Share

Chapter 05

"What did K.O. tell you?"

Buti na lang hindi ako magugulatin, kung hindi nasapak ko na si Kiro dahil sa biglaan niyang pagsulpot nang makalabas ako ng building namin.

"We just talk about something that's completely not part of your business."

Hindi ko siya pinansin at diretso ang lakad papunta sa gate. Sumabay naman siya agad sa'kin.

"Just tell me."

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Why? Are you afraid that the biggest backer of your group of bullies is suddenly talking to your target?"

Ayun lang naiisip ko na dahilan kung bakit gustong-gusto niya malaman ang pinag-usapan namin kanina.

"What? Why would I care about that?"

Sus, kunwari pa.

"E ano pala?"

"I just wanted to know if he finally tried to hit on you."

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.

"Concern ka? Kung oo, itigil mo na. Hindi bagay sa'yo!"

Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumakad na ulit. Binilisan ko na para malayo ako sa masamang espiritu na umaaligid.

"Anong masama kung concern a—"

"Walang masama, pero hindi talaga bagay. Matapos mo ipamukha sa lahat, at sa akin na hindi mo ako kapatid? Matapos mo iparamdam sa'kin na kung ano man ang meron tayo noong mga bata pa tayo ay wala na? Matapos mong hayaan ang mga kaibigan mo, lalo na 'yung girlfriend mo, na i-bully ako? Tapos sasabihin mo concern ka sa'kin? Concern ka lang sa'kin kapag walang nakatingin gano'n? Tantanan mo ako Kiro, hindi mo ako mauuto."

Hindi siya nakapagsalita. Napaka-hipokrito.

"Tsaka huwag ka mag-alala, hindi ako tanga para pumatol sa kaibigan mong walang ibang ginawa kung hindi mang maliit na ibang tao."

This time mas binilisan ko pa ang lakad ko, kung susunod man siya at least malayo ang pagitan namin.

"Fhey!"

Agad naman nakuha ni Leon ang atensyon ko nang makarating ako sa may gate ng school.

"Bakit andito ka pa?"

Tanong ko sa kaniya. Naka-upo siya patagilid sa motor niya at may hawak na helmet.

"Tara ihahatid na kita sa inyo."

Sabi niya sabay abot ng helmet sa'kin.

"Bakit?"

"Anong bakit? Baka mamaya mag-drive ka na naman ng taxi."

Natawa ako sa sinabi niya. Nag-aalala pala siya na baka may magtangka na naman sa'kin.

"What is happening?"

Umikot agad ang mata ko sa inis nang madinig ko ang boses ni Kiro sa likod ko.

"Ang nangyayare ngayon ay iuuwi ko siya."

Sagot ni Leon sa kaniya bago sumakay sa motor niya. Sumunod naman ako at hindi pinansin si Kiro.

"Bakit ikaw ang maghahatid, pwede naman siya sumabay sa'kin?"

"Wow, ngayon pa? Ilang linggo na ang lumipas simula noong nagsimula ang pasukan, ngayon mo lang naisip na magsabay kayo kasi sa iisang bahay kayo nakatira? Huwag na, baka mamaya inutusan ka ng girlfriend mo."

Si Leon ang nagiging spokesperson ko ngayon. Wala akong balak makipag-usap kay Kiro. Masiyadong mainit ang dugo ko sa kaniya.

"Anong akala mo sa'kin, utusan?"

"Ay, hindi ba? Mukha ka kasing baliw na baliw sa girlfriend mo kaya hindi mo nakikita ang kasamaan ng ugali no'n."

Hindi naka-imik si Kiro at tinanggap ang katotohanan na para siyang tanga na sunod nang sunod sa girlfriend niyang maitim ang budhi.

Tinapik ko na lang si Leon sa balikat para ipaalam sa kaniya na gusto ko na umalis. Na gets niya naman agad kaya pinaandar niya na ang motor niya. Naiwan si Kiro doon na pinapanood kaming umalis.

Hindi ko alam kung anong oras naka-uwi si Kiro, nakita ko na lang siya sa hapag noong kakain na kami ng hapunan. Siyempre hindi mawawala ang matatalim na tingin niya sa'kin, na akala mo naman hindi concern na concern sa'kin kanina. Baliw yata 'to e!

Buog linggo silang walang kasawaan sa pangbu-bully sa'kin. Dumating na ako sa point na hindi na ako naiinis, naawa na ako dahil napaka-trying hard na nila. Kahit si Leon sumasang-ayon na sa'kin.

