LOGINOne stolen MRT token. One ruined silk tie. One month of pretending to be a billionaire’s fiancée. Xyloise just wanted to get to work on time, but now she’s commuting straight into the arms of the man she hates the most."
View MoreUmpisa pa lang ng araw ko, ramdam ko nang hihigupin ng lunsod na 'to ang huling hibla ng pasensya ko.
Alas-sais pa lang ng umaga pero 'yung alarm clock ko, kung makasigaw, akala mo audition para sa heavy metal band. Nanatili lang akong nakahiga, nakatitig sa kisame ng maliit kong apartment habang pinag-iisipan kung kailangan ko ba talaga ng trabaho o baka naman pwedeng mabuhay sa sikat ng araw at chismis lang. obviously, kailangan ko ng pera, bulong ko sa sarili ko. Bills don't pay themselves, at mas mataas pa ang standards ng sikmura ko kaysa sa laman ng bank account ko. "good morning, xyloise," bati ko sa sarili ko pagharap sa salamin. The reflection staring back at me was a total tragedy. Sabog ang buhok, malalim ang eyebags, at 'yung expression ko, parang pasan ang buong kasalanan ng sangkatauhan. Nag-toothbrush ako habang nag-i-scroll sa phone. Nakaka-high blood makakita ng mga influencers na ang aga-aga ay naka-green smoothie na, samantalang ako, nakikipag-laban pa sa paghahanap ng magkapares na medyas. Simple lang naman ang goals ko for today: 1. makarating sa office nang hindi nagmumukhang biktima ng kalamidad. 2. makaupo sa jeep (kahit kalahating pisngi lang ng puwet, gora na). 3. huwag mabulunan sa tindi ng inis bago mag-lunch break. Isinuot ko ang paborito kong kupas na red hoodie, 'yung may mukha ni PAPA PIOLO sa gitna. Huwag niyo 'kong i-judge, comfort armor ko 'to. Kung magdurusa man ako sa commute, at least may kasama akong alamat sa dibdib ko. Paglabas ko pa lang ng pinto, sinalubong na agad ako ng malagkit na hangin ng Manila. The humidity was real. Clinging to my skin like an unwanted ex. Tumayo ako sa kanto habang pinapanood ang parade ng mga jeep at mga motor na parang mga langgam na nag-aaway sa kalsada. Mixed signals ang amoy sa paligid: usok ng tambutso na may konting hint ng hotdog at basang kalsada. "kuya, pasabit! isa lang!" sigaw ko sabay lundag sa likod ng umaandar na jeep. Siningit ko ang sarili ko sa space na sapat lang siguro para sa bata, hindi para sa babaeng kasing laki ko. My knees were touching a stranger’s grocery bag, at 'yung electric fan sa harap, imbes na magpalamig, parang niluluto lang ang mukha ko sa init. the joys of public transport, isip ko habang nakakapit nang mahigpit sa bakal. By the time na nakarating ako sa MRT station, 'yung fresh look ko, nag-expire na at 'yung patience ko, kasing nipis na lang ng papel. Pagkakita ko pa sa pila, muntik na akong himatayin dahil mas mahaba pa sa listahan ng mga utang ko ang serpentine line pababa ng stairs. Binuksan ko ang bag ko para hanapin ang token ko. My fingers brushed through old receipts, kalahating pack ng tissue, at isang ligaw na lipstick pero walang bakal na bilog. "nasan na 'yun?" my heart skipped a beat. Token na lang ang pag-asa ko para makaabot sa meeting. Nag-dive na ang kamay ko sa kailaliman ng bag ko, mas frantic na ang galaw ko. And then, as if in slow motion, nakita ko siyang lumusot sa butas ng bag ko. Tumalbog ang maliit na silver disc sa semento. clink. Gumulong siya. At siyempre, humabol ako. "no, no, no! 'wag ngayon, please!" Nakaluhod na ako sa floor, deadma na sa mga commuters na nakatingin sa 'kin. Inches away na lang sana bago ko siya mahablot nang biglang may isang leather shoe polished to a mirror shine na humarang sa dinadaanan nito. Isang kamay na naka-long sleeves na dark blue ang dumampot sa token ko. Sinundan ko ng tingin ang braso niya hanggang sa makita ko ang malapad na balikat, ang suit na halatang mamahalin, at ang mukhang parang galing sa cover ng luxury magazine. Sobrang gwapo niya, sharp jawline, mga matang kasing lamig ng ice bath, at aura na parang siya ang may-ari ng buong MRT station.Ang boardroom ng Stary Global ay parang loob ng isang freezer na malamig, malinis, at