"I can't breathe..."
May kung anong matigas na bagay akong nadaganan, lalo na sa parteng hita hanggang binti ko. Gustuhin ko mang kumawala ay hindi ko magawa dahil sa kung ano mang nakapalupot sa baywang ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, ngunit muli ring napapikit dahil sa pagtama ng liwanag na nagmumula sa labas ng bintanang salamin. Hindi naman masama ang lagay kung saan man ako naroroon, pero para bang isang panaginip. I can hear a loud beat from inside. I can feel the warmth that gives me comfort. And the things that wrapped around my waist made me feel secure. Sa tagal ng panahong hinangad ko ang magkaroon ng kompleto at masarap na tulog... finally! Ngayon ko lang yata nadama na lahat ng pagod ko sa loob ng halos pitong taon ay na-convert from pagod to feeling good! Mas lalo akong nagsumiksik sa kung ano mang bagay na yakap ko ng mahigpit. I can't say it's a pillow... because it wasn't soft and fluffy. The smell of mixed mint and soap was addicting, so I kept on smelling it to my heart's content. But the warm breeze that touched my forehead and falling hair made me annoyed. "Woman! You might kill me... I can hardly breathe, you're squeezing me too much!" I opened my eyes as I heard that voice with irritation. I saw his face, but not as clear as crystal since I was too sleepy. But then, his face seemed Ruther's handsome face. "Nah... just my imagination," I murmured... but- "Damn it! 'Wag mo akong masisi-sisi kapag hindi ako nakapagpigil!" I was shocked! Muli akong napamulat ng mga mata at doon ko na nga tuluyang nakita ang guwapo ngunit iritado niyang mukha. "What the hell!" Kaagad akong bumalikwas at naupo sa kama upang mapasapo lang sa aking ulo at mariing pumikit. "Damn! My head hurts!" "Mas masakit ang puson ko!" sabat niya naman. For a while I feel disoriented. Ilang sandali pa akong ganoon lang bago unti-unting nagmulat at inilibot ang paningin sa paligid. Nasa loob ako ng hindi pamilyar na silid at nakaupo sa gitna ng puting kama. Nang dumako ang aking mata sa harap kung saan naroon si Ruther na nakatayo at nakatunghay sa akin ay nanlaki ang mga mata ko. I saw my reflection in the mirror! It was a wall... no, a mirror wall to be exact! Malaking salamin na nakatapat sa mismong kama kung saan ako nakaupo at... hubad?! What a joke! Gising na ba talaga ako o binabangungot? "Fix yourself..." Kaagad kong dinaklot ang puting kumot sa gilid ko saka itinapis sa aking katawan. Nanulay ang takot at kaba sa akin ng bumalik sa aking ala-ala ang nangyari sa Soho Grand Hotel anim na buwan nang nakalilipas. Ganitong-ganito rin 'yon, ang kaibahan lang ay hindi kung sino lang ang kasama ko, kun'di ang nag-iisang Ruther Ford! Of all people, ang hambog na ito pa talaga. Tumalikod siya habang minamasahe ang balikat at braso niya. Ilang beses ko ring narinig ang pagbubuntong-hininga niya bago siya nakapamaywang na humarap ulit sa akin. Nakakailang ang tingin na iginagawad niya sa akin. Para bang may mali sa akin o 'di kaya ay naging dalawa ang ulo ko kaya naman kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. "What?" Hindi ko na natagalan. Ako na ang kusang nag iwas ng tingin at napabaling na lang sa salamin. Nang makita ko ang itsura ko sa salamin ay napangiwi ako. I look like a trash! "Hindi ka naman pala maganda, lalo na sa umaga." Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. At talagang diretso niyang sinabi 'yon sa pagmumukha ko ng wala man lang kaabog-abog! He didn't even sugarcoat it, kahit joke na lang sana. "I wonder why people call you beautiful in a classic way..." dagdag niya pa. "Looking at you without your makeup on, you didn't even pass as pretty to me. You didn't even have a perfect skin. Your nose... hindi rin naman katangusan. Your breasts were small. And I thought, that having a narrow waist, and tender and rounded hips makes a woman sexy... thoughts wrong. You look malnourished to me." Tuluyan nang nawala ang antok ko at walang pakialam na Tumayo at lumapit sa kanya. I was about to slap him, kaya lang ay nasalag niya ang kamay ko at mariing hinawakan. "Bakit?" he smirks. "Hindi mo matanggap?" "Why? Do you think you're handsome?" "Yes..." he cut me off. "Alam kong alam mo na guwapo ako. Don't deny it." "In your fucking dreams!" Binitawan niya ang kamay ko at walang pakialam na tinalikuran. "Ayusin mo ang sarili mo, may extrang damit diyan sa closet. And next time, 'wag kang lumaklak ng lumaklak ng alak kung hindi mo naman kaya. Nakakapurwisyo ka ng ibang tao." "Excuse me... bakit ba kasi nandito ka sa kuwarto ko?!" Muli siyang humarap sa akin ng nakataas ang isang kilay. "Kuwarto mo?" nginisihan niya ako. "Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginawa mo kagabi?" Nagtatakang napatitig ako sa kanya saka yumuko. Wala naman siguro akong ginawang hindi maganda. Wala naman sigurong reporters na nakakaalam kung nasaang kuwarto ako at kung ano ang nagawa ko kagabi. Wala rin naman sigurong... Napangiwi ako. Nagising akong hubad sa gitna ng puting kama habang mahigpit na nakayakap at nakadagan sa kanya. He's just wearing his boxers and nothing on top. Nawala na nga sa isip ko at hindi na rin napagtuunan ang abs niyang nakabalandra sa akin. Kung sa ganoong posisyon ako nagising, may nangyari ba sa amin? Masakit ang balakang at braso ko. Other than that, wala nang masakit sa akin maliban sa aking ulo. "Wala pa akong pinagsamantalahang babae sa buong buhay ko kung yan ang nasa isip mo. Lalo na kung lasing at halos humiwalay na ang kaluluwa sa katawan niya." Muli akong napaangat ng mukha at sinalubong ang iritado niyang tingin. "Hindi rin naman kita pagnanasaan kahit na ipagduldulan mo pa ang sarili mo sa akin." Buwisit! Ang tigas talaga ng mukha ng lalaking ito! Akala mo naman ay siya lang ang anak ng Diyos at namumukod tangi sa lahat kung makaasta at makapagsalita! 'Wag niya lang sanang kainin ang mga sinabi niya pagdating ng panahon dahil talagang tatawanan ko siya. "Hindi ka rin naman kapatol-patol! You're just an ordinary guy with an ordinary look. Hindi rin perfect ang katawan mo!" My eyes darted at him "But what happened really? And please sagutin mo na lang ang tanong ko ng makaalis na ako dahil kotang-kota na ako sa mga pang-iinsulto mo!" "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo?" His brows raised mockingly. "Bigla ka na lang sumulpot sinukahan lang naman ako sa dibdib ng walang pasabi. At hindi lang 'yon, tinulak mo pa ako sa banyo ng tangkain kitang hilamusan kaya naman pareho tayong bumagsak sa lapag. And yes, we did shower together... I had no choice. But don't flatter yourself dahil hindi ko ginustong mangyari na kasabay kang maligo." Pilit kong inalala ang mga sinabi niya pero hindi ko talaga maalala. Ang huling natatandaan ko lang ay noong gabing kasayaw ko si Emilio hanggang sa iniwan ko siya at naghahanap ako ng banyo. Bukod doon, wala na. Mababa lang ang alcohol tolerance ko kaya naman madali akong malasing at pagkatapos ay makalimot. Pero mabuti na rin pala at kay Ruther ako napadpad, dahil kung hindi, baka napahamak na ako. At least, hambog at wala mang preno ang bibig ng lalaking ito, hindi niya naman ako pinagsamantalahan na malamang ay gagawin ng ibang lalaki sakali mang sa kanila ako napadpad at lasing pa. Maya-maya