Share

Piedra del Sol

Mula sa pagkagising ko sa araw na iyon, wala na akong ginawa pa kundi ang magsulat sa aking journo. Bawat detalye at bawat pakiramdam ko sa mga nagdaang araw ay aking itinala sa makapal at mumunting kwadernong dating pinagmamay-arian ng aking yumaong ama.

Nang dumating ang tanghali, ibinigay sa akin ni Prudencia ang isang kararating pa lamang na maliit na sobre. Sa malapad na mukha nito, ay nakilala ko ang nakatatak na simbolo.

Isang maliwanag na araw na may walong silahis. Sa gitna ng araw na iyon ay may hugis-kalawit na buwan.

Ito ang simbolo ng Sinag Araw. Ang simbolo ng aking kapatiran.

Pagkabigay ni Prudencia, binuksan ko kaagad ang natanggap na sobre. Laman nito ay isang mensahe na mula pa kay Padre Paterno, ang Unang Sinag. Ayon sa sulat, may mahalagang pagpupulong ang magaganap mamayang gabi sa Piedra del Sol, ang nakatagong lugar kung saan ginaganap ang mga malalaking pulong na kalimitang ginagamit sa pagpupulong ng lahat ng mga kasapi ng Sinag A

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status