Share

Chapter 05 - Demanding Boss

Bella Schist

Grabe na sa ‘Are you sure you can pass the interview?’ na ‘yan ha? Minamaliit ata ako nitong damuhong lalaking ‘to. Aba porket marami kayong pera pampasuweldo. How dare you?

Inhale… exhale. Cheer up self, kaya mo ‘yan! Habaan mo pasensya mo please, tandaan mo ‘yong free six-month vacation na ipinangako ni Hiro.

“That’s a nice question, Sir. I’m confident that I can pass this interview because of my transparent personality. Also, I am a flexible worker who can do things under pressure…” Sagot ko dito with matching ngiti.

“Your answer is a bit off.” Sir Lance coldly stated as he cut me off before he shrugged his shoulders.

I saw him smirked as if telling me that I have failed already but I still have the guts to smile at them. Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang mahirap kausap ‘tong Lance Joshua Sinclair na ‘to. Hindi ba gano’n naman talaga ‘yon? Sinagot ko naman ng maayos ah? Anong mali do’n?

“Hindi ‘to Miss Universe pageant, Miss.” Singit naman ng kasama niyang pogi pero mukha palang, mukhang babaero. Magkapatid na parehong malabong makapasa sa exam ng pag-aasawa.

“It says here in your resume that you studied finance, business and office administration. Do you have any… mhm… looking at you,” He paused scanning my work documents. “Any experience?” Tanong ni Sir Lance.

Please lang, ang iba diyan ay forged document na binayaran lang din ng boss ko myghad. Totoong nag-aral ako ng office administration at finance dahil mandato ni Hiro. Pero hindi totoo ang ilan sa nakalagay na work experience ko.

Bukod kasi sa work experience ko habang nagmamanage ng cafeteria ni Auntie Liu tuwing bibisita ako sa China at pagiging officer in charge ko tuwing wala si Hiro ay wala na akong ibang ginawa kundi magtrain sa loob ng kampo at sumabak sa mga delikadong misyon. Minsan naman ay nagtatravel ako pagkatapos magbigay ng medical mission.

“Ha?” Wala sa sariling sagot ko dito. Bakit niya tinatanong kung may work experience ako? Oh please, hindi ako marunong magsinungaling!

Lumapit pa lalo sa ‘kin ang kapatid ni Sir Lance at mapang-asar na nakangiti. “Virgin ka pa raw ba?” Biglang tanong niya ng wala man lang filter ang bunganga. Tangina di ako makasagot.

Napakunot ang noo at napataas ang dalawang kilay ko sa sobrang gulat at imbyerna. “Sir, I guess we should not make questions na masyadong personal.” Giit ko rito at napairap na lamang sa tanong niya.

Tumingin ako kay Sir Lance. Nagbabakasakali akong tutulungan niya ako na makatakas sa hotseat na ginawa ng letcheng kapatid niya. Pero sa kamalas-malasan ay demonyo rin pala ‘to. Napakibit balikat na lamang siya at nginisihan lang ako.

“Just answer his question.” Ani Sir Lance. Demonyo talaga ‘tong magkapatid na ‘to. Patay.

“Sus. Kunwari ka rin, bro. Sabihin mo ay interesado ka din malaman. Paunahan na lang tayo sa kaniya?” Wika ng kapatid niyang napakabastos ng bunganga at mukhang hindi naturuan ng good manners.

Bigla ako nakaisip ng kaharutan. Pwede naman taste the bitterness of your own pill kapag ganitong sitwasyon di ba? Tignan natin sino ang mauunang magugulat at sino ang unang mapipikon.

“Yes po, opo. Virgin pa. Never been touched. But I guess, ready na. Why po? Didiligan mo po ba?” Pa-inosenteng tanong ko sa mga ito.

“Shit!” Sabayang mura nila. I crossed my arms and looked at them, bored. Bahala kayo diyan. Kayo nagsimula niyan, tinatapos ko lang.

“At ayon na nga, namura pa ako kung kailan sinakyan ko trip ninyo. Aba kayo nagtanong, sumagot lang naman ako.” Sabi ko sabay irap.

