Share

Calle Reyes

Dahil naging abala na sa kanyang pagtitinda ang matandang babae, muli nang lumakad ang dalagita sa may malupang kalye nagbabasakaling may makitang maaaring matuluyan sa daan.Hindi ito maaari, ang naging bulalasa ni Sergio sa sarili. Pinaglalaruan ba ako ng pagkakataon? Nakadama siya ng inis ng malamang ang kanyang mga magulang ay nasa loob ng bahay ng kanyang kaaway. Di niya ito gusto, di niya talagang gusto, kahit wala naman roon si Angelo.

Guevarra?!, ang nabubulas ni Ato sa isipan dala ng malaking pagkagulat niya ng marinig ang yaong apelyido ng ipinakilala sa kanya na ginoo. Halos nanlisik na ang kanyang mga mata dala ng matinding pagkagulat na ito. Di rin niya napigilan ang pagbilis ng mga pagkabog ng kanyang puso dahil sa di inaasahang pagkakataong ito. Tila namang nanigas bigla ang kanyang buong katawan, pagkadinig sa yaong isang kilalang apelyido na siyang apelyido din ng yaong matandang ginoo.

Guevarra, ito ang apelyido na itinaga ni Ato sa kanyang isipan. Ang apelyido na hin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status