Share

Chapter two

Author: Seirinsky
last update Last Updated: 2022-08-24 13:32:57

Mag-iisang linggo na ako dito at wala naman kakaiba pwera lang sa ayaw akong patulungin ni Ralph kina Nanay Bining at Belinda sa gawaing bahay.

Pero sinusuway ko siya dahil gusto kong may gawin ako dahil nakakabagot rin ang walang ginagawa.

Marami naman akong natuklasan sa sarili ko na kaya ko pa lang gawin katulad ng pagpinta at paghahalaman ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon, naikot ko na rin ang buong mansyon at masasabi ko na hindi ako magsasawang libutin.

"Lia halika na baka dumating na si Master Ralph wala ka pa sa loob." Napatingin ako kay Belinda na halata na naman ang kaba kaya napangiti ako at tumango.

"Opo papasok na ako sandali lang." Sabi ko sa kanya kaya napatango lang siya muli kong inayos ang bagong punla ko ng okra at talong ss isang tray.

"Okay na ito ilang buwan mula ngayon maaani ko na kayo." Sabi ko sabay tingin kay Belinda pero malapad na dibdib ang tumama sa mukha ko at dahilan para muntik na akong mabuwal buti nalang at nasalo ako ni Ralph kaya nagulat ako.

"Sinabi ko naman sa iyo na wag kang magpapagod diba?" Malumanay niyang turan kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman po nakakapagod ang ginagawa ko." Nasabi ko na lang dahil hindi niya pa ako binibitawan.

"Ano bang gagawin ko sa iyo pa lang sumunod ss akin?" Seryoso niyang turan kaya kinabahan ako at sinubukan ko na makawala sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko.

"Sorry na Ralph wala kasi akong magawa kaya ito ang ginawa ko." Mahina kong turan sa kanya kaya napailing lang siya at sa gulat ko ay kinarga niya ako at pumasok sa bahay.

"Ano kaya ang gagawin ko sa parusa mo." Sabi niya kaya k8nabahan ako at dumeretso siya paakyat nasalubong namin si Kuya Victor na natigilan sa pagkakita sa amin.

"Ikaw na muna ang tumanggap ng tawag Victor." Sabi ni Ralph dito tumango lang ito at tuluyan ng bumaba.

Pumasok kami sa kwarto at nilapag niya ako sa kama kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano po na parusa ang ibibigay mo?" Bigla kong naitanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Gusto mo bigyan kita ng parusa?" Nagtataka niyang tanong gusto kong mapasimangot sa sinabi niya dahil ang labo niya kanina gusto niya ako bigyan ng parusa tapos ngayon na hinihintay ko ang parusa niya nagtataka naman siya.

"How about i will teach you something?" Tanong niya mayamaya kaya napatingin ako sa kanya ngayon ko lang napansin ang kulay ng mga mata niya.

Bughaw na bughaw para tuloy ako na nakatingin sa kalangitan maaliwalas at walang kahit anong ulap sa paligid.

"Ang ganda po ng mga mata mo." Wala sa loob ko na sambit kaya nakita ko ang pagngiti niya at dito ko lalong natitigan ang mukha niya napakagandang pagmasdan.

Ang gwapo niya talaga kusa kong nahaplos ang mukha niya at nagtitigan lang kami pareho kaya napangiti ako.

"Salamat po kasi kung hindi dahil sa iyo ay baka napahamak na ako binigyan niyo po ako ng pangalawang pamilya na pinapangarap ko." Mahina kong turan namalayan ko na lang na umiiyak na ako at bigla niya akong niyakap ng mahigpit at paulit-ulit akong hinalikan sa ulo.

"Nakalimutan ko na ang parusa mo." Bulong niya kaya napangiti ako at lalo lang akong yumakap ng mahigpit sa kanya.

Inakbayan ako ni Ralph habang pababa kami ng hagdan nagising ako kanina na magaan ulit ang pakiramdam ko at hindi na ako dinalaw pa ng masamang panaginip.

Namulatan ko na nagbibihis na si Ralph at papasok na sa trabaho niya at gusto niya ay sabay kaming mag-agahan kaya wala akong kasing-saya dahil ito ang ikatlong beses na magsasabay kaming kumain.

Ibig sabihin hindi siya gaanong abala hindi tulad nitong mga nakaraan na araw na lagi siyang umaalis sila ni Kuya Victor.

"Anong gusto mong kainin bukod dito?" Napatingin ako kay Ralph ng magtanong siya ng makaupo kami sa harap ng hapag-kainan.

Napatingin ako sa lamesa at maraming nakahain kaya napailing na lang ako.

"Lahat na ito marami at masasarap." Nakangiti ko na sagot sa kanya kaya napatango lang siya.

