Share

Chapter three

Nagising ako na magaan na ang pakiramdam medyo nahihilo ako pero kinaya ko pa rin na bumangon.

Wala na dito sa loob si Ralph at baka pumasok na siya sa opisina kaya pumasok na lang ako ng banyo para mag-hilamos.

Pababa na ako ng makita ko si Ralph na nakaupo sa sala kaya napangiti ako at lumapit sa kanya.

"Ralph magandang umaga." Nakangiti ko na turan sa kanya pero napaatras ako ng makita ko ang masama niyang tingin sa akin kaya kinabahan ako.

Ang lalakeng nasa harap ko ngayon ay hindi si Ralph.

"Talaga nga na inuwi ka dito ng kapatid ko." Natakot ako sa galit niyang boses at sa isang iglap ay hawak na niya ang leeg ko kaya napaiyak ako dahil sa sakit ng pagkakahawak niya.

"Wag po nasasaktan po ako..." Nahihirapan ko na turan sa kanya pero nakita ko ang kakaiba niyang mga mata na nakatitig sa akin galit na galit siya at nakakatakot.

"Bumalik ka ba dito para muling ulitin ang ginawa mong kasalanan?" Nakakakilabot na tanong at saka mas dumiin pa ang pagkakasakal sa akin kaya halos malagutan ako ng hininga.

Napaiyak ako lalo dahil baka ikamatay ko na ito kaya napapikit ako pero sa isang iglap ay bigla na lang tumilapon ang lalakeng sumakal sa akin at nakita ko si Ralph na mabilis ang kilos at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Lia diyos ko!" Nakita ko si Belinda na napalapit sa akin halos magsuka ako dahil sa biglaan ko na pag sagap ng hangin na halos mawala sa akin.

Iyak lang ng iyak habang umuubo naramdaman ko na lang na umangat ako at buhat na pala ako ni Ralph at halos mahilo ako sa bilis niya at nakarating agad kami sa silid namin.

Agad niya akong iniupo sa kama at napahawak ako sa leeg ko at parang hindi ako makahinga kaya lalong lumakas ang iyak ko.

"Hey! Emilia i'm here baby." Napahinga ako at umiiyak na humiyaw nagwala ako dahil parqng mawawalan na ako ng hangin sa dibdib.

Para akong nalulunod at gusto kong makahinga hanggang sa naramdaman ko na lang ang isang labi na nagbibigay na ng hangin sa dibdib ko.

Dito ako unti-unting nakaramdam ng ginhawa sa dibdib ko kaya lalo akong napaiyak.

Kanina pa ako nakahiga at tulala lang habang nakayakap sa akin si Ralph mula sa likod.

May benda na ang leeg ko at napahiran na niya ng ointment ang nasugat na bahagi ng leeg ko.

"I'm so sorry baby kung hindi agad ako nakarating ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko." Bulong niya pero hinigpitan ko lang ang kapit ko sa mga braso niya na nakayakap sa akin at lalo akong sumiksik sa kanya.

Nakatulog ako na umiiyak pa rin dahil sa mga nangyari kanina ng muli akong magising ay natakot ako dahil wala sa tabi ko si Ralph kaya napaiyak ako at napatingin sa paligid.

"Ralph..." Umiiyak ko na tawag sa kanya.

"Emilia hey nandito ako baby." Napatingin ako bigla sa kanya at lalong umiyak kaya agad niya akong niyakap ng mahigpit.

Muli akong nakatulog at hindi ko binitiwan ang kamay ni Ralph natatakot na baka iwan niya ulit ako.

"Na-trauma siya kay Ryan hindi natin siya dapat pa pabalikin dito kundi baka kung ano na naman mangyari kay Emilia." Nagising ako sa boses ns iyon napamulat ako ng mga mata at hinanap agad si Ralph nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Are you awake?" Bulong niya saka ako hinaplos sa mukha napatango ako at napatingin sa isang lalake na nakatingin sa akin napasiksik ako kay Ralph dahil baka masaktan na naman ako.

"Relax he's not gonna hurt you." Malambing na turan ni Ralph kaya kumalma ako.

