登入Pagsapit ng alas singko ay agad na lumabas ng Sevilla Hospital ng magkaibigan na si Max at Shandy.
“Mauna na ako sa'yo, Shan!” Pinindot niya ang remote ng kaniyang sasakyan. “Gusto ko sanang tumambay sa condo mo pero nakapangako ako kay Mommy na magdi-dinner kami sa labas.” Sumimangot ito. Tumunog ang phone ni Max sa loob ng kaniyang bag, kinuha niya 'yon nang makita na ang unknown number ulit 'yon. Sumilip si Shandy at nag-hugis 'o' ang labi nito. Napabuntong hininga na lamang si Max nang nagkatitigan sila ng kaibigan. “Pagkatapos ka niyang pahirapan ng dalawang linggo at tinanggihan, bigla-biglang tatawag na mag-aaya ng kasal? Marami pang ibang paraan para maisalba ang hospital. Huwag mong pansinin 'yan! At kung talagang mapilit siya, kailangan niyang paghirapan!” Pinatay ni Max ang kaniyang phone bago ibinalik sa bag. “Gusto ko ng magpahinga, Shan. Ikamusta mo na lang ako kay Tita.” “Okay! Mag-iingat ka!” Yumakap si Shandy kay Max. “Ikaw rin.” Nagbeso sila. “Basta, ipangako mo na hindi ka papayag sa alok ng gagong 'yan! Maghahanap tayo ng ibang paraan, okay?” “I'm done with him.” Kumaway si Shandy sa papalayong sasakyan ni Max. Nang mawala ito sa paningin saka lamang siya sumakay sa kaniyang sasakyan. °°° Alas syete na nang gabi nakarating si Max sa condo building. Agad siyang bumaba ng sasakyan. Kinuha niya ang bag bago tinungo ang elevator paakyat sa 13th floor ng building kung na saan ang kaniyang unit. Pin padlock ang condo ni Max, kaya tinipa niya ang anim na numero. Bumukas ang pinto. Awtomatikong bumukas ang ilaw ng makapasok si Max sa loob. Maliit lamang 'yong condo unit ni Max at sapat 'yon para sa kaniya lalo pa't mag-isa lamang siya. Sa ibaba ay naroon na ang sala maging ang kusina at may ikalawang palapag 'yon kung saan ang nag-iisang kwarto. Huminga ng malalim si Max nang bumungad sa kaniya ang maaliwalas na paligid ng kaniyang condo, purong puti 'yon maging ang mga kagamitan niya, elegante iyong tingnan. Nawawala ang pagod niya kapag ganu'ng katahimikan ang bumubungad sa kaniya, 'yon ang lugar na nakakapagpahinga siya. Iniwan ni Max ang bag sa center table bago umakyat sa kaniyang silid habang hinuhubad ang suot niyang long sleeve. Tanging pulang lace cage bra ang pang-itaas tila naging pares 'yon ng suot niyang pulang trouser. Lantad ang kaniyang kaputian at mas lalo pa 'yong nabigyan diin dahil sa kasuotan niyang pula. Kitang-kita rin magandang hubog ng kaniyang katawan at ang katamtang laking dibdib na palaging nakatago sa doctor's coat. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto at bumungad sa kaniya ang madilim silid. Kinapa niya ang switch ng ilaw na malapit lamang sa pinto ngunit bago niya pa man 'yon mapindot ay bumukas ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama. Nanlaki ang mata ni Max nang maaninag na may lalaki na prenteng nakaupo sa couch sa tabihan ng kaniyang kama. Kahit hindi niya makita ng malinaw, malakas ang dating nito. “Sino ka?!” Lumiwanag sa buong kwarto dahilan para makita ito ni Max ng malinaw. Napaawang ang labi niya dahil wala sa listahan niya ang binata na bibisita sa kaniya at mas lalong hindi inaasahan na maghihintay ito sa loob pa ng kwarto niya! Nakaupo ito sa couch na animo'y isang hari, ang kasuotan nitong purong itim ay isinisigaw ang kapangyarihan at kapangyarihan na mas lalong nagbibigay diin sa angkin nitong kagwapohan at kakisigan. Hindi maikakaila ni Max na ubod ng gwapo ang isang LV Rutherford! “Anong ginagawa mo dito?” Napasinghap si Max at nagpalinga-linga sa paligid upang hanapin kung saan ito dumaan. Walang bakas na nasira sa unit niya at walang ibang daan kundi ang pinto pero naka-lock 'yon! “Paano ka nakapasok dito?!” Nagkatitigan silang