Masuk• • • TWO YEARS LATER • • •
Nagmamadaling bumaba ng taxi si Zaharah Rosemaxine, yakap-yakap ang sandamakmak na folder na naglalaman ng mga dokumento. Mula ng lokohin siya ng kaniyang nobyo ay hindi niya nais pang tawagin siya sa pangalang Zaharah, at masyado namang mahaba ang Rosemaxine kaya naman mas pinaikli 'yon dahilan para tawagin siyang Max. Nasa harapan niya ang nakapagandang gusali at napakatayog niyon. Kitang-kita rin mula sa kinatatayuan niya ang mga letrang; ‘R-P COMPANY’ “Oh my god...” Usal niya nang mapagtanto na 'yon na naman ang aakyatin. Dala-dala niya ang mga dokumento upang ihatid sa opisina ng binatang ginawa siyang sekretarya ng araw na 'yon. Walang iba kundi si LV Rutherford! Ang totoo niyan, kaniyang kinamumuhian ang binata dahil sa mga pinagagawa nito sa kaniya. Labag man sa loob niya ngunit wala siyang mapagpipilian kundi sumunod dito dahil siya ang may kailangan. Dalawang linggo niya ng kinukumbinse si LV na pakasalan siya upang maisalba ang Sevilla hospital. Nagmumukha na nga siyang manliligaw sa kakahabol dito pero napagtanto niya na ginagawa siya nitong alipin na inuutos-utusan siya. Walang piniling lugar o oras, kapag sinabi nito ay dapat niyang sundin. “Ginagawa ko 'to para sa hospital...” Paalala niya sa sarili. Mabilis siyang naglakad patungo sa entrance ng gusali. Maliban sa mabigat ang mga dokumento na halos matakpan na ang mukha niya ay sobrang init rin dahil tanghaling tapat. Sa bawat hakbang niya nararamdaman niyang dumudulas sa braso niya ang mga folders. Huminto siya ng makarating siya sa tapat ng gusali upang ayusin nang bumundol sa kaniya—ang lalaking kakalabas lamang sa gusali, hindi siya nito napansin dahil may kausap ito sa phone. Nahulog ang mga dokumento sa semento. Nagkalat ang mga folders, may ilan-ilan pang papel na nakalipad. ‘Bring it to my office neat and clean!’ Nanlaki ang mata niya nang umalingangaw sa kaniyang isipan ang bilin ni LV na puno ng awtoridad. “Oh my god! Oh my god!” Agad siyang naupo sa semento, hindi alintana kung marumi at mainit 'yon basta mapulot lamang ang mga nagkalat na dokumento. Kinabahan siya dahil kapag nalaman ni LV ang nangyari paniguradong magagalit sa kaniya. Samantala, ibinulsa ng lalaki ang phone. Nakapamewang na pinagmasdan si Max na pinupulot ang mga dokumento. ‘So clumsy!’ Sa isip ng binata. Nakita ng guard ang pangyayari kaya agad itong lumapit sa kanila at kinamusta ang binata. “Sir Renzi, nasaktan ba kayo?” Hindi nagsalita ang binata. Suminyas ito na tulungan ang dalaga na damputin ang mga dokumento. Napairap si Max dahil iyong lalaki pa talaga ang unang kinamusta ng guard bago siya tinulungan nitong pulutin ang mga dokumento. “Ayos lang ho kayo, Miss Max?” Inalalayan siyang tumayo ng guard. Kilala siya ng guwardiya dahil hindi naman 'yon ang unang beses niyang nakatungtong roon. “Opo, salamat!” Kinuha ni Max ang ilang folders sa kamay ng guard. Sinulyapan ni Renzi ang kapirasong papel na nilipad sa may sapatos niya. Pinulot niya 'yon bago sinulyapan ang dalaga. Kukunin niya na sana ang atensyon nito ngunit natigilan siya nang makita ang mukha nito. Napaganda ito sa paningin niya, namumula 'yon dahil maputi ito at galing sa initan. ‘She looks so familiar!’ Sa isip ni Renzi. “Na saan na 'yon? Hindi 'to pwedeng magkulang!” Palinga-linga si Max dahil sigurado siya dahil walang laman ang isang folder. Patay na naman siya! “Looking for it?” Iwinagayway ni Renzi ang hawak niya. Nakahinga ng maluwag si Max dahil akala niya'y nakalayo na 'yon pero hawak lang pala ng lalaking nakabungo sa kaniya. “Y-yeah!” Kinuha niya 'yon. “Salamat!” “Miss Max, tulungan na kita!” Presenta ng guwardiya. “Hindi na po! Kaya ko na 'to, salamat!” “Wait.” Hinawakan ni Renzi ang braso ni Max. Natigilan si Max at napatingin sa kamay ni Renzi na nakahawak sa braso niya bago siya nag-angat ng tingin sa mukha nito. Natutop ang bibig ni Max. Bakit hindi niya napansin kanina na napaka-gwapo nito? “M-May kailangan ka?” Hindi niya maiwasang mautal dahil sa uri ng paninitig ito na para bang sinusuri siya. “Are you now a new secretary of Rutherford?” Napaawang ang labi ni Max. ”Hindi, hindi. Naka-leave 'yong secretary niya kaya ako ang gumagawa.” Kumunot ang noo ni Renzi dahil ang alam niya ay may bago nang sekretarya si LV at hindi rin ito ang klase ng amo na papayagan na magleave ang sekretarya! Kung leave ang hihingin, wala ka ng babalikan. “Renzi. Renzi Reichenstein.” Inabot niya ang kamay sa dalaga. “Rosemaxine Sevilla, just call me Max.” Kahit nahihirapan sa mga dala-dala ay inabot ni Max ang kamay upang makipagkamay sa binata. “Have we meet before? Two years ago at Latina hotel.” Humigpit ang kapit nito sa kamay niya. Napatitig si Max sa binata, sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Nilukob ng matinding kaba ang kaniyang buong systema. Iyon ang hotel na pag-aari ng kaibigan niya! Bakit nagtatanong ang binata sa kaniya? Hindi kaya ito ang naka-one night stand niya? Itinago niya ang kaniyang emosyon. “No, sorry. I haven't know you.” Mabilis na binawi ang kaniyang kamay. “I have to go... It's nice to meet you.” Binigyan ito ni Max ng totoo at maliit na ngiti bago nagmamadaling pumasok sa gusali. Nginitian rin ni Max ang guwardiya na nagbukas sa kaniya ng pinto. Samantala, naiwan si Renzi na nakatingin sa papalayong bulto ng babae na ni hindi man lang nagawang lumingon ulit sa kaniya. Tumango-tango si Renzi at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Sigurado siya na ito ang nakita niya sa bar ng Latina hotel, two years ago! At kung bakit hindi siya nito kilala? Hindi naman talaga sila nagkakilala at paniguradong hindi nga nito maaalala ng gabing 'yon dahil sa kagagawan ni Scott. °°° Kinabukasan, sa Sevilla Hospital . . . Hindi maganda ang gising ni Max at mas lalong sumama ang araw niya dahil sa bumungad sa kaniyang balita. Nakatanggap siya ng tawag mula sa assistant ni LV at sinabi nito na itigil na ang pagkumbensi dahil hinding-hindi ito papayag na magpakasal, kahit anong gawin niya! Okupado ang isipan dahil 'yong inaasahan niyang makatulong sa kaniya ay wala. Hindi niya na alam kung sino ang lalapitan pa. Wala siyang magawa kundi ang pumasok sa hospital. Inabala niya ang sarili sa pagtingin ng kaniyang mga pasyente at hindi namalayan na sumapit na ang tanghali. Pinuntahan niya ang kaibigan na isa ring doktor dahil magmula pa kaninang umaga ay hindi niya pa ito nakikita. Deri-deritsong pumasok si Max sa opisina nito dahil nakabukas ang pinto niyon. Malakas niyang isinara ng makapasok siya. “Buràt ka ng ina mo!” Halos mapatalon sa gulat si Shandy. Hindi nito napansin ang pagpasok ni Max dahil abala ito sa harap ng computer. “Good afternoon rin, Doc. Shandy!” Mahinang natawa si Max sa reaksyon ng kaibigan. Sanay na sanay na siya sa mga lumalabas sa bibig nito kapag nagugulat. Nagkakilala sila ni Shandy Lim no'ng highschool at mas naging matalik na kaibigan na parehong korso ang kinuha sa kolehiyo at hanggang ngayon ay magkasama pa rin sa trabaho bilang mga doktor. “Buwisit ka! Aatakihin ako sa'yo ng wala sa oras!” Inis na turan nito. “Ayos lang, nasa hospital ka naman.” Dinampot ni Shandy ang role tissue at ibinato kay Max. Nasalo 'yon ni Max at ibinalik muli sa mesa bago naupo sa visitors chair nito. Kumunot ang noo ni Shandy nang makita na hindi maipinta ang mukha ni Max, tila napakalaki ng problema nito—at talagang napakalaki naman talaga. Nakasuot ng doctor's coat si Max pero ngayon niya lang ito nakitang ganu'n kapagod. “Bakit ganiyan ang itsura mo? May pasaway ka na naman bang pasye—wait! Bakit ka pala narito?” Ang alam ni Shandy ay naka-leave ito dahil abala ito sa pagawa ng paraan na maisalba ang Sevilla Hospital. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Shan. Pagod na pahod na ako...” Nanggigilid ang luha ni Max. Sa nakalipas na dalawang taon ang Sevilla Hospital ay nabaon sa utang dahil sa gastadurang anak sa labas ng ama ni Max. Si Iris ang nagpakasarap gamit ang pera ng hospital at si Max ang magpapakahirap upang hindi maipasara ang hospital. Sobrang laki ng sama ng loob ni Max sa kaniyang ama dahil buwan pa lamang ng pumanaw ang kaniyang Ina ay inuwi ng ama sa bahay nila ang anak nito sa labas. Ang mas ikinasama pa ng loob niya ay ibinibigay nito lahat ng kasarapan kay Iris habang sa kaniya naman ang kapasakitan. “Kailangan ko ng tanggapin na bukas o sa makalawa ang hospital na ito ay kukunin na ng bangko at wala na akong magagawa...” “Hindi ba ang Daddy mo at ang Lola ni Mister Rutherford ang nag-ayos ng kasal niyo kapalit no'n ay tutulongan na makabangon ang hospital? Hindi mo pa rin ba siya napapapayag?” Umiling si Max. “Ginawa ko naman ang lahat pero wala eh.” Isang buwan na ang nakalipas, isinama si Max ng kaniyang ama sa isang fine restaurant upang makilala ang matalik nitong kaibigan na si Franciana Rutherford na sinasabi ng ama na nakatulong sa kanilang problema. Sa mismong gabing 'yon, napagkasunduan ng dalawang matalik na magkaibigan ang isang kasal kapalit nito ay tutulongan ng Rutherford na makabawi ang Sevilla Hospital. Sa pangunguna ng magandang Rutherford, nais nitong maikasal ang nag-iisang apong lalaki na si LV Rutherford kay Max. Hindi nagustuhan ni Max ang nangyayari dahil hindi niya kilala ang apo nito at mas lalong hindi niya nais na magpakasal sa lalaking hindi niya pa nakikilala. Bago matapos ang gabing 'yon nakilala niya si LV Rutherford dahil ito ang sumundo sa matanda, katulad niya ay hindi rin sang-ayon ang binata. Nang makauwi, kinausap si Max nang kaniyang ama na kailangan niyang mapapayag ang binata na magpakasal sila, sa loob ng isang buwan bago mahuli ang lahat. Ang bintana lamang ang nakikita ng kaniyang ama na sagot sa kanilang problema! Hindi gusto ni Max na ipinagkasundo siya ng ama ngunit mas lalong hindi niya gusto na mawala ang hospital na magsisilbing ala-ala ng kaniyang Ina... “Kung ayaw niya akong pakasalan mas lalong ayoko rin sa kaniya!” Naiinis na turan ni Max. “Napaka-gago naman ng Mr. Rutherford na 'yan para tanggihan ka! Nasa iyo na ang lahat ng katangian ng isang babae na hinahanap ng bawat lalaki—maganda at professional doctor! Ano pa bang inaayaw niya?” Himuntok ni Shandy. Naawa siya sa kaibigan, isa itong doctor pero ang mga pinapagawa ni Mr. Rutherford ay sobra-sobra na. Max lick her lower lips. “He hates doctor.” Hindi nito gusto na magpakasal sa isang doktor at kung talagang sigurado si Max sa gusto niya kailangan niyang magbitiw sa tungkulin. “He wants me to resign... But I didn't.” Mapaklang ngumiti si Max. “Walang magaganap na kasal...” Mahirap gawin ang hinihingi ng binata. Napamahal at hindi niya magagawang talikuran ang propesyon lalo pa't pangarap niya na maging katulad ng kaniyang namapayapang Ina na isang magaling na doktor, noong nabubuhay pa ito. Tumunog ng phone ni Max. Kumunot ang kaniyang noo ng makita ang unknown number pero sinagot niya 'yon. “Hel— “Let's get married!”Hello, Everyone! I am encouraging you all to give 5 star rate to my LV RUTHERFORD. Kahit ilan po ay pwedeng-pwede! Maraming salamat po agad!