"Belinda, Nanay Bening halika na kayo kumain na tayo." Tawag ko sa dalawa kaya natigilan sila at napatingin kay Ralph na natigilan rin kaya napatingin ako sa kanila.

"Kasabay ko sila laging kumain kaya hindi ako malungkot kumain mag-isa." Paliwanag ko kay Ralph.

"Pasensya na ho Master Ralph sinasabayan namin kumain si Miss Emilia." Biglang sabi ni Manang Bening na nakayuko kaya natigilan ako.

"Sige na manang ayos lang kung ano ang gusto ni Emilia umupo na kayo at mag-simula na tayong kumain." Sabi ni Ralph na hindi naman galit kaya pareho ng umupo ang dalawa katabi ko si Belinda at katabi naman niya si Nanay Bening.

Nang maalala ko si Kuya Victor ay kinalabit ko si Ralph kaya napatingin siya sa akin.

"Si Kuya Victor pala hindi natin isasabay kumain?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti lang siya at kinuha ang cellphone at tinawagan marahil si Kuya Victor.

Ang unang umaga na magkakasalo kaming kumain kaya masaya ako kahit medyo tahimik ay ayos lang ang mahalaga ay nakikita ko na magkakasama ang mga taong itinuturing ko na pamilya.

"Kayo na ho ang bahala kay Emilia manang salamat ho." Narinig ko na sabi ni Ralph kay nanay kaya napangiti ako.

Matapos nito ay hinalikan niya ako sa noo bago sumakay ng sasakyan at si Kuya Victor ay ngumiti lang at bahagyang yumuko kaya kumaway na lang ako sa kanila.

"Grabe hindi ako makapaniwala na sa loob ng ilang taon ko na paninilbihan dito ay ngayon ko lang nakits na ngumiti ang dalawwng iyon." Sabi ni Nanay Bening na nakangiti akong tinitigan kaya napangiti rin ako.

"Salamat Emilia dahil dumating ka sa buhay namin." Malambing niyang turan kaya napayakap na lang ako sa kanya.

Bahagya akong siniko ni Belinda kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ginawa niyo ni Master Ralph kahapon?" Nanunudyo niyang tanong namula ako at bahagyang lumayo sa kanya pero sinundan niya ako at nakatawa na.

"Wala siyang ginawa nahiga lang siya at katabi niya akong matulog." Sabi ko sa kanya kaya napasinghap siya at napahawak pa sa bibig at parang hindi makapaniwala.

"Sinabi na hindi siya bakla o alergic ss babae." Sani niya pagkatapos ay malakas na tumawa kaya napailing na lang ako sa kakulitan niya.

"Halika may ikukwento ako sa iyo para magkaroon ka ng kahit kaunting kaalaman kay Master Ralph." Inaya niya ako papasok sa loob kaya sumunod ako sa kanya at dinala niya ako dito sa sala at naupo kami.

"Alam mo dito na ako lumaki at ni isang beses walang pinapasok na ibang tao yan si master maliban lang sa dalawa niyang kapatid na ubod rin ng gwapo." Kwento niya na parang nangangarap pa.

"Talaga bakit naman?" Nagtataka ko na tanong sa kanya kaya napangiti siya.

"Masyado kasing pribadong tao si master at ayaw niyang maraming tao dito sa malaki niyang mansyon." Sagot ni Belinda kaya napatango ako.

Naalala ko rin pala na pangalan lang ang alam ko kay Ralph ang edad nito o ang pamilya ay wala akong alam.

"Ilang taon na pala si Ralph nahihiya akong magtanong sa kanya?" Tanong ko kay Belinda kaya napatingin siya sa akin at parang nag-aalangan na sagutin anv tanong ko.

"Belinda nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap tulungan mo muna ako ss kusina." Pareho kaming napatingin kay Nanay Bening na nakatingin kay Belinda.

"Hays mamaya naman Lia tulungan ko muna si nanay." Sabi niya na tumayo na.

Napatingin na lang ako sa kanilang mag-ina at nakita ko na bahagyang tinapik ni Nanay Bening ang anak niya sa braso at parang pinapagalitan.

Hindi ko na tuloy nalaman ang edad ni Ralph pero pwede ko naman siyang tanungin kapag nalabalik siya.

Nag-isip na lang ako ng pwede kong pagka-abalahan ngayong araw pero parang inaantok ako kaya aakyat na lang siguro ako sa kwarto.

Habang paakyat ako ay hindi ko mapigilan ang hondi mapahikab kaya nagmadali akong umakyat at pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay agad na akong humiga sa kama at tuluyan ko ng naipikit ang mga mata ko.

Nang muli akong magising ay may kakaiba na sa paligid ko iba na ang suot ko kaya napabalikwas ako ng bangon.