dalawa. Bumaba ang mata ni LV sa katawan ni Max, hinagod ng malagkit na tingin ang kabuohan nito. Kumunot ang noo ni LV. Sa dalawang linggo nilang palaging nagkikita, ngayon niya lang ito nakitang nakasuot ng nakalantad ang makinis na katawan dahil madalas itong nakasuot ng long sleeve and trouser. “Is that a proper wear of a professional doctor?” His voice was deep and baritone. Nanlaki ang mata ni Max at agad itinakip ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib bago inabot ang long sleeve at muling isinuot 'yon. Nakasanayan niyang maghubad bago pumasok sa kaniyang silid lalo pa't alam niyang mag-isa lang siya, malaya siyang gawin ang gusto niya! “Ano ba kasing ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako nakatira?” Namula si Max sa kahihiyan. “I have my ways.” Nakatingin si LV kay Max habang isinasara nito isa-isa ang butones ng long sleeve. Hindi man lang umiwas ng tingin ang binata kay Max tila nasisiyahan pa 'to na pinapanuod 'yon. “Pwede kitang kasuhan ng trespassing sa pagpasok mo dito sa condo ko ng walang pahintulot!” Naging marahas ang mga mata ni LV. “Why would you do that? This is LV Rutherford, your future husband!” “Future husband my ass! Gago! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security!” Binuksan ni Max ang pinto ng kaniyang kuwarto habang nakatingin kay LV. Nagkatitigan silang dalawa ngunit imbes na lumabas ay isinandal ang likod sa couch. “Umalis ka na at huwag na huwag ka ng babalik dito! Ayoko na makikita pa 'yang pagmumukha mo!” Sumulyap si LV sa pambisig niyang relo. “I'm almost 2 hours here. You heard what I've said earlier over the phone yet you keep ignoring my calls.” Mainit ang ulo ni LV kay Max dahil kung sinagot lang sana nito ang tawag niya hindi siya mapupunta sa loob ng condo nito! Pinakaayaw niya ang maghintay! Hindi niya nga alam kung paano siya nakatagal ng dalawang oras na nakaupo lamang sa couch sa loob ng kwarto nito. Marahil, nagustuhan niya ang amoy sa loob ng kwarto nito na tila 'yon ang nakapagpakalma sa kaniya ngunit sumasakit ang ulo niya sa kakaisip kung saan niya nga 'yon naamoy dahil pamilyar sa kaniya. “Ano bang kailangan mo at pumunta ka pa dito? Sabihin mo na upang makaalis ka na!” “You've been insisting it for a weeks so, let's get married as soon as possible!” Natigilan si Max sa kaniyang narinig. Tinaasan niya pa ito ng kilay dahil sa pag-aakala na mali siya nang pandinig pero seryoso ang mukha ng binata. “Nauntog ka ba? Dalawang linggo akong naging sunod-sunod sa'yo. Kung tutuusin ay hindi ko dapat na ginawa ang mga bagay na 'yon dahil 'yong Daddy ko at Lola mo ang may gusto na maikasal tayo. As far as I remember, you turn me down and now... you're here to ask me to marry you. Do you think I will agree?” Umarko ang kilay ni LV. “There is no room for you to refuse. You should be thankful that it's already in your favor.” Napuno ng pagtataka ang mukha ni Max. Sa dalawang linggo niyang pagkumbensi dito, halos magmakaawa na siya at lumuhod sa harapan nito upang pakasalan lamang siya at matigas na hindi pa rin ang natanggap niya. Alam niya kung gaano nito hindi gusto na magpakasal sa kaniya. Ngunit ibang-iba ang binatang nasa harapan niya ngayon tila desperado ito na makasal sila at kung hindi siya nagkakamali ay agad-agad! Hindi niya tuloy maiwasang magtaka kung ano ang dahilan nito kung bakit bigla-biglang nag-aya na magpakasal silang dalawa. Alam ni Max na sa pagpapakasal nila, malaking benipisyo ang makukuha niya lalo pa't ang hospital nila ang usapan na ibabangon at wala siyang makitang benipisyo na makukuha nito. Iyon ang nais niyang malaman dahil hindi ito papayag ng ganu'n-ganu'n lang, sigurado siyang may malaki itong