"O-opo... Shiela po ang name ng nurse namin na kasabwat ni Miss Amber dito." Nakayukong sagot ng nurse. Ayaw nitong salubungin ang mga tingin nila samantalang ang director ay tahimik lang. "James... di kaya ang Shiela na tinutukoy nila ay ang Shiela na private nurse ni Tyler ngayon?" kinakabahan siya na posibleng tama ang hinala niya. Kanina pa siya hindi mapakali."It's impossible, sweetheart! Hindi kukuha si Mommy ng may kriminal record!"Hindi niya pinansin si James at binalingan ang director. "May picture ba kayo ng sinasabi niyong Shiela?""Opo, Ma'am. Teka lang po, hahanapin ko..." ang sekretarya ang sumagot saka hinanap ang record nito sa computer. Natutulala nalang ang direktor na parang natatakot sa anong posibleng mangyari sa facility nila. "Oh my God!" gulat na wika niya nang makumpirmang ang Shiela na tumulong kay Amber para makalabas sa facility at ang Shiela na private nurse ni Tyler ngayon ay iisa."James, huhuhuh... baka kung ano ang mangyari kay Tyler... we have to
****************AMBER'S POV:Napangiti siya habang nagkakagulo na ngayon sa palasyo. Nasa likod siya ng kotse, hawak ang anak ni James at Beverly habang si Shiela ang nagda-drive ng get-away car nila."Good job, Shiela. May bonus ka sa akin mamaya." wika niya sa private nurse niya sa facility na binabayaran para tulungan siyang ilabas doon.Napangisi ito sa sinabi niya. "Salamat, Mam Amber. Pag nakuha ko na ang pera ay aalis na ako dito sa Scotland at magpakalayo-layo."Lihim siyang napangisi. Mukhang pera ang babaeng ito kaya nauto niya nang maigi. Tinapalan niya lang ito ng pera at bumigay na kaagad.Hindi naman kasi siya baliw. Nagbaliw-baliwan lang siya noong ikukulong na dapat siya dahil sa ginawa niyang panloloko sa mga Blacksmith.Mas gugustuhin niyang malagay sa mental facility kaysa sa kulungan. Mahirap na kapag sa kulungan... sa ganda niyang iyon ay baka pagpasa-pasahan pa siya ng mga pulis. Noon pa man ay nakikita na niya ang mga titig ng mga pulis sa kanya noong kasama n
Nanlilisik ang mga mata niyang tinititigan si Shiela na wala nang buhay sa ibaba ng bangin.Nang masiguradong wala na itong buhay ay muli siyang sumakay sa kotse. Mabuti na lang at tulog pa ang anak ni Beverly at James, hindi siya mahihirapan sa pagmamaneho.Bilib din naman siya sa batang ito at hindi naman ito sakit sa ulo. Tulog lang ito nang tulog, di tulad ng ibang baby na iyak nang iyak.Pinaandar niya ang kotse at iniwan doon si Shiela. Kailangan niyang makaalis agad doon. Kahit pa alam niyang walang makakakita sa kanya dahil masukal ang daan ay mabuti na yung sigurado.Tiningnan niya ang nasa front seat na mga gamit ni Tyler. Kumpleto naman doon... andoon na ang mga diaper at gatas nito. May mga damit na rin na pamalit si Tyler. Napangiti siya, kahit papaano ay concerned naman pala si Shiela kay Tyler. Kung siya lang kasi ay hindi niya ma-iisip na dalhan ng gamit ang batang kinidnap niya.Mga isang oras pa siyang nag-drive papunta sa bahay-bakasyunan niya. Sinigurado niyang mal
