“Are you okay, babe? Huwag mo nang isipin ang mga pinagsasabi ni Solen… Naiinggit lang ‘yun sa’yo.”“Ano nga palang project ‘yung sinasabi niya?”“’Yung tulay na itatayo ng gobyerno sa Cavite area. It’s a big project. Don’t worry, ready na lahat. Matagal ko na ‘yang inasikaso, nagawa ko na din ang bridge plan and profile design ko for it, and I’m confident tayo ang mananalo sa bidding bukas. Mas malaki naman ang kompanya natin kaysa kina Solen." Confident na sabi ni Gray sa kanya.Hindi niya alam... pero bakit parang may kutob siya na may mali kahit pa sinabi ni Gray na wag cyang mag-aalala.“Kumain ka na...” wika nito sabay lapit ng tinidor na may steak sa bibig niya.She obliged, ngumanga siya para tanggapin ang isinubo nito.“Pwede ko bang makita ‘yung project proposal mo para bukas?” tanong niyang may pag-aalangan.“Why? Wala kang tiwala sa akin?” kunot-noo nitong tanong“Hindi naman sa gano’n… Gusto ko lang makasiguradong mananalo tayo bukas.”“I’ve been doing this for so long,
"Pero natatakot pa rin ako, babe... paano kung malaman nila ang relasyon natin? Pinaghiwalay na nila tayo noon. Hindi kaya hindi pa rin nila matanggap sakaling malaman nila ang relasyon natin? Baka paghiwalayin nila tayo ulit?""Hindi ko na ‘yun papayagan, babe. Pumayag ako noon na ipaglayo tayo kasi ‘yun ang tama. Kailangan nating magtapos sa pag-aaral. Pero ngayon, wala na silang rason para paghiwalayin pa tayo.""Pero mahirap lang ako… anak lang ako ng dating kasambahay nyo. Hindi ako nababagay sa pamilya n’yo.""Hindi matapobre ang pamilya ko, alam mo ‘yan, Rosabel. Tinuring ka nila na parang anak. At saka, hindi ka mahirap... you proved yourself. In a short span of time, naitaguyod mo nang maayos ang pamilya mo. Look at you now, ibang-iba ka na sa Rosabel na nakilala ko two years ago!""Thank you, babe. Sana nga walang maging problema kapag nalaman nila. Pero sana, itago muna natin ito. Hindi pa ako handang malaman nila."Humugot ito ng malalim na hininga. "Sige… papayagan kita s
Abala siya sa pagtatrabaho nang hindi napansin ang oras. Kinatok siya ni Willow sa opisina niya. "Ma'am Rosabel, hindi ka pa ba uuwi? 6 PM na po." "Huh? Ganoon ba?" Marahil ay wala nang tao sa labas ng opisina. Naawa siya kay Willow, naghihintay ito malamang na makauwi na siya para makauwi na rin ito. "Mauna ka na, Willow. Hihintayin ko pa si Sir Gray mo." "Ah, ganoon po ba, Ma'am. Sige po, mag-ingat po kayo sa pag-uwi." Wika nito saka umalis na din. Inayos na niya ang mga papel sa kanyang lamesa at tinawagan si Gray. May date pa sila at baka nakalimutan ng binata na sunduin siya. Habang dina-dial ang telepono ni Gray ay napasimangot siya dahil nakapatay ito. "Di kaya nakalimutan talaga niya akong sunduin?" Nagpasya siyang bumaba na lang ng opisina at doon hintayin ang binata. Kung hindi man siya nito masundo after 30 minutes ay mag-Grab na lang siya pauwi. "Bakit kasi nakapatay ang cellphone nito? Nakakainis naman!" Reklamo niya habang pababa ng opisina. Mag-isa lang siya sa
“Hindi naman sa ganun... Gusto ko lang na habang nasa opisina tayo, trabaho tayo. Hindi mag-jowa.”“Pero gusto ko! Hayaan mo silang pag-usapan tayo. Inggit lang ang mga ‘yon sa atin.”“No! We’ll make it discreet. Tapos!”“Haay... simula nung dumating ka, wala na akong desisyon na tama!” natatawang sagot ni Gray. Gano’n siguro talaga kapag na-in love ka sa babaeng alpha. Strong, independent woman!” dagdag pa nito, hindi niya alam kung proud ba siya o may halong tampo.Nilapitan niya ang nobyo at niyakap sa leeg nito. “Pag tayong dalawa lang, submissive naman ako sa'yo ‘di ba? Especially sa kama…” bulong niya sa tenga nito.“Damn, Rosie… Don’t do that again or I’ll fuck you right here, right now!”“Ahaha! Di puwede. Maghintay ka ng one month!”“Fuuuck!” pasigaw na mura ni Gray.“Tara na sa labas. Baka kung saan pa mapunta ang kwentuhang ito!” natatawang sabi niya.Hinawakan ni Gray ang kamay niya pero agad niya iyong iwinaksi. Lumabas na sila ng opisina. Seryoso siya sa desisyon niyan
“Nagtimpla lang ako ng kape ko.”“Dapat inutos mo na lang sa akin, Ma’am.”“Okay lang. Gusto ko din kasi makihalubilo sa kanila dito. Hindi ‘yung palagi na lang ako sa loob ng opisina.”“Nakilala mo na po ba sila isa-isa?”“Oo, pinakilala na sila ni Nelia at Collete sa akin. Mag-order ka ng food para sa lunch nating lahat dito sa opisina, Willow. My treat dahil first day ko today.”“Talaga, Ma’am? Yehey! Salamat po, Ma’am!” sabay sabay pang sambit ng mga staff niya.“Walang anuman. Pasok muna ako sa opisina ko… Lalabas na lang ako mamaya para mag-lunch. Sabay tayong para makabonding naman tayo.”“Sige, Ma’am. Salamat po!”Nakita niya ang saya sa mga mata ng kanyang mga empleyado. Mas maganda talaga kapag approachable siyang boss. Tulad ng ginagawa niya sa Miller Steel Corp, kaibigan niya din ang lahat ng subordinates niya. Ganun din ang gagawin niya dito sa K.E. Builders habang siya ang CEO. Alam niyang hindi naman siya magtatagal doon dahil eventually kay Gray naman talaga ang pos
Napapikit siya habang nakasandal sa upuan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya... parang gusto niyang maniwala, pero may bahagi ng puso niya ang ayaw pa ring bumitaw sa galit.Hindi pa rin siya handang magpatawad nang buo, pero sa simpleng “I love you” ni Gray, parang unti-unting natutunaw na naman ang puso nya..Napabuntong-hininga siya. “Focus, Rosabel. May trabaho kang kailangang tapusin,” bulong niya sa sarili.Pagkabukas niya ng laptop ay agad na tinuon ang kanyang sarili sa pagtatrabaho. Inuna niyang i-check ang kanyang mga emails. Naging abala siya sa Cebu kaya hindi niya masyadong natutukan ang email niya.Maya-maya ay nakaramdam siya ng antok. Naalala niyang hindi pala siya nakainom ng kape.Tumayo siya at lumabas ng opisina. Siya na ang magtitimpla ng sarili niyang kape para makapaglakad-lakad naman siya.Paglabas niya ay tumigil agad ang mga empleyado sa kani-kanilang ginagawa. Tila ilag ang mga ito sa kanya. Marahil ay hindi pa siya nagkaroon ng