walang puwang para sa pagkakamali. Nakaupo ang mga board of directors sa mahabang lamesang gawa sa obsidian, bawat isa ay may hawak na folder na naglalaman ng skandalo namin ni Waeren. Nandoon ang lola niya, si Don Sebastian, at siyempre, ang mag-amang Juico na mukhang handang manakmal. "Waeren," panimula ng isang matandang director. "The evidence is clear. Your association with this... young woman... has caused a 15% drop in our projected stock value. The Juico lawsuit is a black mark on our reputation." Tumingin si Waeren sa kanila, pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Hawak niya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. "The stock drop is temporary, a reaction to noise. But the skandalo you’re referring to is actually the most honest thing that has happened to this company." "Honest?!" tili ni Tiffany. "Waeren, she’s a junior staffer! A tvl graduate! She doesn't have the pedigree to stand beside
Kinabukasan, maagang dumating ang pribadong ambulansya na ipinadala ni Waeren. Maayos na nailipat si Papa patungo sa isang premier hospital sa Manila. Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan, hindi ko maiwasang mapaisip. Isang linggo lang ang nakalipas, namomroblema lang ako sa barya sa MRT. Ngayon, ang buhay ng pamilya ko ay nakadepende na sa lalakeng katabi ko na busy sa pagsagot ng mga email."Waeren," tawag ko sa kanya nung malapit na kami sa ospital."Hmm?" hindi siya tumitingin, ang mga daliri niya ay mabilis na humahaplos sa screen ng kanyang phone."Seryoso ka ba talaga sa pagpapa-renovate ng bahay namin? Kasi... baka isipin nina Mama na binibili mo na kami."Doon siya tumigil. Ibinaba niya ang phone niya at tinitigan ako. "Xyloise, I’m an architect. Seeing a structure in that condition is like seeing a mathematical error. It bothers me. And besides, if you’re going to be my consultant, you need a home that doesn't collapse during a typhoon.""Consultant pa rin
Ang biyahe mula Makati hanggang Laguna ay tahimik. Hindi ito yung komportableng katahimikan na nakasanayan namin sa penthouse ni Waeren, ito yung katahimikang puno ng kaba, yung klase ng bigat na hindi kayang i-calculate ng kahit anong software.Habang binabaybay ng Rolls-Royce ang makikipot na kalsada, unti-unting nawawala ang mga matatayog na building. Napalitan ang mga ito ng malalawak na bukirin, mga tricycle na humaharurot, at ang malagkit na hangin ng probinsya."Waeren, pwede mo na akong ibaba sa kanto," bulong ko habang nakatingin sa labas. "Hinding-hindi papasok ang sasakyan mo sa looban namin. Baka magasgasan lang 'yan, lalo ka pang magalit.""I'm not leaving you here, Xyloise," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin. Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa manibela. "Tell me where to turn."Nung makarating kami sa tapat ng maliit naming bahay, halos maglabasan ang mga kapitbahay. Hindi araw-araw na may Rolls-Royce na humihinto sa isang eskinita sa Laguna. Bumaba
Kung ang construction site ay foreign territory para sa akin, ang apartment ko naman ang magsisilbing alien planet para kay Waeren."This is it?" tanong ni Waeren habang nakatayo sa gitna ng sala ko.Tumingin siya sa paligid, sa maliit kong TV na may takip na doily, sa mga sapatos kong nakasalansan sa tabi ng pinto, at sa bintana kong may view ng sampayan ni Aling Nena."Pasensya na. Hindi naman 'to kasing-laki ng elevator niyo sa Stary Global," irap ko sa kanya habang nililinis ang lamesa. "At saka, bakit kailangang dito tayo mag-live stream? Pwede naman sa office mo na lang, 'di ba?""No," sagot niya, habang dahan-dahang umuupo sa sofa kong medyo lubog na ang gitna. "If we do it in the office, it looks like a PR stunt. If we do it here, it looks like... us. Besides, the internet loves a 'man of the people' narrative.""Narrative? Oowemji, Waeren! Ang plastic mo!""It’s not plastic, Xyloise. It’s strategy," he replied, taking out his phone and checking the connection. "Victoria’s












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.