Share

Dolores

Palubog na ang araw. Sa lahat ng oras na nagugol ko dito sa mundo, ang pagtatakipsilim na ito ang pinakakaiba sa lahat. Taliwas sa napakagandang tanawing makikita sa kalangitan na tila ang mga magagaan tingnang mga ulap ay nakukulayan ng dugo, ang paglubog ng araw ay naghuhudyat upang bigyan ng pagkakataon ang kadiliman na balutin muli ang mundo.

Ang bumabalot na kadilimang ito dahil sa pagpapahinga muna ng araw sa kalangitan, ito ay ang siyang kinatatakutan ko.

At mas tumindi pa ang aking takot ng malamang nakatakas ang mga bihag. Kabilang dito ay ang pinakamahalagang nilalang sa mga oras na ito, ang alay na si Carmela. Malaking hukbo ang inutusan ko mula sa aking kapatiran upang hanapin at dakpin muli si Carmela dahil siya lamang ang tanging sandatang tatapos sa lahat ng ito.

Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya mahahanap. Alam kong nagtatago lamang ito sa loob ng bayan dahil sa nariyan pa rin ang malaki at di makitakitang harang na tinawag na Polaris. At d

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status