito, ngumiti pa nang bahagya bilang pagbati, parang hindi naman siya nakakakilala sa akin. Dahan-dahang tumayo si Alejandro, iniwan ang pamilya niya sa kumot, at naglakad papunta sa akin. 

Ang bawat hakbang niya ay parang pagbabaon pa ng mas malalim na sugat sa puso ko.

“Arabella…” ang bulong niya pagdating sa harap ko, parang takot na takot siyang banggitin ang pangalan ko nang malakas. 

“Anong ginagawa mo dito?”

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko, tinitigan siya nang diretso sa mata. 

“Dapat ako ang magtanong niyan sa’yo, Alejandro. Sabi mo nasa business trip ka? Sabi mo kailangan mong umalis dahil sa trabaho?” 

Ang boses ko ay nanginginig, pinipigilan ang pagsigaw dahil ayaw kong mag-eskandalo pero hindi ko na kayang itago ang galit at sakit na nararamdaman ko.

Nakita ko ang pag-iwas ng tingin niya, ang pagkagat niya sa labi niya habang parang naghahanap ng salitang sasabihin na makakapagpaliwanag sa lahat. 

“Bella, please… hayaan mong maipaliwanag ko ang lahat. Hindi ito ang iniisip mo—”

“Hindi ba?” putol ko sa kanya, napalakas ang boses ko nang kaunti. 

“Ano pa ‘to, Alejandro? Ano pang paliwanag ang pwede mong ibigay ngayon na nakikita ko na ang lahat? Yung babae? Yung bata? Sila ang pamilya mo, ‘di ba? Sila ang buhay mo at ako… ako lang pala ang pangalawa. Ako lang pala ang kabisadong ginawa mo para lang mapunan ang anumang kulang sa’yo.”

“Arabella, mahal kita. Ikaw ang mahal ko, sana maintindihan mo ‘yan. Napilitan lang ako sa sitwasyon namin. Matagal na kaming hindi okay ng asawa ko, pero dahil kay Miguel… dahil sa anak namin, hindi ako makaalis agad. Hinihintay ko lang ang tamang panahon para ayusin ang lahat at makasama ka nang totoo,” mabilis niyang paliwanag, parang inaaral na niya ang mga salitang iyon nang matagal na panahon.

Tumawa ako nang mapait, parang nababaliw na sa narinig ko. 

“Huwag mo akong lokohin, Alejandro. Huwag mo na akong lokohin ulit. Kung talagang mahal mo ako, kung talagang gusto mo akong makasama, sana sinabi mo sa akin ang totoo simula pa lang. Sana binigyan mo ako ng pagkakataong pumili. Pero hindi—pinili mong itago ang lahat. Pinili mong gamitin ako sa kasinungalingan mo. Pinili mong buuin ako at sirain din nang ganito lang.”

Lumapit siya nang kaunti, akmang hahawakan ang kamay ko pero umatras ako agad na parang nasusunog ang balat ko sa posibleng madikit sa kanya. 

“Wag mo akong hawakan. Sobra na ang nakuha mo sa akin. Sobra na ang panahon at pagmamahal na ibinigay ko sa taong hindi naman pala karapat-dapat.”

“Bella, please… huwag mo akong iwan. Hinding-hindi ko kakayanin kung mawawala ka,” pagmamakaawa niya, nakita ko ang luha sa mga mata niya pero sa sandaling iyon, wala na itong epekto sa akin. Nakikita ko na ang lahat—ang bawat salita niya ay isang bitag, ang bawat pangako ay isang kadena.

Tumingin ako sa likuran niya, nakita ko ang babae na nakatayo na rin ngayon, hawak ang kamay ng anak nila, at nakatingin sa amin nang may pag-aalala sa mukha. Alam na niya siguro. 

O baka matagal na siyang sanay sa ganitong mga eksena? Hindi ko alam at hindi na rin mahalaga. Ang malinaw lang sa akin ngayon ay kailangan kong umalis. 

Kailangan kong lumayo sa buhay na ito na pumasok ako nang hindi sinasadya ngunit naging dahilan pa rin ng pagkasira ng iba.

