Share

Chapter 2 - Madam Eve

“Tria… Halika na… sumama ka na sakin, ito na ang panahon.. tara..”

Agad akong napabalikwas sa higaan at hingal na hingal na bumangon. Grabeng bangungot, parang totoo! Halos binabawi ko ang buhay ko, pinipilit kong gisingin ang katawan ko.

Ano ba ang ibig sabihin noon? Nitong mga nakaraang araw, sunod sunod ang mga weird na nangyayari sa buhay ko. Ganto ba talaga pag mag didisi otso na? hays, magbibirthday na ako oh! Ibabash ko ang mga minor, char.

Agad akong tumayo para uminom ng tubig at hindi na maulit ang bangungot na iyon. Paglabas ng kwarto ay nakita ko si nanay na nakaupo at- teka? Umiiyak ba sya?

“N-nay? Okay ka lang po ba? Bakit ka po umiiyak? May nangyari po ba?” sunod sunod na tanong ko.

“Wala anak, napuwing lang ako..” sagot nya.

Ngunit hindi ako naniniwala, kilala ko ang nanay ko. Alam ko kung gano kalambot ang puso nya kaya siguradong nasasaktan sya ngayon. Umupo ako sa tabi nya.

“Nay.. alam ko pong meron. Ano po ang nangyari? Teka, picture frame po ba iyan?” akma ko itong kukunin ngunit agad din nyang iniwas.

Tinitigan ko sya ngunit hindi sya makatingin sa akin. Si tatay ba iyon? Ang sabi nya patay na ang tatay nung pinagbubuntis pa lamang ako. Kaya nag asawa sya ng bago, ang tatay ni rue. Ngunit sigurado akong hindi ang tatay ko o ang tatay ni rue ang nasa picture frame...

>>

Habang naglalakad upang mag abang ng jeep dito sa bayan patungo sa paaralan ay nakita ko si william, nakasakay na naman sa pedicab ni mang pol. May kotse naman sya pero mas trip nya talagang maglakad o makisabay. Isa rin yan sa nagustuhan ko sa kanya, marunong makisama.

“uy liley! Halika, sumabay ka na sa amin nang hindi ka mapagod kakaantay dyan!” tawag sakin ni mang pol.

“oonga liley!” natatawang panggagaya ni william sa paraan ng pagbanggit ni mang pol sa pangalan ko.

Tumakbo naman ako agad papalapit sa kanila, umusog si william para makaupo ako.

“mang pol, ubos po ang isda today ah!” puri ko.

“aba syempre naman, kung ganto kagwapo ang paikot ikot sa lugar natin, sino ba namang hindi bibili?” biro nya. Nagtawanan naman kaming lahat.

“uy ley, birthday mo na next month ah? Anong plano natin?” tanong ni william habang wagas ang ngiti at tumataas taas ang kilay.

Bat ba napakapogi nito? Halos perfect na sya sa paningin ko. Maskuladong katawan, kayumanggi ang kulay, mapupula ang mga labi, nangungusap ang mga mata, matangos ang ilong- “Pogi, aray! Ano ba?!” singhal ko habang hinihimas ang noo na pinitik nya.

“kanina pa kita tinatanong, ano bang iniisip mo dyan at nakatitig ka sakin? Tsaka anong pogi? Hmm, ikaw ha!” Agad naman akong namula, nakakahiya! Masyado ba akong obvious???

"A-anong pogi? Assuming ka? Kadireeeee!” deny ko. Tawang tawa naman ang loko.

Napaisip naman ako, hays debut ko na pala. Ngunit wala naman akong plano, sapat na sakin ang makasama mga mahal ko sa buhay. Sobrang saya ko na ron.

“required bang may plano pag birthday? Makasama ko lang sila nanay,masaya na ako” sagot ko. Napatitig naman sakin si william, ano kayang iniisip nito?

>>

Mabilis na nagdaan ang araw. Madaming masasayang nangyari, nabigyan ulit kami ng opportunity para buksan ang business namin noon. Mayroon na ulit kaming malaking pwesto sa palengke. Nagtitinda kami ng isda, gulay, karne, manok at ibat iba pang pagkain. Naging supplier ni mang pol si nanay, ngayon hindi lang isda ang nailalako nya. Kundi marami pang iba.