ay napangiwi ako, at nahihiyang tinignan siya. "Sorry, I didn't mean to…” I bit my lower lip before I continued. “…babayaran ko na lang ang damit mong nasukahan ko. Do you have extra clothes? I wanted to take a shower before I left.” His lips twitched upward in a dry smile. “Why? Does your lover want to see you already? Tell him to fuck off! Asikasuhin niya ang asawa niya hindi ang kirida niya!” “What the hell are you talking about?!” Sa inis koy itinulak ko siya. Ganito ba talaga kasama ang ugali ng lalaking ‘to? Damn it! Pina-iinit niya talaga ang ulo ko! “Daryl…” he said making my brows furrowed. “Familiar right? You're with him in Casa del Rio, kasama mo rin siyang pumunta rito. After that, I saw you with Robert and then Emilio… damn woman! Mahilig ka ba talaga sa may mga asawa na?” “Fuck you!” Hindi na ako nakapag pigil at malakas na sampal ang ipinadapo ko sa mukha niya. He was stunned for a while, but I didn't expect what would happen next. “No, fuck you!” he said then push me hard making me lose my balance and fall on the bed. Napanginwi ako ng tumama ang balakang ko sa edge ng kama pero bigla rin nawala ng kumubabaw siya sa akin saka mariing bumulong sa aking tenga. “Sorry, but you don’t deserve gentleness Ryza Reyes!” *****When was the last time I ate streets food?Second day ko sa public school na 'to at hindi pa rin ako masaya. Bukod sa I'm not happy, I feel alone pa. I don't have friends. My classmates finds me masungit and maarte just because I was from a private school before. Girl's rolled their eyes on me, while boys keeps on talking about me. Like kung may boyfriend na raw ba ako. First momol, like what the heck was that?! And if I prepared lights on or lights off."This school drains me real quick," I murmured while staring at the two girls enjoying their foods on a plastic cup.Kanina pa kumakalam ang tiyan ko pero tinitiis ko na lang dahil itinatabi ko ang natitirang fifteen pesos ko para pamasahe pauwi. Napapagod na akong maglakad araw-araw papunta sa school at pauwi sa amin kaya kahit gutom pa ako ay lunok laway na lang.As usual, lutang na naman si Mommy kung kaya't wala na namang sinaing. Ubos na rin ang stocks namin kaya hindi ako makapag luto sa umaga. Kaya naman ang five hundred pesos
[[FLASH BACK]] BAKIT PA KASI KAMI LUMIPAT NG BAHAY?Okay lang naman na kila Tita Divina kami tumira. At least doon ay komportable at may sasakyan pa. Edi sana ay palagi kaming magkasabay ni Kuya Daryl sa pagpasok sa eskwela. And I thought were rich? Sabi ni Mommy ay sa exclusive school na for girls niya ako pag-aaralin this year, pero hindi pala. Sa public school lang din pala ang bagsak ko, at kung kailan naman last semester na ay saka pa ako naisipang i-transfer ni Mommy.I was so spoiled when we were still living in Tita Divina's house. Ni hindi nga ako pinadadapuan ng kahit na anong insekto. Sa klase rin kasi ng work ko - I mean career, dapat makinis at laging fresh. Well, at my age, I am proud to say that I am a model. Hindi 'yong model na rumarampa sa stage at nag gi-guest sa malalaking event. Pero model ako ng baby blush cosmetic na tinodo push ni Mommy para lang ako ang mapili.Pati nga sanitary napkin ay minodel ko na rin, kahit hindi pa naman ako nag kaka-menstruation duri
