Share

Paratang

Hindi na umuulan sa araw na iyon. Wala ring namumuong maiitim na ulap sa kalangitan. Buo ang pagkaaliwalas ng panahon. Masasabing isang napakagandang araw ito upang magising.

Buo ang pamilya Agoncillo na kasama kong kumakain ng pananghalian sa komador. Sinabayan ko silang kumain ng piniritong tilapia na siyang ulam namin sa tanghaling iyon. Gaya noon, pilit ko na lamang itong kinakain kahit walang nalalasahang sarap upang hindi nila ako mapaghihinalaan. Simula ng makarating ako rito, ang dugo ng mga alagang hayop sa rantso gaya ng mga manok at kambing ang siyang pinagkukunan ko ng lakas. Ang pag-inom ko ng dugo ng mga hayop ay hindi man kasingsarap gaya ng dugo ng tao ngunit napapawi rin naman nito ang aking matinding uhaw. Bagkos, ilang araw din akong sinanay noon upang magawa kong sipilin ang pagkauhaw sa dugo ng tao.

Katabi ko sa aking inuupuan sina Manuela at Laura. Sa harapan naman namin ay sina Tiya Dolores at ang iba pang mga kapatid ni Manuela. Nasa unahang dul

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status