Hindi nila akalain na magagawa ng kaibigan nila ang pumatay ng walang pag alinlangan. Ang plano lang naman nila ay takutin ang dalaga at wala sa usapan na aabot sila sa ganitong bagay. Ang pumatay ng tao, ng kaibigan, ng kaklase nila.
"O-oh my God! Ooh my, I-is she died?" bakas sa boses ni Sophia ang pagkabahala at takot.
"What do you think of Phia?" balewalang saad ni Nathalie.Naglakas loob si Jane na ihakbang ang mga paa niya para tingnan si Crystal sa kung saan ito nalaglag. Ngunit parang hindi niya kaya dahil kinakabahan at natatakot pa rin siya, kaya umatras ulit siya pabalik sa kung saan man siya kanina nakatayo.
"What's wrong Jane?" takang tanong ni Nathalie.
"H-hindi ko kayang tingnan." pag amin niya.
"What the hell! Akala ko kung napano ka na." sigaw nito.
Naunang humakbang si Nathalie para tingnan kung saan nahulog si Crystal at sinundan naman ito ni Sophia at Kim. Pinilit naman ni Jane na muling ihakbang ang mga paa niya para tingnan din ito. Halos maluha siya at hindi makahinga ng makita niya ang kinabagsakan ng dalaga. Halos hindi na makilala ito!
"How could you! How could you do such a thing Nathalie! You killed her! This is too much.” naiiyak na sabi ni Sophia."At ngayon kasalanan ko? Ipapaalala ko lang sayo Sophia na pinagtulungan natin siya! Kaya huwag mo sabihin na ako lang ang pumatay sa kanya!" madiin na wika ni Nathalie.
Mas lalong napaiyak si Sophia. "P-pero ang sinabi mo tatakutin lang siya pero wala sa pinag usapan na papatay tayo! Na papatayin natin siya! Hindi ka sumunod sa usapan!"
"Hindi ko alam na ganito ka kasama Nat! Hindi ko alam na mas masahol ka pa sa demonyo!" galit na saad ni Kim.
"Oh ano ngayon? Ako ang sisisihin niyo? Huwag niyong kalimutan na nandito kayo ngayon at kasabwat kayo! Kaya huwag kayong magmalinis. Ako lang mag isa at tatlo kayo pero wala kayong ginawa diba? Hindi niyo ako nagawang pinigilan. Nandiyan lang kayo nakatingin at walang ginawa! Nagmakaawa siya hindi ba? Pero naging bingi kayo. Kaya huwag niyong ipamukha sa akin na ako lang ang may kasalanan at ako lang ang may gusto nito dahil kung hindi niyo din ito ginusto sana buhay pa siya at hindi namatay. You have all the chances to help her but you didn't do anything." mahabang litanya ni Nathalie.
"I can't believe you, Nathalie! I can't believe that you can do this." nahihirapang turan ni Jane.
"Well, nangyari na ang nangyari wala na tayong magagawa. Patay na siya at wala na tayong magagawa para mabuhay siya. Just forget all of this at manahimik kayo para pareho tayong malaya. Tandaan niyo pag nagsalita kayo lahat tayo damay at t sisiguraduhin kung hindi niyo magugustuhan ang mangyayari." banta ni Nathalie.
"N-nat, p-paano mo nagagawa sa amin ‘to? Magkaibigan tayo!" nanghihina na wika ni Sophia.
"Exactly! Magkakaibigan tayo kaya dapat walang makaalam nito. Tayo lang ang nandito at wala ng iba. Panigurado bukas pa nila 'yan malalaman o makikita dahil sa likod ng hotel siya nahulog kaya walang makakapansin agad." nakangiting saad nito.
Pareho silang natahimik na tatlo, hindi nila alam kung kaibigan pa ba nila ang kaharap nila ngayon, bakit ang dali para dito na sabihin ang bagay na ‘yon na akala mo ay hindi kasalanan ang nagawa nila.
"Bakit ka ganyan Nat? Bakit kung umakto ka parang walang nangyari? Parang wala kang ginawa. Are you for real? Nasaan ang konsensya mo?" panunumbat ni Kim.
Tinaasan lang siya nito ng kilay. "Walang nangyari ngayon, wala tayo dito, wala tayong alam, wala tayong kasalanan, wala tayong ginawang mali at walang patayan na nangyari. Iyan ang itatak niyo sa mga kukote niyo. Now let's go back to the party and if some of you want to rest then go home. But let me remind you all to keep your mouth shut!" paalala nito sabay na unang umalis at bumaba.
Hindi nila alam kung babalik nga ba sila sa venue o uuwi na dahil hindi nila alam kung paano pa sila magsasaya kung may ganitong nangyari at sa araw ng kaarawan pa mismo ng isa nilang kaibigan.
"What are we gonna do?" biglang salita ni Sophia.
