Pagbaba niya ng unang palapag ay andoon na sa hapag-kainan sina Tito Gregore, Tita Beth, Jonie at Ken na kalong-kalong si Lilly, kasama ang panganay na anak ng mga ito na si Gray."Tita Bebe!" magiliw na sigaw ni Gray saka tumakbo papunta sa kanya. Malaki ang ngiti niyang sinalubong ang pamangkin na miss niya rin. Niyakap niya agad ang pamangkin.Siya ang taga-bantay nito dati noong maliit pa ito kaya hindi na rin siya nahirapan sa pag-aalaga kay Tyler dahil may experience na siya sa pag-aalaga ng bata."I miss you, Tita Bebe!""I miss you too, kuya Tyler! Kuya ka na... You're a big boy now!""Opo, Tita, I’m kuya now... Have you seen my baby sister? She’s so cute like Mom! Ako naman ay mana sa Dad ko na pogi!" pagmamalaki nito. Natawa silang lahat sa kabibohan ni Gray."Talaga lang ha? Sige nga... patingin nga ng baby sister mo kung maganda like your mom?""Of course, Tita Bebe! I’m not lying! Look!" wika nito saka siya ginaya sa harap ni Ken na siyang may buhat kay Lilly."Oo nga noh
"Bebe, iha. Go for what you think is right." sambit ni Tito Gregore sa kanya. Sinulyapan niya muna ang pinsan at tiyahin niya. Mukhang lumambot na rin ang mga mukha nito at sumang-ayon kay Tito Gregore."T-Thank you po, Tito...""Sige, I will let you go to Scotland, Bebe. But always remember na kahit anong mangyari ay andito pa rin kami bilang pamilya mo.""Thank you po, Ate... huhuhuh," doon na umagos ang luha niya. Tumayo siya at lumapit sa pinsan at tiyahin saka niyakap ang mga ito."Great! Hay, salamat naman at okay na ang lahat. Nakakapagod mapagitnaan!" sabat ni Ken. "Nakakapagod! Hindi ko alam kung saan ako kakampi... sa asawa ko o sa kaibigan ko!" wika nitong nakangisi. Tiningnan ito ng masama ni Jonie."Pero siyempre, baby, sa’yo ako kakampi... Hehehe. Naaawa lang ako kay James dahil nakikita kong mahal niya talaga si Bebe pero wala akong magawa para tulungan siya dahil ayaw mo sa kanya. So ngayon, okay na ang lahat at matatahimik na rin ako." Nagtawanan sila sa komento ni Ke
Tatlong araw din ang tinagal nila sa Pilipinas bago napagdesisyunan na pumunta na ng Scotland. Maaga cyang nagising upang maghanda para sa kanyang flight patungong Scotland.Habang inililigpit ang mga gamit niya ay hindi niya maiwasang magmuni-muni. Hindi pa nya nakakausap si James simula ng maghiwalay sila sa Baguio. Hindi nya alam kung bakit pero hindi na nya ito macontact. Nagdadalawang isip tuloy cya kung pupunta cya ng Scotland o hindi na.Ayaw naman nyang sabihin sa pamilya nya ang tungkol doon dahil baka kung ano na naman ang sasabihin ng mga ito. Tanggap na ng mga ito si James at ayaw na nyang sirain pa.Napa isip tuloy cya kung sa pagdating nya doon ay ganun pa din ba ang pagtanggap ni James sa kanila ng anak nya? Bakit hindi na ito komokontact sa kanya? Ang isa pa sa nagpapagulo sa isip nya ay kung paano tatanggapin ng pamilya ni James ang anak nila."Bebe, handa na ba lahat?" Nagulat cya sa pag suplot ni Ken habang sumilip sa pinto ng kwarto niya."Handa na kuya." sago
Si Tita Evelyn na ang may hawak kay Tyler. Tinulungan siya nito dahil nangangawit na siya."My apo..." wika nitong maluha-luhang mata habang tinititigan si Tyler. Nakakaiyak ang tagpong iyon pero mas napunta ang atensyon niya sa kalagayan ni James. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya nalalaman ang totoong nangyari dito."Tita, ano ba talaga ang nangyari kay James?" tanong niya. Malapit na sila sa ospital pero hindi na siya makapaghintay."Nandito na tayo sa ospital, iha." yun lang ang sagot nito sa kanya. Napatingin siya sa labas ng kotse. Andoon na nga sila. Agad silang pinagbuksan ni Logan ng pinto saka lumabas na.Kung kailan naman andoon na sila ay parang ayaw na niyang pumasok. Natatakot siya sa maaaring malaman na nangyari sa nobyo niya. Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Tita Evelyn sa kanya?Nagpatuloy ito sa unahan. Nakasunod lang siya sa likod nito. Pumunta sila sa isang private room. Malayo pa lang ay nakita niyang may mga bodyguard na nakabantay sa labas ng kwarto."W