******************JAMES' POV:Awang-awa na siya kay Bebe. Nasa kwarto na lang ito at nakatulala, minsan ay bigla na lang itong iiyak. Magda-dalawang linggo na pero hindi pa rin nila nakikita si Amber at ang anak nilang si Tyler. Maging siya ay napanghihinaan na rin ng loob pero kailangan niyang magpakalakas para kay Bebe. Kung magpapakita siyang kahinaan, ano na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa?Nakakalabas na rin ang mommy niya sa ospital. Kinuwento nito na si Shilea na private nurse ni Tyler nga ang may gawa kung bakit ito nawalan ng malay sa garden. Pinainom daw ito ng inumin na may pampatulog kaya ito nawalan ng malay para maitakas si Tyler.Mabuti na lang at nakita ni Logan na nakabulagta si Mommy sa garden, pero wala na si Shiela at si Tyler. May sumundo daw dito na isang puting kotse na ang hinala nila ay si Amber. Napagplanuhan talaga ng dalawa ang gagawin para makidnap si Tyler. Tamang-tama naman sa araw na iyon na wala sila ni Bebe, at pinagsisisihan niya iyon dahil h
Napabuntong-hininga na lang siya... "Officer, ano po ang pakay niyo? Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Bebe sa mga pulis. "Ipapaalam lang po namin na nakita na namin si Shiela, ang private nurse ng anak niyo." "Huh? Saan niyo siya nakita? Nakita niyo din ba ang anak ko? Nahuli niya ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Bebe. "Ikinalulungkot ko pong ibalita na wala nang buhay si Shiela nang matagpuan namin sa bangin. May saksak siya sa tagiliran, at mukhang doon ginawa ang krimen para hindi mahanap kaagad. Ang hinala po namin ay si Amber ang may gawa nun sa nurse." "Diyos kooo! Huhuhuh... si Tyler... saan na naman si Tyler? Baka wala na din buhay ang anak ko katulad ni Shiela, huhuhu..." hagulgol ni Bebe. Maging siya ay humagulhol na rin. Hindi niya lubos maisip na wala na ang anak nila. "Hindi pa naman tayo sigurado, Madam Beverly. Wala po kaming nakitang ibang katawan doon bukod kay Shiela. May posibilidad na buhay pa ang anak niyo at kasama ni Amber ngayon sa pagtatago." "Plea
"Tumahan ka, Evelyn! Hindi makakatulong ang pag-iyak mo. Ang dapat nating isipin ay kung ano ang gagawin para lalo mapabilis ang paghanap sa baliw na Amber na 'yun at sa apo natin!" matigas na wika ni Tita Beth. Sandaling tumigil ang mommy niya sa pag-iyak. Nagpunas ito ng mga luha bago magsalita. "Tama ka, Beth. Magbabayad ang babaeng 'yun kapag nahuli natin siya. Sisiguraduhin kong liliit ang mundo niya. Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan!" galit din na wika ng mommy niya. "Iho, tawagan mo ang mga magulang ni Amber. Gusto ko silang makausap." utos ng mommy niya. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number ni Leo Moray, ang ama ni Amber. "Iho, kamusta? Napatawag ka?" Sa tono ng pagsagot nito, parang wala itong alam sa mga nangyayari. "Mom wants to talk to you..." sambit niya saka pinasa ang telepono sa mommy niya. "Leo! Where is your daughter?" galit na sabi ng mommy nya "What do you mean where is my daughter? Di ba nasa mental facility siya?" "Nakatakas siya at k
'Iho... ang pinakaimportante ngayon ay mahanap natin si Tyler. Kapag nakita na siya ay saka natin harapin ang iba pang mga problema. Kung talagang mahal mo ang mag-ina mo ay ipakita mo sa kanila at ipaglaban mo ang pamilya mo." Tumango siya at tila nabuhayan ng pag-asa, nagpapasalamat siya at andiyan palagi ang mommy niya na nakasuporta sa kanya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan na imbestigador. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yun dati pa? Napuno kasi ng pag-aalala ang utak niya sa anak at hindi niya naisip na tawagan ang kaibigang imbestigador. "Hello, bro." Bungad niya ng sagutin ni Froilan ang tawag niya. "What up, bro?" "I need your help. Kinidnap ang anak ko ni Amber Moray." "What? Was she supposed to be in a mental facility?" "Yes, pero nakatakas siya at kinidnap niya ang anak ko." "Damn!" mura ni Froilan nang marinig ang kwento niya. "Bigyan mo ako ng detalye at ng mapag-aralan ko ang kaso niya. Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong i