"I'm sorry about that-""And I thought walang cannibal sa pamilya nyo?" putol ko sa kanya sabay ngisi. "Anyway, it's okay. I deserved that slap. I know Suzane was still mad at me-""How'd you know my cousin?" agap niya sa akin na ikinagulat ko. Nadala ako sa sitwasyon at nawala sa isip ko na sa harap ni Ruther ay nagpapanggap pala akong walang maalala. "Akala ko ba wala kang masyadong maalala? At sa dami ng tao na pwede mong maalala ay ang pinsan ko pa talaga?"Hindi ako nakapagsalita kaagad at tila nabingi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang halos malunod na ako sa lalim ng tingin niya sa akin. Para bang lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko kaya naman wala sa loob na napahawak ako roon.Dumako naman ang mga mata ni Ruther sa kamay kong nakahawak sa dibdib ko. Ang kaninang malalim at madilim niyang tingin sa akin ay biglang nag iba. Naging malamlam iyon na para bang nag-aalala."Are you okay?" he asked me. "You look pale. Tell me, may masakit ba sayo?"Sunod-sunod akong
"Are you sure you gonna be okay here?"I look at Kuya Daryl. He seemed so concerned and worried about me. Dati pa naman ay ganyan na siya. Mabait sa lahat. Maawain. At palaging kalmado.Gusto ko sanang umiling at kumapit sa kamay niya. Gusto kong sabihin na 'wag niya akong iwan sa mala-palasyong bahay na ito. But when I looked at Ruther... his cold brown eyes were staring at me like he would kill me if I made a move."She'll be fine..." Si Ruther na ang sumagot. "She'll be safe here with me-""You sure about that?" putol naman ni Kuya Daryl saka maingat na hinawakan ang kaliwang braso ko. "The last time I checked, Ryza was hospitalized because of you."Bago pa magkainitan si Kuya Daryl at Ruther ay pumagitna na si Asia. Sinabunutan niya si Ruther at piningot pa sa tenga."Umayos kang bakulaw ka! Kapag may nangyari sa nag-iisa kong hipag babatihin ko talaga yang itlog mo!""Salbahe ka talagang babae ka!" singhal naman ni Ruther kay Asia habang hawak ang taenga niyang piningot. "Nakaram
"Answer me!" I was frustrated. They were just looking at me as if I said something funny. Na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo. "Sino kayo? Nasaan ako? Am I at the Hospital? Why what happened?" sunud-sunod ko pang tanong. "Anyare sayo?" tanong naman sa akin ng babae. Hindi ko alam kung saan, kailan at paano, pero pakiramdam ko ay nakita ko na siya. "K-drama lang ang peg? My Amnesia Girl ganern?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya. Wala akong Amnesia! Malakas pa ako sa kalabaw kaya paanong magkakasakit ako at may amnesia pa nga."Ryza..." Nilingon ko ang lalaking ngayon ay nagtataka ng nakatitig sa akin. "Are you alright? Tell me, ano ang nararamdaman mo?"Sunod-sunod ang tanong niya sa akin. Yong mga mata niya, hindi ko maintindihan kung awa, lungkot, pagtataka o galit ba ang naroon. Iba-ibang emosyon na minsan ko na ring nakita. Tama! Nakita ko na siya!"I remember you..." halos pabulong na sabi ko saka napayuko. Bigla akong nakadama ng hiy
"I CAN'T..."Halos manlumo ako ng dahil sa binitawan niyang salita. Nangliliit ako sa aking sarili. Why would I tell him that anyway? That I want him? Nadala lang siguro ako ng sitwasyon ngayon. Idagdag pa na parang napakaguwapo niya sa paningin ko ngayon.But he said, he can't... why? I mean... ayaw niya ba? Sawa na ba siya? Or maybe... he is still the same guy I knew. Heartless. Arrogant. The cold and annoying asshole."W-why?" I stammered as I asked him. "You can't because you don't want to, or you can't because you just can't?""No, that's not what I mean-""Then what?!" putol ko sa kanya. "Tell me, ano ba talagang plano mo sa akin? Ang gawin akong sex slave mo? Ano ba tayo? Ano bang meron sa atin? Please pakisagot naman kasi ang hirap ng manghula. Ayaw kong mag assume."Ang tagal niyang nakatitig lang sa akin at ganoon din ako sa kanya. I'm still waiting for his answer but he never heard him a thing. Mapait na napangisi na lang ako sa aking sarili. As I expected... I lose.Nang