LOGINHindi siya nagsalita, nanatili lamang siyang nakatayo roon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.“Sige.”Napatingin siya kay Jolie. “S-Sige?”Tumulo ang luha sa pisngi ng dalaga. “Susuko ka na lang ba nang ganito pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin?”“Jolie…”“Kung gusto mong umalis, sige.”Nanlaki ang mga mata ni Tyler. “Jolie…”“Papayagan kitang umalis.Pero tandaan mo ito...”Parang biglang tumigil sa paghinga si Tyler. Diretsong tumingin si Jolie sa kaniyang mga mata.“Kapag umalis ka ngayon, hindi mo na kami makikita ng anak mo.”“W-what?”“I said you can leave.”“Jolie, no!”“But first…” Huminga nang malalim si Jolie. “Tell me you don’t love me anymore.”Napatigil si Tyler.“Tell me!!!"Hindi siya nakapagsalita.“Look at me, Tyler. Tell me you don’t love me anymore. Tell me you don’t love our baby. Tell me you can live without us… and I swear, I’ll let you go.”Doon tuluyang gumuho si Tyler.“No!…” Lumapit siya kay Jolie. “No, Jolie…
Makalipas ang halos isang oras, nagpaalam muna sina Clarkson at Aria upang bumili ng makakain. Naiwan si Tyler sa loob ng silid, tahimik na nakaupo sa tabi ng kama ni Jolie.Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay nito. Kanina pa niya pinagmamasdan ang maamong mukha ng nobya. Maputla pa rin si Jolie, at sa ilalim ng liwanag ng silid ay kitang-kita ang bakas ng pagod at hirap na pinagdaanan nito.Ilang beses nang sinabi ni Tyler sa sarili na ito ang tama. Kailangan niyang gawin ito, kailangan niyang lumayo dahil hangga’t nananatili siya sa buhay ni Jolie, pakiramdam niya ay hindi kailanman matatapos ang panganib na nakapaligid dito.Ngunit sa tuwing naiisip niyang hindi na niya makikita ang ngiti ni Jolie pagkagising niya sa umaga, parang may kamay na mahigpit na pumipiga sa kaniyang puso.Paano niya kakayaning hindi marinig ang boses nito? Paano niya kakayaning hindi ito makasama? At paano niya magagawang talikuran ang babaeng higit pa sa sarili niyang buhay ang halaga sa kaniya?“Paa
“Kuya… si Jolie… huhuhu…”Humahagulgol na sambit ni Aria habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Clarkson. Hindi niya mapigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kay Jolie.“Shh… don’t cry, baby. Baka ikaw naman ang mapaano,” malumanay na sabi ni Clarkson sa asawa habang marahang hinahaplos ang likod nito.“Jolie’s gonna be fine,” dagdag niya.Ngunit maging siya ay hindi sigurado sa sariling sinabi. Takot na takot din siya. Hindi niya kayang isipin kung ano ang maaaring mangyari kay Jolie, lalo na sa anak nilang dinadala nito.“That bitch!” galit na bulalas ni Clarkson. Namumula ang kaniyang mga mata sa galit at kakaiyak. Mariin niyang naikuyom ang kaniyang mga kamao. “Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, ako mismo ang papatay sa Tiffany na ’yon!”“Clarkson…” mahinang saway ni Aria.“I mean it! Ilang beses na niyang sinaktan si Jolie! Hanggang kailan natin hahayaang gawin niya ’to?”“Hindi na siya makakalapit mul
Naramdaman ni Jolie ang malalim na paghinga ng babae sa likuran niya.“Hindi mo ako sasamahan… dahil sa walang kuwentang babaeng ito?” Unti-unting bumaba ang boses ni TiffanyNapangiwi siya nang muling humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang buhok.“Agh!”“LET HER GO, TIFFANY!” sigaw ni Tyler.“NO!” Halos magwala si Tiffany. “Hindi ko siya bibitawan hangga’t hindi mo gagawin ang gusto ko!”Tahimik lang siya ngunit mabilis na gumagana ang kaniyang isip. Hindi siya papayag... hindi niya hahayaang makuha ni Tiffany ang gusto nito. Paano ang anak nila? Paano ang kasal nila? Paano ang pagpunta niya sa Scotland? At higit sa lahat… Paano siya? Hindi niya maaaring hayaang agawin ni Tiffany ang ama ng kaniyang anak.Naningkit ang mga mata ni Jolie. Huminga siya nang malalim, pinapakiramdaman niya ang pagkakahawak ni Tiffany sa kaniyang buhok. Kapag lumuwag iyon kahit kaunti lang, sisikuhin niya ito.Napatingin siya kay Tyler. Nagtama ang kanilang mga mata, kitang-kita niya ang takot sa mukh