Masasabi kong maganda ang unang buwan sa pagtakbo ng aming negosyo. Kitang kita ko ang saya sa mga mata ng aking ina. Napakasipag nya at gagawin lahat mapunan lang ang pangangailangan namin.

Kapag walang pasok ay tumutulong ako sa palengke kahit ang sabi nya ay di na raw kailangan, kumuha rin si nanay ng dalawang katulong nya sa palengke. Si ate malou na katulong sa pagtitinda at si kuya boy na taga buhat ng mga produkto. Mabuti at mababait naman dahil galing lang din sila sa aming baryo.

Napaka saya ko, napakasaya namin. Kahit wala ang haligi ng tahanan ay hindi nagkulang si nanay sa pagbigay ng pagmamahal. Minsan iniisip ko, kung sana lang ay nasilayan o nakapiling ko manlang ang aking ama, kaso hindi eh.

Pumunta muna ako sa dagat upang magpa hangin. Ang sarap sa pakiramdam na sariwang hangin ang sinasalubong mo.

“Ate!” nagulat ako nang bigla akong tinawag ng kapatid kong si rue. Dose anyos pa lamang ito, napakabait na bata ngunit madalas ay kabardagulan ko.

“oh, oras ng klase mo ngayon bakit nandito ka? Hay nako rue, tumakas ka na naman ba?” ganto palagi ang kapatid ko, ewan ko ba rito. Palaging bagot sa klase ngunit active na active sa pakikipaglaro. Ito ang madalas namin pag awayan. Sabagay, bata pa kasi at paglalaro palang ang priority sa buhay.

“hindi ate, maaga kasi kaming pinauwi hehehe tas nagutom ako. Pwede mo ba akong ibili ng pagkain” nagpapacute nyang sabi.

Syempre dahil mahal na mahal ko to wala naman akong magagawa. Tumango nalang ako at ngumiti, agad nya akong hinila upang mapuntahan ang nais nyang ipabili.

Naglakad kami sa mga mabatong daan, nakalagpas na kami sa mga bilihan ngunit di ko alam kung ano ba gusto nitong kapatid ko.

“w-william? Oh, anong ginagawa mo rito?”

napatingin naman ako sa kapatid kong bumubungisngis sa gilid sabay tumakbo papunta sa mga kaibigan nya habang sumisigaw ng

“enjoy ate!”

napatingin naman ako may william na wagas ang ngiti na animo’y natatawa. Problema nito?

“hoy! Ano na namang katarantaduhan ang plano mo ha” pagkasabi ko noon ay tsaka na sya humagalpak ng tawa, napakunot naman ang noo ko. Pinagtitripan ata ako nito eh, pasalamat ka pogi ka..

“tara na!” bigla nyang sabi habang naglalakad patungo sa kotse nya.

“san na naman tayo pupunta?” pakipot na sagot ko.

“basta! Arte nito.”

Sumunod naman ako sa kanya, antagal ng byahe. puro mapuno sa paligid at kitang kita ang hamog sa daan. Papunta kami sa isang lugar na .. teka, bakit parang familiar ang lugar na ‘to.

Pagbaba ng sasakyan ay nilibot ko ang paningin at tama, hindi nga ako nagkakamali!

“hahaha tama ka, andito tayo sa paborito mong lugar. Masyado ka na kasing stress sa pag aaral, 5yrs ago pa ang last punta natin dito”

tama, ito ang lugar kung saan tinawag naming comfort place ni leyley.

Hindi ko alam, gusto kong maiyak sa tuwa. Para akong bumalik sa pagkabata. Andito pa rin ang mga magaganda at mababangong bulaklak na isinusuot ni william sa tenga ko noon, ang mga malulusog na puno na nagbibigay ng sariwang hangin, ang balon na may malinaw na tubig, at ang amoy ng masasarap na pagkain na galing sa karinderya nina lola lorna.

“leyley!” at tuluyan na ngang bumuhos ang luha ko nang marinig ang boses na iyon,

"lolaaaaa!” sinalubong ko sya ng yakap sabay hagulgol.

Hindi ko sya tunay na lola, ngunit napamahal sya sakin nang sobra.

