Share

Chapter 31: Jackpot

"MAY TUTUTOL ba sa kasalang ito?"

Tanong ng Pari sa mga naroon bago simulan ang seremonya ng kasal. Napalingon silang lahat nang magkaroon ng kumusyon sa paligid.

"May tumutol ba?" Kabadong tanong ni Mark sa sa isang staff na lumapit sa kinaluhuran nila ni Marie.

"Wala po, sir. Si Ma'am Jhaina po kasi biglang sumakit ang ulo kung kaya ang kasama niyang babae ang pansamantala na papalit sa kanya bilang partner ni Sir Zoe."

Nakatingin lang si Zoe sa babaeng inalalayan ng magulang nito marahil papunta sa hindi mataong lugar. Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil natatabingan ng kasama at nakasapo ang dalawang kamay sa ulo.

"Kung walang tutol, itutuloy na natin ang kasal," wika muli ng Pari.

Nanginig pa ang kamay ni Mark nang pinasuot na ng pari ang singsing sa kanyang kabiyak.

"Nababakla ka na naman." Pabulong na saway ni Marie sa lalaki.

"Mamaya papatikim ko sa iyo paano magromansa ang baklang sinasabi mo!" pabulong din na sagot ni Mark matapos maisuot ang singsing sa asawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status