Mag-log inSi Hera ay isang filial na anak na may marangal at maayos na trabaho. Tahimik ang kaniyang buhay hanggang sa malulong sa pagsusugal ang kaniyang ama at tuluyang mabaon sa utang. Sa kagustuhang mailigtas ang kaniyang pamilya, wala siyang ibang pagpipilian kundi harapin ang lalaking may hawak sa utang ng kaniyang ama. Si Amadeus, isang makapangyarihan at mapanganib na lalaki mula sa mundo ng krimen at kilala sa publiko bilang isang bilyonaryo. Ngunit hindi niya inaasahang ang kapalit ng pagkakautang ng kaniyang ama ay ang kaniyang sariling buhay bilang isang asawa. Sa kabila ng kaniyang pagtutol, napilitan si Hera na pakasalan si Amadeus. Ang mas nakakagulat? Hindi pera ang tunay na dahilan kung bakit siya pinili ni Amadeus. Sinabi nitong kailangan lamang niya ng isang taong mag-aalaga sa kaniyang pamangkin. Ngunit habang unti-unting nasasanay si Hera sa kakaibang buhay kasama si Amadeus at sa pamangkin nito, napagtanto niyang may mas malalim na dahilan sa likod ng kanilang kasal. Isang dahilan na konektado sa misteryosong pagkamatay ng mga magulang ng kaniyang pamangkin. Habang sinusubukan nilang alamin ang katotohanan, napipilitan sina Hera at Amadeus na magtulungan upang protektahan ang batang maaaring maging susi sa lahat ng misteryong kanilang hinahanap. Sa gitna ng panganib, kasinungalingan, at mga lihim mula sa nakaraan, unti-unting nagbabago ang relasyon nilang nagsimula sa isang sapilitang kasal. Ngunit habang mas lumalapit sila sa katotohanan, mas lalo nilang napagtatanto na maaaring hindi aksidente ang pagkakadikit ng kanilang mga buhay. At kung ang kasal nila ay bahagi lamang ng isang mas malaking plano. Sino ba talaga ang dapat nilang katakutan?
view moreMatapos kong matanggap ang pulang sobre tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng aking ama, napagtanto ko agad kung saan ko siya maaaring makita.
Hindi ako nagdalawang-isip na puntahan siya sapagkat nangako ako sa aking hindi mapakaling ina na aayusin ko ang lahat. Isang linggo nang nawawala ang aking ama. Hindi naman umabot ng tatlong oras bago ko narating ang lugar kung saan sila naroroon. Agad na bumungad sa akin ang iba't ibang pamilyar na mukha, abala sa paglalaro ng sugal. Natatawa ako nang bigla akong salubungin ng isang lalaking naka-suit. Sa pananamit pa lamang niya, alam ko nang tauhan siya ng lalaki at alam niyang narito na ako. Hindi ko pinansin ang tauhan niya at sumunod na lamang sa kaniya. Dinala niya ako sa isang private room. At pagpasok ko, agad siyang bumungad sa akin—sosyal at kalmadong nakaupo sa isang upuan. Lumapit ako sa kaniya. Paglapit ko, bigla niyang inihagis ang baril sa harapan ko. Kinuha ko ito. At nang makuha ko ang baril, saka ko nakita ang aking ama na nakagapos at nakabusal. Nangigil ako sa lalaking ito na pasimpleng umiinom lamang ng whiskey, na para bang walang anumang nangyayari. Tahimik ang paligid. Lahat ng mata ay nakatutok sa akin, habang ang amoy ng hangin ay pinaghalong usok ng sigarilyo, mamahaling alak, at pabango. Bigla kong ikinasa ang baril na hawak ko. Unang kasa. Hindi ito pumutok nang itapat ko sa aking sintido. Kinabahan ako sa mga oras na iyon, pero kailangan kong magpakatatag para sa buhay ng aking mga magulang. Pangalawang kasa. Muli kong itinutok ang baril sa aking sintido. Hindi pa rin ito pumutok. Hanggang sa umabot ako sa ikawalong kasa—lahat ay walang bala. Ngayong ikasiyam na, ramdam ko ang panginginig ng aking kamay, pamamasa ng aking palad, at panandaliang pagkalabo ng aking mga mata. Ito na ba talaga ang destino ng buhay ko? Nakita ko ang aking ama na naluluha at nagmamakaawa. Tila nagsisisi siya sa kaniyang ginawa. Samantala, ang lalaking nasa harapan ko ay walang emosyon na pinapanood ang lahat. Mas lalo lamang tumindi ang bugso ng aking damdamin. Tutupdin ko na ang aking napagpasyahan. Walang pagdadalawang-isip, bigla kong itinutok ang baril sa lalaki at pinaputok ito. Tumama ang bala sa kaniyang balikat. Nagkagulo ang lahat. Agad akong sinugod upang i-restrain, habang ang ilan naman ay nagmadaling puntahan ang mayabang na lalaki. Mas lalo akong nagimbal—pati na rin ang lahat ng nasa loob ng casino—nang bigla itong tumawa nang malakas. Marahas niyang itinulak ang mga taong umaalalay sa kaniya bago siya sumugod sa akin. Nang makalapit siya, agad niyang hinawakan ang aking pisngi, na tila halos durugin iyon sa lakas ng pagkakahawak niya. Pero hindi iyon ang kinatakutan ko. Kundi ang sumunod niyang sinabi. “You are going to be my wife, with or without your agreement.” At doon nagsimula ang nakakalbaryong pamumuhay ko kasama si Amadeus. Ang lalaking ginawa akong pambayad sa utang ng aking ama para lamang gawin akong asawa. Ang dahilan? Para alagaan ang pamangkin niya. Sa halip na ayusin ang gulong nangyari, itinali niya ang aking mga kamay gamit ang kaniyang panyo. Pagkatapos, kinuha niya ako sa mga tauhan niya at kinarga sa balikat niya. Alam niya. Alam ko rin. Hindi na ako puwedeng pumalag matapos kong makita kung paano niya tinapos ang buhay ng isa pang lalaki sa harapan naming lahat dahil lamang sa pagkakamali nito sa trabaho. Ngayon, narito ako sa loob ng kaniyang kotse. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari at kung paano sisimulang mamuhay sa mundong hindi ko naman ginusto. Pero tila parehas kaming may kani-kaniyang tinatago sa isa't isa, at sa ngayon, wala kaming balak sabihin ito kundi ipagpatuloy lamang ang sinimulan.“Darling?”Biglang napawi ang isipin ko nang makita ko ang blangkong taon sa mismong wedding picture namin. Hinarap ko si Amadeus, na kasalukuyang nakatingin sa akin nang may pag-aalala.“Yes, I’m fine.”Lumapit siya sa akin at cupped my face with both of his hands.“I know you are not. Tell me, is your head hurting?”Sabi niya habang marahang hinahawi ang buhok ko sa gilid ng tainga ko.Doon ko muling nakita sa salamin sa harap ko ang malaking bakas ng stitches na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan nanggaling.Tinitigan ko siya sa mata, at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumigat ang pakiramdam ko nang muling mapunta ang kamay ko sa bahaging iyon.“Darling, tell me everything. What’s bothering you? I might be able to help you.”I hesitated for a moment.“Why does our wedding picture not have a year?”Kita ko agad ang pagtataka sa mukha niya.“What do you mean? It has a year.”“Well, I noticed the date, but not the year. It only
It was very painful for me that my very own sister, whom I trusted the most, finally saw me as a monster. Defeated. I stormed inside, pretending that I wasn't hurt. My father casually greeted me with his cold words. “So, did that bastard finally leave?” “Yes, Dad.” “Good.” He patted my shoulder and casually announced these words as if they meant nothing. “From this day onward, the Von household recognizes only one true heir.” Knowing what it meant, I simply nodded. “Yes, Dad. I'll announce it to the public.” Hearing the words he liked the most, he nodded and left me again as if I were merely a subject to him, not his own son. I vividly remember looking back at the door, wishing you—Vivian—would go back and be with us again. But that was truly impossible for a person who had lost their mind in love. From that day onward, we eventually cut ties. Until the news about you came to light, making me even angrier at you and that person. It was what caused me to end up in this s
(His Voice) Isang taon akong naghintay para tuluyan kang lumapit sa akin. At ngayon, habang mahimbing kang natutulog, muli kong binalikan sa isip ko ang dahilan kung bakit kita pinakasalan or whatever they would call the situation between us. Hindi naman talaga kasal ang unang pakay ko sa'yo. You were supposed to be part of my plan. Umalis ako agad sa kama upang linisin ang sarili ko. Nang marating ko ang restroom, agad kong nakita ang sarili ko sa malaking salamin. Lumapit ako rito at marahang pinahid ang hamog na bumalot sa ibabaw nito. I stared at my reflection. Then I smiled. “You really did it, Amadeus.” Bahagya kong itinagilid ang aking ulo. “You won the game you played.” Kaswal kong nilinis ang sarili ko habang patuloy na bumabalik sa isip ko ang nakaraan. Kung ano ba talaga ang unang pakay ko sa'yo, Hera. At higit sa lahat kung bakit ikaw ang pinili ko. — March 22, 202 — The day I found out the truth about my sister and her final betrayal.* I
Isang gabi na naman na hindi ako makatulog. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang bumangon sa kama. Tahimik ang buong penthouse. Tanging malamlam na ilaw mula sa hallway ang nagsisilbing gabay ko habang naglalakad ako papunta sa kusina. Kumuha ako ng mainit na gatas. Effective naman iyon sa akin bilang pampatulog. Pero bago pa man ako makabalik sa kwarto, napansin ko ang isang pamilyar na anino sa may malaking salamin. Si Amadeus. Tahimik siyang nakatayo roon. May hawak na baso ng whiskey sa isang kamay at sigarilyo sa kabila. Nakatingin siya sa labas ng malaking salamin, ngunit alam kong hindi niya talaga pinapansin ang tanawin. Malalim ang iniisip niya at alam kong may problema siya, dahil kilala ko na siya ng lubusan. Sa ibang tao, si Amadeus ay malamig. Reserved. Hindi basta-basta nagsasalita. Kahit galit o nasasaktan, kaya niyang itago ang lahat sa isang tingin lang. Pero sa akin? Hindi siya ganun kagaling magtago. Kaya hindi ko maiwasang lapitan siya, dahil nag-aalal


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.