"I don't know, I really don't know Phi." mahinang sagot ni Jane.
"Me too, Until now hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari 'to. But we don't have any choice but to follow what Nathalie said. For now we need to rest. Alam kung pareho tayong lahat na pagod." segunda ni Kim na sinang ayunan naman nila.
Nanatili muna silang tatlo ng ilan pang minuto bago napagpasyahang lisanin na ang lugar at iwan ang bangkay ni Crystal.
"Gusto mo bang hatid na kita sa bahay niyo Jane?" bakas sa mukha ni Kim ang pag aalala.
"Nah! I can manage Kim. Thank you." sagot naman ng dalaga.
Lingid sa kaalaman nila na may isang tao na nakakita ng nangyari. Na labis na lamang ang galit at pagkamuhi sa kanyang nasaksihan. Galit din siya sa sarili dahil wala siyang nagawa ng mangyari 'yon dahil huli na siya ng dumating. Hindi niya na ito napigilan at naligtas sa mga kamay ng mga ito. Ng makarating siya ay wala na si Crystal at tanging mga usapan na lang ng apat ang narinig niya.
Pagkaalis ng tatlo ay siya namang paglabas ng isang tao sa gilid ng rooftop kung saan siya nakatayo ng makarating siya. Puno ng poot, gulat, sakit at pighati ang nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon.
"Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa kanya. Hindi ako titigil hanggat hindi kayo nagdurusa sa pagkamatay niya! Buhay ang kinuha niyo buhay din ang magiging kapalit.' bulong nito bago naglakad paalis pero bago 'yon ay tiningnan niya muna ang bangkay ni Crystal at nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa sinapit ng dalaga.
Agad na nilisan ng lalaki ang lugar kung saan nangyari ang pangyayaring hindi niya kailanman inaasahan at makakalimutan. Agad siyang nagmaneho pauwi ng bahay, hindi niya pwedeng galawin ang bangkay kahit gustong gusto niya itong kunin.
‘Huwag kang mag alala iuuwi kita Crystal. Maghintay ka lang diyan. At isa pa kailangan magbayad ng mga may gawa sa’yo nito. Sobra sobra pa ang ipaparanas ko sa kanila. Higit pa sa dinanas mo. Hindi ako titigil hangga’t hindi sila nagbabayad sa ginawa nila sayo. Pangako yan.” bulong niya.
Jane POV Ilang oras na ang nakalipas ng makarating ako sa bahay nila ngunit mag uumaga na ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari, parang isang bangungot ito sa akin at sa mismong kaarawan pa ng isang kaibigan ko. Sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kay Crystal, ang mga mata niyang nagmamakaawa na tulungan ko siya pero wala akong magawa dahil kapag ginawa ko ‘yon ay mapapahamak lang din ako at ang pamilya ko. Nanghihinang napaupo na lang ako sa kama at ilang beses na umiling. “Hindi! Hindi! Wala akong kasalanan. Hindi ako ang may kasalanan! Hindi ako ang pumatay sa kanya.” pagkukumbinsi ko sa sarili. Pilit kung isinisiksik sa utak at sarili ko na wala akong kasalanan sa nangyari, pero kahit anong pilit ko ay hindi pa rin magbabago ang katotohanan na may nagawa akong pagkakamali at naging parte pa ako kung bakit may namatay. Ako ang nagdala kay Crystal sa lugar na 'yon, ako ang nagdala sa kanya sa kapahama
Sa di kalayuan naman ay nakatayo ang babaeng may hawak na laruan na nakangiti. Ng makita niyang nakaalis na ang apat ay saka ito naglakad papunta sa pulang kotse at sumakay. "You did a great job!." aniya ng isang boses pagkasakay niya. "Obcourse! Ako pa ba? Kung nakita mo lang ang mga mukha nila. Halos hindi maipinta sa takot. Ang galing galing kung umakting." sagot naman ng babae. "Kulang pa 'yan sa ginawa nila kay Crystal! Nagsisimula pa lang ako." nakakuyom ang mga kamao nito."Dapat lang magbayad sila. Hindi sila pwede mabuhay ng masaya." segunda din nito. “Ihahatid na kita sa condo mo at ‘yong bayad ay nasa account mo na.” anas ng lalaki. “Ang kulet mo din eh, ang sabi ko huwag mo na akong bayaran dahil tutulungan kita.” pagmamaktol ng babae. “Alam ko naman ‘yon pero hayaan mo na, mas marami pa akong ipapagawa sa’yo.” nakangiting turan ng lalaki at binuhay na nito ang makita ng kotse at saka nag drive paalis. Sa isang c
