Share

CHAPTER 621

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-04-03 09:33:04

Nagising siya kinabukasan na wala si Clark sa tabi niya. Hindi siya makapaniwalang may sakit ito dahil ilang beses siyang inangkin kagabi. Ang akala nga niya ay doon na ito matutulog sa kwartong inuukupa niya, pero ngayong nagising na siya, wala doon ang nobyo.

Baka lumipat ito sa kabilang kwarto nang makatulog na siya.

Napatingin siya sa relo. Alas otso na ng umaga.

"Huh? Ganun kahaba ang tulog ko?" tanong niya sa sarili niya. Hindi siya nakakain ng hapunan kagabi. Wala ring tumawag sa kanya para kumain.

Dali-dali siyang pumasok sa banyo para maligo, nagpalit ng komportableng damit, saka mabilis na lumabas ng kwarto. Gusto niyang daanan sana si Clark sa kwarto nito, pero narinig na niya ang boses nito sa baba. Parang siya na lang ang wala doon.

"O, iha, andito ka na pala?" masayang salubong ni Tita Felicia sa kanya. Andoon na rin si Tito Amado, na mukhang malungkot dahil wala si Clarkson. Kapag ganitong umaga kasi ay si Tito Amado ang nagbabantay sa anak niya. Unang araw ni Clarkson
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Noemi A. Tenegra
very nice story..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1014

    "Sana nga mapanagot ang gumawa nito kay Aria… at sana hindi pa huli ang lahat. Sana ay mabuhay pa si Aria… huhuhuh…" namumugto na ang mga mata ni Mam Fe sa kakaiyak. “Ahm… maiiwan ko po muna kayo. Bibili lang ako ng kape para sa lahat, para sa ganun ay kumalma tayo habang naghihintay kay Doc,” paalam niya. Walang pumasin sa kanya pero umalis pa rin siya. Nang makalabas na sa ospital ay bumalik siya sa kanyang kotse para walang makarinig sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Vice Gov. Hindi naman nagtagal ay sinagot nito ang telepono. “Hello, Lucio…” mahina ang boses na sabi niya kahit pa alam niyang wala namang makakarinig sa kanya doon. “O bakit, Madison?” “Andito ako sa ospital kung saan dinala si Aria. Andito ang lahat ng pamilya niya, kasama na si Lieutenant Finn. Narinig kong sabi niya na siya ang mangunguna sa pag-iimbestiga sa nangyari kay Aria. Nagtatakot ako baka may makuha siyang ebidensya na makapagtuturo sa iyo na ikaw ang gumawa nun kay Aria.” “Anong

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1013

    Imbes na umuwi sa condo, ay napagdesisyunan niyang sumunod sa ospital kung saan dinala si Aria. Kailangan niya doon magpakita at kunyaring makikisimpatya para hindi siya mapagbintangan.Pagdating niya ay nakita niya agad si Clarkson na paroo't parito sa harap ng emergency room. Si Mam Fe at Gov. Clark Almonte ay nakaupo sa waiting area. Inaaalayan ni Gov. si Mam Fe, halatang habag ito sa kakaiyak. Andoon din si Ben, na kaibigan ni Aria, at mukhang tulala.“G-gov…” tawag pansin niya.Napatingin ang lahat sa kanya. “K-kamusta po si Aria?”“Hindi pa namin alam dahil hindi pa lumabas ang doktor sa emergency room. Sana walang mangyari masama sa kanya.”“Ano nangyari, Madison? Nakita mo ba kung sino ang gumawa nito kay Aria?” tanong ni Ma'am Fe sa kanya“Wala po, hindi ko nakakita, Ma'am. Andon lang ako sa loob habang inaasikaso ang mga bisita.”“Ikaw, Ben… ikaw dapat ang magbabantay kay Aria dahil ikaw ang ka-date niya di ba? Bakit hindi mo man lang alam ang mga nangyari?”Parang nakonsen