dahilan! Pinag-cross ni Max ang mga braso sa kaniyang dibdib. “What made you change your mind, Mr. Rutherford?” Umalis si LV sa couch at nilapitan niya si Max. Dalawang hakbang ang pagitan nilang dalawa. Namulsa si LV bago nagbaba ng tingin kay Max habang si Max naman ay bahagyang tumingala sa binata. Nasa anim na talampakan at tatlong pulgada ang tangkad ni LV habang nasa limang talampakan at limang pulgada lamang ang taas ni Max. “You don't have a right to questioned me. As long as this marriage is done I'll pay all the debt of Sevilla Hospital in return you have to quit to your job and be a good wife of mine.” Hindi biro ang utang ng Sevilla Hospital sa bangko, kaya nga nag-alisan na rin ang ilang investor dahil ayaw namadamay sa paglubog ng hospital. Kung noon niya 'to narinig sa binata no'ng hindi pa siya pinahirapan at tinanggihan malamang nagtatalon na siya sa tuwa at baka nayakap niya ito. Ang totoo niyan, matagal niya ng pinag-isipan ang pag-resigned sa hospital dahil sa loob ng dalawang taon, araw-araw niyang nakasalubong ang dalawang taksil na walang iba kundi ang dating kasintahan at kapatid. Totoong nakakatuksó ang alok ni LV tapos nag kapalit lang ay maging mabuting asawa? Ano kaya ang pakiramdam na maging asawa ng isang LV Rutherford? Ngunit nangingibabaw sa kaniya na huwag pumayag dahil kahina-hinala ang mabilisang pagbago ng isip nito. Malay niya ba kung may pinagtataguan itong babae? Paano kung nakabuntis pala ito? Sa gwapo nito hindi 'yon imposible! “What a generous offer, Mr. Rutherford but no, thanks!” Itinulak ni Max palabas ng kaniyang kwarto si LV. Nang nakalabas sila pareho nauna siyang bumaba at tinungo ang pinto upang pagbuksan ito. “Makakaalis ka na, Mr. Rutherford, wala na tayong dapat pag-usapan pa.” Walang kahit katiting na tuwa ang bumukas sa mukha ni Max, sa katunayan mas nakita ni LV hindi ito interesado. “Have you forgot the situation of Sevilla Hospital?” Pagpapaalala niya. “Hindi ko nakakalimutan, Mr. Rutherford! Alam mo? Hindi lang naman ikaw ang lalaki makakatulong sa akin! Madami pa diyang iba na gugustuhin na magpakasal sa akin upang tulungan ang Sevilla Hospital ng hindi ako pinahirapan!” Naging marahas ang titig ni LV kay Max. Iniisip niya pa lang na magpapakasal ito sa iba upang isalba ang Sevilla Hospital ay may namumuong galit sa kaniyang dibdib na hindi niya malaman ang dahilan. ‘Bakit hihingin niya 'yon sa ibang lalaki na kayang-kaya ko namang ibigay sa kaniya? Anything, everything!’ Sa isip ni LV. “Really?” Sarkastikong ngumisi si LV. “I will make sure that you have no other choice but to marry me.” Mapaklang ngumiti si Max. “It's not that easy.” LV lick his lower lips. “What do you want then?” “Anong gusto ko? Hmm... Madami!” Namulsa si LV. “Name it.” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Max. Ito na ang pagkakataon niya para makaganti sa pagpapahirap nito sa kaniya ng dalawang linggo. “Una, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit gusto mo akong pakasalan? Siguraduhin mo lang na makukumbinse ako niyang rason mo! Pangalawa, kung nagsisisi ka sa pagpapahirap sa akin ng dalawang linggo . . . Ligawan mo ako. Pangatlo, bigyan mo ako ng public wedding proposal. Iyong mapapahangga at paniwala ang lahat na nagmamah—” “Are you fucking insane?” Bakas ang iritasyon sa mukha nito. “Maybe.” “This is just fucking arrange marriage!” Mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito. “Well . . . Good luck, Mr. Rutherford!” Nakangiting kumaway si Max kay LV bago isinara ang pinto. Ngiting tagumpay na umakyat si Max sa kaniyang kwarto dahil hindi maalis sa kaniyang isipan ang pikon na mukha ng isang LV Rutherford...HELLO! I HOPE YOU WILL ENJOY READING LV RUTHERFORD...