“Ang pinakamasakit sa lahat, Alejandro,” sabi ko habang tinitingnan siya nang diretso sa mata, walang halong takot ngayon kahit na ang puso ko ay parang dinudurog na. 

“Hindi mo lang ako niloko. Ninakaw mo rin ang kapayapaan ng isip ko. Ninakaw mo ang dalawang taon ng buhay ko na hinding-hindi ko na maibabalik pa. At ang pinakamasaklap sa lahat—ginawa mo akong kasangkapan para saktan ang babaeng iyon at ang anak nila nang hindi ko man lang nalalaman.”

Huminga ako nang malalim, pinunasan ang huling luha na dumaloy sa pisngi ko. 

“Wala nang dapat ipaliwanag. Tapos na tayo. Tapos na ang lahat.”

“Arabella, huwag! Maghihintay ako sa’yo kahit gaano katagal. Babalik ako sa’yo kapag maayos ko na ang lahat! Pangako ‘yan!” sigaw niya habang naglalakad ako palayo, hindi na lumingon pa kahit kailan.

Hindi ko pinakinggan ang mga salitang iyon. Hindi ko na bibigyan pa ng puwang ang mga pangakong walang katotohanan. 

Habang naglalakad ako palayo, habang unti-unting nawawala ang tanawin ng kanilang pamilya sa likuran ko, naramdaman ko ang isang uri ng paglaya na mas matimbang pa sa sakit na naramdaman ko. 

Masakit, sobrang sakit, at sigurado akong dadalhin ko ang sugat na ito sa loob ng mahabang panahon. Pero sa araw na ito, natutunan ko ang pinakamahalagang aral sa lahat—na ang pag-ibig na nakatayo sa kasinungalingan ay hindi kailanman magiging tunay na pag-ibig. 

At ang pagpapahalaga sa sarili ay mas mahalaga kaysa sa anumang pagmamahal na maibibigay ng taong hindi kayang panindigan ang sinasabi niyang salita.

Patuloy akong naglakad, palayo sa parke, palayo sa kanya, palayo sa buhay na akala ko ay akin na. 

Ang mundo ko ay nasira, oo, pero alam kong sa pagpapatuloy ko, unti-unti ko rin itong mabubuo muli—ngayon ay mas matalino, mas malakas, at mas handang mahalin ang sarili ko bago ang iba.

The sun was starting to set, painting the sky with hues of orange and purple as I walked away. Each step felt heavier than the last, pero alam kong tama ang ginawa ko. 

Sa likod ko, naririnig ko pa ang boses ni Alejandro na tinatawag ang pangalan ko, pero parang hangin na lang ito na dumaan sa pandinig ko. Wala nang bigat. Wala nang kapangyarihang hilakin ako pabalik.

Napahinto ako saglit sa may kanto ng kalsada at lumingon ako sa huling pagkakataon. Nakita ko siyang nakatayo pa rin sa parehong puwesto, nakatingin sa direksyon kung saan ako nagpunta. 

Ang asawa niya ay nasa tabi na niya ngayon, hawak ang braso niya at tila tinatanong kung sino ako at ano ang nangyari. Nakita ko ang pag-iling niya, ang pagtatangka niyang magpaliwanag, pero sa itsura ng mukha ng babae, alam kong may lamat na ring nabuo. 

At sa sandaling iyon, napagtanto ko na wala na akong kasalanan. Ang kasalanan ay nasa taong nagtago ng katotohanan. Ang kasalanan ay nasa taong naglaro ng dalawang puso nang walang konsensya.

“Goodbye, Alejandro,” bulong ko sa hangin. 

“Salamat sa aral. Pero hinding-hindi na kita hahayaan pang saktan ako ulit.”

Tumawid ako sa kalsada, sumakay sa unang jeep na dumaan, at hindi na lumingon pa ulit. Habang papalayo ang sasakyan, habang naglalaho ang tanawin ng parke at ng mga taong naging bahagi ng bangungot ng katotohanan ko, inilabas ko ang telepono ko.

Dahan-dahan, binura ko ang lahat ng litrato namin, ang lahat ng mensahe, ang lahat ng contact numbers niya. Burado na ang lahat ng ebidensya ng pagkakamali ko. Ngayon, oras na para burahin din siya sa puso ko.

