Share

Chapter one

Author: Seirinsky
last update Last Updated: 2022-08-22 16:40:48

Napatingin ako sa labas ng bintana sa lugar na dinaraanan namin nagulat ako ng bumukas ang bintana kaya napatingin ako kay Kuya Ralph.

"Maganda ba?" Tanong niya kaya nakangiti akong tumango saka ko dinama ang mabining hangin at pumikit ako hindi ako makapaniwala na makakarating ako sa ganito kagandang lugar.

Maraming puno at ang lahat ng nadaraanan namin ay may mga manga at pomelo.

Masasabi ko na pomelo ang isang puno na katabi ng manga dahil hitik ito sa bunga at mayroon kami nito sa likod bahay namin.

Ilang sandali pa ay may isang napakalaking gate ang nasa harap namin at dahan-dahan itong bumukas kaya napalunok ako at napatingin sa labas.

Madilim ang dinaanan namin na para bang isang tunnel at sa ilang segundo lang ay lalo akong namangha sa paligid dahil napakaganda ng lugar.

At sa harap namin ay parang mala palasyong bahay ang nasa harap namin ang buong paligid ay napapalibutan ng mga rosas.

Mayamaya pa ay huminto na ang sasakyan at napatingin ako sa kanya.

"Nandito na tayo." Maikli niya lang na turan kaya napatango ako.

Lumabas na siya ng kotse at saka pumunta sa bahagi ko at binuksan ang pinto kaya lumabas na ako at napahawak ako sa braso ko ng makaramdam ako ng lamig at napatingin sa paligid.

"Maligayang pagdating Master Reinhart." Napatingin ako sa lalaki na bigla na lang nagsalita at nakayuko ito.

"This is Emilia mula ngayon dito na siya titira." Sabi niya sa lalaki kaya napatingin ito sa akin pero napayuko lang ako.

"Good afternoon Miss Emilia, my name is Victor i am the personal butler of Master Ralph you will be under my care from now on." Sabi niya na muling yumuko kaya napatingin ako dito at kay Kuya Ralph.

"Bring her now to my room Victor let her rest for awhile." Utos niya kay Kuya Victor kaya napatingin ako sa kanya.

Pinasunod na niya ako dito pero bago iyon ay hinawakan niya muna ako sa pisngi ko kaya kinabahan ako.

"I can't believe your here now my beloved." Mahina niyang turan hindi ko naintindihan ang iba niyang sinabi kaya natulala lang ako.

"Sige na sumunod ka na kay Victor pupuntahan kita mamaya." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo napatango na lang ako sa kanya at sumunod na kay Kuya Victor.

Pumasok kami sa pinaka bahay at namangha ako sa laki nito kaya nilibot ko ang tingin sa paligid hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng ganito kagandang bahay.

"Miss Emilia." Napatingin ako kay Kuya Victor na nasa paanan ng napaka gandang hagdan kaya lumapit agad ako sa kanya.

Umakyat na siya dito at sumunod ako sa kanya maging ang inaakyatan namin na hagdan ay nakakamangha rin dahil sa ganda nito.

Pagkarating namin sa taas ay isang mahabang pasilyo ang tumambad sa akin.

"Ang buong first floor ay iisa lang ang pinto ito ay ang silid lamang ni Master Ralph at ikaw lang at siya ang magmamay-ari nito." Hindi ko masyadong pinansin ang sinabi niya pero tumango pa rin ako.

Binuksan niya ang nag-iisang pintuan dito at pinapasok niya ako kaya sumunod ako at pumasok.

"Iiwan na kita ang closet mo ay ang may kulay lila na kulay lahat ng kailangan mo ay nasa loob ang banyo ay ang may salamin na pinto." Sabi niya at napatingin sa tinuro niya kaya napatango lang ako at parang gusto kong mapanganga sa ganda ng buong silid.

Ang kama ay napakalaki at may isang malaking telebisyon sa harap nito may malaking sofa at napakalaking bintana at natatanaw ko na may terasa dito at napakalaki ng buong silid.

"Kung may kailangan ka pindutin mo lang ito darating ako." Sabi niya ulit at tinuro ang pulang button sa tabi ng kama kaya muli akong napatango.

Matapos nito ay lumabas na siya at sinara na ang pinto kaya naiwan ako mag-isa sa napakalaking kwarto na ito.

Lumakad ako sa tinuro na kabinet ni Kuya Victor at dahan-dahan ko itong binuksan at tumambad sa akin ang mga damit at iba't ibang klase ng sapatos at kung ano-ano pa.