LV walk towards Maxine in manly way that screams power, dominant, and came from a wealthy family. He's looks makes every woman admires and wanting him im their bed. Namg makatayo si LV sa harapan ni Maxine. Sinulyapan ni LV ang kaniyang pambisig na relo bago nakangiting tumingin sa mga mata ni Maxine. “This isn't too late to greet you a good morning.” Inabot ni LV ang bouquet kay Maxine. “Good morning, beautiful. My soon-to-be. . . Mrs. Rutherford.” Naiiling na tinanggap ni Maxine ang bouquet at bahagyang inilapit ang mukha kay LV upang sila lamang ang makarinig. “You really sure with that but you haven't done any of my conditions. Do you think I will marry you huh?” LV chuckled amd wrapped his arms aroundaxime small waist and grad her closer to his body. “That's why I making an effort right now to show the word how you couldn't resist to be my wife, Ms. Sevilla. . .” Napakurap-kurap si Maxine. “Don't you dare. . .” Ilang saglit na nagkatitigan si Maxine at LV bago sinimu
Walang panahon si Maxine para patulan si Iris kaya mas pinili niya itong talikuran at sundan ang mga petals sa sahig na nagmumula sa labas ng kwarto ni Zhakiya. Hinablot ni Iris ang braso ni Maxine. “Kinakausap pa kita!” Winaksi ni Maxine ang kamay ni Iris. “Wala akong panahon na makipag-usap sa'yo. Pwede ba? Itigil mo nga ‘yang ka praningan mo dahil maging sa panaginip hindi ko sasayangin ang oras ko sa hindi kawalang lalaki.” Mahinang natawa si Iris. “Hindi kawalan? Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang iniisip mo kahit na alam mo na akin siya? Malinaw na hanggang ngayon si Rabin pa rin ang mahal mo dahil kahit araw-araw na magpapadala sa'yo ng nga bulaklak at tsokolate sang manliligaw mo, hindi mo tatangapin dahil si Rabin pa rin!” “You know what?” Tiningnan ni Maxine si Iris mula ulo hanggang paa. “You're a crazy bitch!” Umangat ang kamay ni Iris upang sampalin si Maxine pero agad rin iyong nabitin sa ere nang dumaan ang mga nurse na nag-uunahan na lumabas. Kumunot ang
Kinabukasan. . . Nagising si Zhakiya at agad na inilibot ang paningin sa buong silid na puro puti, nanunot sa kaniyang ilong ang amoy ng mga gamot at nakita niya ang kaniyang ate Maxine na nakaupo sa silya, nakasubsob ang mukha sa gilid ng kama habang hawak ang kaniyang kamay. Doon lamang napagtanto ni Zhakiya na nasa hospital siya at buhay pa rin siya! “Why I cannot just die?” bulong ni Zhakiya sa sarili. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si LV. “Because you have someone that willing to do everything for you, she loves you so much.” Tipid na ngumiti si LV. “I'm glad you're awake, your sister deadly worried about you. Don't do that again, okay?” Maingat na naglakad si LV patungo sa kabilang side nang hospital bed ni Zhakiya upang makausap ito habang hindi pa rin nagising si Maxine. “Zhakiya right?” tanong ni LV. Naguguluhan man ay tumango si Zhakiya. “Listen, in this word you can love everyone but you can't force everyone to love you back. Keep this in mind, you may not get th