Katulad ngayon, kinuha nila ang bag ko at tinaktak ang laman no'n. Imbes na magalit tiningnan ko sila na puno ng awa ang mukha.

"Stop looking at me like that!"

Sigaw ng lalaking nasa unahan.

"How can I stop, you're really pitiful!"

"Fuck you!"

Bigla na lang siyang humakbang at sinamapal ako ng malakas.

"You started it."

Sabi ko bago ko siya suntukin sa mukha. I learned martial arts and boxing. I know how to punch.

"Shit! Dumudugo ilong mo!"

Sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi ko sila pinansin at kinuha na lang ang mga gamit ko.

"Pakisabi sa leader niyo galing-galingan niya naman mag-isip kung paano ako i-bully. Para kasing hindi pinag-isipan mga ginagawa niyo sa'kin e. Nakakasawa na 'yung ganito."

"Bakit hindi mo sabihin sa kapatid mo?"

Nagulat ako sa sinabi ng lalaki na sinapak ko. Katapid ko? Si Kiro? Hindi ba si Winter?

Hindi ko na lang pinansin at umalis na do'n. Papunta sana ako ng library para doon gawin ang homework ko dahil cancelled ang mga klase pero inabitan naman ako ng mga demonyo na 'yun.

"Fhey!"

Napalingon ako sa kanan ng madinig ang boses ni Leon. Hingal na hingal siya at parang ilang kilometro ang tinakbo.

"Bakit? Ano nangyare sa'yo?"

Humawak siya sa dalawang tuhod at hinabol ang hininga. Hinayaan ko na muna siya at hinihintay siya magsalita. Tumayo na siya ng maayos at sinundan naman ng mata ko ang pagtayo niya. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ko lang na realize na sobrang tangkad niya pala. Hindi ko din alam kung bakit bigla akong na conscious.

"Kanina pa kita hinahanap, nagpunta ako ng library kaso wala ka. Saan ka galing?"

Nakatingin lang ako sa kaniya at pilit pinapakalma ang sarili ko.

"Fhey? Okay ka lang?"

Bahagya siyang yumuko para magkapantay ang tingin namin kaya lalo akong nahiyang.

"Oo, okay lang. Ano kasi diyan ako dumaan sa short cut, naabutan ako ng mga alagad ng demonyo."

Paliwanag ko sa kaniya habang pinipilit iwasan na magtama ang mata namin.

"Sabi ko sa'yo huwag ka na dumaan diyan e. Tambayan ng iba sa kanila 'yan."

"Sorry, akala ko wala na sila at umuwi na kasi wala ng klase."

Nagsimula na kaming maglakad paalis.

"Hindi pa bukas ang gate, tsaka may announcement kanina sa intercom. Hindi mo ba nadinig?"

"Wala naman intercom doon sa short cut."

Liblib kasi doon at eskenita. Pagitan kasi ang short cut ng luma at abandonadong building at ng bagong building na pumalit sa kaniya.

"Sabagay. May emergency school meeting daw sa court, kaya andoon na halos lahat ng estudyante."

School meeting, ibig sabihin may sasabihin ang head ng school sa lahat ng estudyante sa school. May kaniya-kaniyang pila bawat ang bawat sections.

"Bakit parang seniors lang?"

Tanong ko kay Leon. Yumuko naman siya para madinig ako since matangkad nga siya. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya na kaba na ewan.

"Sabi ko bakit parang seniors lang and andito?"

Pag-uulit ko sa sinabi ko.

"Oo, tayo lang seniors. Feeling ko tungkol 'to sa senior party."

"Senior party?"

Walang ganito sa dati kong school kaya hindi ko alam kung ano 'yun.

"Basically party siya for senior high students. Pakulo lang naman 'yun ng student council para daw kahit papano makalimutan daw ng mga seniors ang stress."

Tumango na lang ako sa paliwanag niya. Hindi na masama, pero hindi ba dapat ang mga ganitong party ginaganap pagkatapos ng exam week o kaya after ng school year? Party people yata mga nag-aaral dito, gusto laging may party on campus.

"Hey,"

Boses niya pa lang alam ko na kung sino ang nasa likod ko. Hindi ko siya pinansin kaya pumunta siya sa harapan ko.

"Suplada naman."