Naalala ko pa noon, sinubukan kong hanapin si tatay. Bata pa ako kaya hindi nag sisink in sa utak kong wala na talaga sya. Sa paglalakad ay kung saan saan ako nakaabot. Hanggang napunta ako sa lugar na’to. Imbes makaramdam ng takot ay natuwa ako sa ganda ng lugar. Ngunit maya maya ay umiyak na rin dahil hindi ko alam ang daan pauwi. Nagulat ako nung lumapit sa akin si lola lorna, nung una ay natakot ako ngunit nawala iyon nang bigyan nya ko ng masarap na bulalo. Napaka dungis ko noon habang kumakain, pagkatapos ay pinahatid nya ako sa mga anak nya. Napakabait nila!

Mag mula noon ay lagi na akong pumupunta doon, lalo na pag malungkot ako. Sinasama ko pa si william para may kasabay ako pag uwi.

“ang tagal mong nawala, hindi ka na bumalik dito leyley ko” nagtatampong sabi ni lola.

“ahehehe, naging busy po kasi sa college lola. Grabe, walang pinagbago ang lugar. Namiss ko po ito lalo na kayo!” tuwang tuwang sabi ko.

"oh sya, hali na kayo at muli nyong matitikman ang bulalo ni lola lorna!” agad naman kaming umupo sa mesa, excited na akong matikman ulit ang masarap na bulalo ni lola.

Habang inihahanda ang pagkain ay napatingin ako kay william na kanina pa pala nakatitig sakin.

“anong nakain mo? Bakit mo naisip to..” feeling ko maiiyak na naman ako. Lalo talaga akong nahuhulog sa kanya.

“tulad nga ng sabi ko, napapansin kong ang lungkot ng awra mo. Ganyan ka kasi lagi pag papalapit na ang birthday mo. Kaya dinala kita dito, ano? Oks ba? Hihi”

Totoo iyon, hindi ko alam pero tuwing papalapit ang kaarawan ko ay nalulungkot ako. Hindi ko makuha kung ano ang pinaka eksaktong dahilan.

Napatingin ako kay william at tsaka tumango na parang naiiyak, pinunasan nya ang luha sa gilid ng mga mata ko habang nakangiti. Nagkatitigan kami at tsaka nagtawanan.

Paglapag ng pagkain ay inamoy ko ang usok nito, walang pinagbago ang amoy! nakangiti akong inunahan si william sa pagsandok ng kanin. Sinadya ko itong damihan dahil namiss ko talaga ang luto ni lola.

"Dahan dahan naman huy, walang aagaw sayo nyan." pang aasar ni william sakin. Inirapan ko lang sya at nagfocus sa pagkain.

Maya maya ay umuwi na rin kami, naglibot lang ako nang konti at tsaka nagpaalam kay lola lorna.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit kakaiba ang tingin nya habang pauwi kami. Naalala ko pa ang sabi nya na lagi daw akong mag iingat at huwag ko raw kakalimutang lumapit sa kanya kahit ano pa ang problemang mayroon ako.

Habang pauwi ay nagpababa ako kay william sa dagat, malapit lang naman ang bahay namin mula doon. Gusto ko muna mapag isa, hinayaan nya naman ako tsaka nagpaalam.

Habang niyayakap ng katawan ko ang sariwang hangin ay bigla akong umiyak. Kaarawan ko na bukas, hindi ko malaman ang dahilan ngunit parang nasasaktan ako, iyak lang ako nang iyak.

Maya maya ay kumidlat, namatay ang maliliit na ilaw sa bangka. Wala na akong makita. Hindi ko alam pero hindi ako nakakaramdam ng takot. Parang expected ko na ang mangyayari. Wala akong alam, hindi ko maintindihan ang nararamdaman.

Maya maya ay lumitaw ang isang magandang babae, balot na balot ng black coat, may black lipstick at nasa mid 50 na ata ang edad.

”s-sino ka?” familiar ang mukha nya, parang nakita ko na sya noon.

“hindi mo ba ako naaalala, tria?” tria? Sya lang ang tumawag sakin ng ganon.

“anong kailangan mo?” hindi ko sya matandaan, kahit anong pilit ko sumasakit lang ang ulo ko.

Tumawa sya nang nakakakilabot, tawa na masakit sa tenga. Sobrang sakit, napahawak ako sa magkabilang tenga ko.

Maya maya ay tumaas ang alon. Napaatras ako sa takot. Nalilito ako sa nangyayari. Sino ang babaeng ito? Anong klaseng tao sya? May kapangyarihan ba ito? Napatingin ako sa alon, umiilaw ito at nag form na parang screen. Inilabas nito ang mga- teka? Bat andyan ako?

