LOGINNgumiti si Clarkson pero hindi umabot sa tenga nito. Ramdam niya ’yon. Ramdam niya ang pilit na tapang sa likod ng ngiting iyon, ang takot na pilit ikinukubli, ang pangambang baka kahit anong sabihin niya ay hindi pa rin sapat.“Hindi gano’n kadali ’to sa bubuuin nating pamilya, Aria. May kulang sa akin,” mahinang sambit ni Clarkson.“Wala akong nawawala,” mariing sagot niya. “Ikaw ang pinili ko. Ikaw pa rin.”Ngunit umiwas ng tingin si Clarkson, para bang natatakot itong maniwala sa mga salitang iyon.“Hindi ko alam kung hanggang kailan mo masasabi ’yan,” sabi nito. “Kapag dumating ang araw na makita mong lahat ng kaibigan mo may anak na… kapag maramdaman mong may kulang… baka sumbatan mo ako.”Sumakit ang dibdib niya. Lumapit siya at hinawakan ang pisngi nito, pinilit itong tumingin sa kanya.“Clarkson,” mariin niyang sabi. “Huwag mong desisyunan ang mararamdaman ko sa hinaharap. Hayaan mo akong manatili. Hayaan mo akong pumili.”Nanginig ang labi ni Clarkson. “At kung balang araw…
Tumigil siya sa paglalakad at bahagyang nagtago sa gilid ng pader, sapat lang para marinig ang usapan pero hindi siya makita.“Sigurado ka na ba, anak?” seryosong tanong ni Ninong Clark.“Opo, Dad. Kailangan malaman ni Ninong James ang lahat bago kami magpakasal ni Aria,” walang pag-aalinlangang sagot ni Clarkson. “pinag-isipan ko ito ng mabuti, ayokong magsimula ang kasal namin na may kasinungalingan. Deserve niyang malaman ang totoo… ang lahat.”Nakita niyang nalungkot ang kanyang daddy. Mukhang malaki ang impact ng sinabi ni Clarkson sa ama niya.Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan. Ano ang tinatago ni Clarkson na sekreto sa kanya?“Nasaan na ba siya?” tanong ng daddy niya.“Nasa kwarto po. Naliligo,” sagot ni Clarkson.Napapikit siya. Siya pala ang tinutukoy.“Clarkson, mahal na mahal ka namin. Pero si Aria ang makakapagdesisyon. Kung ano man ang desisyon niya ay sana igalang natin,” sambit ng kanyang ng kanyang Daddy James. Sumikip ang dibdib niya. Gusto niyang lumabas sa pinag
Napatingin siya kay Clarkson na ngayon ay lumuluha na rin.“Are you crying?” biro niya.“Ah no… napuwing lang ako,” sambit nito sabay punas nang mabilis sa mga mata.“No… you’re crying!” asar niya.“And so are you, babe…” balik nito sa kanya. Iyak-tawa silang dalawa.Tiningnan niya ang singsing na inilagay ni Clarkson sa kanyang daliri. It cost a fortune for sure, sa laki ng diamante na nakapatong doon.“Babe, you don’t have to buy me this very expensive ring…”“No, babe. You deserve all the beautiful things in the world. Sa tingin mo, sa lahat ng pinagdaanan natin, titipirin ba kita?”“Hihihi… so ito pala ang pinagkakaabalahan mo kaya hindi mo ako sinama kanina?”“Sorry, babe… kung isasama kita, papalpak ang plano ko. Sorry kung nagtampo ka.”Muli siyang ngumiti. “It’s okay, it’s worth the tampo.” Niyakap siya ni Clarkson nang mahigpit.“Okay, okay, love birds. Tama na ’yan.." interrupt ni Ninang Jonie sa kanila.“Ninang!” sabi niya saka ito niyakap. Nasa likod nito si Ninong Ken na
Bumaba sila ng hagdan at agad silang sinalubong ng masiglang tugtog ng banda. May ilang bisita ang napalingon sa kanya, may mga ngiti, may mga bulungan, at may ilan na napapahinto sa pag-uusap. “Grabe… lahat yata napatingin sa’yo...” bulong ni Phern sa tabi niya.Hindi siya sumagot. Mas abala ang kanyang mga mata at may gustong makita… si Clarkson.Ngunit kahit saan siya tumingin... sa garden, sa may buffet table, sa gilid ng stage, wala ito roon.“Aria!”Napalingon siya nang marinig ang boses ng Daddy niya. Palapit ito kasama ang Mommy, parehong nakangiti.“Dad, what is this party all about? Bakit ang bongga naman yata.”Tumawa ang Daddy niya. “We already told you, we have something important to announce.”Hindi na niya pinansin ang sinabi nito at sumimangot “Dad… nasaan si Clarkson?”Nagkatinginan ang Mommy at Daddy niya. Parang may silent conversation na naganap sa pagitan ng mga ito.Ngumiti ang Mommy niya. “Mamaya mo na malalaman. Enjoy ka muna.”“Mom…” napakunot ang noo niya. “
ARIA POV:Napatingin siya sa kanyang cellphone. It was past 6 in the evening. Ayaw pa sana niyang umuwi kahit pa wala naman siyang ginagawa doon sa opisina kundi tumambay. Ayaw niyang magpakita kay Clarkson. Ipaparamdam niya na nagtatampo siya. Pero baka mapagalitan naman siya ng kanyang Mommy at Daddy. Mahigpit na pinagbilin ng mga ito na uuwi siya ng alas-siyete ng gabi.“Ano ang sinisimangot mo diyan, Mam Aria?” tanong ni Phern sa kanya.“Ayaw kong umuwi, pero sabi ni Mommy uuwi daw ako bago mag 7 PM.”“Bakit ayaw mong umuwi? Di ba andoon si Clarkson? Himala, ayaw mo siyang makita ngayon?”“I hate him!… umalis siya, pero hindi ako sinama.” nakasimangot na sabi nya“Sino ang kasama niya kung gano’n?”“Ang Mommy at Daddy niya.”“Gano’n ba. Baka naman may pinuntahan lang. Masyado ka namang madamdamin. Kailangan ba palagi kayong magkadikit?”“I don’t know, Phern, pero gusto ko kasi palagi kaming magkasama. Alam mo ’yung tinago namin ang relasyon namin sa mahabang panahon, tapos kung k
CLARKSON'S POV:"Do you think it’s time, Mom?" hindi mapigilan nyang tanong sa ina habang nasa kotse sila kasama ang kanyang Daddy. Pupunta sila sa jewelry shop para bibili ng engagement ring. "Do you think it’s too early? kakahiwalay lang nila ni Ben at ang alam ng mga tao ay sila ang ikakasal.""Kaya nga dapat ay mag-propose ka na para malaman na nila na ikaw ang dapat na pakasalan ni Aria at hindi si Ben.""Bakit? You are having second thoughts, son?" sabat ng daddy nya"Hindi, Dad! Syempre hindi… natatakot lang ako. Baka hindi tanggapin ni Aria ang proposal ko." Kahit pa napag-usapan na nilang dalawa iyon ay iba pa rin pala kapag totohanan na."I’m sure Aria will say yes. Saka ano pa ang kinakatakutan mo? Ang dami n’yo nang pinagdaanan na dalawa, ngayon pa ba uurong ang buntot mo?"Napatigin siya sa kanyang mga magulang na pinagtatawanan siya. Kung dati ay tutol ang mga ito, ngayon naman ay pinagtutulakan na siya."Bilisan na natin sa mall at dumiretso sa airport. Susunduin pa nat



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



