ANMELDENPaano kung ang babaeng minsang ipinagpalit ng kanyang asawa ay magising sa mundong siya mismo ang sumulat—bilang isang mistress? Si Elise ay isang bestselling author na nawalan ng lahat ng ari-arian dahil sa pagtataksil ng sariling asawa. Ngunit matapos ang isang aksidente, nagising siya sa loob ng sariling libro bilang si Isabella Laurent, ang babaeng minamahal ni Alexander Blackwood, isang lalaking nangakong iiwan ang kanyang legal na asawa para sa kanya. Ano'ng mangyayari kay Elise, sa panibagong buhay na haharapin niya sa loob ng libro lalo na't siya ang magiging kontrabida sa sariling niyang kwento.
Mehr anzeigenELISE MARQUEZ POV
“Sign here. And leave this house.” Malamig na inilapag ni Adrian ang divorce papers sa harap ko. Dalawang taon ko siyang minahal, ngunit ngayon, gusto na niyang tapusin ang pagsasama namin. “Dahil ba ito kay Vanessa?” mapait kong tanong. “Desperado ka na bang makasama siya kaya gusto mong umalis na agad ako para siya ang ipalit mo sa akin?” “Do you want the truth? I don't really love you. You're a boring woman! Walang-wala ka sa kalingkingan ni Vanessa! Nagsisi ako kung bakit ikaw ang pinakasalan ko at hindi siya!” Parang gumuho ang mundo ko sa mga salitang iyon. “Kung ganoon, si Vanessa nga ang dahilan ng lahat ng ito! Binilog ka lang ng babaeng iyon, Adrian! She only wants your money. Malaki rin ang inggit niya sa akin kaya gusto niyang masira ang pagsasama natin!” “Enough, Elise!” sigaw niya. Napaupo ako habang pinipigilan ang mga luhang nagbabantang tumulo. Pagod na akong ipaglaban ang lalaking ayaw na sa akin. “Kung iyan ang gusto mo, fine. Tapusin na natin ang lahat. Magsama kayo ng kabit mo.” Nanginginig kong kinuha ang bolpen at pinirmahan ang divorce papers. Ngunit hindi pa pala sapat iyon para kay Adrian. Gusto niyang bawiin ang lahat ng ibinigay niya sa akin, katulad nang bahay, kotse, at maging ang mga investment na nakapangalan sa akin. “Adrian, hindi ko kailangan ang pera mo. Pero bakit kailangan mong kunin pati ang mga bagay na ibinigay mo sa akin?” “That's all my money I spent on you. All of it will be given to Vanessa. Wala akong iiwan sa'yo. Nagkaintindihan ba tayo? Siya ang papalit sa'yo, Elise.” Mas masakit pa sa paghihiwalay ang malaman na wala palang halaga sa kaniya ang dalawang taong pinagsamahan namin. Gayunpaman, pinili kong tanggapin ang lahat kaysa manatili sa isang relasyong ako na lamang ang lumalaban. Pagkaalis ni Adrian, tuluyan akong napaiyak. Sa halip na mag-impake agad, binuksan ko ang laptop ko at ibinuhos sa pagsusulat ang lahat ng sakit at galit na matagal ko nang kinikimkim. May isang bagay na hindi alam si Adrian tungkol sa akin. Bukod sa pagiging asawa niya, isa akong sikretong bestselling author sa ilalim ng pen name na E. L. Winter. Dahil sa unti-unting pagkasira ng aming pagsasama, nakabuo ako ng isang nobela tungkol sa lalaking may asawa ngunit pinipiling ipagpalit ang legal niyang asawa sa kaniyang mistress. Pinamagatan ko itong "The Forbidden Mistress." Naging bestseller ang kuwento nina Alexander Blackwood, isang mayamang negosyanteng hindi kayang panindigan ang responsibilidad bilang asawa. Habang si Serena Blackwood, ang legal na asawang magdurusa dahil sa pagtataksil ni Alexander at Isabella Laurent, ang mistress na mahuhulog kay Alexander kahit alam niyang may asawa na ito. Hindi ko namalayang nailalagay ko pala sa mga tauhan ang sarili kong sakit at galit. Habang isinusulat ko ang kanilang kuwento, para ko na ring inilalabas ang mga emosyong hindi ko masabi kay Adrian. Matapos kong isulat ang pinakabagong kabanata tungkol sa pagpunta ni Serena sa dinner date nina Alexander