“Ano? Naalala mo na ba?” nakakakilabot ang ngiti nya. Sumasakit ang ulo ko, sobrang sakit! Nasa alon na iyon ako, bata pa ako riyan!

T-teka, naalala ko na! lahat lahat! Parang nag sisink in lahat ng alalang matagal kong nakalimutan.

Kitang kita roon, na noong sampung taong gulang pa lamang ako ay nagkaroon ng malubhang sakit si inay, iyak ako nang iyak. May mga nagbigay ng tulong ngunit hindi sapat iyon upang mapagaling ang nanay. Willing din akuin ng pamilya nila william ang lahat ng gastusin ngunit maski pinakamagaling na doctor sa aming lugar ay hindi malaman ang sakit ng akin ina. Walang wala na ako nung mga oras na yon, hindi ko alam ang gagawin. Umabot sa puntong sinisisi ko ang nasa itaas. Wala akong malapitan ngunit kailangan kong magpakatatag para kay rue na nasa apat na taong gulang pa lamang.

Pumunta ako sa puntod ng aking ama, iyak nang iyak at sinisisi ko sya sa lahat. Kung bakit maaga nya kaming iniwan at kung bakit wala sya sa mga panahong kasama ko sya. Ayokong mawala si nanay, sya ang buhay ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag nawala siya. Yun lang ang nasa isip ko nung mga oras na iyon.

Habang nasa puntod ay lumapit sakin ang isang babae, sya yon! Ang babaeng nasa harap ko ngayon. Tinulungan nya ako, nagkaroon kami ng isang kasunduan na pag tungtong ko ng 18 taong gulang ay sasapi ako sa kanilang kampon.

Ngayon alam ko na kung bakit para akong nasasaktan at umiiyak tuwing papapalapit ang birthday, papalapit na rin kasi ang misyon ko. May isip na ako noon ngunit mas nanaig ang pagmamahal ko sa aking ina, handa akong ibuwis lahat wag lang sya mawala. Maski ang buhay ko..

Pagdaan ng isang linggo ay gumaling nang tuluyan ang aking ina, hindi na sya nagkaroon ng sakit hanggang ngayon. Saglit itong naging usap usapan sa aming baryo, animo’y isang himala ang nangyari ngunit habang tumatagal ay nakalimutan din, maski ako at ang aking ina. Nakalimutan nyang nagkasakit sya at nakalimutan ko ang nangyari. Lahat yon ay nawala sa aming ala ala. Ang mahalaga ay magaling at malakas na ulit ang aking ina.

Kapalit nito ay magiging secret agent nya ako, papatay ako.. papatay ako ng mga taong kalaban nila.. p-paanong, tinanggap ko ang kasunduang iyon. Ngunit may isa akong hindi maintindihan

“bakit ko ito nakalimutan? Bakit nawala ito sa isip ko..” napangiti ang babae.

“magandang katanungan, tinanggal ko ang lahat ng ala ala sa nakaraan. Bakit? Upang wala ka magawa, ienjoy mo ang buhay bata mo dahil may maling desisyon kang pinasok.” Sabi nya na animo’y normal lang ang gantong bagay sa buhay nya.

“ayoko, hindi ako papayag. Hindi ko kayang gawin anuman ang iutos mo” matapang na sagot ko.

kahit utang na loob ko ang buhay ng ina ay maling pumasok sa gantong kasunduan.

“ah ganon? Sige.. pwede naman.” Kumidlat ulit ang paligid, sa alon ay nakita ko ang aking ina, mahimbing na natutulog sa ngayon. Hindi pwede to..

“a-anong gagawin mo sa nanay ko? Layuan nyo sya!” naiiyak na sigaw ko, huwag.. please..

“ayaw mong sumunod di ba? Ang himbing ng tulog ng nanay mo oh, what if pumasok ako sa panaginip nya? At… huwag na syang gisingin.” tsaka sya humagalpak ng nakakakilabot na tawa.

Alam kong kaya nyang gawin iyon, wala akong magawa. Isa lang ang masasabi ko, hindi sya pang karaniwan.

Nanghihina ako, para akong babagsak.. hindi ko alam ang gagawin. Habambuhay kong pagsisisihan ang kasunduang iyon.

“tigilan mo ang pamilya ko, susunod ako sayo.” Agad na napangiti ang babae.

Patawad inay..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status