INICIAR SESIÓNSi Andrea ay isang ordinary office clerk, laging puyat at overworked. Isang gabi, hindi lang trabaho ang tinatapos niya sa opisina - pati buhay niya. ‘Di niya namalayang namatay siya, at ngayon ay nag-reincarnate bilang isang villainess ng isang fantasy novel - si Mistress Freya. Villainess na hobby ang mang-torture ng limang beastmen na gusto rin siyang patayin. Paano maiiwasan ni Andrea ang “bad ending” sa bagong mundong kinagagalawan niya? May “good ending” pa ba siya?
Ver más‘Di na napigilan ni Andrea ang maka-idlip. Sa dami ba naman ng nadaanan niyang life-threatening situations sa isang araw lang? Hindi lang isang perfectly-abled, grown man ang galit sa kanya – lima pa. At ‘di lang sila mga normal na lalake… may mga kakaibang kapangyarihan pa.Oras na para mamahinga…hlajhaldskfhlsadjkkklllllllllllllllllllllllllllllllWalang maintindihan sa monitor ni Andrea, 26, office clerk. Nakapatong sa keyboard ang kanyang mukha. “Whaa!” biglang pagbangon nito. “Huh? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon? Parang masyadong makatotohanan! Well… I guess sa panaginip lang ako kakausapin ng mga poging lalake. Hay...” sabay buntong-hininga ng overworked girly na ito. Napatingin sa paligid si Andrea na tila bang naalipungatan. Sigurado siyang totoo ang lahat ng nangyari. At mas lalong totoo ang kaba at takot niya sa mga beastmen. Totoo rin na medyo na-kyutan siya sa kanila.Bawat detalye doon sa mundo ng mga beastmen, sobrang damang-dama niya. “Baka special edition na p
“Namimihasa na ang mga beastmen. At mukhang napansin nila kung gaano na lang ang pagkakaiba ng mistress nila ngayon sa mistress nila noon.” inanalyze ni Andrea kung ano ba dapat ang next move niya.Nung una, kusa siyang nagbigay ng dugo kay Hermes sa paghilom ng sugat ni Triton. Tapos, nakipag-deal sa kanya si Gin para makakuha ng dugo sa pagluto. At ngayon naman, barter para sa mga bolang asin. Nagkakaroon na ng micro-economy dito sa bagong mundo ni Andrea. “OK lang. Basta ba ‘di muna umabot sa sampung patak ng dugo ang mabigay ko sa kanya… at baka maunahan ako ng mga ‘to. ‘Di pwedeng mabawi ang mga kontrata ko sa kanila na di ko pa nakikita ang ama ni Freya.”Hindi pinakita ni Andrea ang takot niya kay Triton. Muli niyang hinawakan ang kanyang pendant at binuksan muli ang kanyang sugat sa darili gamit nito. Piniga ni Andrea ang kanyang daliri para may lumabas na isang malaking patak ng dugo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Triton at nilagay ang patak sa scorpion seal sa may dibdib
Imbis na makatulog at managinip, naalipungatan si Andrea sa biglaang pagpasok ng fox-man sa kanyang bagong tahanan. “Baka naman may lason ‘to?” hindi mapakaling inisip ni Andrea. “Sa bagay, ‘di pa rin niya ako pwedeng masaktan at naka-kontrata pa rin siya sa ‘kin. Siya ang masasaktan ‘pag may mangyaring masama sa ‘kin. Salamat sa power ng contract.”Habang nagrarationalize si Andrea, pasarap ng pasarap ang itsura ng barbeque meat na alok ni Gin. Pork belly yata ‘to. Medyo charred pero parang ready na talaga makain.“Hindi pa pala ako nakakakain kahit ilang oras na kong nasa mundong ‘to… Sige na nga!” wari ni Andrea. Pwede niyang gawing taga-luto itong si Gin para mag-survive siya.“Bawat limang beses na paglulutuan mo ako… Bibigyan kita ng isang patak ng dugo sa seal mo.” alok ni Andrea kay Gin. Naguluhan ang beastman. Makikita sa kanyang berdeng mga mata ang pagtataka. Sa lahat ng mga kakontratang beastmen ni Mistress Freya, siya ang pinaka-mukhang chill lang. Kahit na sugatan dahi
Hindi pa rin kumbinsado ang mga beastmen na nagbago bigla ang kanilang sadistang mistress. “Ano na namang bagong torture ito?” tanong ni Gin kay Lev. Tumawa lang ang lion-man sa tanong ng fox-man, kasi siya rin takang-taka sa nangyayari. Lumapit kay Andrea ang snake-man na si Hermes. Straight ang titig sa mata ng dalaga, walang bahid ng tuwa sa mukha. “Anong kalokohan ito, Mistress? Alam mo naman na wala kang ginawa kundi saktan kami. Bakit mo naman naisip na tutulungan ka namin?” Kahit na halatang may galit, mahinahon pa rin ang pagkabitaw ng mga salita ng Hermes, na kusang-loob na pumunta kay Mistress Freya noon para makipag-kontrata. Nanginig si Andrea sa takot. Ngayon lang sumapi sa kanya na malalakas ang mga beastmen na ito. At kung hindi dahil sa mga kontrata niya sa kanila, matagal na siyang pinatay sigurado.“Kapag maayos niyo kong madadala sa kinaroroonan ng aking ama, bibigyan ko kayo ng gantimpala.” tugon ni Andrea. “Sa ngayon, ‘yan lang ang gusto kong gawin ninyo. Aalis
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.