Napatigil sa pag uusap ang magkapatid dahil sa pagdating ng bagong mga bisita. Agad naikuyom ni William ang kanyang kamao ng makilala ang mga ito. Natatandaan niya ang mga mukha nito, ito yung madalas na pag initan ang pinsan niya. Iyong isa naman ay medyo naging kaibigan ni Crystal at higit sa lahat ang isang lalaking kasama nila na mas nagpapainit ng ulo nito. Ang boyfriend ni Crystal at alam niyang hindi naman talaga nito minahal ang pinsan kung hindi ay ginamit lang para protektahan ang totoong mahal niya. Agad lumapit ang binata sa apat. "Anong ginagawa niyo dito?" mahina pero may diin na tanong nito. "Gusto lang namin bumisita dito. No harm." wika naman no’ng isang babae na sa pagkakatanda niya ay Nathalie ang pangalan, familiar ito sa kanya dahil ito ang madalas na bukambibig ng kanyang pinsan. Akmang magsasalita din si Kim ng bigla itong suntukin ni William. "Wala kang karapatan pumunta dito gago ka! Anong klaseng boyfriend ka? Hindi mo man lang
Francine POV Pagkarating ko sa comfort room ay biglang bumuhos ang masaganang luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang konsensya ang nadarama ko. Sobrang bigat sa pakiramdam! "S-sorry Crys, I'm s-sorry. Hindi kita nailigtas." puno ng hinagpis na anas ko. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle na narito. Baka biglang may pumasok at makita pa akong ganito. Ng nasa loob na ako ng cubicle ay inayos ko ang sarili ko. Habang nag aayos ako ay narinig kung nagbukas ang pinto senyales na may pumasok rito. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may narinig akong kausap niya sa telepono. "Ow hello! Okay lang naman. Ikaw kamusta?" sabi nito sa kausap. "Sigurado ka ba? Syempre! Kailangan talaga nilang magbayad sa nangyari! Hindi maaaring walang may managot, pero mag ingat ka din." bigla akong naguluhan sa sinasabi niya sa kanyang kausap pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Mabilis akong lumabas ng cubicle kung
Kim POV Natapos na ang klase ay nasa isip ko pa rin ang bago naming kaklase. Kahit na ngayon na nandito na ulit kami sa canteen ay 'yon pa rin ang iniisip ko. "Ang lalim yata ng iniisip mo Kim?" pansin ni Sophia at napatigil din ang dalawa sa pagkain at tumingin sa akin. "Iniisip ko lang 'yong bago nating kaklase." totoong sagot ko. "Crush mo na agad noh?" kantyaw ni Nathalie sabay tingin kay Jane. "Gago! Hindi ah. Isa lang naman ang gusto ko." mabilis na sagot ko. "Bakit anong meron sa kanya?" takang tanong naman ni Jane. "Siguro naman natatandaan niyo siya hindi ba? Nando’n siya sa lamay ni Crystal." tumango naman ang mga ito.
Kim POV Pagkatapos kung maihatid si Jane ay umuwi na ako agad. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong umupo sa sofa. Wala ang parents ko dito dahil nasa ibang bansa sila. Kinuha ko ang earphone ko sa aking bag at agad na nilagay sa tenga para makinig ng music. Habang nakikinig ako ng music sa aking tenga ay biglang nag iba ang kanta, kung kanta nga ba itong matatawag o tula. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo! Ang mahuhuli ko ay papatayin ko." paulit ulit ito Dahil sa narinig ko sa tenga ko ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba. Pakiramdam ko ay may dahilan at kahulugan ang mga katagang 'yon. Bigla bigla na lang pumapasok sa isipan ko si Crystal. Bumabalik sa alaala
Nathalie POV Walang tigil ako sa pagtakbo sa isang madilim na lugar. Hindi ko alam kung saang lugar ako o kung ano ba talaga ang nangyayari. Isa lang ang gusto ko ang makaalis sa madilim at nakakatakot na lugar na ito. Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat! - biglang may narinig ako na boses na sobrang lamig at nakakatakot "Tumigil ka! Layuan mo ako! Tigilan moko!"- buong lakas na sigaw ko ng hindi ko alam kung nasaan ang nagsabi nito. "Hindi ka makakatakas! Hindi kayo makakatakas! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo. Magbabayad kayo! Buhay kapalit ng buhay!" Nilagay ko ang mga kamay ko sa tenga ko para matakpan ito at hindi ko marinig ang boses ng kung sin
Jane POV “S-sino ka?” nauutal na tanong ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Ang dali mo namang makalimot! Ang dali mo naman akong kalimutan Jane" “C--crystal?” mahinang sambit ko. "Mabuti naman at naalala mo pa ako. Dahil ako hinding hindi ko kayo makakalimutan at ang ginawa niyo sa akin!" puno ng galit na saad ng boses. Hindi ko alam kung nasaan siya o sino ba talaga siya. Si crystal ba o hindi? Pero patay na siya! Paanong boses niya ang naririnig kung nagsasalita? Imposible! isip ko "P-patawarin mo ako, h-hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto ang nangyari sayo"-umiiyak na anas ko.