Share

chapter 2

Author: LalaRia
last update Last Updated: 2025-03-07 16:16:57

Hindi malaman ni Faith kung paano siyang naka alis sa poder ni Zack, basta’t namalayan niya na lamang na naka uwi na siya sa kanyang apartment, ngunit kahit naka pasok na siya’t lahat at komportable nang naka upo sa malaking sofa na naroon sa kanyang sala ay ramdam niya pa rin ang malakas na pag wawala ng kanyang puso, dahil sa pinag halong takot, pagtataka at pagka lito kasama pa ang tanong na-

 

Anong ginagawa sa Paris ng isang Zach Matthew De Guzman?

 

Masyado naman siyang mag papaka feeling kung ipipilit niyang isiping narito ang binata para sa kanya, aba’t naging isang sikat na model na siya ngunit alam niya rin naman na hindi siya ganoon ka ganda para sundan ng isang bilyonaryo na nga gwapo pang tulad ni Zack.

 

Marahas na napa buntong hininga si Faith saka pilit na inalis sa isipan ang kanyang ex.

 

Nagkandahilo-hilo pa siya sa lakas ng pag iling.

 

Pasado alas onse na ng gabi at heto siya’t halos hindi malaman ang gagawin gayong madalas tuwinang pagtapos ng trabaho ay deretso siya agad sa kanyang silid upang mag pahinga.

 

Mayamaya pa ay halos mapatalon siya sa gulat dahil sa malakas at sunod-sunod na katok sa kanyang pinto.

Muli pang napa sulyap si Faith sa kanyang orasan saka nangunot ang noo.

 

Sino ba naman ang baliw na bibisita gayong halos hating gabi na?

 

Mabilis na kumilos si Faith at patalong umalis mula sa pagkakasalampak sa sofa upang sagutin ang pinto.

 

Na sana pala ay inalam niya muna kung sino ang kumakatok bago niya pinag buksan.

 

Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang naka simangot at masama ang tinging si Zack sa harap ng kanyang pinto.

 

“Cat got your tongue?”

 

May bahid ng inis na sabi nito.

Hindi naman iyon binigyan ng pansin ni Faith sa halip ay pinag taasan niya pa ito ng kilay.

 

“Ano naman ang ginagawa mo rito? At paano mo nalaman kung saan ako nakatira?”

 

Mataray niyang tanong dahilan upang lalo lamang mapa simangot ang binata.

 

“Ang sungit mo ah? Akala mo naman gusto talaga kitang puntahan dito.”

 

Naka nguso pang sabi nito saka walang sabing nag tuloy lamang papasok sa loob ng kanyang apartment, nakuha pa siya nitong itulak ng marahan pa tabi saka deretsong naupo sa sofa.

“Aba’t kumapal yata masyado ang mukha mo sa loob ng tatlong taon, Zack?

Wala naman akong maalala na sinabi kong PUMASOK KA!”

 

Taas ang kilay niyang sabi saka sinamaan ng tingin ang lalaki na ngayon ay prente nang naka upo sa kanyang mumurahing sofa.

 

“I am Zack Matthew De Guzman, I can do everything I want and that includes going in to your house whenever I want to.”

 

Preskong sabi nito dahilan para siya mapairap.

 

“Kung isa iyon sa mga kapangarihan mo bilang mayaman at anak ng bilyonaryo, has it ever occur to you na hindi iyon katanggap- tanggap dito?

Kumag ka, lumayas ka nga rito.”

 

Inis niyang sabi saka sinamaan ng tingin ang binata na nakuha pang umiling-iling habang tila sobrang disappointed na nakatitig sa kanya.

 

“Wala ka pa ring piinagbago, Faith.

You are still rude.”

 

“At wala ka ring pinagbago Zack, hambog ka pa rin.

Aba sabagay hindi naman ako mag tataka, inborn na yata iyang ka hambugan mo.”

 

Sagot niya saka ngumisi ng mapang asar dahilan upang tila lalong mag dilim ang mukha nito.

 

“At mukhang pikon ka pa rin hanggang ngayon, ano nga ba kasi ang ginagawa mo rito?”

 

Inis niyang tanong.

 

“I don’t mean to be rude, but you are not welcome here.”

 

Dagdag niya pa, lalo pang nadagdagan ang inis niya nang ngisihan rin siya nito pabalik.

 

“Tingnan mo nga naman, mas inuna mo pa talaga ang makipag diskusyon at makipag away kaysa ang mag suot ng pantalon o kahit shorts man lamang.”

 

 

Naka ngising sabi nito saka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

 

Marahan pang napa singhap si Faith sabay tinapunan ng tingin ang sariling bihis.