at Isabella upang mahuli ang pagtataksil ng kaniyang asawa, nagpasiya muna akong huminto at mag-impake ng aking mga gamit. Pagkatapos, umalis ako upang pumunta sa bahay ng lola ko. Ngunit habang nasa biyahe, sinabi ng driver na kailangan naming dumaan sa ibang kalsada dahil may aksidente sa unahan. Maya-maya, biglang huminto ang sasakyan. “Ma'am, may tumawid po yata—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang makarinig kami ng malakas na busina, kasunod ang matinding kalabog na nagpayanig sa buong kotse. Tumagilid ang sasakyan, nabasag ang salamin, at tumama ang katawan ko sa pintuan. “Ah!” Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman ang mainit na dugong dumadaloy sa gilid ng aking mukha. “Ma'am! Naririnig n'yo po ba ako?” Gusto kong sumagot, ngunit hindi ko na maigalaw nang maayos ang katawan ko. Unti-unting lumabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan nang dumilim ang lahat. Sa huling sandali bago ako mawalan ng malay, isang tanong ang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko. Magkakaroon pa kaya ako ng pagkakataong magsimulang muli? At sa kabila ng lahat ng sakit na dinanas ko, may isang bagay akong lihim na hiniling. Sana, sa susunod kong buhay, ako naman ang maging Vanessa. . . ang babaeng pipiliin ni Adrian, ang babaeng mamahalin niya, at ang babaeng hindi niya kailanman kayang iwan. Hindi ko alam na ang aksidenteng iyon ang magiging simula ng isang pangyayaring hindi ko kailanman naisip na posible palang mangyari. “MISS! MISS! GISING NA PO!” Nagising ako sa mahinang tawag ng isang babae. Pagmulat ko ng mga mata, bumungad sa akin ang isang marangyang kuwartong may mamahaling chandelier, gintong kurtina, at malawak na walk-in closet. Nagtaka ako dahil hindi ito ang kuwarto ko o isang ospital. Ang huling naaalala ko ay ang malakas na impact ng pagkakabangga ng sinasakyan kong kotse. “Nasaan ako?” tanong ko sa babaeng nakasuot ng uniporme ng katulong. “Miss Isabella, mabuti naman po at gising na kayo.” Napakunot ang noo ko nang tawagin niya akong Isabella. Ipinakilala niya ang sarili bilang Maria, ang personal maid ko, at iniabot ang isang cellphone na may litrato ng babaeng kamukha ko. Nang tumingin ako sa salamin, tuluyan akong natigilan. Hindi na ako ang dating Elise. Mas mahaba ang buhok ko, mas makinis ang balat, at mas elegante ang hitsura ko. “Maria, nasaan tayo?” nanginginig kong tanong. “Nasa Blackwood Mansion po tayo.” Nanlamig ako nang marinig ang pangalan ng mansiyon. Pamilyar iyon dahil ako mismo ang lumikha nito sa nobela kong The Forbidden Mistress. Agad kong tinanong si Maria kung sino si Isabella Laurent, ngunit ang sagot niya ang tuluyang nagpabago sa lahat. “Kayo po si Isabella Laurent, Miss.” Napaupo ako sa gilid ng kama. Hindi ako makapaniwalang napunta ako sa sarili kong nobela at naging Isabella, ang mistress na isinulat ko para magkaroon ng masalimuot na kapalaran. Kinurot ko ang sarili upang makompirma kung panaginip lamang ang lahat, ngunit ramdam ko ang sakit. Habang pilit kong inuunawa ang nangyayari, sinabi ni Maria na may naghihintay sa akin sa ibaba para sa aming dinner date. “Sino ang naghihintay sa akin?” “Si Mr. Alexander po.” Halos mawalan ako ng lakas nang marinig ang pangalan ni Alexander Blackwood, ang male lead ng nobela ko. Totoo bang nagkatotoo ang lahat ng isinulat ko? At bakit ako ang naging kabit sa halip na legal na asawa? Dahil gusto kong malaman ang katotohanan, nagpasiya akong bumaba. Pagdating ko sa sala, natigilan ako sa lalaking naghihintay sa tabi ng p***o. Matangkad siya, nakasuot ng mamahaling itim na suit, at may hawak na bouquet ng pulang rosas. Ngunit