LOGINPagkasakay niya sa kotse ay agad niyang napansin ang isang napakalaking bouquet ng bulaklak sa backseat. Halos mapuno nito ang kalahati ng likurang upuan dahil sa laki. Imposibleng hindi iyon mapansin.Lihim siyang napabuntong-hininga. Pakiramdam niya ay alam na niya kung para kanino iyon kahit hindi pa nagsasalita si Daniel.Ilang segundo pa ay sumakay na rin ito sa driver’s seat. Ngunit nang mapansin nitong nakatingin siya sa bouquet ay tila bigla itong nailang.“Para pala sa’yo ’yan,” nahihiyang sabi nito habang umiiwas ng tingin. “Nadaanan ko lang kasi ’yung batang nagbebenta sa labas… naawa naman ako.”Napapikit siya sandali bago marahang napailing. “Daniel…” mahina ngunit seryoso niyang putol. “Ginamit mo na ’yang alibi na ’yan kagabi.”Napakamot ito sa ulo saka napatawa nang pilit. “Ganun ba? Buking na pala ako.”“Daniel…” muli niyang sabi. Ngayon ay tuluyan na siyang humarap dito. Ayaw na niyang paligoy-ligoy pa.“Alam mo namang kakabreak lang namin ni Tyler, ’di ba?”Natahimi
Nahihiya siyang bumaba. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya bagay sa ganoong klaseng lugar. Kahit ilang beses na rin naman siyang nakakain sa mamahaling restaurant noon kasama si Tyler, iba pa rin kapag siya lang.“Kahit sa karinderya na lang sana tayo…” nahihiyang sabi niya.Ngunit napangiti lang si Mama Jess. "May kasama kasi tayo.”“Huh?”“Hindi lang tayong dalawa. At saka hindi tayo puwedeng sa mataong lugar.”Noong una ay hindi niya agad naintindihan. Pero nang mapatingin siya sa parking area at makita ang pamilyar na sasakyan ni Daniel, saka niya lang narealize kung sino ang naghihintay sa kanila.At biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. “Andito si Daniel?” excited niyang tanong.Hindi niya napigilang ngumiti. Kagabi lang ay magkasama silang kumain sa condo, tapos ngayon ay magkakasama na naman sila. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang gaan lagi ng atmosphere kapag kasama si Daniel.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan kasama si Mama Jess. Pagpasok nila sa resta
Nang matapos ang kanilang workshop ay nagpaalam siya kay Coach Kitty upang pumunta sandali sa CR habang hinihintay ang sundo niyang si Mama Jess. Medyo pagod ang katawan niya, pero masaya dahil maayos ang naging unang araw niya. Kahit kinakabahan kanina, nagawa naman niyang makasabay sa iba. Tahimik niyang itinulak pabukas ang pinto ng comfort room. Ngunit kasabay ng pagpasok niya ay ang pagpasok din nina Queenie at ng tatlo nitong kaibigan. Agad na nagsara ang pinto sa likuran nila. Narinig pa niya ang tunog ng pagla-lock nito. Nanlamig ang likod niya. Parang matagal na siyang inaabangan ng mga ito. “Ano’ng kailangan ninyo sa akin?” maingat niyang tanong. Pilit niyang pinatatag ang boses kahit unti-unti nang bumibilis ang tibok ng dibdib niya. Apat sila, mag-isa lang siya. Humalukipkip si Queenie habang matalim siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. “Pasikat ka ba, Jolie?” mapanuyang tanong nito. “Ano’ng akala mo sa ginagawa mo kanina sa workshop?” Napakunot-noo siya. “Bakit?