Kulang na lamang ay manlaki ang mga mata niya dahil sa gulat at pagkataranta nang makita ang sariling itsura.

 

Bakit ba hindi niya man lang naisip na isang manipis na kulay puting sando at green na hello kitty printed ang kanyang panty bago niya pinagbuksan ang pinto?

 

Sandali pang napalunok ng sariling laway si Faith saka tarantang nag hanap ng matataguan o kahit bahasahang pan takip man lamang.

Sa pag mamadali pa ay nagkanda buhol ang magkabila niyang paa dahilan para siya matumba.

Pakiramdam niya ay tila siya isang manikang itinapon sa sahig at naunang bumagsak ang nguso na mukhang na siya pang naging basahan.

 

Ramdam niya ang pag init ng magkabila niyang pisngi dahil sa kahihiyan lalo pa at kasabay niyon ay narinig niya ang mahinang tawa ng hudas na si Zack.

 

“A-aray ko, anak ng pating naman oh!”

 

Reklamo niya sa sarili saka mariing napa pikit.

 

 

“Hmm mukhang hindi lang ang masama mong ugali ang hindi nag bago ah?

Hanggang ngayon pala lampa ka pa rin, paano ka bang nakuha sa pagiging model?”

 

Mapang asar na sabi ni Zack na sa halip ay tulungan siya, nakuha pa siyang pag tawanan.

 

Naka dapa pa rin sa sahig na pilit niya itong nilingon upang samaan ng tingin.

 

“Ano na? Hindi ka pa rin babangon?”

 

Tumatawa pa ring sabi ng lalaki.

 

“Hindi, I like it on the floor, pangarap ko kasing maging GOLD FISH na tumalon mula sa aquarium, ‘eto na ang pagkakataon ko, ayaw ko nang sayangin.”

 

Pilosopo at sarkastiko niyang sabi.

 

“Gold fish? Mukha ka kamong palaka.

Get up, I can almost see your butt.”

 

Utos sa kanya ni Zack, muli pang namula ang mga pisngi ni Faith nang makita kung paanong titigan ni Zack ang matambok niyang pang upo na natatakpan lamang ng manipis niyang Hello Kitty printed na panty.

 

“Bastos!”

 

Inis at pasigaw niyang sabi saka dali-daling bumangon at dinampot ang tsinelas tapos ay walang pag dadalawang isip na binato niyon si Zack.

 

Narinig niya pa ang mahinang tunog niyon nang tumama iyon sa ulo nito at tumalbog sa noo.

 

“What the hell, Faith! That is so childish, kasalanan mo naman kung bakit ka nadapa ah, lalampa-lampa ka kasi tapos saakin ka magagalit, kapag wala ba ako dito kanino ka magagalit? Sa sahig?”

 

Inis na sabi ni Zack saka dinampot ang tsinelas niyang ipinambato rito, mabilis pa siyang napa talon matapos maisip na tila ibabato rin iyon sa kanya pa balik ni Zack.

Sa halip ay lalo lamang itong ngumisi.

 

“Huwag kang tumalon, your boobs are bouncing, it’s turning me on.”

Pilyong sabi nito, sa inis ay muli niya pang dinampot ang isa pang tsinelas saka walang habas itong muling binato.

 

“Aba’t sige, huwag ka pang tumigil, hahalikan na kita.”

 

Bagama’t pilyo ay may halong pag babanta sa tinig na sabi ni Zack, hindi naman iyon pinansin ni Faith sa halip ay nag hanap pa ng ibang bagay na ibabato pa rito dahil sa inis.

 

Nakita niya ang pag mamadali nitong lapitan siya bago niya paman ibato rito ang nahawakang isang maliit na vase.

“Masakit ‘yan, Faith ah!”

 

Seryosong sabi nito saka inagaw iyon sa kanya, dahil sa tangkad ng lalaki ay wala rin siyang nagawa, lalo pa at kasabay ng pag agaw nito niyon sa kanya ay mabilis din siya nitong hinila palapit dahilan upang masubsob ang mukha niya sa dibdib nito.

 

“Ano ba, hindi naman mukhang dagat ang dibdib mo para pag dive-in mo ang mukha ko.”

 

Inis niyang sabi saka pilit itong tinulak palayo na mabilis naman nitong tinutulan.

 

“Hindi nga dagat, pero kunwari airplane ang dibdib ko tapos airport naman ang noo mo, sakto iyon.”

 

Naka ngisi pang sabi nito dahilan upang mag pumiglas na siya, muli pa iyong tinutulan ni Zack sa halip ay mas hinigpitan pa nag yakap sa kanya.

 

Naka dikit na halos ang kanyang pisngi sa dibdib nito, rinig niya rin halos ang malakas na tibok na puso nito.