Talagang sa mukha ko pa niya 'yan sinabi. Sinamaan ko siya ng tingin. Kung noon umiinit na talaga ang dugo ko sa kaniya, mas lalo na ngayon ng nalaman ko na si Kiro ang may pakana ng lahat ng nangyayare sa'kin. Seeing K.O. makes me think of Kiro, and I hate that.

Tumigil na din siya sa kakulitan niya dahil umakyat na sa stage ang dean ng school para simulan ang meeting. Hindi umalis si K.O. sa tabi ko, kaya nasa kanan ko siya at nasa kaliwa ko naman si Leon. Hindi ko alam kung nasaan sila Kiro, at wala din akong balak alamin. Matapos ang nalaman ko kanina mas lalo akong nagalit sa kaniya.

So hindi ko na masiyado inintindi ang sinabi niya, basta may ball daw sa sabado. Charity ball, ibig sabihin bayad ang table at ang mga pagkain at inumin. At sa dalawang animal shelters daw mapupunta ang pera, kasi magsasara na daw.

Matapos ang meeting pinayagan na ang mga seniors na umuwi.

"Fhey, can we talk?"

Tanong agad sa'kin ni K.O. bago kami umalis ni Leon.

"About what?"

"About sa pinag-usapan natin last time."

Tumingin muna ako sa paligid at nang makita na papalapit sa amin, o kay K.O. ang mga kaibigan niya nagbago ang isip ko na makipag-usap.

"I already to my Dad. Let's talk later."

Hinila ko na si Leon paalis. Pupunta muna kasi kami sa room since andoon mga gamit namin.

"Leon, meeting tayo about sa group project natin."

Lumapit si Ethan kay Cleon. Pinagpartner-partner kasi kami ng teacher namin kanina para sa group project at silang dalawa ang magkasama. Sino kasama mo? Si Archie, kaibigan nila Kiro. Malas nga e.

"Yow, partner. Tayo din, usap tayo."

Tinarayan ko siya. Pero hindi nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Fhey, hintayin mo 'ko ha! Sabay tayo umuwi."

Tumango ako kay Leon bago siya lumabas.

"Wow, close na close na kayo 'no?"

"Alangan naman kayo ang ka-close ko?"

Lumabas na ako at sumunod naman siya agad.

"Saan tayo?"

Tanong niya na para bang walang namamagitan na masamang espirutu sa'min. He's friends with people who loves bullying me, tapos parang tropa ko lang siya ngayon.

"Ang galing mo din talaga 'no? Bully ka pero hindi halata. Tapos feeling close ka pa sa target niyo."

Kumpronta ko sa kaniya.

"Kung ano away niyo ni Winter, labas ako do'n."

As if naman na hindi niya alam na si Kiro ang utak ng lahat ng 'to. Hindi ko na lang pinansin dahil mas mahalaga ang project namin ngayon.

"Diyan na lang tayo sa coffee shop na malapit."

"Okay!"

Masiglang sagot niya. Tahimik na kami habang naglalakad papalabas ng campus. Umorder lang kami ng makakain at kape bago umupo.

"So, ano, tayo na lang ba ang magiging cover ng magazine or gagawa na lang tayo ng design?"

Tanong niya sa'kin. Ang project kasi namin sa subject namin na Media ay magazine cover. Sa totoo lang hindi ko alam kung para saan 'yun, pero kailangan ko sumunod.

"I'm fine either way,"

"Then, tayo na lang dalawa. Matagal ko na pangarap maging model. Ito na ang pagkakataon ko."

Hindi ko na sinira ang pangarap niya at diniscuss na lang namin kung kailan at saan namin gagawin. Pati na rin ang theme na gagawin namin. Next week pa naman ang deadline kaya madami pa kaming oras para makapag-isip.

"Uwi ka na niyan?"

Tanong niya sa'kin matapos ang meeting namin. Hindi ko siya sinagot kasi obvious naman siguro. Saan pa ba ako pupunta ng ganitong oras. Sakto naman na naka-receive ako ng text kay Leon.

[Nasa entrance na ako. I'll wait for you here.]

"Saan ka pupunta?"

Tanong ni Archie nang makita na papabalik ako sa loob ng campus.

"Huy, Fhey, hatid na kita hintayin natin 'yung driver ko!"

Hindi ko siya pinansin.

"Fhey, papatayin ako ng kapatid mo kapag hindi ako ang naghatid sa'yo."