Nakaupo si LV sa waiting area katabi si Maxine. Nakapatong ang ulo ni Maxine sa balikat ni LV habang nakaakbay naman si LV sa balikat ni Maxine. Upang maibsan ang pag-alala ni Maxine sa kapatid nito hinikayat ito ni LV na magkwento ng mga bagay na nais nitong i-kwento sa kaniya. Sa dalawang oras nilang naghihintay sa labas ng emergency room. Nabanggit ni Maxine—nang ipinanganak si Zhakiya ang siya naman ang pagkamatay ng kanilang Ina. Wala pang isang taon na namatay ang kanilang ina ay inuwi ng kanilang ama ang anak nito sa labas na si Iris—hindi nagkakalayo ang edad nito kay Maxine—matagal na nitong niloloko ang kanilang ina! Sa kanilang magkakapatid, si Iris ang mas pinapaboran ng kanilang ama sa lahat ng bagay kaysa sa kanila ni Zhakiya na anak nito ng buo. Hindi kailanman binigyan ng pansin ng kanilang ama si Zhakiya o ipinaramdam na mahal nito, sa katunayan si Zhakiya ang sinisisi ng kanilang ama sa pagkamatay ng kanilang ina. Si Maxine ang nag-aalaga at nagmamahal k
Bumungad kay Maxine ang pangalan ng kaniyang kapatid. Agad niyang binuksan ang mensahe nito at binasa; Hindi ko na kaya, Ate, ayoko na maging pasanin mo pa ako. Ayoko ng mahirapan ka, mas mabuti na lang na mawala na ako. Kasunod ng mensaheng iyon ay isang larawan nito na hawak ang isang bote ng sleeping pills na malakas ng epekto na kapag nasobrahan nito ay maaring ikamatay. Binalot ng matinding pag-alala at kaba ang dibdib ni Maxine para sa kaniyang kapatid. Si Zhakiya ang pinagkukunan niya ng lakas upang maging matatag, hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kaniya. Nagsalubong ang kilay ni LV nang makita na tinakasan ng kulay ang magandang mukha ni Maxine. Agad na nagbaba ng tingin si LV sa screen ng cellphone nito na hawak ng nanginginig na kamay ni Maxine. Malutong na napamura sa isipan si LV nang makita ang mensahe na iyon. Nag-angat ng tingin si Maxine kay LV na nanggigilid ang mga luha. “H-hindi siya nagbibiro. . . Ilang beses na siyang nagtangkang magpakamatay.” “Fuck
Sa R-P Company. . . Agad na binabaan ni LV ng cellphone si Maxine nang mapansin na bumukas ang pinto ng opisina at bumungad sa kaniya si Renzi. Nang dumapo kay Renzi ang mata ni LV, agad na itinaas ni Renzi ang isa niyang palad habang nakaukit sa gwapo nitong mukha ang mapang-asar na ngiti habang naglalakad papalapit sa table desk ni LV. “Seems the boss hitting with someone at work hour.” Bahagya pang tumawa si Renzi. Mas lalo pang naiinis si LV sa tinuran ni Renzi. Hindi siya nanliligaw at wala siyang nililigawan! “What brought you here, bro?” Ibinato ni LV sa ibabaw ng desk ang cellphone at sumandal sa kaniyang swivel chair bago tiningnan ng malamig si Renzi. “What's your business here?” Muling tanong ni LV. Itinuro ni Renzi ang cellphone ni LV. “Is that Miss Maxine Sevilla you’re just talking right now?” Bahagyang umukit sa mukha ni LV ang gulat nang marinig ang pangalan ni Maxine mula kay Renzi. Walang natatandaan si LV na nababangit sa mga ito tungkol kay Maxine at sa