Sinara ko ito bigla dahil hindi ako makapaniwala sa dami nito at napatingin sa paligid may isang malaking painting sa dingding at isang palasyo at ang buong paligid nito ay punong-puno ng mga pulang rosas at may isang babae na nakatalikod at may mahaba itong buhok para siyang nakatingin sa palasyo dahil bahagya siyang nakatingala pero nakatalikod siya sa marahil na nagpinta sa kanya.

Lumapit ako dito at hinaplos ito pero parang biglang sumakit ang ulo ko at nakakita ako ng puro dugo at napakalaking apoy kaya napaupo ako at sinapo ko ang ulo ko.

"Aray ko." Bulong ko pero may biglang yumakap ss akin dahil napansin ko na lang na umiiyak na pala ako.

"Emilia hey!" Boses ni Kuya Ralph ang narinig ko pero dahil napakasakit ng ulo ko ay umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mawalan ako ng malay.

Nang muli akong magising ay nakahiga na ako ss kama at may isang kamay na nakahawak sa kamay ko kaya iginalaw ko ito.

"Hey gising ka na kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong bigla ni Kuya Ralph kaya naalala ko ang nangyari kanina at nakaramdam ako ng takot.

"Hey! it's okay relax." Malambing niyang turan at pinakalma ako sa paghalik sa kamay ko kaya unti-unti akong kumalma.

"Pasensya na po kanina." Mahina ko na turan sa kanya pero tumango lang siya at muling hinalikan ang kamay ko pero natigilan siya ng may makita sa braso ko.

"Ano ang mga ito?" Napaigik ako ng makita niya ang mga pasa ko sa braso pataas kaya kinabahan ako.

"Wala na po ito magaling na." Mahina ko na turan pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo at sunod-sunod na nagmura at halatang galit na galit.

"Wag ka po magalit malaya na po ako hindi na nila ako masasaktan." Mahina ko na turan sa kanya at napaiyak ako dahil sa mga nangyari sa akin sa kamay ng mga taong nagpahirap sa akin lalo na kay tiya.

"I'm sorry sweetheart kung ngayon lang kita natagpuan kung mas maaga sana hindi ka nila masasaktan." Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit kaya napaiyak ako dahil alam ko sa sarili ko na sa lugar na ito ay ligtas na ako.

Nakatulog ulit ako sa mga bisig ni Kuya Ralph at ng muli akong magising ay mag-isa na lang ako.

Pero bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na may dalang tray ng pagkain at umuusok pa.

"Miss Emilia nagpadala po ng pagkain si Master Ralph." Magalang niya na turan kaya bumangon ako ng dahan-dahan.

"Salamat." Mahina ko na turan sa kanya kaya napangiti lang siya.

Pumunta ako sa maliit na lamesa at umupo napalunok ako dahil naamoy ko ang mabangong amoy ng sopas.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin kaya napangiti siya dito ko nakita na mabait siya at mukhang makakasundo ko.

"Ako si Belinda alam mo ang ganda-ganda niyo po." Nakangiti niyang turan kaya napangiti ako.

"Wag ka ma mag po tawagin mo na lang akong Emilia." Sabi ko sa kanya saka humigop ako ng sabaw.

"Hala! Hindi pwede pagagalitan kami ni Master Ralph sabi niya sa amin ay dapat alagaan ka namin." Sabi niya kaya napatigil ako sa pagkain.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero hindi ko pa rin mapaniwalaan na bakit dinala niya ako dito." Nasabi ko na lang at napailing.

"Sa loob ng ilang taon na paninilbihan namin dito ay ngayon lang nag-uwi ng babae dito si Master Ralph dahil siguro natagpuan ka na niya." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hala! ang daldal ko na baka mapagalitan na ako ni nanay." Sabi niya bigla kaya napangiti ako at sabay kami na tumawa.

Dito bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Ralph at tinitigan niya ako habang nakangiti ako pero agad na yumuko si Belinda.

"Lalabas na po muna ako Master, Miss Emilia." Sabi niya saka lumabas ng kwarto.

"Hindi ka pa kumakain inuna niyo pa ang pagkukwentuhan." Sabi niya at inayos ang pagkain.

"Kumain ka na sige na." Sabi niya habang hinahalo ang sabaw at hinihipan.

"Salamat po Kuya Ralph." Nasabi ko na lang sa kanya kaya natigilan siya at napatingin siya sa akin.

"Just Ralph, please Emilia." Sabi niya kaya napailing ako.