“Alright, guys,” nakangiting sabi ni Coach. “Before we start, magpakilala muna kayo isa-isa.”Walang pag-aalinlangang unang tumayo si Queenie. Confident nitong ipinakilala ang sarili pati ang pamilya nito. Halatang sanay na sanay itong maging center of attention.Sunod-sunod ding nagpakilala ang iba. Halos lahat ay may koneksyon sa politika, negosyo, o showbiz. Lahat galing sa mayayamang pamilya. Lahat may pangalan...Siya na lang ang natira.“Jolie, your turn.”Dahan-dahan siyang tumayo. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay muling nagtawanan ang apat na babae.“Girls, don’t be a bitch…” biglang sita ng isa sa mga lalaki. Narinig niya kanina, Xandro ang pangalan nito.“Kanina pa namin napapansin na pinagtatawanan n’yo si Jolie,” dagdag nito.“Xandro, mind your own business!” iritableng sabi ni Queenie.Umismid lang ang lalaki bago sumandal sa upuan.“Continue, Jolie,” sabi ni Coach Kitty.Mahina siyang tumango bago nagpakilala. Pangalan niya lang at kung saan siya nakatira ang sinabi n
JOLISA’S POV:Start na ng workshop niya.Maaga siyang sinundo ni Mama Jess sa condo para ihatid sa training studio kung saan gaganapin ang acting at personality workshop nila. Buong biyahe pa lang ay halos hindi na siya mapakali. Paulit-ulit niyang inaayos ang laylayan ng suot niyang blouse habang tahimik na nakatingin sa bintana ng sasakyan.Hindi niya alam kung bakit sobrang kabado siya. Siguro dahil alam niyang ibang mundo na naman ang papasukin niya.Pagdating nila sa building ay lalo siyang nanliit. Halos puro mamahaling sasakyan ang nakaparada sa labas. Mukhang sosyal at elegante rin ang mga taong pumapasok at lumalabas roon.Huminga muna siya nang malalim bago sumunod kay Mama Jess papasok. Pagbukas pa lang ng pinto ng workshop room ay agad niyang nakita ang mga nauna nang dumating.Apat na babae... mga mestiza, mahahaba ang buhok, makikinis ang balat at halatang branded pati simpleng damit na suot. Mga matatangkad at mukhang sanay na sanay sa camera. Parang mga beauty queen an
TYLER’S POV:Samantala, sa kabilang panig ng mundo…Kakauwi pa lang nila ni Tiffany sa hotel na kanilang tinutuluyan matapos ang buong araw na sunod-sunod ang kanilang schedule. Halos madaling-araw na roon kaya agad na nagtungo si Tiffany sa banyo upang maghilamos habang siya naman ay pabagsak na naupo sa kama.Bahagya niyang niluwagan ang kuwelyo ng suot na polo at napabuntong-hininga. Pagod ang buong katawan niya, pero kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Kaya naman, walang gana niyang dinampot ang cellphone at nagsimulang mag-scroll sa social media.Ilang sandali pa ay natigilan siya... Isang post mula kay Daniel Devera ang lumitaw sa kanyang newsfeed.Magkaibigan sila nito sa social media dahil minsan na rin silang nagkasama sa isang project noon, isang malaking campaign para sa pagpo-promote ng sikat na underwear brand sa Pilipinas. Hindi man sila sobrang close, civil naman sila sa isa’t isa.Ngunit ang simpleng post na iyon ang tila
Hindi pa man sila tapos ng pagkain ay dumating si Precious. "Hi!" dire-diretsong pasok nito sa bahay. "Late na ba ako sa dinner?" tanong nito saka umupo sa isang bakanteng upuan doon. "Kumain ka na diyan, iha," sabi naman ni General kay Precious. Mukhang palagi si Precious doon, naiinggit siya d
LILLY'S POV:Kanina pa siya pagulong-gulong sa kanyang kama pero hindi pa din siya makatulog. Hindi maalis si Finn sa utak niya.Kanina pa umalis ang mommy niya pero hindi pa din mawala sa isip ang sinabi nito na kung hindi man si Finn ang para sa kanya ay balang araw makikita din siya ng lalaking
Pagdating niya sa harap ng mansion nina Lilly ay tinigil niya ang kotse. First time niyang nakapunta doon.“Dito pala kayo nakatira?” wika niya saka nilibot ang tingin sa paligid.“Gusto mo pumasok muna?” ay Lilly“Nakakahiya...” sambit niya, pero ang totoo ay gusto pa niyang makasama si Lily ng m
"Bat ba ang dami mong tanong?" kunyaring inis niya."Eh kasi ikaw lang naman ang inaalala ko... usap-usapan sa school na social climber ka dahil dumidikit ka kay Finn. Saka sa umpisa lang daw ‘yang relasyon nyo at hindi rin magtatagal. At alam mo ba kung sino ang nagkakalat ng kwentong ‘yan? Si She







