*******************
KENNETH POV: Pasimpleng pinagmamasdan nya si Jonie habang kumakain. Magana itong kumain kaya nakapagtataka kung bakit hindi ito tumataba. Napansin nyang mahilig din ito sa sweets. May leche flan pa itong dala para sa kanya. Actually hindi cya mahilig sa sweets pero dahil dala ito ni Jonie para sa kanya ay kakainin nya. Kilig na kilig cya ng dinalhan sya ng pagkain ng sekretarya nya. Hindi nya lang pinapahalata pero naa-appreciate nya iyon. Parang wala lang naman ito sa dalaga pero malaking bagay na iyon sa kanya. "Nga pala Jonie, ilang months ka na pala dito sa office?" pagbasag nito ng katahimikan sa pagitan nila. "4 months na Sir... pagka graduate ko ay dito agad ako nakapag trabaho sa kompanya mo. Dito din kasi ako nag OJT."Nakikinig lang cya sa dalaga na kunyari ay hindi nya alam. "Balita ko ay Summa com Laude ka daw?" Napayuko ito... tila nahihiya.
"Opo Sir....."
"Matalino ka pala kung ganun? Swerte ko naman at sa akin ka napunta!.... Este dito ka nakapagtrabaho... Galingan mo ha, kapag nakita ko ang work ethics mo ay tataasan ko sweldo mo para hindi ka ma-pirate ng ibang kompanya." "Naku Sir wag na ho! Malaki na po ang sweldo ko para sa isang fresh graduate na tulad ko." "Bakit ayaw mo ng increase? You deserve it dahil you graduated with flying colors!" "Ahhhh gusto Sir!..." biglang sagot nito. "Yun naman pala eh hahaha.." Sa lahat ng mga babaeng nakakasama nya ay ngayun lang ata cya nakatawa ng ganito kalakas at sa sekretarya pa nya. "Ilang taon ka na pala?" tanong ulit nya ulit dito. Alam nyang nahihiya at naiilang ito sa kanya kaya kinakausap nya ito ng kinakausap para mawala ang hiya nito sa kanya. "24 po..." Shit ang layo pala agwat namin! 30 na kasi cya... sa isip nya. Habang tumatagal ay gusto nya ang personality ng serectary nya. Ngayun lang sila nakapag-usap ng ganito. Palagi kasi itong ilag sa kanya. Matalino ito.... may sense kausap. Pasimpleng tinitingnan nya ito habang kumakain.. nahihiya ito sa kanya, ramdam nya iyon. Maliit kasi ang subo nito sa pagkain. Pero kapag hindi naman cya nakatingin ay malaki naman ito sumubo. Gusto nyang matawa pero pinigilan nya. Kasalukuyan na itong kumakain ng dessert. Kanina pa dapat cya tapos pero dinahan-dahan nya na din ang pagkain para hindi ito mailang sa kanya kapag mag-isa nalang itong kumakain. Tila sarap na sarap ito sa pagkain ng leche flan.. Gumagalaw-galaw pa ang ulo ito habang sumusubo. Lihim cyang napangiti. Ang cute kasi nito... parang bata. "Sir labas na po ako ha, mag aalas-tres na pala. May meeting po kau with Ms. Ann Valdez." Akmang tatayo na ito ng pigilan nya. "Cancel mo nalang yun, tinatamad nako eh. Mas gusto ko pang makipag-usap sayo kesa humarap sa babaeng yun." Biro nya dito pero hindi ito tumawa...napahiya tuloy cya, baka sabihin nito na feeling close cya. "Ah eh Sir baka po pagalitan ako ni Ms. Ann?" "Bahala ka na mag-alibi basta cancel my appointment to her..." "S-sige po sir..." Alanganing sagot nito. Lumabas na si Jonie at tinawagan si Ann. Alam nyang pagagalitan ito ni Ann pero wala na cyang magawa, ayaw nyang masira ang mood nya. Ang gusto nya ay si Jonie lang ang babaeng makikita ng mga mata nya sa araw na yun. Mag-isa nalang siya sa office. Natutuwa cya sa dalaga, masarap ito kausap... may sense... alam mong hindi bobo. Ilang sandali lang silang nag-usap ay parang naging interesado na cya sa babae. Pero nakikita nya sa mata nito na wala talaga ito pagtingin sa kanya. Boss lang talaga ang turing nito sa kanya kahit pa nagpapahaging na cya dito. Na-curious tuloy cya... gumana na naman ang kapilyuhan nya... parang gusto nyang gawing project si Jonie... make her fall in love with him! Napangiti cya sa mga naiisip. Pero nag-aalala din cya baka kasi umalis ang dalaga kapag ginawa nya iyon at ayaw nya mangyari yun! Jonie is an asset to him... kapag umalis ito sa kanya ay siguradong makakahanap agad ito ng trabaho at pag-aagawan pa ng ibang kompanya. Ah shit... abort mission!!! hindi nya pwedeng paglaruan ang dalaga. Sa iba nalang sya maglalaro!!! Nalungkot tuloy cya bigla sa desisyon nya. Dahil kinancel nya ang appointment with Ann ay wala na cyang ginagawa sa office. Nakatingin na lang cya sa labas, naka glass kasi ang buong wall ng kanyang office... nakikita nya ang mga tao sa labas pero hindi cya nakikita ng mga ito sa loob. Nakamasid lang sya sa mga ginagawa ni Jonie. Mahinhin kumilos ang dalaga, napakalambot nito.... babaeng babae. 5'5" lang ata ang height nito, cya naman ay 6 footer.. Hmmm its ok, I like petite woman. parang masarap alagaan.... sambit nya...Ah ano bang pinagsasabi nya? Hindi nga pwede si Jonie di ba??? Abort mission!!! Nakita nyang nag-aayos na ito ng mga gamit, pinapasok na ang mga gamit nito sa bag, tiningnan nya ang oras, 5:30 na pala... malamang ay uuwi na ang babae. Dalidali na din cyang nag-ayos at lumabas ng office.