"This is Raul my brother." Pakilala niya sa akin sa lalake na nakangiti na.

"Ikinagagalak kitang muling makita mahal na reyna." Bati niya pero nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako kay Ralph.

"Raul she don't remember us." Sabi ni Ralph kaya nagtataka pa rin ako sa sinassabi ni Ralph.

"Oh! okay sorry." Napakamot ito at nagpaalam na sa amin na lalabas na kaya napatingin na lang ako dito.

"Wag mong intindihin ang sinabi ng kapatid ko." Sabi ni Ralph kaya napatango lang ako.

Pero hindi ko makalimutan ang nakita ko ang mabibilis nilang kilos at ang pagbagsak ng lalake sa pader na para bang hindi ito nasaktan.

"Ralph sino ka po?" Natanong ko bigla sa kanya kaya napatitig siya sa akin at saka ako hinalikan sa noo kaya napapikit ako.

"Kung sasanihin ko sa iyo na hindi ako normal na tao?" Tanong niya kaya napalunok ako sa sinabi niya.

"Hindi ka tao pero bakit ka nandito? multo ka po?" Nanlalaki ang mata ko na tanong sa kanya kaya bigla siyang tumawa ng malakas at hinalakan ako bigla sa labi kaya nagulat ako.

"Hindi ka pa rin nagbabago mahal ko." Bulong niya na nakatitig sa akin.

"Isa akong bampira Emilia hindi ako tao wala akong puso dahil matagal na itong tumigil mula ng isumpa ang lahi namin pero ngayon na nandito ka unti-unti na akong nabubuhay." Nagulat man ako sa sinabi niya at hindi ko masyadong naintindihan kaya kinabig ko lang siya at niyakap ng mahigpit.

"Hey! Emilia hindi mo naman ako iiwan diba?" Tanong niya kaya kumalas ako ng yakap sa kanya at tinitigan siya at ngumiti ako.

"Bakit kita iiwan? dahil bampira ka?" Tanong ko sa kanya kaya napanganga siya at napalunok.

"Dapat nga ako ang dapat na magtanong niyan kasi tinulungan mo ako at wala pa akong nagagawa para sa iyo." Sabi ko sa kanya saka ako napaiyak.

"Don't say that my beloved nandito ka lang sa tabi ko ay sapat na." Mahina niyang turan saka ako muling hinalikan kaya kahit hindi ako marunong humalik ay tinugon ko ito.

Napaungol ako ng bahagya niyang kagatin ang labi ko kaya lalo lang niyang linaliman anh halik niya.

"Ay! sorry po." Nagulat kami pareho ni Ralph ng pumasok si Belinda at Kuya Victor na parehong natigilan lalo na sa ayos namin ni Ralph.

"Nakapatong na kasi siya sa akin at nakayakap ako sa kanya.

"You two get out will you!?" Malakas na turan ni Ralph napapikit na lang ako at namumula na napatakip ng mukha dahil sa kahihiyan.

"Hindi ka dapat mahiya Emilia." Napatingin ako kay Ralph na nakatitig pala sa akin.

Nayakap ko na lang siya dahil wala akong masabi sa kanya naramdaman ko na lang na tumatawa siya kaya mahina ko siyang tinapik.

"Huwag ka tumawa nakakahiya kaya nakita nila tayo." Sabi ko sa kanya pero hinalikan niya lang ako sa noo.

Natigilan siya at napatingin sa leeg ko kaya nag-iba ang buska ng mukha niya.

"Papatayin ko lalakeng iyon dahil sinaktan ka niya." Galit niyang turan kaya naalala ko ang ginawa nito sa akin.

"Bakit niya po ako gustong patayin wala naman po akong ginagawang masama sa kanya." Mahina ko na turan sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Kapatid ko siya Emilia at hindi ko siya sasantuhin dahil sinaktan ka niya." Galit niyang turan kaya kinabahan ako.

"Wag ka na po magalit." Mahina kong turan sa kanya kaya nayakap na lang niya ako.

Hindi niya sinabi kung bakit ako sinaktan ng kapatid niya kaya palaisipan pa rin sa akin iyon.

Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang mga bampira at si Ralph ay isa sa kanila ng maalala ko iyong mga napapanood ko sa telebisyon na mga palabas ay natakot ako dahil baka kagatin niya ako sa leeg.

Kusa kong nailagay sa leeg ko ang kamay ko kaya napatingin dito si Ralph.

"Kakagatin mo rin ba ako sa leeg?" Bigla ko na lang na tanong sa kanya kaya napangiti siya.

"Only if you let my love." Bulong niya kaya napalunok ako at kinabahan.

"Hey! don't think about it okay you know that i never hurt you Emilia." Bulong niya kaya kinalma ko na lang ang sarili ko at tumango sa kanya.

Mayamaya pa ay nagpaakyat na dito sa silid ng pagkain si Ralph at dinala ito ni Kuya Victor at Belinda na nginitian lang ako saka sila ulit lumabas.

"Kumain ka na para magkaroon ka ng lakas." Sabi ni Ralph kaya nagsimula na akong kumain habang siya ay nagtatrabaho at sinusubuan ko na lang ng cookies na ginawa ni Belinda.

"Paano ka nga pala nakakain Ralph eh hindi naman kumakain ng pagkain ang mga bampira?" Tanong ko sa kanya kaya tinitigan miya ako at ngumiti.

"I guest mali-mali ang impormasyon na napapanood mo sa telebisyon ilang siglo na akong namumuhay sa mundong ito Emilia at hindi ipinagbawal sa lahi namin ang hindi kumain ng pagkain ng mga tao." Napatango ako sa sinabi niya at saka sumubo ng pagkain.

"Kaya namin hindi kumain ng ilang taon mabubuhay kami basta may iniinom lang kaming dugo ay sapat na iyon." Patuloy niya kaya napatango ako.

"Dugo ng tao iniinom niyo?" Nanlalaki ang mata ko na tanong sa kanya.

"Silly iyan ang isa sa ipinagbabawal sa angkan namin, umiinom kami ng dugo na mula sa mga hayop at dumadaan iyan sa masusing proseso." Sagot niya at natawa at kumuha ng cookies at isahang kainan lang niya kaya muli akong napatango at ngumiti.

Maling impormasyon pala ang nasa telebisyon kaya gusto kong matawa akala ko nga nakakatakot sila pwera lang sa kapatid niya.

Pero si Ralph ay napaka gwapo niya at mabait kaya hindi na ako naniniwala na halimaw sila.

"Emilia alam ko na biglaan ang mga natutuklasan mo sa pagkatao ko pero ipanatag mo ang kalooban mo." Sabi ni Ralph sa akin kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Hindi ako natatakot Ralph hangga't alam ko na nasa tabi kita lagi." Sabi ko sa kanya kaya tumayo siya lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo kaya napapikit ako.

Nakatago lang ako sa likod ni Ralph ng bumaba kami at nakahawak ng mahigpit sa kamay niya.

Nakita ko ang kapatid ni Ralph na nakatayo at naghihintay sa amin kinakabahan ako lalo na at nandito rin ang nanakit sa akin.

"Hey relax my love." Bulong ni Ralph sa akin kaya napanatag ako nandito sa tabi ko si Ralph kaya wala akong dapat ikabahala.

"Ryan control your anger if you don't want me to get mad." Seryoso na turan ni Ralph sa lalake na halatang galit.

"Come on Ryan she's is not Emilia like before." Sabi rin dito ni Raul at napatingin sa akin kaya lalo akong napasiksik sa tabi ni Ralph.

"How can i? everytime i see her i remember everything she did!" Galit nitong turan kaya parang gusto kong maiyak.

"You know that she is under the spell of that witch Ryan at wag mong isisi kay Emilia ang lahat tandaan mo na may nawala rin sa akin!" Malumanay pero nakakatakot na turan ni Ralph laya kinabahan ako lalo.

"Hey! thats enough wag natin itong pag-usapan sa harap ni Emilia pakiusap." Saway ni Raul sa dalawa kaya niyakap ako ni Ralph at napapikit na lang ako lalo na ng paulit-ulit siyang bumulong na humihingi siya ng tawad sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status