"Pero mas matanda ka po sa akin." Sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at binigay ang hawak niya na kutsara sa akin.

Tumayo siya at napatingin sa akin kaya napayuko ako dahil baka galit siya.

"Hindi ako sanay sa kuya kaya mula ngayon tatawagin mo ako sa pangalan ko maliwanag ba?" Seryoso niyang turan kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Napatango na lang ako sa kanya pero naisip ko rin na bakit kaya hindi master ang itawag ko sa kanya katulad ng tawag sa kanya ni Belinda at Kuya Victor.

"Kumain ka na." Napapitlag ako ng tapikin niya ako kaya napatango ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Ilang sandali pa ay naubos ko ang pagkain at dahil nandito siya ay inubos ko ito para hindi siya magalit dahil sayang ang pagkain.

"Busog ka na ba?" Tanong niya habang nakaupo sa sofa at nagbukas ng telebisyon.

Tumango ako at akma ko ng liligpitin ang pinagkainan ko pero sinaway niya ako.

"Hayaan mo na si Belinda na ang magligpit niyan halika dito." Sabi niya kaya natango na lang ako at sinunod siya.

Umupo ako sa sofa sa kabilang bahagi at nakinuod na lang sa pinapanood niya.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng antok kaya sumandal ako sa upuan pero bago ako igupo ng antok ay naramdaman ko na tinabihan ako ni Ralph at pinasandig niya ako sa balikat niya kaya napangiti ako.

Hindi ko alam kung bakit malamig ang katawan niya pero sa tuwing madidikit na ako sa kanya ay nagiging mainit ito kaya nagiging kumportable ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-seven

    Maaga akong nagising dahil papasok ako sa eskwelahan ngayong araw at sisimulan ko na ang misyon ko na kausapin si Danya.Napatingin ako kay Ralph na gising na rin at napakagwapo pa rin kahit magulo ang buhok.Nakabuhad baro ito at tanging pajama lang ang suot pero tila itong modelo kaya napahinga ako ng malalim.“Good morning my queen.“ Bati nito kaya lumapit ako dito at humalik sa pisngi nito.Pero agad ako nitong niyakap pahiga kaya napatawa ako at sinimulan ako nitong halikan sa leeg kaya tumawa ako lalo dahil nakikiliti ako.“We need to get up now Ralph or else mahuhuli ako sa school.“ Sabi ko dito kaya agad na ako nitong kinarga at dinala sa banyo.Sa huli ay magkasama kaming naligo at hindi ko ito pinagbigyan kaya napatawa na lang ito ng malakas.Naalala ko si Dani kaya tinawagan ko ito kahapon at iyak ito ng iyak dahil miss na miss na raw ako nito.Nangako naman ako dito na papasok ngayong araw kaya alam ko na maaga itong pupunta dito sa bahay.Oo nga pala hindi ako nakapagpaal

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-six

    Dahil pumayag si Ralph na pumunta sa lugar kung na saan ang mga magulang namin ni Amelia, pero kailangan naming lakbayin ang lugar kung saan namin makikita ang huling relica na maaaring makatulong sa amin papunta doon. “Nasaan ang relica ng huling lagusan ng Amon?“ Tanong ni kuya kina Amelia mayamaya, nagkatinginan ang mag-asawa at napatitig sa akin ang kakambal ko. “Sa kaharian ng Neved, ang mundo ng mga diwata.“ Sagot nito kaya napatango ako at napatingin sa labas. Napakaaliwalas lagi ng kalangitan dito sa kaharian ni Damon kaya nakaka-relaks sa pakiramdam. “Pero mapanganib ang mundong iyon dahil sa kasalukuyang reyna, kaaway ang tingin niya sa lahi namin at maging sa lahi niyo, lalo na sa mga diyosa.“ Sabi ni Damon na napahalukipkip na lang, napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Ralph na pinagsalikop niya kanina kaya naman napatitig ito sa akin. “We will find a way to enter that kingdom.“ Sabi ni Ralph na tinanguan lang ng lahat. “We need to find a person who will help us to

