FINN'S POV: Imbes na umuwi ay dumiretso sila ni Bert sa kanilang headquarters. Pagpapanuhan nilang mabuti ang transaction na mangyayari sa mga Cruz. Sa isang fishing port mangyayari ang transaction. “Bert, ibigay mo pa sa akin ang ibang ebidensya laban sa mga Cruz nang mapag-aralan natin.” Umalis si Bert at agad namang bumalik na may dala ng makapal na folder. Tiningnan niya iyon isa-isa. Matagal nang negosyo ng mga Cruz ang pag-smuggle ng kung anu-anong ilegal sa bansa, lalo na ang droga. Madali lang sa mga ito gawin dahil sa cargo business nila. Pakiramdam nila ay may nagpoprotekta ring malaking sindikato sa kanila kung kaya’t walang nakakalabas na balita tungkol sa mga illegal transaction ng mga ito. Pero ngayon ay wala na silang kawala. Hindi niya papayagang makasal si Lilly sa Dylan na ‘yon at gawing kasangkapan ang mga Enriquez sa mga ilegal pa nitong gagawin balang araw. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ni Bert. Natuon ang atensyon nilang dalawa sa telepono. “Hell
"Ang mabuti pa love ay dito muna kayo tumira sa inyo. Siguradong magagalit si Dylan kapag nalaman niyang doon ka nakatira sa akin. Hindi natin siya bibigyan ng pagkakataon na ma-provoke. Ipaparamdam natin sa kanila na sunod-sunuran kayo ni Tito Kenn sa gusto nila habang nagkakalap kami ni Bert ng ebidensya." sabi ni Finn sa kanya. "Wala silang kaalam-alam na iniimbestigahan na namin sila. Ang akala nila ay wala kaming alam sa kanilang mga transaction." dagdag pa ni Bert. "Pero Finn, natatakot ako... Baka ikaw ang balikan nila." ‘Wag ka nang mag-alala. Sila ang dapat matakot sa amin dahil kami ang batas at sila ang mga gumagawa ng masama." “Hindi na tayo pwedeng magkamali ngayon. Kung totoo ang sinabi ng confidential source ko, sa susunod na gabi ay may shipment ulit ang mga Cruz. Kapag nakumpirma natin ‘yon, madidiin natin sila. Pero dapat lihim lang lahat. Once na makahalata sila, baka kayo ang pagbuntunan ng galit.” seryosong sabi ni Bert. “Do your job Finn. Ipag-tanggol mo k
Nang paalis na si Dylan at Mateo ay sakto namang dumating si Finn at Bert.Nagulat siya sa pagsulpot ng dalawa. Marahil ay nag-aalala ito dahil kanina pa siya nito tinatawagan at hindi niya sinasagot. Agad na nilapitan ni Precious ang dalawa.“Bakit kayo pumunta dito? ‘Di ba sabi ko babalik lang kami doon?” Nababanaag sa mukha ni Precious ang takot, pero wala kay Precious ang atensyon ni Finn kundi sa kanila ni Dylan. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila.“What is he doing here, Lilly?”“Ahm… wala, Finn, paalis na din sila.” Pagsisinungaling niya.“Hahaha… Lilly, babe… tamang-tama pala ang pagdating ng nobyo mo. Bakit ‘di mo sabihin sa kanya ngayon na ikakasal na tayo? Might as well hiwalayan mo na din siya ngayon din. Gusto kong marinig. Come on!”“Shut up, Dylan!” sigaw niya.“What is happening, Lilly?” nagtatakang tanong ni Finn.“Para sabihin ko sa’yo, pulis patola. Akin si Lilly. Kung inaakala mo na maaagaw mo siya sa akin ay nagkakamali ka. Wala kang maibibigay sa kanya kundi
LILLY'S POV:“You can’t do this to me, Dad!” sigaw niya habang kausap ang amang si Ken. Kakadating lang nito galing Singapore at pinasundo siya doon sa bahay ni Finn dahil may mahalaga daw silang pag-uusapan.“Wala akong magagawa sa ngayon Lilly! ‘Yun ang hiling ng mga Cruz... Na makasal kayo ni Dylan. Kung hindi natin gagawin ‘yon ay makukulong ako. Napaliwanag ko naman sa’yo, di ba?” halos pasigaw na sabi ng daddy nya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng daddy niya. Kinuwento nito na ang cargo ng mga alahas na galing Singapore at pinadala nito sa Pilipinas sa tulong ng cargo shipping company nina Dylan Cruz ay nakitaang may illegal drugs sa loob.“Hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng ganoon doon sa loob, anak. Believe me!” Tiningnan niya ng mabuti ang ama. Alam niyang wala naman itong bisyo, at sa yaman nila ay hindi na nito kailangang pumasok sa illegal na gawain. Pero paanong maipapaliwanag na andoon sa loob mismo ng cargo nito ang mga drugs?Nangako ang mga Cruz na pagtatakp
FINN'S POV:"Boss, galing sa bahay ni Rogelio ang mga tao natin. Mukhang hindi na doon nakatira ang lalaki. Wala din ang kotse na gamit nito." Report ni Bert sa kanya.Napabuntong-hininga siya, mukhang nakatunog si Rogelio na papa-imbestigahan na nila ito.“Sige. Huwag mong hayaang walang magbabantay sa bahay niya. Babalik din ‘yon kahit gaano katagal. Siya lang ang makakasagot sa mga katanungan natin. Wala tayong lead kung bakit niya ito ginagawa sa akin. At kung may nag-uutos man sa kanya, sino?”Napabuntong-hininga siya. Sa pagkawala ni Rogelio ay mahihirapan na naman siyang malaman kung sino ang nasa likod ng lalaking ‘yon. Wala talaga silang lead.Umupo siya sa kanyang office chair at klinaro muna ang utak. Gusto niyang mag-relax ng kahit kaunti. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Lilly.Hindi naman nagtagal ay sinagot kaagad nito ang tawag niya, agad siyang napangiti.“Hello love…” wika ni Lilly sa kabilang linya at mukhang masaya.“Nasan ka?”“Andito kami ni Precious sa
Pagdating niya sa bahay ay sinalubong agad siya ng daddy nya at mukhang masaya ito.“Ano balita, Dad? Bakit mukhang masaya ka?”“Mabuti at andito ka na, iho. Naayos ko na ang transaction ng mga Enriquez. Anytime ay dadating na ang cargo nila at pagkalapag na pagkalapag nun sa Pilipinas ay paplantahan agad natin ng drugs nang sa ganun matakot si Ken at mablackmail natin siya. Tatakutin natin na isa siyang smugler ng drugs mula sa ibang bansa. Ayaw niyang mangyari iyon kaya susundin niya ang gusto natin. Pwede na nating hingin ang gusto natin sa kanila.”Napangisi siya ng malaki. “Ang galing mo talaga, Dad. Sige, gawin natin ‘yan at hihingin mo na ikasal ako kay Lilly.”“Bakit pa? Hindi mo naman gusto ang babaeng ‘yon! Humingi na lang tayo ng pera nang sa ganun ay may pambayad na tayo sa mga kautangan natin at maitaguyod muli ang ating negosyo.”“Hindi ka ba nag-iisip, Dad? Passive income ‘yan kapag nagpakasal kami ni Lilly. Hindi pa natin mararamdaman kaagad pero kapag naging pamilya