 

“KUMAG AKO, KUMAG AKO, KUMAG AKO!”

 

Paulit-ulit niyang sabi.

 

“What?”

 

Takang tanong ni Zack dahilan upang siya’y mapa ngisi.

 

“Naririnig ko ang tibok ng puso mo, kumag ka daw, iyon ang sabi.”

 

Mapang asar niyang sabi, kulang na lamang ay mag papadyak si Faith kasabay ng mariing pag hawak sa sariling noo nang ubod ng lakas iyong pitikin ng hudas.

 

“Aray ko naman, ano nga kasing kailangan mo? Ang dami pang alam, may payakap- yakap ka pa, mano ba namang mag sabi ka na lang kung anong trip mo?”

 

Inis niyang sabi, gusto niya mang gumanti ay hindi niya na sinubukan, umabot lamang sa balikat nito ang height niya’ng 5’5, alam nyang hindi rin siya mananalo.

 

Nakita ni Faith ang pag seryoso ng itsura nito kasabay ng’ isang mapanganib na tingin dahilan upang siya ay makaramdam ng kaunting kaba.

 

 

“I want to know why you chose to leave me three years ago without even trying to break up with me first!”

 

Sabi nito, napa tanga na lamang naman si Faith sa binata saka pasimpleng sinulyapan ang isang malaking globo na naka display sa kanyang sala.

 

“N-nag punta ka talaga ng Paris para lamang sa tanong na iyan?”

 

Kunot-noo niyang tanong.

 

“I have a business here, I am doing partnership with a huge company, got bored so I watched your fashion show, nakita kita kanina wearing almost nothing so I figured maybe I should ask you, you left one Zack Matthew De Guzman for THAT?”

 

“I left because I have a dream, Zack.

May nanay akong kailangang buhayin sa Pilipinas, hindi naman kasi ako ubod ng yaman kagaya mo, kailangan kong kumayod at mag banat ng buto para may maibuhay sa pamilya ko.

Ngayon sagutin mo ako, anong ginagawa mo rito?”

 

Seryoso niya ring sabi, muli pang napa ngisi si Zack, marahas siyang napa singhap nang walang habas siya nitong hilahin nanaman palapit.

 

“I wanted to do this…”

 

Sabi nito, hindi na siya nakapalag nang salubungin ni Zack ng isang malalim na halik ang kanyang labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Langit Sa Piling Mo   110 prologue

    Walang tigil sa pag indayog ang baywang ni Faith sa pag sunod sa bawat saliw ng tugtuging siya lamang ang nakaka rinig, ang isa niyang kamay ay may hawak na sandwich habang ang kabila naman ay abala sa pag hahalo sa niluluto. “Woah! You seem very energetic today, good morning Mrs. De Guzman…” Muntik pang mabitawan ni Faith ang hawak na sandok nang mula sa kanyang likuran ay bigla na lamang nag salita si Zack. Agad pa siyang napa ngiti nang sa pag lingon ay nakita niiya itong naka hubad, naka tapis lamang ang isang manipis na tuwalya sa ibabang parte ng katawan nito. “I’m Mrs. De Guzman?” Amazed na sabi ni Faith sabay mas nilakihan pa ang ngisi nang mapa ngiwi ito. “Hindi mo alam?” “Alam… hindi lang sanay… I mean hindi pa! Sanay…” Hindi pa rin mawala ang ngiting sabi ni Faith. “Are you hungry?” Tanong niya saka napa pikit nang lapitan siya nito’t mahigpit na niyakap sa bewang sabay halik sa kanyang leeg. “Yes, very hungry… But not for food…” May kalandian sa tinig na sabi n

  • Langit Sa Piling Mo   109

    “Faith ano ka ba, kanina ka pang pabalik-balik sa salamin… Ma l-late na tayo…” Natatarantang sabi ni Thalia habang pilit na inaayos ang laylayan ng suot niyang gown. “Oo na, sandali anlang kasi… Sure ka ba na okay na ako?” Faith asked as she worriedly watched her own reflection in the mirror. Hindi niya na lamang pinansin ang halos sabay na pag buntong hininga nina Zane at Agatha na katulad ni Thalia ay nag hihintay rin sa kanya. Kanina pang naka bihis at nakapag ayos ang mga ito samantalang siya ay hindi na yata mabilang kung ilang beses nang nagpapa balik-balik sa salamin. “I think my make up is too much, is it too much?” Faith asked again. “Ate Faith, you look okay, no… you don’t look okay, in fact you look beautiful… Isa sa pinaka magaling na make up artist at stylist ang nag ayos sa iyo, bukod doon, dati ka nangf maganda, dati ka nang sexy…Ano ba ang ipinag aalala mo?” Nangungunsumi nang sabi ni Zane sabay sunod-sunod na napa iling habang mataman siyang pinagmamasdan. “

