Share

Kabanata 3

Crystal POV

"Wala akong panahon para sa mga pambatang trip niyo. Kaya pwede ba paalisin niyo na ako?" ani ni Crystal.

Lumapit naman si Nathalie sa kanya at agad siyang sinampal ng magkabilaan. "Wla kang karapatan na sigawan kami!" galit na sigaw ni Nathalie at biglang hinampas ito ng hawak na kahoy.

Agad namangnapatili si Jane dahill sa nakita. “Damn it! What are you doing Nathalie?" inis na sigaw ni Jane pero tiningnan lang siya ng masama ng dalaga.

Magsasalita pa sana siya ulit ng may kamay na humawak sa kanyang braos at ng tingnan niya ay si Kim pala ito. "Please, Jane huwag ka na makialam at baka madamay ka pa at kung ano pa ang magawa sa’yo nina Nathalie at Sophia.” anas niya.

"Look at what they are doing Kim!  This is wrong, this is not part of the plan." nanginginig na wika ni Jane.

"Alam ko Jane pero wala tayong magagawa. Pag sinuway natin sila baka pati tayo pag initan ni Nathalie." bakas sa mukha ng binata ang labis na frustration dahil sa nangyayari.

Walang magawa si Jane kung hindi manahimik habang nakatingin sa dalagang si Crystal.

"Alam mo kung hindi ka lang bida bida baka maging magkasundo o maging magkaibigan pa tayo." sabi ni Nathalie.

"Wala akong balak na maging kaibigan ang isang kulang sa pansin na tulad mo." madiin na saad ni Crystal kahit nahihirapan na ito.

"Matapang ka? Akala mo naman may magagawa ka. Tandaan mo ito Crystal hindi ka na aabutan ng umaga." nakangising sambit ni Nathalie.

"What are you planning to doNathalie? Wala ito sa usapan! ." gulat na sigaw ni Sophia sa kaibigan.

Kahit sina Jane at Kim ay nagtataka sa kung anong ibig sabihin ng kaibigan nila dahil ang usapan lang ay tatakutin lang si Crystal pero ano itong sinasabi niya ngayon? Hindi kaya may iba pa siyang balak ng hindi nila alam?

"Huwag kang boba Sophia! Sa tingin mo ba hindi 'yan magsusumbong sa oras na hayaan natin siyang makatakas? Mag isip ka nga, gamitin mo 'yang utak mo tanga!. Kaya mas mabuting tapusin na lang natin siya." sagot naman ni Nathalie.

Mabilis naman na umalis si Jane sa pagkakayakap sa kanya ni Kim at tiningnan ang kalagayan ni Crystal.

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo Nat? Tangina hindi tayo mamamatay tao! Nababaliw ka na!" sigaw ni Jane.

Mabilis na nilapitan ni Nathalie si Jane at sasampalin sana ng may kamay na pumigil sa kanya."Don't you dare lay your hands on her." seryosong turan nito.

Napairap na lang si Nathalie sa inasta ng binata.  "Use your fucking mind! Matalino ka diba? Kaya huwag kang tanga. Sa tingin mo hindi tayo makukulong pag nagkataon na pag nabuhay ang babaeng ito? Mamili ka ang makulong o mamatay siya?"

Bigla na lang natahimik si Jane dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi siya pwedeng masangkot sa kahit anong gulo. Masisira siya lalo na ang pamilya niya pag nagkataon. 

Habang seryoso silang nag uusap ay nabigyan ng pagkakataon na makabangon at makatayo si Crystal. Kahit na hirap na hirap na siya at nasasaktan pinilit niya pa ring maglakad ng mabilis para tumakas. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya ng mapansin ito ni Ntathalie at mabilis siya nitong hinablot.

"At saan ka pupunta? Akala mo makakatakas ka? Hindi! Hindi ako papayag na malagay kami sa kahihiyan." sabay sampal niya rito.

Hindi na alam ni Jane at Kim ang kanilang gagawin, masyadong naguguluhan na sila at halo halong emosyon ang nararamdaman nila. Tinitimbang nila kung ano ang dapat na gawin pero kahit anong isip nila ay kailangan pa ring nilang mamili sa huli. Pareho nilang ayaw malagay ang pamilya nila sa kapahamakan at kahihiyan dahil sa bagay na ‘to.