AMBER'S POV:Nagmamaneho siya papunta ng siyudad. Nabibingi na siya sa iyak ni Tyler, paubos na kasi ang gatas nito. Hindi niya naman akalain na malakas pala itong dumede kaya mabilis lang maubos ang gatas na dala ni Shiela. Kailangan nilang lumabas para bumili ng gatas at pagkain. Tumigil muna siya sandali para padedein ito. Hindi naman ito titigil sa kakaiyak dahil gutom, kaya wala siyang magawa kundi tumigil muna para padedein ito.Ngayon niya lang narealize na mahirap pala ang maging ina. Pero okay lang, dapat masanay na siya dahil inako niya na ang maging anak si Tyler. Nang tumigil na ito sa kakaiyak at nakatulog na ay muli niya itong nilagay sa passenger's seat. May ginawa siyang harang na unan doon para hindi mahulog si Tyler sakaling nagmamaneho siya.Pinaandar niya ang maliit na TV para malibang naman siya habang nagda-drive. Sakto naman na balita ang nabungaran niya."Kita mo nga naman... nakita na pala ang bangkay ni Shiela?" aniya habang nanonood ng TV. Nakita na ng mga p
Nagising siya kinaumagahan na masaya. Ang sarap ng tulog niya. Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Lumabas agad siya ng kwarto para makita ang dahilan kung bakit siya masaya.Paglabas niya ng kwarto ay narinig niyang maingay sa kwarto ni Lilly. Hindi iyon nakasara kaya sumilip siya. Nandoon si Lilly kasama si Rosie. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan. Binigay na ni Rosie ang pasalubong nito sa kapatid niya at tuwang-tuwa ito."Good morning, girls!" bati niya nang tuluyang buksan ang pinto. Nagulat pa ang dalawa sa pagsulpot niya."Kuya, andito ka pala. Ano ang pasalubong mo sa akin from Baguio?"Napakamot siya ng ulo."Pasensya na, Lillyt. Wala akong pasalubong.""Ano ka ba naman, Kuya, bakit wala? Si Ate Rosabel nga merong pasalubong sa akin eh!""Ah eh... 'yan na nga ang pasalubong namin sa’yo. Kami ang bumili niyan na dalawa."Agad na sabat ni Rosie sa pagta-tantrums na naman ni Lilly."Bakit, mag-jowa ba kayo na iisa lang ang pasalubong niyo sa akin?"Napatingin siya kay Ro
GRAY'S POV:Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit... dahil siguro sa saya na dala ni Rosie sa kanya.Pabagsak siyang humiga sa kama. Malayo ang dri-nive niya pero hindi siya napagod dahil masaya kasama si Rosie. Aaminin niyang kanina ay masama ang loob niya. Pero naramdaman niyang pilit pinapagaan ni Rosie ang loob niya.Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Ang daddy niya ang pumasok."Hi, Dad... May kailangan ka?"Tumayo lang ito sa harap niya na parang binabasa ang kanyang mga mata."Do you like Rosabel, anak?" diretsahang tanong nito."A-ano ka ba, Dad... parang kapatid ko na siya!" agad na sagot niya. Nahihiya siyang aminin sa daddy niya na may special siyang pagtingin kay Rosabel."Hindi ako tutol kung gusto mo siya, iho. Ang sa akin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral, at ganoon din si Rosie. Patapusin mo siya ng pag-aaral. 'Yun lang hinihingi ng nanay niya.""D-Dad, what are you talking about? Akala mo ba sa akin tirador ng ba