"Oh Jonie bakit andito ka pa? 5:30 na ah?" kunwaring tanong nya. "Ah may tinapos lang po... pauwi na din po ako Sir." Natawa cya sa sarili. Syempre alam nyang pauwi na ang dalaga!.... kanina pa kaya nya ito pinagmamasdan! "Sakto! kung gusto mo sumabay ka na sa akin... pauwi na din ako..." wika nya. Ang galing nya talagang artista! "Ay wag na Sir... may dadaanan pa kasi ako..." "Saan naman yun? ihahatid kita..." Minsan naiinis na cya dito sa babaeng ito... hindi talaga effective ang charisma nya sa dalaga. Kung ibang babae siguro ay nagkukumahog na iyon na sasama sa kanya. "Wag na po... baka out of way sayo." "Saan nga? Paano ko malalaman na out of way kung hindi mo sasabihin?" Tila nawawalan na din cya ng pasencya sa dalaga at napalakas ang boses nya. "Sa Mendez hospital po..." Nahihiyang sagot ni Jonie sa kanya. "Sakto may pupuntahan din ako banda doon, sabay ka na sa akin..." Lihim cyang napangiwi... ang lousy na mga 'the moves' nya! Bakit ba kasi nya ginagawa ito? Di ba nga abort mission na si Jonie sa kanya? Off limits na ang dalaga!!! Haaay bahala na....eh sa gusto nya eh! "Sure ka Sir? Baka nakakahiya..." "Hindi... tara na baka matraffic pa tayo." Nagpatiuna na cya sa paglakad para hindi na ito maka hindi pa sa kanya.“Napa-paraning ka na, girlfriend!” natatawang sabi ni Finn saka hinawakan ang kamay niya at marahan itong pinisil. “Hindi kami na inlove ni Precious sa isa’t isa dahil iisang babae lang ang mahal ko simula noon hanggang ngayon…” Lihim siyang kinilig sa sinabi ni Finn. Siya ba ang tinutukoy nito? “’Di ba sabi ko noon, hindi pa man kita kilala bilang isang Enriquez ay crush na kita? Palagi kitang inaabangan sa school. Alam ko lahat ng schedule ng klase mo hanggang sa pagdating mo galing school at pag-uwi mo. Hindi mo lang alam pero andoon ako, watching you from afar. Masaya na akong makikita ka kahit hindi tayo magkakilala. Takot akong makipagkilala sa’yo dahil alam kong basted agad ako… alam kong alam mo na ang reputasyon ko sa school at alam kong hindi ka kabilang sa mga babaeng nagka-crush sa akin. Sa katunayan, kapag nakikita mo ako noon ay napapasimangot ka.” mahabang kwento ni Finn “Ahaha… totoo ba? Sabagay, naaalala ko kasi kada kita ko sa’yo iba-ibang babae ang kasama mo.”