  • Langit Sa Piling Mo   108

    Isang mahigpit na yakap ang agad na isinalubong ni Faith sa ina pag pasok niya pa lamang sa kanilang munting tahanan. Bakas man ang panghihina sa mukh nito dahil sa karamdaman ay hindi pa rin naman na itago niyon ang tuwa sa mukha ng ina. “Parang ang saya mo naman yata ngayon ma? Na miss po kita…” Naka ngiting sabi ni Faith, isa pang mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito bago tuluyang tumayo ng maayos upang kausapin ito. “Malalkas kasi ang pakiramdam ko na may maganda kang balitang ibibigay sa akin ngayon, so ano kamusta naman ang bakasyon mo kasama si Zack? Mukhang masayang masaya ka ah?” Halos umabot sa tenga ang ngiting sabi nito, kunwari namang napasiumangot dito si Faith. “Well, despite the fact na sumama ang loob koi dahil mukhang ibinenta niyo ako kay Zack, kayo ni David De Guzman at kahit pati si Zane yata, I am still very mych thankful that you did… I had so much fun ma… Thank you…” Sagot niya saka pasimpleng napa ngisi nang ito naman ang sumimangot. “Nagsisinungal

  • Langit Sa Piling Mo   107

    “What do you think they will say?” Wala sa sariling tanong ni Faith kay Zack habang piniling sa malawak ng dagat tumingin. “You’re asking about your mother and my father?” Ganting tanong ni Zack, sandali namqang napa ngiwi si Faith saka tumango. “Hindi ko lang maiwasang huwag mag isip. Sa timgin mo ba magiging ayos lang sa kanila kapag nalaman nilang umalis tayo ng manila ng magkagalit tapos pag balik natin biglang ikakasal na tayo?” ”Hmm.. That’s understandable lalo pa aat may sakit si tita Elisha… But trust when I tell you that whe they found out about us, they will be the happiest, sa tingin mo ba papayag ng ganoon na lang si tita Elisha na kidnappin kita para dalhin sa isla kung hindi siya umaasang magiging ayos tayo pag balik?” Zack whispered through her ears as he hugged her from the back. Agad pang natigilan si Faith nang biglang maalala ang isang bagay na matagal niya nang gustong itanong kay Zack. “Bakit at paano nga pala kayong naging okay ng nanay ko? The last time

  • Langit Sa Piling Mo   106

    “Uhhm… What did you just say?” Nanlalaki ang mga matang tanong sa kanya ni Thalia nang hindi na rin siya naka tiis at nag sabi na rin siya rito. Napa ngiwi pa rito si Faith saka nag iwas ng tingin. “I said, Zack asked me to marry him, I said yes…” Halos pabulong niyang sabi sabay nalipat ang tingin kay Zack na nasa ‘di kalayuan lamang at kausap si Jared. Now they seemed to be getting along already… Faith smiled at the thought, but not so long till Thalia gently pulled her by the arm. “Ano ba? Kailangan talagang mang hila?” Kunwaring inis na sabi ni Faith saka napa ngisi nang samaan siya ng tingin ng kaibigan. “I know I advised you to give yourselves a chance to be happy but I didn’t expect na gagawin mo agad… This is marriage we are talking about now, Faith… Sigurado ka ba?” Naiinis man ay bakas pa rin ang pag aalala sa tinig na sabi pa ni Thalia. A loud sigh escaped Faith’s throat as her gaze again shifted to where Zack is. Sigurado nga ba siya? Bulong niya sa sarili sab

  • Langit Sa Piling Mo   105

    “What?” Bakas ang lungkot sa mukha at halos pa bulong na sabi ni Zack. Mariin naman itiong tinitigan ni Faith bago muling nag salita. “Ang sbi ko, huwag na… Huwag mo na akong ligawan...” She repeated this time more clear. “F-Faith, I-” “No, Zack… I’m sorry… There is no way that can still change my mind… Ayaw ko nang ligawan mo ako…” “And I don’t have any intentions to back down, Faith… I already told you, I want you back… I mean what I said. I want you, I need you.. So liligawan pa rin kita kahit pa paulit-ulit mong sabihin na ayaw mo na…” Puno ng sinseridad na sabi ni Zack, malakas na napabuga na lamang naman ng hangin si Faith saka nag iwas ng tingin nang tila mas lumalim pa ang pag titig nito sa kanya. “Zack kasi… You don’t understand… You and I, we’ve been through a lot… We already hurt each other so much and I-” “And it’s all in the past now. Please… Whatever can I do to make you understand and to make you believe that my intentions to you are all real… I love you, I wil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status