Share

Chapter 06 - Body Inspection

Bella Schist

“Secret Agent Service identification card. Ysabella Simonette Suarez y Ramos… Agent Snow?” Basa ng kapatid ng bagong boss ko sabay tingin sa ‘kin ng may pagtataka.

“Explain.” Wika ni Sir Lance kaya naman napakagat labi ako at buntong hininga. Paano ko ba sisimulan at saan ako mag-uumpisang magpaliwanag?

“Diamond Ace Secret Agency huh? Tangina ni Hiro, tol! Alagad niya pala ‘to. Lagot na.” Sigaw ng kapatid niyang epal kaya napalingon sa kaniya si Sir Lance.

“So? Who bullied her just now?” Sagot ni Sir Lance dito at napahawak sa sentido. “Hand me that one.” Utos niya pa.

“Ay ako ba?” Tanong naman pabalik ng kapatid niyang sira na ata ang ulo at mukhang may short term memory loss pa sa bilis makalimot habang inaabot ang pocket wallet ko.

“Hindi naman sa nagmamalinis pero ikaw lang ‘tong walang pasensya at hindi mahalata kung sino ang kaharap mo.” Malamig na tugon ni Sir Lance sa kaniya habang inaabot ang pocket wallet na hawak ng kapatid bago ibinaling ang tingin sa akin.

“Paano?” Tanong naman ng kapatid niya. Nakataas ang isang kilay at masamang nakatingin ito sa ‘kin.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila pero sa loob ko ay nagyeyelo na ako sa tinginan ni Sir Lance. Kung gano’n ay alam niya na mula pa kanina na isa akong secret agent? Lalo akong kinabahan sa lalaking ngayon ay kaharap ko. Anong klase ng multo ang kaharap ko ngayon, Hiro?

“I’m not that stupid. I’ve already seen you through, from the very first time I saw your eyes.” Wika niya na parang nagbabanta. “Black is not your real eye color. You’re wearing camera contact lenses. Am I right?” He said with a super intense gaze.

Pigil ang paghinga ko sa tinginan ng dalawang magkapatid na boss na kaharap ko ngayon. Iniisip ko na lang kung bakit ako ipinatapon ni Hiro dito sa lugar na ‘to. Unang araw pa lang Ysa ay pumalpak ka na agad sa trabaho. Palpak ka talaga.

“Uhm… actually, yes. I was only allowed to use contact lenses that is approved by my boss, Mr. Hernández. It is also a part of our work. As for my real eye color, mine is dark brown just like what we Asians have.” Mahabang sagot ko sa tanong niya.

But I am really sorry for my dishonesty, my real eye color is actually a hazel one. Hindi pwedeng malaman ng iba ang totoong kulay ng mata ko as it was ordered by Auntie Liu.

“Do you have a poor eye condition that you still need to wear them even if you know that you are applying for another job and you are not inside your camp?” Sir Lance curiously asked me.

“Bukod sa magagamit ko ito para makapagreport ng maayos sa boss ko, I also need them because I have a poor visual motor integration. I can hardly integrate my eye-hand coordination with visual interception and motor control. So, if you may please, Sir, I would like to ask you to allow me to wear such lenses.” Mahabang pagpapaliwanag ko sa boss ko na medyo malalim ang iniisip.

“Report of what? Don’t tell me you also have another agenda here?” Seryosong tanong niya. Ah yes, jusmiyo nadulas na naman ang pasmado kong dila.

“Hindi po ba kaya ako nandito ngayon? Dahil bukod sa kailangan mo ng secretary at personal assistant or should I say stay-in kasambahay dahil mukhang hindi na ako makakalabas dito sa opisina na ‘to ay kailangan mo rin ng bodyguard. Tama ba?” Direktang saad ko na wala nang kapreno-preno.

What’s there to hold back kung ‘yon naman talaga ang sinadya ko dito, di ba? Saka alam naman na din niya ang identity ko as an agent. Bahala silang mag-usap ni Hiro dito kung ayaw niya sa ‘kin edi go, wala namang sasakit sa organs ko.

Tumingin siya sa ‘kin na nagtataka at matagal ding hindi nakasagot. He cleared his throat before he started talking about my contacts. “Okay. I will allow you to use that one but stay the f away from me.” Wika niya at naglakad palapit sa executive chair niya.

