Share

CHAPTER 555

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2025-03-02 23:33:59
Pagkababa niya ng hagdan, nakita niyang nakaupo sa sala si Callum kasama ang kanyang tatay.

"Andiyan na pala si Fe... Maiwan ko muna kayo. Anak, ikaw na ang bahala kay Callum, ha." bilin ng kanyang ama.

"Hi, gorgeous..." bati nito saka sya hinalikan sa pisngi. Napangiti siya. Ganoon pa rin ang tawag ni Callum sa kanya.

"Para pala sa'yo..." wika nito saka iniabot ang isang bouquet of roses.

"Salamat..." nahihiyang wika niya saka inamoy ang rosas. Kinilig siya nang bahagya. First time niyang m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (10)
goodnovel comment avatar
Oseng Masongsong Lizarda
it's so hard for fe , kasi nobody can tell , baka sa una lang mabait si callum dahil may anak na ito . wow nadadala na kaming mga reader sa story mo author.
goodnovel comment avatar
Cynthia Ramos
sana wag masaktan c callum s huli
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
mas gusto ko pa si Callum nlng miss author
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1199

    Habang nasa harap siya ng lababo, nakatayo lang din si Tyler sa tabi niya, parang ayaw siyang hiwalayan.“Pwede bang doon ka na lang? Hindi ako makagalaw nang maayos kung nakaharang ka sa daanan ko…”“Hahaha… dito lang ako. Gusto kong makita na normal ka na ulit. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa ilang araw mo sa ospital, nakahiga ka lang na unconscious… pero ngayon, eto ka na, nagluluto para sa akin.”Umiwas siya ng tingin. Pakiramdam niya kasi ay mahal na mahal siya ni Tyler. Pero bakit ang hirap niya itong maalala?“Nasaan nga pala ang cellphone ko?” nagtatakang tanong niya. Baka doon may maalala siya.“Hindi ko rin alam, love. I’m trying to call your phone pero naka-off. Posibleng nandito lang sa bahay o di kaya ay nawala. But don’t worry, bibilhan na lang kita bukas.”Nanghinayang siya.“Pangalawang bili ko na ng cellphone sa’yo,” natatawang sabi ni Tyler.“Bakit? Binilhan mo ba ako dati?”“Yes. Ako ang bumili nung naiwala mo. Paano kasi basag-basag na ang cellphone mo, pero hi

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1198

    Habang nasa biyahe pauwi sa bahay ni Tyler, mariin niyang tinititigan ang mga daan. Pilit niyang inaalala ang kung anong dapat ay pamilyar na sa kanya, pero wala pa ring pumapasok sa isip niya.Maya-maya ay umakyat ang kotse sa mataas na bahagi ng lugar. Para itong nasa tuktok ng bundok. Presko ang hangin at napakaganda ng tanawin. Malalaki ang mga bahay, halatang pagmamay-ari ng mga mayayaman.Hindi rin basta-basta makakapasok doon, may dadaanan pang malaking gate ng subdivision. Siguradong mga residente lamang ang pinapayagang makapasok.Kung doon ka nakatira… siguradong ligtas ka. …Ligtas nga ba?“Here we are, love,” wika ni Tyler nang tuluyang huminto ang kotse sa harap ng isang malaking bungalow.Napatitig siya rito. “This is your house?” mahina niyang tanong.“Our house, love,” agad nitong pagtatama. “This is our house.”Napakunot ang noo niya. “Bakit ‘our’? Kasal na ba tayo?”Ngumiti si Tyler, saka marahang pinisil ang kanyang ilong. “Soon. Pero kung gusto mo na, pwede naman.”

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1197

    Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor.“How’s my patient?” nakangiting bati nito habang papalapit sa kama niya.“I’m okay, doc,” mahina ngunit magalang niyang sagot.“I have good news, Miss Jolisa,” dagdag ng doktor. “Pwede ka na lumabas anytime soon.”Napakunot ang noo niya. “Huh… paano ’yan, doc? Wala pa akong maalala.”“It’s okay,” kalmado nitong sagot. “Malakas na ang katawan mo. Pwede ka nang magpagaling sa bahay. Hindi naman agad babalik ang memory mo, at hindi rin natin masasabi kung kailan... pwedeng bukas, o sa isang buwan. Ang importante, stable ka na. Your memory will come back on its own.”“G-ganun ba…” mahina niyang tugon, hindi pa rin lubos na kampante.“Basta regular check-up lang palagi dito sa ospital. Saka mas makakabuti kung nasa pamilyar kang lugar,” dagdag pa ng doktor. “Ang dati mong buhay bago nawala ang memorya mo ay maaaring makatulong para maalala mo ang lahat.”“Salamat, doc,” sabi ni Jolisa.Ngunit si Tyler ang agad na