Napatingin ako sa paligid ko at hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Ibang silid ang kinalalagyan ko at kakaiba ang pakiramdam ko kaya kinabahan ako lalo na parang may mga paparating dito sa kwarto at nagulat ako ng biglang pumasok ang dalawang babae na parehong galit ang mukha.

"Ano ba Emilia! Nandito ka pa rin sa silid mo?" Galit na sita ng babae na maganda pero mukhang istrikta.

"Sinabi ko naman sa iyo Ate Carmela na wala siyang balak lumabas ng silid niya." Sabi naman ng isa pa na kamukha nito.

"Bumangon ka na dito dahil naghihintay na ang kawal sa palasyo na susundo sa iyo." Sabi ng babae na binuksan ang bintana kays nasilaw ako sa liwanag ng araw.

"Halika na tutulungan kita makaligo." Sani niya saka ako inalalayan na makababa sa kama ko.

Wala akong nagawa sa pagalalay niya sa akin t sa bilis ng pangyayari ay nakabihis na ako ng ibang kasuotan.

"Kailangan natin itong gawin para sa pamilya natin." Sabi ng babae na inaayos ang buhok ko.

"Saan po tayo pupunta?" Ito ang lumabas mula sa bibig ko.

"Sa palasyo ka pupunta tatlong araw mula ngayon ay ikakasal ka na sa prinsepe." Sagot niya kaya nagulat ako sa sinabi niya.

Nakasakay na ako sa karawahe dahil may dalawang kabayo sa unahan at dito ako sinakay ng dalawang babae kanina na binilinan ako ng mga hindi ko dapat gawin.

Napatanaw ako sa labas ng sinasakyan ko at parang gusto ko ng magising dahil alam ko na panaginip lang ito.

Napapikit ako ng makaramdam ako ng hilo.

"Emilia baby wake up please." Narinig ko ang bulong na ito pero sumasakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko.

"Ralph tulungan mo ako." Bulong ko dahil alam ko na boses niya ang naririnig ko na paulit-ulit na bumubulong sa akin.

Sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko naiwasan ang hindi mapahiyaw at para akong lumutang at pagmulat ko ay may mahigpit ng nakayakap sa akin at namalayan ko na lang na umiiyak na ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-seven

    Maaga akong nagising dahil papasok ako sa eskwelahan ngayong araw at sisimulan ko na ang misyon ko na kausapin si Danya.Napatingin ako kay Ralph na gising na rin at napakagwapo pa rin kahit magulo ang buhok.Nakabuhad baro ito at tanging pajama lang ang suot pero tila itong modelo kaya napahinga ako ng malalim.“Good morning my queen.“ Bati nito kaya lumapit ako dito at humalik sa pisngi nito.Pero agad ako nitong niyakap pahiga kaya napatawa ako at sinimulan ako nitong halikan sa leeg kaya tumawa ako lalo dahil nakikiliti ako.“We need to get up now Ralph or else mahuhuli ako sa school.“ Sabi ko dito kaya agad na ako nitong kinarga at dinala sa banyo.Sa huli ay magkasama kaming naligo at hindi ko ito pinagbigyan kaya napatawa na lang ito ng malakas.Naalala ko si Dani kaya tinawagan ko ito kahapon at iyak ito ng iyak dahil miss na miss na raw ako nito.Nangako naman ako dito na papasok ngayong araw kaya alam ko na maaga itong pupunta dito sa bahay.Oo nga pala hindi ako nakapagpaal

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-six

    Dahil pumayag si Ralph na pumunta sa lugar kung na saan ang mga magulang namin ni Amelia, pero kailangan naming lakbayin ang lugar kung saan namin makikita ang huling relica na maaaring makatulong sa amin papunta doon. “Nasaan ang relica ng huling lagusan ng Amon?“ Tanong ni kuya kina Amelia mayamaya, nagkatinginan ang mag-asawa at napatitig sa akin ang kakambal ko. “Sa kaharian ng Neved, ang mundo ng mga diwata.“ Sagot nito kaya napatango ako at napatingin sa labas. Napakaaliwalas lagi ng kalangitan dito sa kaharian ni Damon kaya nakaka-relaks sa pakiramdam. “Pero mapanganib ang mundong iyon dahil sa kasalukuyang reyna, kaaway ang tingin niya sa lahi namin at maging sa lahi niyo, lalo na sa mga diyosa.“ Sabi ni Damon na napahalukipkip na lang, napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Ralph na pinagsalikop niya kanina kaya naman napatitig ito sa akin. “We will find a way to enter that kingdom.“ Sabi ni Ralph na tinanguan lang ng lahat. “We need to find a person who will help us to