“Okay po, Sir! Copied and pasted from your words to my little brain.” Masayang sagot ko sa kaniya.

Natigil siya ng bahagya sa paglalakad at humawak sa desk niya. He shifted his eyes to look for his brother before he spoke calmly as he suppressed his anger, “But who told you that I need a bodyguard? I only need an assistant. A damn assistant who can also serve as my secretary, you hear me? I don't need someone to watch over me, I am not a kid anymore.”

“Kalma. Itanong mo sa boss ko, Sir. Napag-utusan lang din naman ako na bantayan ka. Saka kung ayaw mo ng bodyguard ayos lang din naman since assistant mo nga ako gaya ng sabi mo so kung nasaan ka, surely kasama din ako. Makakapagreport pa rin ako kapag nagkataon.” Mahabang sagot ko.

“Tapos na?” Tanong ng kapatid ni Sir Lance. May pagkabastos din talaga ‘tong walang modo na lalaking ito.

“Yes po, tapos na po.” Sagot ko rito nang pabalang at may halong pagtataray bago inayos ang sarili.

“Then strip.” Prenteng saad ng magiging bagong boss ko at ngumiti ng todo. Aba’t talagang sinusubukan ata ako ng demonyo sa araw na ‘to.

“Tangina?” Napamura na lamang ako nang wala sa oras. Tama ba pagkakarinig ko? Ano raw, strip? Aba ang mga s***a. “Ano?!” Nabibinging tanong ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang talagang kumulo ang dugo ko at gusto ko nang magwalk-out sa opisinang ‘to. Ha! Asa ka! Kahit gwapo ka hindi ako maghuhubad sa harapan mo. Hindi ako easy-to-get katulad ng mga babaeng nakama ninyo, hoy!

 “Strip,” Pag-uulit niya. “Oh, baka hindi ka nakakaintindi ng English. Itatagalog ko pa ba? Because honestly, you look stupid just now.” Dagdag pang pang-aasar ni Sir Lance.

“Maghuhubad ka o ako maghuhubad ng suot mo para sa ‘yo?” Tanong naman ng kapatid niyang hindi ko alam kung anong klaseng mga tao sila.

“Oo na! Ito na nga eh ano? Maghuhubad na pota! Oh wag masyadong excited magpiyesta mga mata ha?” Sagot ko dito ng pabalang.

“Watch your words.” Wika ni Sir Lance. Sumenyas ito sa kapatid niya bago naglakad papalapit sa kapatid at ibulsa ang isang kamay sa bulsa ng slack pants niya.

Tinanggal ko blazer ko nang lumapit sa ‘kin kapatid ng magiging boss ko. Walang pasabi na tinanggal niya ang ilan sa mga butones ng blouse ko.

“Hoy!” Gulat na sigaw ko at napatakip ng dibdib.

“Shut up!” Sigaw nito pabalik at hinampas ang mga kamay ko. His jaws tensed as well as his gaze, I can see that he is also uncomfortable with how close we are.

A moment of silence. Nang bigla itong magsalita kasabay nito ay ang pagkakatanggal ng huling butones ng blouse ko. He quickly withdrew his hands and raised it as if signifying defeat.

“Sorry, napag-utusan lang. By the way, Damon nga pala.” Pagpapakilala nito sabay kindat. Tanginuh mah hart! Wait! Naiinis ako di ba? Dapat naiinis ako.

Inagaw ko ang damit ko na hawak ni Damon at napatakip ako ng katawan. Tangina pers taym ko kaya ‘to na may makakakita ng kagandahan ko. Chos! May pacontest ‘yong demonyong si Hiro sa Agency noon na Ms. Spy Agent of the decade. Ako kaya nanalo, dzuh?

Tinignan ko si Sir Lance. Walang emosyon mukha niya samantalang ‘tong isa nakangisi. Sarap sabihin na mukha siyang adik, to be honest. Pero seryoso, hindi ba naaakit sa kagandahan ko ‘yang boss ko? Ah baka tama nga ‘yong chismis.

Pumunta ‘yong damuhong si Damon sa likuran ko at ini-unbutton ang corporate skirt na suot ko. Nanlaki mata ko nang may marealize. Sumabay do’n ang pagkalaglag ng palda ko.

“Taena!”

“Depota.”

“Fota ka!”

Sabay-sabay naming sigaw. Oh gosh patay!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status