Bawat mensaheng nabubura ko ay parang isang kadena na napuputol. Bawat litrong nawawala sa screen ay parang isang alaala na pinalalaya na. 

Nang matapos ako, ibinaba ko ang telepono at tumingin ako sa bintana. Ang mga ilaw ng lungsod ay nagsisimula nang magliwanag, parang mga bituin sa lupa. Sa kabila ng lahat ng nangyari, sa kabila ng sakit at pagkawala, nandito pa rin ako. Buhay. Hihinga. At may pag-asa pang magsisimula muli.

“Okay lang, Arabella,” sabi ko sa sarili ko, pinipilit na ngitian ang repleksyon ko sa salamin ng jeep. 

“Masakit ngayon, pero lilipas din. Maghihilom din ang lahat. At pagkatapos, magiging mas matatag ka kaysa dati.”

Ang biyahe ay tila isang simbolo ng paglalakbay ko papalayo sa lumang buhay at papalapit sa bagong simula. 

Wala nang plano, wala nang pangako, wala nang Alejandro. Ako na lang at ang sarili ko. At sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, naramdaman ko ang tunay na kalayaan. Hindi na ako ang pangalawang babae. Hindi na ako ang lihim. Hindi na ako ang kabit. Ako si Arabella—isang babaeng nasaktan, natuto, at handa nang lumaban muli.

Nang makauwi ako sa apartment, inilabas ko ang lahat ng regalong ibinigay niya sa akin—mga alahas, mga damit, mga libro—at inilagay ko lahat sa isang malaking kahon. 

Wala akong balak itago ang mga ito. Wala akong balak panatilihin ang anumang bagay na magpapaalala sa akin sa kanya kinabukasan ng umaga. Dadalhin ko ito sa isang charity shop bukas ng umaga.

 Hayaan na ang iba ang makinabang sa mga bagay na ito, ang mga taong mas karapat-dapat tumanggap nito nang may tunay na pagpapahalaga.

Pumasok ako sa banyo at naligo, hinayaang dumaloy ang tubig sa buong katawan ko na parang tinatangay nito ang lahat ng dumi, ang lahat ng sakit, ang lahat ng bakas ng nakaraan. Habang nakatayo ako doon sa ilalim ng mainit na tubig, hindi ko napigilang umiyak ulit. 

Nang matapos ako, nagbihis ako ng pinakamagandang damit na mayroon ako—isang simpleng puting bestida na binili ko para sa sarili ko, hindi dahil gusto niya kundi dahil gusto ko. 

Umupo ako sa harap ng salamin at inayos ang buhok ko, nilagyan ng kaunting kolorete ang labi ko. 

Tumingin ako sa repleksyon ko. Ang mga mata ko ay namumugto pa, oo, pero may kislap na bumabalik doon. Ang mukha ko ay pagod, pero may bakas ng kapayapaan na unti-unting bumabalik.

“Maganda ka pa rin, Arabella,” bulong ko sa sarili ko habang hinahaplos ang pisngi ko. 

“At mas magiging maganda ka pa kapag tuluyan ka nang gumaling.”

Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ang matalik kong kaibigan. 

“Hello? Tine? Pwede ba tayong magkita ngayon? Kailangan kita… Oo, ngayon na. Sige, susunod ako diyan sa café. Salamat, ha? Salamat.”

Pinatay ko ang tawag, kinuha ang bag ko, at hinarap ang p***o. Bago ako lumabas, lumingon ako sa loob ng kwarto ko—sa kama kung saan marami kaming pinagsaluhan, sa bintana kung saan madalas kaming tumitingin sa mga bituin habang magkahawak ang kamay, sa bawat sulok na may bakas ng alaala niya. Huminga ako nang malalim at isinukli ang pagtingin sa lahat ng ito ng isang huling tingin.

“Paalam na, Alejandro,” sabi ko nang mahina.

Isinara ko ang p***o, kinandado ito, at naglakad palayo—palayo sa nakaraan, papalapit sa kinabukasan.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
3 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status