Share

Chapter 04 - Surprise Interview

Bella Schist

Sino ba naman kase hindi malawak ang office kung sinakop niya isang buong floor?

Tumingin ako sa paligid. Curiosity hit me again. Interesado akong malaman kung anong klaseng Ace ang ipinagyayabang ni Hiro. Gusto ko ding malaman kung karapat-dapat ba siyang pagsayangan ko ng oras ko o magreresign na lang ako sa trabaho.

Maayos at malinis ang buong opisina niya. Mukhang living room ang harapan ng desk ng boss. Lumapit ako sa mesa niya, mukhang mahilig siya sa mga bright colors liban sa black and white na theme ng buong top floor. 

Naglakad ako sa kaliwang direksyon ng desk niya, may open library ang opisina kaya naglibot muna ako. Maraming magkakaibang libro, halos lahat din sa may dulong parte ng library ay limited edition at rare finds.

Sa paglalakad ko habang naghahanap ng libro tungkol sa history ng mga Ace ay napansin ko ang isang pintong nakaawang, mukha itong Master’s bedroom sa laki ng kwarto.

I sneakily entered the room and it surprised me to see that everything is of the color black. I stopped when I saw his only picture sitting on the lamp desk beside his bed, he looked a bit younger here.

Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang isinara ang hallway. May dalawang pinto sa tabi na mukhang malalaking kwarto na naghahati sa buong top floor. Sa dulo ay may mga mas maliliit na sliding glass door na mukhang comfort room at shower room.

Aalis na sana ako nang biglang may lumabas mula dito. Sa sobrang kaba ay napayuko na lang ako, mukhang dito na matatapos ang araw ko. “Good morning, Sir!” Bati ko sa kalalabas lang mula sa shower room.

“Who the fuck are you?” Sigaw naman ng isang lalaking naka-topless.

Napatitig ako sa gwapong mukha ng nagsalita. His voice is actually manly and he also has a good figure. Napatingin ako ng pataas at pababa sa buong katawan niya, may six-pack abs and broad shoulders. Cool. “Wow!” Wala sa sariling usal ko.

The man frowned and knocked his knuckles lightly in my forehead. “Tapos mo na ba ako pagpiyestahan sa isip mo?” Tanong pa ng lalaki habang naiinis na napahawak sa noo niya.

“Hindi ko alam na may mas makapal pa pala ang mukha kaysa sa dictionary ha,” Naiinis na sigaw ko sa isip ko. “Ang yabang akala mo kung sinong gwapo.” Mahinang bulong ko sa sarili.

“Sorry, maling floor ata napuntahan ko.” Sagot ko rito at dali-daling naglakad paalis. Naramdaman ko namang sumunod ito sa ‘kin kaya binilisan ko pa ang paglalakad.

“Baka nga mali.” May halong sarkasmo ang pananalita niya at pagka-arogante.

“Bilis,” sambit ko habang iniisip kung mag-aala undercover agent ako o hindi dahil mukhang maaabutan na niya ako. 

“Oo nga, bilis.” Dagdag pa ng lalaki na siyang ikinainis ko. Tatadyakan ko talaga ‘to ng wala sa oras sa sobrang kahihiyan.

Napatingin ako sa likuran at nakita ko ang malaking ngiti ng lalaki habang kalahating metro na lang ang distansya sa pagitan namin. “Shit!” Mahinang mura ko sa sarili. Pero mas mapamura pa ako nang bumagsak ako sa sahig. “Tangina kung sino ka mang dambuhala ka na di man lang umiwas, fuck your face!” Sigaw ko habang naiiyak sa sobrang sakit ng pwet kong bigla nalang ako napaupo.

Biglang may sumipa sa ‘kin kaya naman napahiga ako. Kung minamalas ay nauntog pa ang ulo ko sa malamig na tiles ng pesteng opisina na kinaroroonan ko ngayon. Lumunod ‘yong lalaking nakabangga sa ‘kin kanina tapos inilapit ang mukha niya.

Si Ace! Este si Sir Lance. Hinawi niya ang buhok ko at hinawakan ang baba ko, sa sobrang lapit ng mukha niya ay napapikit na lang ako. Tangina virgin pa ako, Sir. Please spare me!