“NOOO!”Umalingawngaw ang sigaw ni Clarkson sa buong hallway.Naramdaman ni Jolie ang matinding sakit sa kaniyang tiyan. Parang biglang huminto ang kaniyang mundo. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang kusang napayuko ang kaniyang katawan at napahawak sa kaniyang sinapupunan.“M-my baby…”Nanghina ang kaniyang mga tuhod. Mabuti na lang at nanatili siyang nakatayo at hindi tuluyang bumagsak. Kahit paano ay hindi direktang tumama ang suntok ni Tiffany sa kaniyang sinapupunan, ngunit hindi iyon sapat para mawala ang takot na biglang bumalot sa kaniyang puso.Paano kung may nangyari sa anak niya? Paano kung nasaktan ang kaniyang sanggol?“Jolie!”Mabilis na tumakbo papunta sa kaniya si Clarkson, ngunit agad din itong napatigil nang mas higpitan ni Tiffany ang pagkakahawak sa buhok niya.“Wag kang lumapit, Clarkson!”Napangiwi siya sa sakit nang maramdaman ang matinding paghila sa kaniyang buhok. Sandaling nag-alinlangan si Clarkson. Kitang-kita sa mukha nito ang galit at pag-aalala, ngunit
Ngunit ano ang gagawin niya? Hindi niya pinagplanuhan nang maayos ang lahat. Ang alam lang niya ay kailangan niyang mawala si Jolie, kailangan nitong lumayo kay Tyler... at kapag nangyari iyon, babalik sa dati ang lahat.Muling bubukas ang pinto ng cubicle. Agad siyang yumuko, lumabas si Jolie at lumapit sa lababo. Hindi siya nito napansin. Binuksan ni Jolie ang gripo at nagsimulang maghugas ng kamay.Pakanta-kanta pa si Jolie habang naghuhugas ng kamay. Napatingin siya sa salamin, at doon niya napansin ang babaeng nakatayo sa kaniyang likuran.Bahagyang kumunot ang kanyang noo, may kung anong pamilyar sa tindig nito. Bago pa niya iyon mapag-isipan nang mabuti ay mabilis nang tumalikod ang babae, naglakad ito patungo sa pinto, pero nahulog ang anyo nito.“Excuse me, nahulog ang panyo mo.”Natigilan si Tiffany. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso pero hindi siya lumingon.“Have we met before?” hindi napigilan ni Jolie na magtanong.Nanatiling nakatayo ang babae pero hindi gumala
Pagdating nila sa bahay, naunang bumaba si Gray sa kotse at nagpatuloy na sa paglalakad. Ni hindi man lang siya inalalayan.Bakit ka niya aalalayan? Girlfriend ka ba niya? Saka, hindi ka naman kasing ganda ng Bianca na 'yon! Wag ka nang umasa na aalalayan ka pa ni Gray na 'yan. Hindi siya gentleman
"Anak!" Narinig niyang sigaw ng nanay niyang nakaupo sa isang sulok. Sa dami ng naiisip niya ay hindi niya napansin na andoon na siya sa fastfood. Dali-dali niyang pinuntahan ang ina at niyakap ito. "Nay! I missed you!" wika niya saka hinalikan ito sa pisngi. 60 na ang nanay niya… late na cya n
Si Hazel ang nag-order ng kape nila. Hinintay niya na lang ito sa pangdalawahang upuan doon. Ang mga empleyado na napapadaan sa kanila ay pinapansin naman siya pero may kakaibang tingin na hindi niya mawari.“Ma’am Fe, eto na ang kape natin.” Umupo ito sa tabi niya saka nilapag ang kape. May dalawa
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Bagu