Ang lahat ng mata ng mga bisita ay nasa maliit na entablado kung saan kasalukuyang sumasayaw si Maxine at LV na makapako ang mata sa isa't isa.“Malaki na talaga ang tama ni Lord kay Dra! Tanginà! Broken hearted na naman ako nito. . .” tila nalungkot si Scott.Nagpipigil ng tawa si Lance, “Ipagpasalamat mo na lang na buhay ka pa ngayon.”“Minsan mahal na mahal kita, King! Isipin mo, buhay ka at hindi ako napagastos.” segunda ni Renzi.“Kay Zarchx lang naman tayo napagastos. Ang kapal ng mukhang mabuhay na pinagluksa na natin!” tila pikon na sambit ni Scott.“Manahimik ka, Scott, tatamaan sa akin.” sita ni Zarchx.Inakbayan ni Cyrus si Klinton at sumenyas na tumingin sa dalawang nasa entablado.“What do you think about this newlywed, bud?” tanong ni Cyrus.Uminom ng alak si Klinton sa kaniyang pagkatapos sinabi, “Lord won't let Dra go, because he's head over heels in love with her. . .” Sumilay ang ngisi sa labi ni Cyrus. “I guess so,”Sa kabilang banda, nagbubulungan ang mga dalaga.“
Pinapalabas ni Iris na si Maxine ay walang nagawa na masalba ang hospital na pinundar ng Ina.Dahilan para mapuno muli ng bulung-bulungan ang buong paligid. Kung kanina bilang mang-aagaw, ngayon naman bilang walang kwentang anak si Maxine sa mata ng tao.“Walang kwentang anak! Wala siyang lugar sa Sevilla Hospital!”“Umaasa lamang sa mana! Ang ganiyang anak hindi dapat binabahagian!”“Talaga namang busilak ang puso ni Iris, kahit na anak siya sa labas ay mabuti siyang bata!”“Dapat na mapunta ang bahagi ng mana ni Maxine kay Iris, mas deserve niya ‘yon!”“Kung ako kay Santiago, matagal ko ng tinakwil ang ganiyang klase ng anak. Walang ibang ginawa kundi puro kahihiyan.”Masakit.Masakit ang mga pambabatikos para kay Maxine lalo purong kasinungalingan. Lahat tumatak sa kaniyang puso't isipan. May parte sa kaniya na gustong umiyak, ipagtanggol ang kaniyang sarili.Ngunit mas pinanatili niyang maging kalmado, ipinakita na hindi siya apektado. Dahil ayaw niya'ng bumaba sa lebel ng mga tao
“Papa!” kinakabang sigaw ni Fernan.Palinga-linga si Fernan sa palagid at hindi malaman kung paano sasawayin ang mga tauhan ni LV lalo pa't ang mga bisita ay walang balak na kumampi tila naroon lamang ang mga ‘yon upang masilayan kung paano mapahiya ang kanilang pamilya.Ang kanilang mga bodyguard ay naiwan sa labas!Nilapitan ni Fernan ang ama, hinawakan ang braso nito tanda na ibaba ang baril. Ngunit matigas si Fernando, nangagalaiti ito at nanginginig pa ang kamay sa galit. “Why did you do this to my family, Rutherford?” nangigigil na tanong ni Fernando.Ngumisi si LV, “You did it to your own family, Fernando. You humiliated yourself on your own.”“Hindi ito ang napag-usapan natin, Rutherford.” mapanganib na sambit ni Fernando.Tinutukoy ni Fernando ang pinag-usapan nila ni LV sa rooftop ng Sevilla Hospital. Nanumpa pa ito sa pangalan ng sarili nitong ama!Ngunit nagawa ni LV Rutherford ang bagay na ito?Namulsa si LV, “Sinabi kong ikakasal ako ngayong gabi at wala rin akong sina
Puno ng paghanga ang mga mata ni LV na pinasadahan ng tingnin ang kabuohan ni Maxine—mula paa hanggang ulo. Dahan-dahan na para bang bawat parte ng katawan nito ay kinakabisado at sinisigaw ng isipan; This beautiful lady is all mine! Mine alone!Nakakapikon man na lahat ng lalaki nakapako ang mata kay Maxine at naglalaway sa ganda nito, ang kaakit-akit sa lahat ng babae na naroon.Nais niyang dukutin ang mga matang nakatitig kay Maxine ngunit naglalakad ito papalapit sa kaniya na tanda na ang babaeng pinagpapantasyahan ng lahat ay para lamang sa kaniya.Nagtagpo ang mata ni Maxine at LV. Nagkatitigan sila ng matagal.Ngumiti si Maxine. Ibang-iba kung makatingin sa kaniya si LV, hindi naman ito ang unang beses na nakita siya nitong nakasuot ng elegante ngunit ang mga mata nitong kumikislap na puno ng paghanga.Hindi niya rin maitatanggi na ubod ng gwapo si LV sa suot nito. Hindi niya maiwasang mapatitig dito dahil ‘yon ang unang beses niyang nakita itong nakasuot ng purong puti.Bagay
