Kumatok siya pero walang sumasagot. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob at hindi iyon naka-lock. Dahan-dahan niyang binuksan iyon at sumilip sa loob. Wala si Clark sa kama nito kaya dahan-dahan siyang pumasok.Pero nagulat siya nang biglang bumukas ang banyo at lumabas doon si Clark nang walang saplot. Kakatapos lang nitong maligo.Kahit ilang beses na niyang nakitang hubot-hubad si Clark ay naiilang pa rin siya.Biglang nag-init ang buong katawan niya, lalo pa’t basa ito. Parang itong demi-god na kakaahon lang mula sa dagat.“May kailangan ka?” walang ganang tanong nito sa kanya.“Ahm, oras na kasi ng pag-inom mo ng gamot...” sabi niya saka inabot ang isang tableta at isang basong tubig.Tiningnan lang siya nito at patuloy sa pagpupunas ng tuwalya sa basang buhok nito saka umupo sa kama. Ni hindi man lang ito nag-abalang takpan ang maselang bahagi ng katawan nito. Tila binabalandra pa nito ang magandang katawan.Tumingin siya sa ibang direksyon. Ayaw niyang tumingin sa katawan ni C
"Can I stay here?""S-Sige... ano ang gusto mong pag-usapan?""No... I mean, can I sleep here?"Nabigla na naman siya..."Pero...""I promise wala akong gagawin sa'yo. Lately kasi nananaginip ako. Nagigising ako sa madaling araw and I thought mas maganda kung may kasama ako sa kwarto."Agad naman siyang nag-alala. "Ganun ba... ano ba napanaginipan mo?""I can't remember... but it was a bad dream." nalungkot ito habang nagkukwento. "S-sige, dito ka na matulog... Doon na lang ako sa sofa.""No... pwede naman tayong magtabi dito sa kama mo. Malaki naman ito.""S-Sige..." nag-aalangang sabi nya.Tumalikod siya kay Clark at agad na pumasok ng banyo. Hindi niya matagalan ang mga titig nito sa kanya. Kakayanin niya bang tumabi kay Clark?Bahala na... Ang importante ay mabantayan niya ito. Baka totoong nananaginip ito sa gabi. Delikado nga kung wala itong katabi.Dali-dali siyang naligo at nagpalit ng pantulog. Mahabang pajama at long sleeve din ang pang-itaas ang suot niya. Balot na balot
Hindi niya alam kung ilang minuto na silang nasa ganoong sitwasyon, at kung gaano katagal iyon, ay ganoon din katagal na hindi siya makahinga nang normal.Paano magiging normal ang paghinga niya kung tinututukan siya ng batuta ni Clark sa likod?Hindi puwede ang ganito! Baka ma-collapse na lang siya bigla doon, baka matagpuan na lang siyang walang buhay.Hindi effective ang pagtatulog-tulugan niya. Kailangan niyang gumawa ng paraan para umalis sa posisyon na ‘yon at nang makahinga naman siya nang normal.Mukhang nakatulog na rin naman si Clark, hindi na rin kasi ito gumagalaw, nanatili lang itong nakayakap sa bewang niya.Napagdesisyunan niyang magpalit ng posisyon. Bukod sa may nakatutok sa kanya na sandata sa likod, ay nangangalay na rin siya.Hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa bewang niya at akmang iaangat nang biglang humigpit iyon sa bewang niya.“Where are you going? naiihi ka na naman ba?” bulong nito. Nanindig na naman ang balahibo niya dahil gising pa pala si Clark
“Mukhang nagkakaigihan na kayo, anak, ah!...” masayang wika ni Tita Felicia nang makita sila. Maging si Tito Amado ay masaya rin sa nakikita. Napayuko siya, alam niyang namumula siya sa mga mapanudyong tingin ng mga magulang ni Clark sa kanya.“Naaalala mo na ba si Fe, iho?”“Hindi pa, Mom… but we decided to take things slow.”“Tama 'yan, anak. Fe loves you so much at boto kami sa kanya.”Nagkatinginan sila ni Clark. Nginitian siya nito. Ngumiti naman siya pabalik pero agad na yumuko.“Ano na pala ang plano mo, iho? Kailan ka babalik ng opisina mo?”“Bakit, Dad? I'm on my indefinite leave, right?” tanong ni Clark habang abala sa pagkain.“Alam mo namang malapit na ang eleksyon, 'di ba? Plano mo pa bang ipagpatuloy ang pagtakbo bilang gobernador?”“'Di ko pa alam, Dad. Hayaan mo muna sila diyan. Naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko, 'di ba?”“May nakalap akong balita, anak... Mukhang naghahanap na ang alyansa si Vice Mayor Francis Benidicto. Incompetent ka na daw bilang mayor at l
