LOGINPagpasok niya sa loob ng silid ay agad niyang hinubad ang kanyang damit at basta na lang itinapon iyon sa sahig. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, hindi lang sa katawan kundi maging sa isip.Dumeretso siya sa banyo at binuksan ang shower.Agad na bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang balat, at kasabay nito ay ang bahagyang paggaan ng kanyang pakiramdam. Ipinihit niya ang mukha pataas habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa kanyang buhok at katawan.Ngunit kahit gaano pa kasarap ang pakiramdam ng naliligo, hindi niya mapigilang mag-isip. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang eksena nina Tyler at Tiffany sa labas.Ano kaya ang pinag-usapan ng dalawa? Hindi kaya muling manggulo si Tiffany sa buhay nila?Napabuntong-hininga siya. May tiwala siya kay Tyler, hindi iyon ang problema. Ang problema ay si Tiffany. Alam niyang malaki ang utang na loob ni Tyler rito, kaya hindi niya maiwasang mag-alala dahil baka kung ano na namang pangmamanipula ang gagawin ng babae kay Tyler. An
JOLIE'S POV:Masama ang loob ni Jolie habang pinagmamasdan sina Tyler at Tiffany na magkausap sa di kalayuan. Wala naman siyang magawa kundi panoorin ang mga ito.May tiwala siya kay Tyler ng buong-buo. Pero kay Tiffany?... Wala.Kahit ilang buwan pa ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang kakaibang kutob niya sa babae. May mga taong kahit wala namang ginagawang masama sa harapan mo ay hindi mo pa rin lubusang mapagkatiwalaan. At si Tiffany ang isa sa mga iyon.Tahimik siyang bumuntong-hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng mansion. Pagkapasok pa lamang niya ay agad na siyang sinalubong ni Margie."Ate..." tawag nito.Napakunot ang noo niya nang makita ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito."Anong nangyari sa'yo? May problema ka ba?" nagtatakang tanong niya.Bahagyang lumungkot ang mukha ni Margie. "Aalis na siya...""Sino?""Si D-Daniel."Napairap siya. "Eh ano naman kung aalis na siya? Hindi naman siya dito nakatira!"Pilosopong sagot niya iyon, ngunit lalo lamang sumimangot si Ma
Bahagyang nanigas ang kanyang mukha. Hindi niya maintindihan. Ano bang nangyayari sa mundo? Bakit ang mga gwapong lalaking tulad nina Tyler at Daniel ay nahuhumaling sa mga babaeng tulad nina Jolie at Margie?Si Tyler, isang international model, nahulog sa isang ordinaryong babae. At ngayon naman si Daniel... nahuhumaling sa isang kasambahay?Nakaramdam siya ng matinding pagkainis. Pakiramdam niya ay may mali. Dahil sa kanyang isip, ang mga lalaking katulad nila ay dapat mapunta sa mga babaeng katulad niya... Maganda, sikat at mataas ang estado sa buhay... Hindi sa mga babaeng tulad nina Jolie at Margie!Ngunit habang pinagmamasdan niya ang paraan ng pagtitig ni Daniel kay Margie sa di kalayuan, unti-unting may mas mabigat na damdaming sumiksik sa kanyang dibdib.Kung si Daniel ay hindi niya kayang impluwensyahan... Paano pa niya mapaghihiwalay sina Tyler at Jolie?At sa unang pagkakataon, naramdaman niyang maaaring mas mahirap ang kanyang plano kaysa sa kanyang inaakala.Wala na siy
TIFFANY'S POV:Matalim ang tingin ni Tiffany sa papalayong likod ni Tyler habang unti-unti itong nawawala sa kanyang paningin.Mabuti na lang at wala nang gaanong tao sa paligid. Wala ring nakarinig sa naging usapan nila. Kung nagkataon, tiyak na malaking kahihiyan iyon para sa kanya.Marami pa naman ang naniniwalang nobyo niya si Tyler, na silang dalawa ang may relasyon. Ngunit ang totoo, isa lamang iyong kasunduan. Isang maingat na kasunduan para sa kanyang kapakanan..Tinulungan siya ni Tyler na makapasok sa mas malalaking proyekto sa ibang bansa. At hindi naman sila nabigo. Mula sa pagiging ordinaryong modelo, mabilis siyang sumikat at nakilala sa industriya.Noong una, maayos naman ang lahat, magkasama silang nagtatrabaho sa Singapore bago lumipat sa Australia para sa sunod nilang proyekto. Palagi silang magkasama noon... sa shoots, interviews, events, at maging sa mga biyahe.Kaya nang biglang bumalik si Tyler sa Pilipinas at maiwan siyang mag-isa sa Australia, para bang may mal
Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kung ganoon... mas lalong nakapagtataka ang biglaang pagdating nito.Hindi naman nagtagal ay isa-isang nagpaalam ang mga crew, staff, at maging ang direktor matapos ang matagumpay na photo shoot.Unti-unting lumuwag ang paligid. Nawala ang ingay, tawanan, at kaluskos ng mga kagamitan. Ang kaninang abalang lugar ay biglang naging tahimik.Doon niya napansin sina Daniel at Margie sa isang sulok ng bakuran. Masinsinan ang pag-uusap ng dalawa. Tahimik lang si Daniel habang tila may maingat itong ipinapaliwanag. Nakikinig naman si Margie nang nakayuko.Kahit malayo, napansin niyang kakaiba ang ekspresyon ng dalaga. Paminsan-minsan ay tumatango si Margie, ngunit halatang pilit lamang iyon. At kahit nakangiti ito nang bahagya, hindi maitago ng mga mata nito ang lungkot.Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi na niya ugaling makialam sa mga bagay na hindi naman siya kasali. Nagkibit-balikat siya at tuluyang tumalikod.Ngunit bago siya makapasok sa
At hindi naman niya masisisi ang direktor. Hanggang ngayon, sa paningin ng publiko, si Tiffany pa rin ang nobya ni Tyler. Sa halos lahat ng interview ni Tiffany sa abroad, palagi nitong binabanggit ang pangalan ni Tyler. Kahit walang connect, binabanggit nito ang binata na para bang ginagamit ang pangalan ni Tyler para mapansin ito. Marami tuloy ang naniwalang sila pa rin. Marami pa rin ang umaasang ang dalwa ang magpapakasal sa huli... at iyon ang bagay na hindi niya maiwasang ikabahala. “Matagal na ’yon, Direk,” maikling sagot ni Tyler. Magaan ang tono nito ngunit halatang ayaw na nitong palawigin pa ang usapan. Napakamot sa batok ang direktor. “Pero sayang talaga. Alam mo, kung ako ang tatanungin, bagay na bagay kayong dalawa sa screen. It would be nice kung makatrabaho ko ulit kayo ni Tiffany. Tapos kasama sina Jolie at Daniel. Sigurado akong blockbuster ’yon!” Napilitan siyang ngumiti kahit tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung bakit, pero pa
CLARKSON’S POV: Nagising siya kinaumagahan na masakit ang ulo, dagdagan pang mabigat ang kanyang balikat. yun pala nakadagan si Arya sa bisig niya Marahan siyang gumalaw para hindi ito magising, pero naramdaman siya nito. Agad itong nagmulat, kinuskos ang mga mata at tiningnan siya. “Babe… gisi
Nang matapos na ang lahat ng kanyang gawain sa resort, nagmamadaling pumunta siya ng clinic. Kanina pa tawag nang tawag si Vicky sa kanya, naghihintay na daw si Doc JM. Hindi naman niya maiwan ang pavilion. Alas tres na ng hapon ng lisanin ang resortPagdating sa ospital ay agad siyang sinalubong ni
"Clarkson, kunin mo si Jolisa diyan. Ilayo mo siya kay Tyler na ’yan at tumawag kayo ng doktor!" sigaw ni Mommy.“Doktor? Bakit doktor? Hindi ko siya sinaktan…”“You raped her!”Napahiya siya at napatingin kay Jolisa. Oo, lasing siya kanina, pero alam niya ang kanyang ginagawa. Kita niya kung paano
Kasalukuyan silang nasa airport ni Doc Vicky at pauwi na ng Iloilo pero hindi pa rin niya nakausap si Aria simula nang bumalik siya ng Pilipinas. Nag-text lang ito kahapon kung kamusta ang flight niya… pagkatapos nun ay hindi na sila nakapag-usap. Ilang beses niya ring tinatawagan si Aria pero naka