“Stop daydreaming. What a stupid girl, you’re late! Suit yourself and be ready for an interview.” Seryosong sabi niya na may halong pagkainis. Ang sarap pakinggan ng boses, parang lumuwag ang garter ng panty ko.

Ten minutes. Punyetang ten minutes! Sayang oras!

Sampung minuto na kaming tatlo na nagtititigan dito at wala man lang gustong mauna na magsalita. Nakatayo kaming dalawa ng lalaking katatapos maligo sa harapan ng desk ng boss habang ang huli ay prenteng naka-upo at nakatingin sa ‘min na parang babalatan kami ng buhay.

Dahil lahat ‘yan sa katangahan ng dila ko. Tinanong ko lang naman kung bakit ayaw ng boss ko sa babaeng sekretarya at assistant. Walang hiya!

“Hindi ko alam na mahilig pala ang magiging boss ko sa mga lalaking gwapo.” Bulong ko sa sarili ko. Bigla namang may humampas sa mesa sa harap ko.

Napatingin ako at nakita ko ang ngiting nang-aasar ng lalaking naka-topless lang. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at bumulong, “Hindi ko alam na pakialamera ka pala talaga masyado.”

Pagkatapos ay umalis ito. Sinundan ko ang tingin ko at nakita ko siyang pumasok sa una sa dalawang kwarto sa kanan. Napatingin ako sa magiging boss ko, gano’n pa rin ang mga tinginan niya. Napalunok ako ng laway dahil para talaga siyang si Kamatayan.

Nanlalamig din ang mga kamay ko. Isama mo pa ang lamig na paligid dahil mukhang nasa twenty five degrees ang temperatura dito. Kung tutuusin ay tama lang naman ang temperatura pero mali sa ganitong mga pagkakataon, nakakadagdag lalo ng kaba.

Kabado bente, para akong magdedefense ng isang science investigatory project paper nito. Dahan-dahan kong inilapag sa gitna ng mesa ang resume folder ko na siya namang inabot ni Sir Lance na nakakunot pa rin ang noo. Inayos ko sarili ko at umupo sa sofa na malapit sa pwesto ko.

Lumapit sa ‘kin ‘yong topless kanina. This time, nakasuot na siya ng office suit. Lumapit din ‘yong pesteng si Sir Lance sa ‘kin. Jusko sana makalabas ako ng buhay dito.

Binasa ni Sir Lance ‘yong papers na hawak ko. “Okay let’s start.” Saad niya. Diyos kong mahabagin, mabuti naman at sa wakas may nagsalita na rin.

“Single ka pa ba, Miss?” Tanong no’ng kasama niyang mukhang hindi nauubusan ng babae. Sa itsura pa lamang kasi ay parang katulad na ng mga lalaking kasing bilis magpalit ng damit kung magpalit sila ng babae.

“Tss. Hindi na nagbago.” Tanging saad naman ni Sir Lance the Ace kuno habang umiiling-iling. Bumaling ang tingin nito sa direksyon ko kaya naman ay mas lalo akong kinabahan.

I gathered up my courage before I spoke to catch his attention, “May I ask, Sir?” Napataas ang kilay niya. “If you please. Curious lang ako.” Dagdag ko.

Tumango naman sabay nagsalita, “Go on.” Tumingin siya sa kasamang lalaki sabay sumenyas. “What is it?” Tanong niya.

“Sorry po, Sir. Pero sino po siya? Uhm… ano. Kailangan po ba kasama siya sa interview ko?” sunud-sunod na tanong ko kay Sir Lance.

He straightened his back before he answered as if announcing, “He’s my brother. Half-brother.”

“So uulitin ko po. Needed ba ang presence niya ngayon dito sa interview?” Medyo mataray na tanong ko kaya naman napasampal sa noo ang kapatid niya.

“Sino ba talaga ang boss at aplikante sa inyo?” Maanghang na tanong ng kapatid ng boss at lumapit sa ‘kin nang nakapameymang.

Kinuha niya ang resume folder na hawak ni Sir Lance at nagsalita, “So, paano ka nakasisigurong makakapasa ka sa interview?” Seryosong tanong niya habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa resume ko at sa ‘kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status