Ang seryosong mukha ni LV ay naging marahas ang mga mata, umigting ang panga at inilagay sa loob ng bulsa ang kamay na kumuyom dahil sa galit.Mabibigat ang bawat hakbang ni LV na tinatahak ang mahabang pasilyo. Nang makarating sa kalagitnaan huminto si LV, nilingon niya ang mga groom's men.Napakaseryoso ng mga mukha nito tila napipilitan ito na dumalo sa selebrasyon; pinupukol siya ng marahas na tingin ni Klinton tila nagsasabing mag-uusap tayo mamaya. Si Zarchx ay seryosong umiling na para bang sinasabi nitong malaking kahibangan ang kaniya ginawa, umirap si Lance na tila nag-iinarte pati si Renzi ay tila kinukwestyon siya habang seryosong tumango si Cyrus na tila ito lamang ang naka-suporta.Sa anim na iba si Scott dahil kung ubod ng seryoso ang lima—malawak ang ngiti sa labi ni Scott na para bang tuwang-tuwa ito na ikakasal siya kay Angelica.Dahilan para maalala niya ang larawan na ipinadala nito sa kaniya no'ng gabing dumating siya!Lumapit sa kaniya si Scott nakangisi nitong ku
Samantala, sa loob ng bridal room. Pinagmamasdan ni Angelica ang kaniyang kabuohan sa harap ng mamahaling salamin, suot ang kaniyang napakagandang wedding gown.Angelica wearing a luxurious princess-mermaid wedding gown, a breathtaking masterpiece that seemed to have been crafted exclusively for royalty. The dress hugged her figure perfectly, accentuating her slender waist and graceful curves before flaring dramatically from her knees into an exquisite, floor-length train that swept elegantly across the polished marble floor.From the sparkling tiara crowning Angelica's head to the magnificent train sweeping behind her, every element of her appearance was flawlessly coordinated.Her ivory gown shimmered with crystals and pearls, her makeup enhanced her naturally radiant features. The delicate veil framed her silhouette like a cloud of silk, completing an ensemble that was both breathtaking and sophisticated.Angelica looked less like an ordinary bride and more like a princess from a ro
• • • TWO YEARS LATER • • • Nagmamadaling bumaba ng taxi si Zaharah Rosemaxine, yakap-yakap ang sandamakmak na folder na naglalaman ng mga dokumento. Mula ng lokohin siya ng kaniyang nobyo ay hindi niya nais pang tawagin siya sa pangalang Zaharah, at masyado namang mahaba ang Rosemaxine kaya naman
Kinabukasan... Nakahiga si LV sa kama, nakayakap ang isang braso sa unan na nakatakip sa kaniyang mukha habang si Zaharah ay pahalang ang pagkakahiga sa kama. Nakaunan sa matigas at malapad na dibdib ni LV, nakapatong ang isang kamay sa abs nito. Nanlaki ang mata ni Zaharah nang magising dahil bum
Mahinang tumawa si Scott dahilan para magtawanan naman sina Lance, Klinton at Cyrus dahil sa inakto ni Renzi. “Man, I got your back.” Kumindat-kindat pa si Scott, itinaas ang hawak na baso bago uminom. Si Renzi ang nakakita kay Zaharah at nakaisip na ilibre 'yon ng alak dahil sa unang tingin pa la
Nagmamadaling bumaba si Zaharah sa kaniyang Mercedes Benz nang makarating sa condominium building ng kaniyang nobyong si Rabin. Bitbit niya ang isang kahon ng cake, sumakay sa elevator patungo sa ika-sampong palapag kung na saan ang unit nito. Ang araw na 'yon ay ang ikalawang anibersayo nila bilan







