Share

Chapter 8 - Feelings

Nagising akong nasa isang kwarto, halatang kwarto ito ng isang lalaki. Halos puro kulay itim ang nasa paligid. Ang bango rin ng loob, ang manly masyado.

Sinubukan kong bumangon ngunit napahiga lang ulit dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa hita kong tinamaan ng bala, may bandage na ito. Nakagupit ang pants na suot ko, sakto lang bilang maging short upang magamot ito. Ramdam ko pa rin ang kirot pero hindi na tulad ng kagabi. Medyo nanghihina pa rin dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin.

Naalala ko si theo, sya ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Maya maya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto. Iniluwal nito ang dalawang babae, ang isa ay naka uniporme ng pang doctor at ang isa naman ay parang maid dito base sa kanyang suot. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sakin nung doctor habang tinatanggal ang bandage ng sugat ko. Napapikit ako sa sakit.

"Pasensya na, kailangan ko nang palitan itong bandage para na rin malinis ang sugat mo." Tumango lang ako at sumagot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status