hindi ang mga bulaklak ang nagpahinto sa akin. Ang mukha niya. Ang mga mata, ilong, labi, at maging ang paraan ng pagngiti niya ay kahawig na kahawig ni Adrian, ang lalaking sumira sa puso ko. Ngunit ang tawag sa atensyon sa akin, ang maitim na nunal nito sa kanyang panga na wala niyon si Adrian. “Why are you still here? I've been waiting for you downstairs,” nakangiting sabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Wala sa sariling tinanggap ko ang mga bulaklak habang nakatitig sa kaniya. Marahan niyang hinawakan ang baywang ko at hinalikan ako. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nakagalaw hanggang sa humiwalay siya at ngumiti. “What's wrong? You look like you've seen a ghost.” “Nothing,” maikli kong sagot habang bahagyang napaatras. Sa isip ko, iisa lang ang gusto kong sabihin. Para kong muling nakikita ang multo ng lalaking nagtaksil sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang kamukha ni Alexander ang dati kong asawa. Kundi lang dahil sa nunal nito, baka halos pareho na talaga ang dalawa. Mas nakakatakot isipin na sa mundong ito, ako ang babaeng minamahal niya, ngunit mistress lamang ako. Hindi bilang legal wife. Dahil alam kong mahalaga ang gabing iyon sa kuwento, nagpasya akong sumunod muna sa mga pangyayari habang iniisip kung paano ko mababago ang kapalaran ni Isabella. Nagsuot ako ng eleganteng pulang gown bago sumama kay Alexander sa restaurant. Sa buong biyahe, abala ang isip ko sa pag-alala sa orihinal na kuwento. Sa huling kabanatang isinulat ko, nakatakdang pumunta si Serena, ang legal na asawa ni Alexander, sa kanilang dinner date upang mahuli ang pagtataksil nito. Pagdating namin sa restaurant, nagulat ako dahil wala itong ibang tao. “I reserved the restaurant for us,” sabi ni Alexander. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang saya. Hindi ko pa naranasang tratuhin nang ganoon, kahit noong kami pa ni Adrian. Naupo kami sa isang mesa na tanaw ang buong lungsod. Habang kumakain, napansin kong panay ang tingin ni Alexander sa akin. Pagkatapos ng hapunan, hinawakan niya ang kamay ko at seryosong tumingin sa aking mga mata. “There's something I want to tell you tonight.” Bigla akong kinabahan. Alam kong may mahalagang mangyayari, ngunit hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyong kinasasangkutan ko. “Alexander, paano si Serena? Does your wife know about us?” mahina kong tanong. Saglit siyang natahimik bago sumagot. “Don't put her name on our date, please. Tonight, this is for the both of us.” Hindi ako mapakali. Ayon sa orihinal kong kuwento, araw ngayon ng ikalawang wedding anniversary nina Alexander at Serena. Ngunit sa halip na kasama ang legal niyang asawa, ako ang kaharap niya ngayon. “Hindi mo pa rin ba siya hinihiwalayan?” tanong ko dahil sa pagtataka. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, inilagay niya sa harap ko ang isang maliit na pulang kahon. Napanganga ako nang buksan niya iyon at makita ko ang isang kumikinang na diamond ring. “Isabella, ikaw ang gusto kong makasama. I want to give this ring to you. Gusto kong pakasalan ka sa tamang panahon.”Pagkapasok pa lang namin ni Alexander sa silid namin wala na kaming pinalampas na panahon at agad na akong naghubad sa kanyang harapan at sinunggaban siya ng halik na para bang sabik na sabik ako sa kanya. Natawa naman siya nang sumampa agad ako sa kanyang kandungan nang maupo ito sa dulo ng kama habang hinahalikan ako nang bayolente. "Hindi naman halatang namimiss mo ako, Isabella," he whispered while sucking my lips. Nilayo ko muna ang labi ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Nakipagtitigan ako sa chinito nitong mga mata. "Isang linggo ka ba namang nawala. Sino'ng hindi?" Namungay ang mga mata nito. "Bakit parang kakaiba ka yata ngayon? Ilang beses namang nangyari na hindi ako madalas umuuwi rito. Minsan umabot pa nga ng isang buwan, hindi ako pumupunta rito pero marunong ka namang maghintay sa akin. You never complain about it. Nakikinig ka rin sa akin kapag pinagbawalan kitang lumabas." Hinimas niya ang bewang ko at sinimulang halikan ang balikat ko. Tumindig