Pagkatapos nilang kumain ay umalis na sila papuntang munisipyo. Magkatabi silang nakaupo sa likuran ng kotse. Ang driver at isang bodyguard naman ang nasa harapan. Patuloy pa rin ang pananahimik ni Clark. Hinawakan niya ito sa kamay para iparamdam ang kanyang presensya. "Bigla akong natakot... Nasanay ako sa bago kong buhay na walang stress at puro saya lang. 'Di ko inisip na may naghihintay pa palang mga problema sa pagbalik ko... naging makasarili ako." "Hindi ka makasarili. Kailangan mo ding asikasuhin ang buhay mo. Hindi mo naman magagampanan ng tama ang trabaho mo kung may sakit ka.... Maiintindihan ka nila." 'Di sumagot si Clark.. tila nag iisip ito. Maya-maya ay tinawagan nito ang sekretaryang si Hazel. Ito ang pumalit kay Franco dahil trinaidor ni Franco si Clark noon at naging spy pala ni Consi Bryan Mendoza sa loob ng opisina ni Clark. Ngayon ay naka kulong na si Franco. "Hello, Mayor. Kamusta po? Napatawag ka? Magaling ka na ba? Nakakaalala ka na?" sunod-sunod na tano
"Of course, Vice. Naalala kita." diretsahang wika ni Clark. Hindi nito pinansin ang pang iinsulto ng pangalawang alkalde."Dapat ay nagpahinga ka na muna nang tuluyan hanggang sa gumaling ka. Ano na lang ang magiging epekto nito sa lungsod natin kung hindi mo naman naaalala ang lahat? Kaya nga andito ako para maging acting mayor habang wala ka, di ba""Salamat sa pag-aasikaso mo, Vice, habang wala ako. Pero bumalik na ako ngayon. Ako na ulit ang mayor sa lungsod." Mahinahon lang ang pagsagot ni Clark dito. Matatalim ang tingin na pinukol ni Vice kay Clark. Halatang napikon ito dahil hindi apektado si Clark sa pang iinis nito. "At paano mo gagawin 'yan kung wala ka pang naaalala?""Andito naman ang sekretarya kong si Hazel at si Fe..." sambit ni Clark saka muling hinawakan ang kamay niya."Oh, look who's here? The other woman of the mayor!" Wika nito saka ngumisi sa kanya. "Iha, alam mo naman siguro na kasal si Mayor sa anak ni Gov. Santiago, 'di ba? Hindi pa sila tuluyang hiwalay ka
“Dapat kasi nagpa-presscon ka, Mayor! ... saka isiwalat mo doon ang tunay na nangyari... na nagpakasal kayo ni Cindy dahil blinackmail ka ni Gov. Santiago! Hindi alam ng karamihan ang totoong nangyari... ang alam nila ay masama kang asawa at may kabit ka kaya naghanap ng bagong nobyo si Cindy at nabuntis sa iba! 'Yan ang kumakalat na balita. Masama ang tingin ng mga tao kay Ma'am Fe dahil ang akala ng lahat ay siya ang sumira sa relasyon niyo ni Ma'am Cindy!” sumbong ni Hazel.Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang ang tingin ng mga tao sa kanila noong dumating sila. Wala siyang ideya... at nasasaktan siya."Hayaan mo na, Hazel. Bilang paggalang na lang sa yumaong Governor Santiago ay hayaan ko na ang paniniwala nila. Hayaan mo sila sa gusto nilang isipin. Marami pang ibang mas importanteng gagawin kesa patulan ang maling chismis na 'yan."“Pero Mayor, malapit na ang eleksyon at masisira ka sa survey! Alam mo naman ang mga tao, mapagpaniwala sa mga chismis! Sa lahat n
Si Hazel ang nag-order ng kape nila. Hinintay niya na lang ito sa pangdalawahang upuan doon. Ang mga empleyado na napapadaan sa kanila ay pinapansin naman siya pero may kakaibang tingin na hindi niya mawari.“Ma’am Fe, eto na ang kape natin.” Umupo ito sa tabi niya saka nilapag ang kape. May dalawa pang muffins itong dala.“Ma’am Fe… okay ka lang?” tanong ni Hazel nang mapansing natulala siya habang hawak ang mainit na tasa ng kape.Naputol ang pag-iisip niya. Pinilit niyang ngumiti. “Oo naman. Mainit lang siguro ang kape.” biro niya sabay halakhak, pero halata pa rin ang lungkot sa likod ng kanyang mga mata.Hindi na nagsalita pa si Hazel. Tahimik silang uminom ng kape habang pinagmamasdan ang paligid. Maya-maya ay may dumaan na mga empleyado sa table nila at hindi napigilang sulyapan sila. May ilang nagbulungan.“Siya ba ang bagong girlfriend ni Mayor Clark?""Oo. Akala ko nga ay wala na sila dahil ‘di ko na nakikita si Ma’am Fe na pumupunta dito simula nang magpakasal si Mayor at M
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat
Nagising siya kinaumagahan na masaya. Ang sarap ng tulog niya. Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Lumabas agad siya ng kwarto para makita ang dahilan kung bakit siya masaya.Paglabas niya ng kwarto ay narinig niyang maingay sa kwarto ni Lilly. Hindi iyon nakasara kaya sumilip siya. Nandoon si Lilly kasama si Rosie. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan. Binigay na ni Rosie ang pasalubong nito sa kapatid niya at tuwang-tuwa ito."Good morning, girls!" bati niya nang tuluyang buksan ang pinto. Nagulat pa ang dalawa sa pagsulpot niya."Kuya, andito ka pala. Ano ang pasalubong mo sa akin from Baguio?"Napakamot siya ng ulo."Pasensya na, Lillyt. Wala akong pasalubong.""Ano ka ba naman, Kuya, bakit wala? Si Ate Rosabel nga merong pasalubong sa akin eh!""Ah eh... 'yan na nga ang pasalubong namin sa’yo. Kami ang bumili niyan na dalawa."Agad na sabat ni Rosie sa pagta-tantrums na naman ni Lilly."Bakit, mag-jowa ba kayo na iisa lang ang pasalubong niyo sa akin?"Napatingin siya kay Ro
GRAY'S POV:Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit... dahil siguro sa saya na dala ni Rosie sa kanya.Pabagsak siyang humiga sa kama. Malayo ang dri-nive niya pero hindi siya napagod dahil masaya kasama si Rosie. Aaminin niyang kanina ay masama ang loob niya. Pero naramdaman niyang pilit pinapagaan ni Rosie ang loob niya.Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Ang daddy niya ang pumasok."Hi, Dad... May kailangan ka?"Tumayo lang ito sa harap niya na parang binabasa ang kanyang mga mata."Do you like Rosabel, anak?" diretsahang tanong nito."A-ano ka ba, Dad... parang kapatid ko na siya!" agad na sagot niya. Nahihiya siyang aminin sa daddy niya na may special siyang pagtingin kay Rosabel."Hindi ako tutol kung gusto mo siya, iho. Ang sa akin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral, at ganoon din si Rosie. Patapusin mo siya ng pag-aaral. 'Yun lang hinihingi ng nanay niya.""D-Dad, what are you talking about? Akala mo ba sa akin tirador ng ba
ROSIE'S POV:Wala na naman silang pansinan sa biyahe, hapon na sila umalis sa resort at mukhang gagabihin sila pagdating sa Manila..Lihim siyang napahinga ng maluwag nang nagdesisyon si Gray na uuwi na sila. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung paano sila mamayang gabi. Iisa lang ang kama at dalawa lang sila doon. Hindi imposibleng may mangyari sa kanila at ayaw niyang mangyari yun.Oo, may gusto siya kay Gray, pero hindi pa siya handa. Madami pa siyang plano sa buhay."Huuuuy... bakit tahimik ka jan, kuya?" Siya na ang naunang pumansin dito, ayaw niyang magkasamaan sila ng loob hanggang sa pagdating nila sa Manila."Pansinin mo naman ako..." wika niya. "Galit ka ba sakin? Sorry na... gusto ko na kasing umuwi eh.""It's okay... hindi ako galit." tipid nitong sagot"Hindi daw pero hindi naman namamansin!? Pilit niyang pinapagaan ang kanilang conversation. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa."Paandarin mo lang ang audio... gusto ko ng sounds!" utos niya. Sinunod n
Hindi siya napansin ng babae. Patuloy lang ito sa paglangoy paroo’t parito sa pool, at mukhang nag-e-enjoy.Hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga. Lalong nag-init ang katawan niya, para siyang manyak na naninilip kay Rosie na walang kaalam-alam na andoon na siya. Naramdaman niyang gusto nang kumawala ang junior niya.“Fuck! Ano ang gagawin ko?” Hindi siya pwedeng magpakita kay Rosie nang nasa ganoong sitwasyon. Hindi rin pwedeng hindi niya ito mailabas dahil sasakit ang kanyang puson! Pwede din siyang lumabas, hanapin si Samantha at yayain ito dahil mukhang game naman ang dalaga... pero ayaw niya.Pumasok siya sa CR. Hindi pa rin siya nakita ni Rosie dahil may glass door na nakapagitan sa kuwarto at sa swimming pool area.Pagpasok niya sa banyo ay dali-dali siyang naghubad ng damit at binuksan ang shower. Kahit doon man lang ay maibsan ang init ng katawan niya. Pero parang hindi sapat ang pagligo lang...Wala sa sariling kinapa niya ang kanyang alaga. Matigas na ito sa galit... gan
GRAY'S POV:Hindi siya papayag na umuwi sila ng Manila na hindi matikman ang labi ni Rosabel. Ang akala niya kagabi ay 'yun na 'yun... pero napurnada pa.Kung magiging first kiss siya ni Rosie, ay ganoon din naman siya. He never kissed a girl on the lips before... ayaw niya. Ang gusto niya, kapag gustong-gusto na niya ang babae, ay 'yun ang magiging first kiss niya. Si Rosabel na ba 'yon? tanong niya sa sarili.Alam niyang bad move 'yong desisyon niyang mag stop-over sila roon dahil sarili lang din niya ang pahihirapan niya. Ilang libong pagtitimpi ang inipon niya na walang gagawin kay Rosie. Ginagalang niya ang babae at ayaw niyang pagsamantalahan ito.Pero kung ibang babae lang iyon, ay baka naikama na niya ito. He's in heat, malibog siyang lalaki, at hindi uso sa kanya ang nagtitimpi.Inaamin niyang inaakit niya si Rosie sa pamamagitan ng paghuhubad sa harap ng dalaga, sa pasimpleng pagdadantay ng katawan niya sa katawan nito. Lalaki pa rin siya at hindi santo. Umaasa siyang bibig
Nag-drive na ito pabalik sa Manila... Wala na naman silang pansinan. Hindi man lang nito pinaandar ang audio para sana may konting ingay sa loob ng kotse. Pumikit na lang sya para kunyaring natutulog. Ayaw naman niyang mag-open ng conversation, hindi niya alam kung gusto din ni Gray na kausapin niya. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ang pagtulog-tulogan niya ay natuluyan. Dahil na din siguro sa antok at sa sarap ng aircon kaya mahimbing siyang nakatulog sa passenger's seat.Nang maalimpungatan ay napansin niyang nakatigil ang kotse. Pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nasa isang beach resort sila. "Where are we?" "Mag-stop over muna tayo dito... Pagod na akong mag-drive eh." Napatingin siya ng diretso dito. Ngayon pa ito nagreklamong pagod mag-drive samantalang nakapagpahinga naman ito sa bahay nila!?Hindi na siya nakapagreklamo ng nauna na itong bumaba ng kotse. Bumaba na din siya at sumunod sa likod nito, pumunta ito sa front desk."1 room, please." "Overnight