Feeling niya naman overprotective brother siya.

"FHEY!"

Malakas na sigaw ni Archie. Nainis ako sa sobrang lakas ng sigaw niya, haharap na sana ako sa kaniya para sermunan siya pero bigla na lang may naglagay ng panyo sa bibig at ilong ko. Unti-unting nanghihina ang katawan ko at sumasara ang mata ko. Pero bago ito tuluyan sumara, nakita ko pa si Archie na wala na ring malay at binubuhat na.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong walang malay, pero ng magising ako nakatali na kamay at paa ko. Gising na rin si Archie at nagpupumiglas na. May tape kami sa bibig kaya hindi ko matawag ang atensyon niya. Pinilit ko na lang gumawa ng ingay gamit ang bangko kung saan ako nakatali.

"Mmmmmmmm"

Parang naiiyak na siya sa itsura niya kaya imbes na matakot o kabahan ako, matatawa pa yata ako. Napansin niya 'yun at base sa mukha niya naiinis siya sa'kin.

"Well, well, well. Gising na pala ang mahal na prinsesa."

May babae na biglang pumasok sa kwarto kung saan kami nakatali. Maayos ang itsura niya at mukhang mayaman.

"Oh, Archie, it was not nice seeing you like this."

Does she know Archie?

Sumenyas siya sa isang lalaki at tinanggal nila ang tape sa bibig ni Archie.

"What the hell, Olive oil!? Anong problema mo?"

"I see, you never changed. You can still crack a joke when you're in this kind of situation."

They knew each other well, I see. Humarap naman sa'kin ang babae at tiningnan ako ng mabuti.

"I can't see her face well, remove the tape."

Naramdaman ko naman ang sakit dahil sobrang dikit ng tape sa balat ko.

"Tell me, Archie, anong meron ang babae na 'to na wala sa'kin? I admit she's pretty, but not as pretty as me."

Nakatitig siya sa'kin kahit si Archie ang tinatanong niya.

"Bakit ako tinatanong mo, bakit hindi mo tanungin 'yung nakipag-break sa'yo!?"

Sagot ni Archie. Bigla naman may pumasok na dalawang lalaki na mukhang mga gangster.

Wait, hindi kaya sila 'yung muntik na rin mandukot sa akin noon?

"Ma'am, andito na po 'yung mga pinatawag niyo."

Pagbabalita niya. Malaki naman ngumiti ang babae at tumayo ng tuwid.

"I don't know what the fuck is going on, can somebody please tell me?"

Kanina pa ako andito pero kahit kakaunting idea kung bakit ako andito walang pumapasok sa utak ko.

"How rude of me, I forgot to introduce myself. Hello, my name's Olive and I am Onyx's ex-girlfriend who he broke up with when he met you!"

Sigaw niya sa'kin. Hindi ko naman mapigilan matawa.

"What the fuck are you laughing at? Do you think ruining my relationship with Onyx is funny?"

Galit na tanong niya sa'kin.

"Sorry, sorry. Nakakatawa lang kasi para sa gano'ng klase ng lalaki magpapaka-ganito ka? Ang babaw—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal. Sumeryoso na ang mukha ko dahil malakas ang pagkakasampal niya.

"Ngayon natauhan ka na? Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa'kin si Onyx. He's everything to me. We've been together since the very first day of high school. And then you suddenly showed up. He broke up with me like I was nothing. Like we were nothing. Like it was nothing!"

Galit na galit siya.

"Maybe because it really was nothing to him. The first time I met K.O., he winked at me. My brother saw it and told me to keep my distance away from him. Why? Because he told me K.O. have four other girlfriends. Sino ka sa apat na 'yun? Maybe you are the original, matagal na kayo e!"

Nakita ko ang inis na agad na lumabas sa mukha niya.

"Olive!"

Napatingin kami sa labas ng pinto dahil sa sumigaw, kilala ko ang boses na 'yun. It wasn't K.O., it was Kiro.

"Oilve! Papasukin niyo nasa loob 'yung kapatid ko!"

Sigaw niya na naman. Hindi nagtagal nakadinig na kami ng parang away at bumukas din ang pinto. Kiro, K.O. and Jed came in. Nakatitig lang ako kay Kiro nang makapasok siya.

Kapatid? Kapatid? Kalokohan! Kasinungalingan!

Kapatid mo ako ngayon, pero kapag nasa school na tayo? Kaaway na ulit?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status