Nagsuot ako ng isang backless white dress na ang haba hanggang above the knee. Gusto kong malinis tingnan sa pagpunta ko ng hospital. Nagpahatid lang ako kay butler Rey. Nagtaka pa nga ito kung bakit ako lalabas ng mansyon lalo na't pinagbabawalan ako ni Alexander na lumabas. "Gusto ko lang makita si Alexander. May problema ka ba kung pupunta ako roon?" medyo irita kong tanong dahil halata namang ayaw din niya akong papuntahin kay Alexander. "Wala po, Ma'am. Baka lang po kasi pagalitan ako ni boss Alexander kapag pinalabas ko kayo ng mansyon. Ayaw pa naman nu'n na umaalis kayo hangga't hindi niya sinasabi.""Hindi ako bilanggo para manatili nalang sa mansyon na iyon. Aanhin ko ang malaking bahay na bigay ni Alexander sa akin kung hindi ko naman siya nakakasama roon." Hindi ko sinadyang mainis ng husto. Feeling ko kasi naka preso lang ako roon at walang ibang gawin kundi hintayin si Alexander. Ang panget pala ng kwentong sinulat ko para kay Isabella. Wala siyang kakayahang gawin lah
"Hindi ko hahayaang masira ni Serena ang dinner date nating dalawa, Isabella. Magpapatuloy tayo ngayong gabi," mahinahon na sabi ni Alexander. Agad akong tumango dahil parte iyon ng plano ko. Lahat gagawin ko, lahat ng gusto ni Alexander susundin ko at iparamdam ko sa kanya kung gaano ako ka swerte sa kanya pero sisiguraduhin kong susuko rin siya sa akin. I will make him fall for me harder until he can't breathe anymore without me. Gagampanan ko ang pagiging kabit at sulitin ang buhay habang mahal na mahal pa ako ng lalaking ito. Alam kong mali itong pinasok ko, pero dahil nandito na ako sa papel na ito. I want to fell how it feels like became a mistress. I have other plans to do the right thing. And I'll make sure he will regret it later. Dinala niya ako sa isang mamahaling hotel room para sabayan ako sa pagligo. Hindi ipagkaila na naisip kong siya si Adrian habang hinuhubaran niya ako ng damit. Masiyadong sexy ang suot ko sa ilalim kaya kita ko ang pagnanasa sa kanyang m
"What for? Bakit gusto mo akong pakasalan, Alexander?" gulat kong tanong. "This is my promise ring to you. Kapag naayos ko ang meroon sa amin ni Serena. Ikaw ang papakasalan ko, Isabella."Isusuot na sana ni Alexander ang singsing sa kamay ko pero na windag kaming dalawa sa pamilyar na sigaw ng isang babae. "Alexander?"Napalingon kami sa babaeng biglang pumasok sa marangyang restaurant. Magulo ang buhok niya, namumugto ang mga mata, at halatang ilang oras nang umiiyak. Dalawang guard ang sumusubok na pigilan siya, pero patuloy siyang pumipiglas habang pilit na lumalapit sa mesa namin."Bitawan ninyo ako! Asawa ko ang nasa loob! Wala kayong karapatang pigilan ako!" sigaw niya.Si Serena Blackwood iyon, ang legal na asawa ni Alexander at ang babaeng isinulat ko sa nobelang 'The Forbidden Mistress'Napatingin ako sa kaniya at hindi ko maiwasang mapangiti sa loob-loob ko.Wow, eksaktong-eksakto ang eksena! Kung paano ko ito gustong isualat, iyon din ang nangyayari ngayon.Sa orihinal









![The Secret Wife's Temptation [Filipino Romance]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)








Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.