Habang tahimik siyang nakaupo sa labas ng operating room ay ramdam niya ang bawat pintig ng kanyang puso. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay James. Sa kabila ng sinabi ni Doc Angus na magiging maayos ang lahat ay hindi niya mapigilan ang mag-isip ng pinakamasamang maaaring mangyari. Naalala niya ang mga masasayang alaala nila ni James sa Baguio bago ito umuwi ng Scotland... ang mainit nilang pag-niniig sa kama, ang mahigpit nitong yakap bago sila matulog, ang masaya nilang tawanan habang nanonood ng comedy movie. Paano kung iyon na ang huli? Hindi man lang siya nagkaroon ng hint na may sakit pala itong dinadamdam. Nabaling ang atensyon nila nang biglang bumukas ang pinto ng operating room. Lumabas ang isang nurse na may seryosong ekspresyon. Agad siyang tumayo at sinalubong ito. “Kumusta si James? Maayos ba siya?” nanginginig niyang tanong. Maging ang pamilya ni James ay naghihintay din ng sagot ng nurse. Pero bago pa makasago
"Logan, we need to go back to the hospital. James is already awake!" balita niya sa driver habang papalapit dito. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto, siya na agad ang sumakay. "Wow, that’s great news, Ma’am Beverly!" ani nito. Marami ang naghihintay ng paggaling ni James dahil mabait itong tao. Habang nasa biyahe siya ay excited na siyang makita ulit si James. Simula ng dumating siya doon sa Scotland ay hindi pa sila nagkita. Pagkadating ng ospital ay tumakbo agad siya sa private room nito. Hindi na siya nag-abala pang kumatok, agad niyang binuksan ang pinto. Nabaling lahat ang tingin ng mga tao sa pagpasok niya. Andon si Tita Evelyn, Tito Oliver, at John, pero nakatuon ang atensyon niya kay James na nakahiga sa kama. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sandali siyang natigilan doon. Agad namasa ang mga mata niya nang makitang maayos na ang kalagayan ni James. "S-sweetheart..." mahinang wika ni James. Saka siya natauhan sa pagkakatulala at agad na lumapit sa nobyo. "
Pagkaraan ng isang linggo ay nakalabas na din sa wakas si James sa ospital. Hanggang ngayon ay hindi pa din nito nakikita si Tyler dahil hindi pinayagan ng mga magulang nito na pumunta ng ospital. Mas strikto pa ang mga magulang nito ngayon kay Tyler kaysa sa kanya. Natawa na lang siya dahil mahal na mahal ng dalawang matanda ang apo nila. Kasalukuyan silang nasa kotse ngayon, pauwi ng palasyo. Magkahawak-kamay sila doon. "Bakit nga pala, sweetheart, hindi ko nakita sina Mommy at Daddy dumadalaw sa akin sa ospital? Porket alam nilang successful na ang operasyon ko, hindi na nila ako dadalawin?" may tampong sabi nito. "Ah eh... sa bahay na lang daw sila, total naman ay andoon ako lagi sa'yo nagbabantay." Simula din nang naging okay na si James, hindi na din pumunta ang mga ito sa ospital. Sa bahay lang sila nagbabantay sa anak niya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil ang cute naman talaga ni Tyler at manang-mana sa mga lahi ng Blacksmith na lalong ikinatuwa ng dalawang mat
Pagpasok nila sa kwarto ay nilagay muna nito si Tyler sa kuna saka cya binigyan nito ng pansin. Agad cya nitong niyakap ang siniil ng halik. "Sweetheart alam mo bang miss na miss na kita, hmmm?" Lalong nilapit nito ang katawan sa katawan nya kaya naramdaman nya ang naghuhumindig nitong pagkalalaki. "Agad???" nagulat na wika nya dahil kakapasok palang nila sa kwarto ay tinatayuan na agad ito. "Yan ang epekto mo sa akin, Bebe.. Alam mo naman na patay na patay ako sayo." Nakangising wika nito saka lalong cyang inaakit nito sa pamamagitan ng pag halik sa kanyang leeg. Naglakbay na ang kamay nito sa kanyang katawan na lalong nagp-init sa kanya. "S-sweetheart... baka magising si Tyler?..." wika nyang tila namamaos ang boses dahil nadadarang na din cya sa mga halik nito. Patuloy pa ito sa paghalik sa leeg at balikat nya. Nabuksan na din nito ang kanyang zipper sa likod. "Don't worry... masarap ang tulog ng anak natin, hindi cya magigising.. Alam nyang na miss kita kaya bibigyan
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis