Share

CHAPTER 726

Penulis: dyowanabi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-16 19:38:26

2 YEARS LATER:

Nakatingin siya sa mga building na nakapalibot sa opisina niya sa Miller Steel Corporation. Nasa pinakamataas na palapag ang opisina niya kaya kitang-kita niya ang mga nagtatayuang building doon.

Napakabilis lang ng panahon, parang kailan lang ay intern lang siya doon pero ngayon ay siya na ang big boss. Nag-resign na si Ma'am Trixie at siya ang pumalit sa posisyon nito kaya lalo siyang na-promote.

Pagkagraduate niya sa kanyang pag-aaral ay dire-diretso na ang pagtatrabaho niya doon. Ni hindi pa siya nakauwi ng Pilipinas.

Okay lang naman sa kanya, eto na nga ang pangarap niya… na kapag nakapagtapos siya ng pag-aaral ay i-aabsorb siya ni Ma'am Jonie para matrabaho sa kompanya. Aarte pa ba siya eh kumikita na siya ng limpak-limpak na pera? Nabibigyan na niya ng masaganang buhay ang nanay at lolo at lola niya.

Hindi na nagtatrabaho ang nanay niya sa mansion at umuwi na ng Baguio. Pumayag naman ang mga Enriquez na tumigil na sa pagtatrabaho bilang kasambahay ang nanay niya
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (99)
goodnovel comment avatar
Marissa Ranola
time nyo n daw mag balikan... kunwari lang siguro si nasabi ni Jodie
goodnovel comment avatar
Angeline Fello
haysss.ang tagallllll
goodnovel comment avatar
Beth Dominguez Sobretodo Edombingo
pa update plsss... nakaka excite pls pls!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1245

    "Mam Aria, ano ang nangyari sayo?" tanong ni Phern nang pumasok ito sa kanyang opisina at makitang halos maglumpasay siya sa kakaiyak sa kanyang upuan. Dali-dali siya itong dinaluhan. “May masakit ba sayo? May dinadamdam ka ba?”“Phern… huhuhu!”“Bakit? Anong nangyari?” Halos matataranta na si Phern. Napasulyap ito sa kanyang cellphone na nakabukas at nakita ang litrato ni Clarkson.Agad nitong dinampot at tiningnan. “Si Sir Clarkson ba ito, ma’am?”Ayaw sana niyang sabihin pero nakita na ni Phern, wala na siyang magagawa and she needs someone to talk to.“He is cheating on me, Phern.... With his doctor friend.”“This cant' be happening, Ma'am.... Hindi ako naniniwala! Nakita ko kung paano ka tingnan ni Sir Clarkson na puno ng pagmamahal. He is madly in love with you at kaka-propose niya lang sayo.”Napatingin siya sa kanyang daliri.... kumikinang ang engagement ring na bigay ni Clarkson sa kanya.“Hindi ko din maintindihan kung bakit niya nagawa ito....” garagal ang boses nya habang

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1244

    ARIA POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang opisina sa Blacksmith Hotel, abala sa ginagawa. Kailangan niyang i-divert sa ibang bagay ang kanyang sarili para hindi malungkot sa pag-alis ni Clarkson.Hindi pa din niya mapigilang umiyak, hindi na siya sanay na wala ang nobyo sa kanyang tabi lalo pa't may problema itong dinadala. She wants to be there for him, pero kailangan nilang maghiwalay, hindi niya pwedeng itali ang nobyo sa kanyang bewang. Sabagay, para din naman sa kanila kung bakit ito umalis... pansamantala lang naman iyon.Habang nagbubuklat ng mga papeles ay sunod-sunod na tumunog ang kanyang phone. Napangiti siya, maybe it's Clarkson. Nagtext siya kanina pero hindi ito nag-reply.Nakangiti siyang dinampot ang cellphone mula sa lamesa, pero napalis din ang kanyang ngiti nang buksan iyon at nakita ang isang di-kilalang numerong nag-send sa kanya ng mga litrato ni Clarkson kasama ang isang babae. Biglang nanigas ang kanyang katawan, para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang m

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1243

    Nagising siya nang makarinig ng halakhak sa labas. Napakunot ang kanyang noo habang nililibot ang tingin sa paligid. Nasa kwarto pala siya. Tila sandaling nalimutan niyang nasa Pilipinas na siya.Tumayo siya mula sa kama at sumilip sa bintana. Nakita niyang naroon si Vicky, nakalublob sa swimming pool, may kausap sa telepono. Rinig na rinig sa kwarto ang tawa nito.Pasimple niya itong pinagmamasdan... nakasuot ito ng pulang swimsuit na hapit sa katawan. Agaw-pansin ang tindig nito at kumpiyansa sa bawat galaw. Total bombshell talaga si Vicky, malakas ang dating, voluptuous kung ilalarawan. Kaya minsan ay hindi niya maiwasang magtaka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo.Nailang siya nang biglang tumingala ito at nakita siyang nakasilip sa bintana. Sa halip na umiwas, lalo pang lumaki ang ngiti nito at kumaway sa kanya.“Join me here, Clarkson!” sigaw nito.Wala talaga siyang planong mag-swimming. Pagod pa rin ang katawan niya at mas gusto sana niyang manatili sa loob.

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1242

    VICKY’S POV:Lihim siyang napangiti nang pumayag si Clarkson sa mungkahi niyang doon na lang siya matulog sa mansyon. Plinano nya talaga iyon. Wala naman talaga siya convention sa Manila, sinabi nya lang para kapani-paniwala. Sa wakas, unti-unti nang gumagana ang plano niya.Ang hindi alam ni Clarkson, may taong nakasunod sa kanila... isang binayaran niya para kumuha ng mga litrato.Lihim siyang napangiti habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga kuhang ipinadala sa kanya. Tuwang-tuwa siya sa mga nakita. Hindi halatang napipilitan lang si Clarkson sa mga litrato, mukhang may relasyon talaga sila.“Perfect.” bulong niya sa sarili.Hindi mahalagang may nobya si Clarkson. Ang mahalaga ay ang lalabas sa mga mata ng iba. Isang maling anggulo lang, isang ngiting nahuli sa kamera, isang sandaling mukhang may ibig sabihin... sapat na iyon.Alam niyang kapag nakita ni Aria ang mga larawang iyon, kahit gaano pa kalakas ang tiwala nito kay Clarkson, magkakaroon at magkakaroon ng pagdududa. At s

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1241

    Lumabas siya sa airport at doon niya nakita si Vicky na naghihintay sa exit. Agad itong ngumiti nang makita siya.Malayo pa lang ay pinagmamasdan na niya ang dalaga. Parang hindi ito doktor sa suot nitong fitted maong na butas-butas at black tube.Oo, maganda at sexy si Vicky, para itong sikat na personality sa Hollywood. Mahaba rin ang buhok nito na lalong nagbibigay-ganda sa dalaga.Pero kahit anong gawin nitong pagpapa-cute ay walang epekto sa kanya. Kaibigan lang talaga ang turing niya sa doktora.Siguro naman titigil na ito sa pang-aakit, alam na nito na may nobya siya at iyon nga ay si Aria.Hindi nawawala ang ngiti nito habang papalapit siya. Mag-isa lang ito at walang kasama. Agad siyang lumapit.“Hi, Clarkson,” masayang bati ni Vicky. Yumakap at humalik ito sa kanya. Hindi niya alam kung aksidente lang o sinadya ni Vicky na maglapat ang kanilang mga labi. Nagmaang-maangan siya at kunwaring hindi napansin.“Sino ang kasama mo?” tanong niya.“Just me. Katatapos lang din ng conv

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1240

    CLARKSON’S POV: Nagising siya kinaumagahan na masakit ang ulo, dagdagan pang mabigat ang kanyang balikat. yun pala nakadagan si Arya sa bisig niya Marahan siyang gumalaw para hindi ito magising, pero naramdaman siya nito. Agad itong nagmulat, kinuskos ang mga mata at tiningnan siya. “Babe… gising ka na? Okay ka lang ba? Do you feel anything?” “W-wala, babe… I’m okay. Masakit lang ang balikat ko. Nangangalay ata sa tagal ng paghiga mo sa akin." “Ay, sorry…” agad itong napaupo. Ngumiti naman siya ng tipid. Napangiwi siya nang maramdaman muli ang kirot sa ulo. Matagal na siyang hindi umiinum kaya bago na naman sa kanya ang feeling ng lasing. “Masakit ba ang ulo mo? Wait, kukuha ako ng paracetamol. Ay, hindi... kumain ka pala muna bago ka uminom ng gamot,” natatarantang sabi nito. “Relax, babe. I’m gonna be okay…” natatawang sabi niya saka muli itong hinatak pabalik sa kanyang bisig.Napangiti naman si Arya at muli siyang niyakap. ang kamay nito ay nasa kanyang dibdib at nilalar

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status