Iniisip nila na may punto din si Nathalie sa mga sinabi nito dahil hindi naman nila lubos na kilala ng lubusan ni Crystal, kaya pag nagkataon na sumablay sila ay baka malagay sila sa alanganin. Hindi sila pwedeng makulong, pero ayaw din nilang pumatay!

"Mga demonyo kayo! Wala akong ginagawang masama sa inyo para gawin niyo sa akin ang bagay na ito!" sigaw ni Crystal.

Agad naman siyang hinampas uli ni Nathalie na ikinasinghap nilang lahat. "Wala? Inagaw mo na ang lahat sa akin! Ako dapat ang nasa top 1, ako dapat ang sikat, ako dapat ang palaging pinupuna at hindi ikaw!" nanlilisik ang mga mata ni Nathalie.

"Kahit kailan wala akong inagaw sa’yo Nathalie! Kung ano man ako meron ako ngayon 'yon ay dahil pinaghirapan ko at hindi inagaw. Deserve ko 'yon hindi sa ka gaya mong mas masahol pa kay satanas!" balik sigaw ni Crystal.

"I deserve everything you bitch!" sabay tulak nito sa dalaga na kamuntikan ng mahulog kung hindi ito nakakapit.

"Oh my god!" hiyaw ni Sophia dahil sa gulat.

Kahit sina Kim at Jane ay napasinghap. Hindi nila alam kung kakayanin pa nilang magtagal sa lugar na ‘yon. Masyado na silang naaawa kay Crystal alam nilang hindi nito deserve ang mapunta sa ganitong sitwasyon.

Agad naman itong tiningnan ni Jane na halos hinang hina na, kung hindi ito nakakapit siguradong nalaglag na ito pero hindi niya alam kung hanggang kailan kakayanin ng dalaga ang pag lambitin. Masyadong mataas ang rooftop na ‘to at kapag nahulog siya sa baba tiyak na hindi na siya mabubuhay.

Hindi na ni Jane kinakaya ang mga nangyayari at akma niyang lalapitan si Crystal para hilain sana paakyat. "Sige ituloy mo 'yang balak mo Jane at sama sama tayong mabubulok sa kulungan. Tandaan mo mag kasabwat tayong lahat dito." paalala ni Nathalie.

Napahinto naman siya sa paglalakad at napatingin kay Crystal na nagmamakaawa ang mga mata sa kanya na wari’y humihingi ng tulong. Napayuko na lang siya para hindi niya makita ang mga mata nito.

"Stop it Nathalie!" suway naman ni Kim.

"Edi hayaan niyong mamatay na ng tuluyan ang babaeng 'yan para tapos ang problema natin. Walang ibang tao ang nandito kung hindi tayo lang." sigaw ni Nathalie.

Napatingin ako si Jane kay Crystal na may nakikiusap na tingin. 'I'm so sorry, Crystal.' mahinang bulong niya habang nakatingin dito na alam niyang naintindihan nito ang ibig sabihin.

Napailing naman si Crystal. "N-no, p-please h-help me. Kim, Jane. Help me. Parang a-awa niyo na. T-tulungan niyo ko. Pakiusap." pagmamakaawa nito.

Ngunit nag iwas na lamang ng tingin sina Kim at Jane. Alam nilang pareho na gusto nilang tulungan at iligtas si Crystal pero wala silang magawa.

"Die Crystal!  Rest well darling. See you in hell." halakhak ni Nathalie na parang tuwang tuwa sa nangyayari.

Napakawalang puso!

Walanghiya!

Nagulat si Jane sa biglang pag seryoso ng mukha ni Crystal. "Magbabayad kayong lahat! Isinusumpa ko pagbabayarin ko kayong lahat! Babalikan ko kayo! Hindi ko kayo patatahimikin hanggang sa kabilang buhay!" nakakakilabot ang boses nito.

"Ang sweet naman ng huling habilin mo. Huwag kang mag alala hihintayin namin 'yan. But for now bye my dear."  saad ni Nathalie at buong lakas ng hinampas nito ng kahoy ang kamay ni Crystal upang tuluyan na itong mabitawan ang pagkapit at tuluyan ng malaglag

Halos hindi sila makahinga sa bilis ng pangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status