ROSIE'S POV:Wala na naman silang pansinan sa biyahe, hapon na sila umalis sa resort at mukhang gagabihin sila pagdating sa Manila..Lihim siyang napahinga ng maluwag nang nagdesisyon si Gray na uuwi na sila. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung paano sila mamayang gabi. Iisa lang ang kama at dalawa lang sila doon. Hindi imposibleng may mangyari sa kanila at ayaw niyang mangyari yun.Oo, may gusto siya kay Gray, pero hindi pa siya handa. Madami pa siyang plano sa buhay."Huuuuy... bakit tahimik ka jan, kuya?" Siya na ang naunang pumansin dito, ayaw niyang magkasamaan sila ng loob hanggang sa pagdating nila sa Manila."Pansinin mo naman ako..." wika niya. "Galit ka ba sakin? Sorry na... gusto ko na kasing umuwi eh.""It's okay... hindi ako galit." tipid nitong sagot"Hindi daw pero hindi naman namamansin!? Pilit niyang pinapagaan ang kanilang conversation. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa."Paandarin mo lang ang audio... gusto ko ng sounds!" utos niya. Sinunod n
Hindi siya napansin ng babae. Patuloy lang ito sa paglangoy paroo’t parito sa pool, at mukhang nag-e-enjoy.Hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga. Lalong nag-init ang katawan niya, para siyang manyak na naninilip kay Rosie na walang kaalam-alam na andoon na siya. Naramdaman niyang gusto nang kumawala ang junior niya.“Fuck! Ano ang gagawin ko?” Hindi siya pwedeng magpakita kay Rosie nang nasa ganoong sitwasyon. Hindi rin pwedeng hindi niya ito mailabas dahil sasakit ang kanyang puson! Pwede din siyang lumabas, hanapin si Samantha at yayain ito dahil mukhang game naman ang dalaga... pero ayaw niya.Pumasok siya sa CR. Hindi pa rin siya nakita ni Rosie dahil may glass door na nakapagitan sa kuwarto at sa swimming pool area.Pagpasok niya sa banyo ay dali-dali siyang naghubad ng damit at binuksan ang shower. Kahit doon man lang ay maibsan ang init ng katawan niya. Pero parang hindi sapat ang pagligo lang...Wala sa sariling kinapa niya ang kanyang alaga. Matigas na ito sa galit... gan
GRAY'S POV:Hindi siya papayag na umuwi sila ng Manila na hindi matikman ang labi ni Rosabel. Ang akala niya kagabi ay 'yun na 'yun... pero napurnada pa.Kung magiging first kiss siya ni Rosie, ay ganoon din naman siya. He never kissed a girl on the lips before... ayaw niya. Ang gusto niya, kapag gustong-gusto na niya ang babae, ay 'yun ang magiging first kiss niya. Si Rosabel na ba 'yon? tanong niya sa sarili.Alam niyang bad move 'yong desisyon niyang mag stop-over sila roon dahil sarili lang din niya ang pahihirapan niya. Ilang libong pagtitimpi ang inipon niya na walang gagawin kay Rosie. Ginagalang niya ang babae at ayaw niyang pagsamantalahan ito.Pero kung ibang babae lang iyon, ay baka naikama na niya ito. He's in heat, malibog siyang lalaki, at hindi uso sa kanya ang nagtitimpi.Inaamin niyang inaakit niya si Rosie sa pamamagitan ng paghuhubad sa harap ng dalaga, sa pasimpleng pagdadantay ng katawan niya sa katawan nito. Lalaki pa rin siya at hindi santo. Umaasa siyang bibig
Nag-drive na ito pabalik sa Manila... Wala na naman silang pansinan. Hindi man lang nito pinaandar ang audio para sana may konting ingay sa loob ng kotse. Pumikit na lang sya para kunyaring natutulog. Ayaw naman niyang mag-open ng conversation, hindi niya alam kung gusto din ni Gray na kausapin niya. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ang pagtulog-tulogan niya ay natuluyan. Dahil na din siguro sa antok at sa sarap ng aircon kaya mahimbing siyang nakatulog sa passenger's seat.Nang maalimpungatan ay napansin niyang nakatigil ang kotse. Pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nasa isang beach resort sila. "Where are we?" "Mag-stop over muna tayo dito... Pagod na akong mag-drive eh." Napatingin siya ng diretso dito. Ngayon pa ito nagreklamong pagod mag-drive samantalang nakapagpahinga naman ito sa bahay nila!?Hindi na siya nakapagreklamo ng nauna na itong bumaba ng kotse. Bumaba na din siya at sumunod sa likod nito, pumunta ito sa front desk."1 room, please." "Overnight