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1012

    Ladies and gentlemen and my fellow public servant, my good news ako sa inyo. Bukod sa charity event natin na ito ay may isa pa akong project na sinusulong. Magpapagawa tayo ng tulay sa San Manuel.” anunsyo ng gobernador Nagpalakpakan ang mga tao at masaya ang lahat sa magandang balita ni Gov. “Matagal nang hinaing ng mga taga San Manuel ang hirap dahil sa kanilang sirang tulay... at ngayon ay maisasakatuparan na ang kanilang hinihiling.” dagdag pa nito. “Tulong nga ba 'yan, Gov, o isa na namang pangungurakot?” Napatigil ang lahat sa pagpasok na si Vice Governor Lucio. Ito na ang plano nila... ang paninira kay Governor Clark sa harap ng andoon. Kung hindi niya gagawin ito, siya ang mananagot kay Vice Gov. “What are you talking about, Vice?” nakakunot ang noo ni Gov. “Alam mong hindi ako kurakot, alam niyo 'yan. Wag mo akong pagbintangan, Vice!” galit na sabi ni Gov habang masama ang tingin kay Lucio “Eh ano itong nakikita ko? One Billion sa isang maliit na tulay?” Tinaas pa ni Vi

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1011

    Natigil ang pagsasayaw nila nang nag-stop ang music at pumagitna ang ninong Clark niya para sa welcome remarks.“Excuse me,” sabi niya kay Clarson. Saka dali-daling naglakad papunta sa banyo. Ngayon lang siya natauhan sa ginawa niya. “Bakit siya nakipagsayaw kay Clarkson?”Napatitig siya sa paligid. Hinanap ng mata niya si Ben. May kausap itong magandang babae sa gilid. Hinayaan na niya ang kaibigan.Sandali siyang pumunta sa CR para mag-freshen up. Pero habang papalapit sa CR ay may nakita siyang dalawang anino sa likod ng malaking puno. Habang humahangin ay nakikita niya ang suot ng babae na kulay pula, katulad ng suot ni Madison.Dahan-dahan siyang lumapit para tingnan kung sino ang kausap nito at kailangan pang magtago.“Kailangan mo na gawin ang plano ngayon, Madison. Kung hindi ay ikaw ang mananagot sa akin.”Narinig nya ang boses ni Vice Governor Lucio Salcedo. Ano ang pinag-uusapan ng dalawa?“Naka-ready na. Ngayong gabi ay mapapahiya si Gov. Clark dahil sa kagagawan ng anak-an

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1110

    Araw ng event. Ready na siya. Ang suot niya ay white na laced gown na gawa ng Ate Lilly niya. Parehas sila ng damit ng Ninang Fe. Gusto nito ay mag-twinning daw sila. Muling sinipat niya ang kanyang sarili sa full-sized mirror. Nakapag-make-up na din siya at naayos na ang kanyang buhok. Ready na ang lahat. Nang makontento sa kanyang sarili ay lumabas na siya ng kwarto. “Bunso, ang ganda mo naman!” nakangiting sabi ni Ate Lilly nang makita siya. Nasa sala ito at nag-aabang sa pagbaba niya. Ngumiti siya pabalik. “Syempre, gawang Lilly Rose ata ang damit ko!” wika niya saka naglakad pa na parang rumarampa. “Hahaha… dapat sa’yo maging model na lang eh. Gusto mo bang maging model ng Lilly Rose? Mag-photo shoot tayo tapos ilagay natin sa store ang malaking mong picture habang suot ‘yan.” “Sure, Ate! Hindi ko aayawan ‘yan!” Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang sundo niyang si Ben. “You look dashing, Ben!” “Thank you, Aria… ikaw ang ‘wow’ diyan! Para kang ikakasal sa damit mo a

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1109

    Kinabukasan ay late na siya nagising. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala niyang may trabaho pa siya. Pero napaisip siya, hindi niya kayang magtrabaho, saka sabi nga ni Ninang Fe, hindi naman siya totoong empleyado. Tumutulong lang siya kaya kahit hindi siya magtrabaho ngayon ay okay lang. Total natapos na rin naman niya ang trabaho niya kahapon. Kailangan niya rin siguro ng pahinga kahit isang araw lang. Muli siyang bumalik sa kanyang kama at kinuha ang cellphone. Bukas ay charity event na. Kailangan niya ring mag-beauty rest. Bukas na ang event. Ang pangako ni Clarkson, hihiwalayan nito si Madison pagkatapos ng event. Hindi niya alam kung tutuparin ng lalaki. Kapag hindi nito tinupad ang pangako, ay ‘yun na rin siguro ang sign na mag-move on na siya sa lalaki. Pagbukas niya ng cellphone ay nakita agad niyang may message si Clarkson sa kanya. "Where are you? Wala ka dito sa cubicle mo." -- message ni Clarkson. May limang missed calls din ito pero hindi niya narinig. Naka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status