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-five

    Nagising ako na tila may nakatingin sa akin kaya nagmulat ako ng mga mata.Nakita ko agad si Selia na nakatingin sa akin at nakangiti siya.“Magandang umaga po.“ Bati niya sabay halik sa pisngi ko kaya napangiti ako ng matamis.“Magandang umaga rin Selia.“ Nakangiti ko rin na bati sa kanya saka ako bumangon at namangha ako sa labas ng makita ko kinaroroonan ko.Napakagandang umaga ang bumungad sa akin kaya napatingin ako kay Selia na nakangiti rin na nakatanaw sa buong lupain na napapaligiran ng mga bulaklak.“Nagustuhan niyo po ba?“ Tanong niya kaya napangiti ako at tumango saka na niya ako inakay palabas ng silid ko.Bumaba kami sa napakagandang hagdan at hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko sa mga oras na ito.Dumiretso kami ni Selia sa hapag-kainan at naabutan namin si Amelia na nag-hahain ng agahan at nang makita ako ay napangiti ito.“Magandang umaga mahal kong kapatid.“ Bati niya na hinalikan ako sa pisngi kaya napangiti ako.“Upo ka na para makapag-agahan ma tayo.“ Sab

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-four

    Napamulat ako ng mga mata ko nang maramdaman ko na nakahiga na ako at ng magmulat ako ay napakaaliwalas na kalangitan ang tumambad sa akin.Isang kakaibang mundo ang nasa harap ko ngayon habang hawak ko sa kamay ko ang mapa na binigay sa akin ni Ralph bago kami maghiwalay.Napatingin ako sa paligid at namangha ako sa nakikita ng mga mata ko totoo ba talaga na nandito na ako?.Ito ang tanong ko sa sarili ko habang naglalakad, nasa mataas ako na parte ng bundok at tanaw ko ang luntian na mga damo at punong kahoy sa paligid.Nalalatagan rin ito ng mga halamang ligaw at bulaklak sa paligid.Lumakad pa ako para maghanap kung may mga bahay ba rito o kung may mga tao man lang sa paligid.Pero ilang minuto na yata ako na naglalakad pababa sa burol na pinanggalingan ko ay wala pa rin akong makita.Naglalakad na ako sa daan at patingin-tingin sa paligid kahit mainit ay hindi mahapdi sa balat dahil marahil sa malamig na simoy ng hangin.Nakaramdam ako na may tila paparating kaya napatakbo ako pa

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-three

    Nakaupo ako dito sa sala nasa tabi ko si Ralph at nasa harap naman namin sina Raul at ang mga kaibigan niya."Ano ang pag-uusapan natin Emilia?" Tanong ni Ryan na nakatayo sa tabi ni Val."May sasabihin ako at natuklasan ko lang kahapon." Sabi ko sa kanila kaya napatingin ako kay Belinda at Risa na magkatulong na dala ang salamin na pinakuha ko sa kanila.Isang fullbody mirror na pwede kong magamit para makausap ko ulit ang kakambal ko.Tumayo ako at lumapit sa salamin at tumingin sa kanila na nagtataka lalo na si Ralph na nakakunot ang noo."Amelia nandyan ka ba?" Hinawakan ko ang salamin at tila ito naging tubig kaya napatitig ako dito."Nandito ako Emilia." Sabi niya na nakatingin sa akin."Who is that?" Gulat na tanong ni Ryan na halata ang gulat sa mukha.Maging sina Raul ay ganun rin kaya napahinga ako ng malalim at napatingin sa kapatid ko."Siya si Amelia ang kakambal ko." Sabi ko sa kanila kaya kanya-kanya sila ng reaksyon maging si Ralph ay hinila ako patayo at dinala sa lab

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-two

    Napatingin ako sa kalangitan ng makita ko kung gaano kaitim ang buong paligid.Kahapon ay maganda ang kalangitan pero ngayong araw ay tila may darating na bagyo kaya napahawak ako sa braso ko.Kakaiba rin ang ihip ng hangin kaya nakaramdam ako ng kakaibang damdamin."Emilia halika ka na kailangan natin makauwi ng maaga." Napatingi ako kay Risa na tila may problema."May problema ba?" Tanong ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin."Pinapauwi kase tayo ni kuya ng maaga nakita mo naman ang panahon diba?" Sabi niya kaya nagpahila na lang ako sa kanya.Sa parking area ay naghihintay sina Rowan at Vlad pero hindi ko nakita si Raul kaya nagtaka ako.Kanina pa iyon na umaga kaya kahit gusto kong magtanong kina Risa ay hinsi ko na lang tinuloy."Dumating na yata ang judgement day." Mahinang bulong ni Vlad kaya napatingin ako dito."Tumigil ka nga Vlad may darating na bagyo kaya ganyan ang panahon." Saway dito ni Risa kaya napailing na lang ako at napatingin sa labas.Tila ramdam rin ng ibang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status