Hindi pa man sila tapos ng pagkain ay dumating si Precious. "Hi!" dire-diretsong pasok nito sa bahay. "Late na ba ako sa dinner?" tanong nito saka umupo sa isang bakanteng upuan doon. "Kumain ka na diyan, iha," sabi naman ni General kay Precious. Mukhang palagi si Precious doon, naiinggit siya dahil sanay na sanay na ito doon samantalang siya ay nangangapa pa. "Boss, dala ko na ang mga gamit mo. Kung kulang pa, sabihin mo lang ha, ikuha pa kita," sambit nito habang nagsasalitang puno ang bunganga. "Precious, stop talking when your mouth is full! Gano’n ka pa din simula noong college niyo?" inis na sabi ni Tita Celeste. "Sorry, Tita. Ang sarap kasi ng ulam niyo. Pwede bang dito na din ako makitira? Makalibre man lang ako ng gastusin sa pagkain, hihihi." "Ahm, palagi ka dito, Precious?" tanong niya sa kaibigan. "Oo, palagi ako dito noong college, Boss." Lalo siyang nagselos. Di kaya nagka-inlaban na din ang dalawa dahil palagi itong magkasama? Kung totoo ang hinala niya, kaya b
Nang maayos na ang lahat ni General ang dapat ayusin sa ospital, ay nag-ready na sila para umuwi sa bahay nina Finn.“Boss, ako na lang ang kukuha ng mga gamit mo sa bahay n’yo tapos ihahatid ko sa bahay nina Finn,” pagpresinta ni Precious.“Salamat, Precious. Isa ka talagang tunay na kaibigan,” natatawang biro ni Finn.Sumakay na sila sa kotse ni Finn, sa likod silang dalawa. Ang driver at ang isang bodyguard naman ang nasa harap. Naka-convoy sila ng kotse nina General at ang iba pa nilang bodyguard. Para silang politiko sa dami ng bodyguards nila.Tahimik lang siya habang nakatingin sa labas ng bintana. Ramdam niya ang kakaibang kabog ng dibdib niya sa bawat minutong lumalapit sila sa bahay nina Finn. Hinawakan siya nito sa kamay at pinisil iyon.Pagdating nila, bumungad sa kanya ang malaking gate at malawak na hardin na parang galing sa magazine. First time niya makapunta sa bahay ni Finn. Bago pa man siya makababa, bumukas ang pintuan at sinalubong sila ng mga kasambay na may mala
"Lilly, kung ayaw mong matulad sa akin ay huwag mong pakasalan itong anak kong matigas ang ulo!" baling ng mommy ni Finn sa kanya."Mom! bakit naman ganun? Ang tagal kong hinintay si Lilly tapos i-didiscourage mo lang?" inis na sabi ni Finn sa ina saka sya binalingan. "Love, huwag kang maniwala kay Mommy ha.""Celeste, hayaan mo na ang mga bata. Sabat naman ni General saka siya binalingan. "Huwag kang maniwala kay Tita Celeste mo, iha. Magaling yang anak ko, mana sa akin kaya hindi ka mababalo agad, iha." biro nito. Hindi niya alam kung matatawa o malulungkot sa joke ni General."Bueno, iho. Gusto mo na bang umuwi at doon na lang magpagaling? Mukhang madami ang naghahabol sa’yo. Mas safe ka sa bahay.""Sige, Dad. Sa bahay na lang ako magpapagaling.""Bueno, ipapaayos ko na ang paglabas mo.""Pero kaya mo na ba? Baka hindi mo pa kaya?" sabat nya sa usapan ng mag-ama"Hindi ko pa kaya... kaya gusto ko sana na doon ka muna sa bahay para bantayan ako. Kailangan ko ng nurse na maganda.""A
It’s been two days pero hindi pa rin nagigising si Finn. Halos doon na siya natutulog sa ospital sa pagbabantay, kasama niya si Precious. Nagpapasalamat siya sa kaibigan dahil hindi rin siya iniwan nito. Ang mga bodyguards niya ay todo-bantay din sa kanya.Galing din doon ang mommy at daddy ni Finn, pero siya ang nagprisinta na bantayan ang binata. Mabuti at pinagbigyan naman siya ng mga ito, at nagpapasalamat siya dahil pinagkatiwalaan siya na alagaan si Finn.Nandoon lang siya sa tabi ni Finn, hawak ang kamay nito. May benda ito sa dibdib dahil sa saksak na ginawa ni Vanessa. Nasa private room na sila, at doon nagpapahinga si Finn.Maya-maya, dumating si Precious galing sa labas, may dalang kape para sa kanila. Kasama na rin niya si Inspector Bert.“Boss, nakita ko si Inspector na papunta dito kaya sinabayan ko na siya,” sambit ni Precious saka iniabot ang kape.“Salamat, Precious… Inspector, kumusta na po ang kaso ni Vanessa? Nahuli na ba siya?”“Inimbitahan na siya for questioning
Habang binabaybay niya ang kalsada, ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Sumasakit na ang ulo niya at medyo lumalabo ang paningin, pero pinipilit niyang mag-focus sa daan. Hindi siya pwedeng mawalan ng malay sa gitna ng kalsada, lalo na ngayon na hawak niya ang ebidensyang magpapatumba kay Vanessa.Pwede naman nyang saksakin o saktan din si Vanessa kanina pero di nya ginawa. Mas gusto nya itong managot sa batas.Tumunog ang cellphone niya, agad siyang napatingin.... si Lilly ang tumatawag. Sandali siyang nag-alinlangan bago sinagot.“Finn?!” boses ni Lilly, halata ang takot. “Sabi ng bodyguard ko na nasaksak ka daw! Sino ang gumawa niyan sa’yo?!”“Si Vanessa.”“What? Saan ka ngayon? Sa ambulansya ka ba?”“No… I’m driving… papunta na ako sa ospital.”“Huh? Kaya mo ba? Baka madisgrasya ka! Finn! Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita!”Pero bago pa siya makasagot, biglang may sumulpot na kotse sa tabi nya at mukhang sinasabayan cya. Napakunot ang kanyang noo. Automatic si