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1196

    Nagdaan pa ang mga araw, at unti-unti nang gumagaling ang sugat ni Jolisa sa kanyang ulo. Araw-araw ay may kaunting pagbabago, mas nakakatayo na siya nang matagal, mas nakakakain nang maayos, at mas nagkakaroon ng lakas ang kanyang katawan.Ngunit sa kabila ng pagbuti ng kanyang katawan, nananatiling blangko ang kanyang isipan. Wala pa ring bakas ng kanyang nakaraan, walang alaala ng kung sino siya bago ang aksidente.“Here, love… eat some fruitS. Makakatulong ’to sa ’yo para lalo kang lumakas.”Napatingin siya sa lalaking maingat na nagbabalat ng orange para sa kanya. Si Tyler... ang lalaking nagpakilalang nobyo niya. Totoo nga kaya iyon? Sa tuwing tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasang mag-isip.Kung totoo man ang sinasabi nito, masasabi niyang napakaswerte niya. Gwapo ang lalaki, matipuno, malinis tingnan, at halatang may kaya sa buhay. Higit pa roon, kitang-kita kung paano ito tumingin sa kanya, parang napakahalaga niya sa lalaki.Sa pag-iisip na iyon, bigla siyang namula.“He

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1195

    Pero napag-isip-isip din niya na total hindi naman siya naaalala ni Jolisa, baka ipagpaliban niya muna ang planong pagdispatsa sa dalaga. Palamigin niya muna ang sitwasyon para hindi maghinala si Tyler sa kanya. Lalo na’t ang nurse ay mukhang nagdududa na sa kanya. Kapag may mangyaring masama kay Jolisa ay baka ituro siya nito.Napatingin siya kay Tyler na gumagawa na ng mahinang hilik. Agad itong nakatulog. Ngayon, ang dalawa na ang mahimbing na natutulog. Pero siya, ito, gising na gising.Lumapit siya sa bintana at doon tumingin sa labas. Sa dami ng nangyari sa araw na ’yon ay tila hindi na niya alam kung ano ang uunahin.Pagtingin niya sa kama ay nagulat siya nang nakatingin na si Jolisa sa kanya. Parang may kung anong kaba siyang naramdaman. Pero hindi siya nagpahalata.“J-Jolisa… nagising ka pala. Kanina ka pa ba gising? Hindi ka man lang nagsabi. Nagulat ako sa’yo,” sunod-sunod na sabi niya, pero walang ekspresyon ang mukha nito at nakatingin lang sa kanya.Lumapit siya sa babae

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1194

    Nanlaki ang mga mata ni Tyler sa sinabi ni Jolisa.“A-anong ibig mong sabihin?” nanginginig ang boses nito habang mas hinigpitan ang hawak sa kamay ng dalaga. “Love… ako ‘to. Si Tyler.”Ngunit nanatiling blangko ang mukha ni Jolisa. Dahan-dahan nitong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Tyler, tila hindi komportable.“P-pasensya na… pero hindi ko kayo kilala.”Parang kutsilyong tumarak sa puso ni Tyler. Hindi niya ito inaasahan. Hindi niya napaghandaan.“Hindi… hindi pwede ‘to…” bulong nito sa sarili. “Doc! Anong nangyayari sa kanya?!”Lumapit ang doktor, maingat na sinilip ang reaksyon ni Jolisa. “Possible po na nagkaroon siya ng temporary amnesia dahil sa trauma at malakas na pagtama ng ulo niya. Kailangan pa po natin siyang obserbahan.”“Temporary lang, doc, hindi ba? Babalik din ang alaala niya?” tanong ni Tyler, puno ng pag-asa.“May posibilidad, sir. Pero hindi po natin masasabi kung kailan. Ang importante ngayon ay nagising na siya, Mr. Blacksmith. Yun ang ipagpapasalamat

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 522

    *******************FE'S POV:Nanginginig sila sa takot ni Cindy habang nasa iisang kama. Dinala sila ng kidnapper doon sa isang malaking bahay. Hindi niya alam kung kaninong bahay yun, pero nakasisigurado siyang makapangyarihan ang may-ari nun dahil sa laki at elegante ng paligid."Where are we, C

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-24
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 536

    Malayo pa lang ay nakikita na niya ang mga mapanuring titig ni Jonie sa kanya. Binabasa nito ang nasa-isip niya."B-bestie..." wika niya saka humalik sa pisngi ng kaibigan. Umupo siya sa tabi nito."Yaya! Pwede bang dalhin mo muna ang mga bata sa loob? May pag-uusapan lang kami ni Fe." utos ni Joni

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-24
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 533

    "Pero, hindi sapat 'yon para pakasalan kita, Cindy!" "At paano naman ako? Wala nang kwenta ang buhay ko... Mabuti pang magpakamatay na lang ako! Huhuhu..." Agad na tumayo si Fe sa kinauupuan at pinuntahan si Cindy. "Cindy... I know how you feel... at nagpapasalamat ako sa tulong mo dahil nailigta

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-24
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 544

    "Tara na at baka ma-late pa tayo, anak!" aya ng tatay nila. Hinawakan siya ni Callum sa bisig para alalayan. Hinayaan niya na lang ito, total nagpapaka-gentleman lang naman ang binata.Simula nang nag-usap sila tungkol sa panliligaw nito sa kanya, hindi na ito muling nagbanggit tungkol doon. Pero w

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-24
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status