"Stop what, baby?...." pabulong na na tanong ni Gray. Ang hininga nito ay tumatama sa leeg at tenga niya."Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi? Iniisip ko 'yung naantala nating kiss.... Puwede ba nating ituloy?"Napapikit siya. There's a part of her na nadedemonyo at gustong pagbigyan si Gray pero after that kiss, anong mangyayari sa kanya? Aasa ang puso niya at masasaktan siya? Alam niyang laro lang ang lahat ng ito kay Gray.... Papayag ba siyang paglaruan lang siya nito?"Stop it, kuya… Let go of me..." mahinang pakiusap niya. "Anak ka ng amo ng nanay ko… Anak ako ng katulong niyo… Tigilan mo na ang paglalandi sa akin, please... Sa iba mo na lang gawin 'yan…”Pabulong niyang sabi habang nakayuko... Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na masambit ang lahat ng katagang iyon pero 'yon ang dapat. Ayaw niyang tuluyang mahulog ang loob niya kay Gray dahil sa patuloy nitong paglalandi sa kanya. Wala pa siyang karanasan sa pag-ibig at siguradong masasaktan lang siya s
Maaga siyang nagising para mag-prepare ng breakfast. Nagsasangag siya ng kanin, itlog at hotdog naman ang ulam na niluluto niya. Nag-iinit na din siya ng tubig para ready na mamaya sa kape nila.Tulog pa ang lahat maliban sa kanya. Di rin siya nakatulog masyado dahil sa hilik ng lolo at lola niya. Marahil ay sanay na ang mga ito sa ingay ng isa’t isa kaya mahimbing pa din ang tulog ng mga abuelo. Tila nag-uusap pa din ang dalawang matanda sa pamamagitan ng kanilang paghihilik. Natatawa na lang siya.Naalala niya ang kanyang bisita na si Gray. Kamusta na kaya ito sa kwarto niya? Komportable ba siya? Nakatulog ba siya ng maayos? Bigla siyang kinilig nang maalalang kamuntikan na siyang magpahalik kay Gray. Kung hindi lang sila kinatok ng lolo niya kagabi, malamang mararanasan na sana niya ang kanyang "first kiss"!Hindi niya alam kung bakit kapag andyan si Gray ay naiilang siya. Ang lakas kasi ng dating ng lalaki na parang hinihigop nito ang lakas niya, para siyang nahihipnotismo. Iyon s
"D-doon ka na lang sa kwarto ko. Iyon lang kasi ang may aircon. Doon na lang ako matutulog sa kwarto ni Lolo at Lola." "H-hindi... nakakahiya naman. Aagawan pa kita ng room. We can share room if you want." "Huh?.... Ah eh..." "Don't worry, wala akong gagawin sa'yo...." "Huh? Parang tanga 'to! Di ko iniisip 'yan noh... Paano mo naman nasabi 'yan?" Agad na sagot niya pero ang totoo ay naliing na siya. "Where's your room? Antok at pagod na din kasi ako..." "Huh? Ah eh, dito..." Agad siyang nagpauna sa kwarto niya at binuksan iyon. Malaki naman ang kwarto niya. Dalawa kasi sila ng nanay niya doon kapag umuuwi ito sa Baguio. "Dito na lang ako sa floor. Ikaw na d'yan sa kama." sabi nito "Sure ka ba, kuya?... Baka hindi ka sanay?" "I'm gonna be okay..." "S-Sige... Nasa labas pala ang banyo kung gusto mong maligo muna." Kumuha siya ng malinis na tuwalya sa cabinet niya at ibinigay kay Gray. "Thanks, Rosie..." wika nito saka pumunta sa banyo. Nakahinga siya ng maluwag nang siya na