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-five

    Nagising ako na tila may nakatingin sa akin kaya nagmulat ako ng mga mata.Nakita ko agad si Selia na nakatingin sa akin at nakangiti siya.“Magandang umaga po.“ Bati niya sabay halik sa pisngi ko kaya napangiti ako ng matamis.“Magandang umaga rin Selia.“ Nakangiti ko rin na bati sa kanya saka ako bumangon at namangha ako sa labas ng makita ko kinaroroonan ko.Napakagandang umaga ang bumungad sa akin kaya napatingin ako kay Selia na nakangiti rin na nakatanaw sa buong lupain na napapaligiran ng mga bulaklak.“Nagustuhan niyo po ba?“ Tanong niya kaya napangiti ako at tumango saka na niya ako inakay palabas ng silid ko.Bumaba kami sa napakagandang hagdan at hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko sa mga oras na ito.Dumiretso kami ni Selia sa hapag-kainan at naabutan namin si Amelia na nag-hahain ng agahan at nang makita ako ay napangiti ito.“Magandang umaga mahal kong kapatid.“ Bati niya na hinalikan ako sa pisngi kaya napangiti ako.“Upo ka na para makapag-agahan ma tayo.“ Sab

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-four

    Napamulat ako ng mga mata ko nang maramdaman ko na nakahiga na ako at ng magmulat ako ay napakaaliwalas na kalangitan ang tumambad sa akin.Isang kakaibang mundo ang nasa harap ko ngayon habang hawak ko sa kamay ko ang mapa na binigay sa akin ni Ralph bago kami maghiwalay.Napatingin ako sa paligid at namangha ako sa nakikita ng mga mata ko totoo ba talaga na nandito na ako?.Ito ang tanong ko sa sarili ko habang naglalakad, nasa mataas ako na parte ng bundok at tanaw ko ang luntian na mga damo at punong kahoy sa paligid.Nalalatagan rin ito ng mga halamang ligaw at bulaklak sa paligid.Lumakad pa ako para maghanap kung may mga bahay ba rito o kung may mga tao man lang sa paligid.Pero ilang minuto na yata ako na naglalakad pababa sa burol na pinanggalingan ko ay wala pa rin akong makita.Naglalakad na ako sa daan at patingin-tingin sa paligid kahit mainit ay hindi mahapdi sa balat dahil marahil sa malamig na simoy ng hangin.Nakaramdam ako na may tila paparating kaya napatakbo ako pa

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-three

    Nakaupo ako dito sa sala nasa tabi ko si Ralph at nasa harap naman namin sina Raul at ang mga kaibigan niya."Ano ang pag-uusapan natin Emilia?" Tanong ni Ryan na nakatayo sa tabi ni Val."May sasabihin ako at natuklasan ko lang kahapon." Sabi ko sa kanila kaya napatingin ako kay Belinda at Risa na magkatulong na dala ang salamin na pinakuha ko sa kanila.Isang fullbody mirror na pwede kong magamit para makausap ko ulit ang kakambal ko.Tumayo ako at lumapit sa salamin at tumingin sa kanila na nagtataka lalo na si Ralph na nakakunot ang noo."Amelia nandyan ka ba?" Hinawakan ko ang salamin at tila ito naging tubig kaya napatitig ako dito."Nandito ako Emilia." Sabi niya na nakatingin sa akin."Who is that?" Gulat na tanong ni Ryan na halata ang gulat sa mukha.Maging sina Raul ay ganun rin kaya napahinga ako ng malalim at napatingin sa kapatid ko."Siya si Amelia ang kakambal ko." Sabi ko sa kanila kaya kanya-kanya sila ng reaksyon maging si Ralph ay hinila ako patayo at dinala sa lab

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-two

    Napatingin ako sa kalangitan ng makita ko kung gaano kaitim ang buong paligid.Kahapon ay maganda ang kalangitan pero ngayong araw ay tila may darating na bagyo kaya napahawak ako sa braso ko.Kakaiba rin ang ihip ng hangin kaya nakaramdam ako ng kakaibang damdamin."Emilia halika ka na kailangan natin makauwi ng maaga." Napatingi ako kay Risa na tila may problema."May problema ba?" Tanong ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin."Pinapauwi kase tayo ni kuya ng maaga nakita mo naman ang panahon diba?" Sabi niya kaya nagpahila na lang ako sa kanya.Sa parking area ay naghihintay sina Rowan at Vlad pero hindi ko nakita si Raul kaya nagtaka ako.Kanina pa iyon na umaga kaya kahit gusto kong magtanong kina Risa ay hinsi ko na lang tinuloy."Dumating na yata ang judgement day." Mahinang bulong ni Vlad kaya napatingin ako dito."Tumigil ka nga Vlad may darating na bagyo kaya ganyan ang panahon." Saway dito ni Risa kaya napailing na lang ako at napatingin sa labas.Tila ramdam rin ng ibang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status