Naiinis namang lumapit sa executive desk ang kapatid ni Sir Lance at kinuha ang nakalagay sa pen stand na fountain pen. He aimed it directly towards my direction when he was suddenly stopped by his brother. Inis naman na ibinalik niya ang kinuha niyang fountain pen sa orihinal na lalagyan nito.

“Kanina pa ako naiirita riyan sa pairap-irap mo na ‘yan babae ka. Subukan mo ulit umirap, tutusukin ko na talaga ‘yan ng ballpen.” Naiinis na wika nito.

“Subukan mo nang ikaw naman ang tutusukin ko ng matulis na lapis. Mahal mga ballpen sa collection ko. ‘Wag kang nagsasayang ng ink.” Pagbabanta naman ni Sir Lance sa kapatid niya kaya wala na itong nagawa kundi umupo sa sofa na nasa tabi niya.

Natahimik sila. Na naman. Nagtitinginan na naman na akala mo anytime ay may magsusuntukan sa harapan ko. Kagaya kanina ay matagal na walang nagsasalita. Tangina ng mga ‘to, mga siraulo pala.

“Inspect her things,” Biglang deklara ni Sir Lance at bumalik sa executive chair niya upang maupo. “Wala ka ititira ni isa.” Dagdag pa niyang sabi sa kasama niya. Napatingin ako sa kanila ng nagtataka.

Tumayo ang kapatid niya at hinablot sa ‘kin ang bag ko sabay kinalkal ito. Napanganga na lamang ako sa gulat at may katagalan din bago makarecover sa nangyaring panghahablot nito. Hindi ito nakuntento at talagang inisa-isa pa niya na itapon mga gamit ko sa sahig. Nyetaaa ‘yong napkin ko! 

“Ano ba?!” Hablot ko sa menstrual pad na isinuksok ko kanina sa bulsa ng handbag ko. Tinignan ko siya ng masabay sabay tago nito sa likuran ko.

“Meron ka?” Inosenteng tanong ng kapatid ni Sir Lance. Aba demonyo, kailangan bang meron ako para magbaon ako ng napkin?

“Wala! Hindi mo ba alam ang salitang ‘emergency’?” Sigaw ko rito sa sobrang gigil. Nakakahiya kaya ginagawa niya. Girl’s thing lahat ng ikinalat niya.

“Don’t you dare shout at my brother.” Babala naman ni Sir Lance na to the rescue sa kapatid niyang nakakahiya na ang ginagawa na pagkakalkal sa handbag ko. Jusko mahabagin.

“Uhm… I mean, w-wala po Sir.” Nakayukong sabi ko. Nagpatuloy ‘yong damuhong kapatid ni Sir Lance para itapon mga gamit ko sa sahig.

Napadasal na lang ako ng taimtim na sana ay walang mabasag sa mga gamit ko. Nakita niya ang secret pocket nito at kinuha doon ang phone ko. Gosh, pati ba naman ang phone ko mukhang mababasag sa kawalang-hiyaan ng lalaking ‘to.

The jerk of a guy handed my phone to his bossy brother. Sinenyasan naman ako ni Sir Lance to come over. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip ng dalawang mokong na ito.

“Lock screen passcode,” The bossy boss demanded. “And oh! Your home screen password too.” Dagdag pa ng Poncio Pilato sabay ngiti sa ‘kin nang nakakaloko. Hindi niya bagay ngumiti sa totoo lang.

Nilagay ko naman ang lock screen passcode ko at home screen password upang mabuksan ang phone ko. Mabuti na lang at nakaready ako sa pagkakataong ‘to.

Nakapagdelete na ako kagabi ng mga private messages at tanging ang text messages na lamang ni Khalis, kuya Kean at Auntie Liu ang nakasave sa messages na meron ako.

“Hmm ano kaya laman nitong separate wallet na ‘to?” Tanong nito. Nanlaki agad mga mata ko. Shit nakalimutan kong tanggalin sa ilalim na bulsa ng bag ko. Patay ako nito kay Hiro!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status