Share

Chapter 06

Author: Vceofsp4de
last update Last Updated: 2023-06-09 08:48:54

"What the fuck are you doing to my sister, Olive!?"

Sigaw ni Kiro sa babae.

"Oh, shut up!"

Sabat ko. Hindi ko kinakaya ang kaplastikan niya. Natahimik siya at natanggal na ni Jed ang pagkakatali sa'kin. Sa kanilang tatlo siya lang talaga ang naka-isip na pakawalan ako.

"Stop with your 'I'm a concerned brother' persona, nakakadiri!"

Tumayo ako at hinarap si Kiro.

"Are you okay, Fhey?"

Lumapit naman sa'kin si K.O. at may gana pa talaga siyang tanungin ako kung ako.

"Isa ka pa! Tantanan mo na nga ako, ikaw nagpapahamak sa'kin e! Kausapin mo 'yang ex mo na parang tanga. May pa-kidnap kidnap pang nalalaman! Magsama-sama kayong lahat! Mga bwiset!"

Aalis na sana ako at iiwan sila pero may pumigil sa'kin. It wa K.O.'s ex.

"Where do you think you're going? Hindi pa ako tapos sa'yo!"

"Ako tapos na! Kung nagagalit ka dahil kay K.O., ayan na oh kausapin mo! Huwag mo ako idamay diyan sa kaartehan niyo!"

Padabog kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Fhey, pa'no ako iiwan mo rin ako? Wala naman akong alam dito e! Fhey, bati na tayo please. Help me."

Pagmamaka-awa sa'kin ni Archie na nakatali pa rin.

"Ayan o mga tropa mo, friendship goals kayo diba? Sa kanila ka humingi ng tulong!"

Natahimik silang lahat kaya umalis na ako. Hindi ko naman kailangan ng permiso nila.

"Shit."

Napatigil ako ng makita na madaming bantay ang naghihintay sa'kin para bumaba.

"Do you really think I would let you leave that easily?"

Biglang nagsalita si Olive sa likod ko.

"Olive, stop this madness! Tell those people to let her go!"

Sigaw ni K.O. sa kaniya.

"Hearing you say that and thinking that you care about her makes me want to hurt her more!"

I scoffed when I heard that. Nakuha ko tuloy ang atensyon nila.

"Funny how you hate me because of a guy I don't even like."

Pinumukha ko talaga sa kaniya 'yun. Wala akong pakialam sa ex niya at mas lalong wala akong balak maging isa sa mga babae na koleksyon niya. I'd rather date Leon or my friend Cons, instead of that guy.

"Hey, Olive Oil,"

Lalong lumala ang inis at galit niya dahil sa sinabi ko.

"Tell your men to catch me, if they can."

Sabi ko sa kaniya bago tumalon at humawak sa malaking pipe na nasa kisame. Since nasa second floor kami, hindi siya naging mahirap

"What the fuck? Who the fuck are you?"

Sigaw ni Olive.

I used the pipe like a monkey bar, gano'n sa mga playgrounds. Ang goal ko ay makapunta sa kabilang side ng building kung saan may platform katabi ng sirang bintana.

"What the hell are you all waiting for? Get her! Namangha pa talaga kayo!"

Sigaw ni Olive.

"Olive oil, Adios!"

Sigaw ko sa kaniya at tumalon mula sa bintana. Kanina ko pa pinag-aralan ang building, maliit lang siya at mukhang abandonado na. Sa bintana na nilabasan ko, may malaking puno sa labas kung saan ako lumanding matapos kong tumalon.

Pangalawang nakita ko, kakaunti lang ang mga tao ni Olive. At halos lahat sila nasa loob ng building. Malas lang nila dahil iisa lang ang pwede nilang labasan at doon pa 'yun sa kabilang side ng building na 'to.

Now I have enough time to run away. Agad akong tumalon pababa ng pader kung saan may mga sasakyan at motor.

"Kung sini-swerte ka nga naman, may tanga na nag-iwan ng susi sa motor."

At mukhang kilala ko kung sino ang tanga na 'yun, dahil nakita ko na sa school ang motor na 'to. Ito ang motor na laging dala ni K.O.

Agad akong umalis doon gamit ang motor niya. Buti na lang, naiwasan ko makipag-suntukan. Sigurado mamamatay ako do'n, sa laki ng mga kamao ng mga tao ni Olive oil. Walang duda ang katapusan ng buhay ko.

Nakaligtas na ako, hindi pa ako napagod.

Now there's just one thing I need to know. Are they the same people who tried to kidnap me? Or not? Pero iba ang pakiramdam ko sa mga tao ni Olive kesa doon sa naunang nagtangka sa'kin.

Sa school ako dumeretso dahil alam ko na naghihintay sa'kin si Leon. Nakita ko naman agad siya sa parking at alalang-alala.

"Leon."

Sigaw ko sa kaniya nang ma park ko ang motor.

"Holy shit, Fhey!"

Tumakbo siya papunta sa'kin at hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako.

"What the hell, where did you go? Bakit bigla kang nawala? I couldn't contact you. Sana nagsabi ka para nasamahan kita. Tapos kaninong motor 'to?"

Alam kong nag-aalala siya sa'kin pero hindi ko maiwasan matawa.

"Oh, so you think this is funny?"

Lumaya siya sa'kin at parang nanay na humawak sa bewang niya.

"Sorry, hindi ko lang ini-expect na ganito magiging reaksyon mo."

Umayos na ako ng tayo at seryosong tumingin sa kaniya.

"I was—"

"Fhey!"

I was interrupted. Sumama agad ang mukha mo matapos makilala ang boses na tumawag sa pangalan ko. Humarap ako sa entrance ng parking at agad ko silang nakita.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Anong nararamdaman mo?"

"Sama ng loob."

Walang gana kong sagot sa mga tanong ni K.O.

"Lakas din ng loob mo magtanong na parang nag-aalala ka, e ikaw dahilan nito!"

Sumbat ko sa kaniya.

"Anong akala mo, kapag nakipag-break sa sandamakmak mong girlfriend magugustuhan kita?"

Naiinis na ako hindi ko na mapipigilan pa ang sarili ko na ilabas ang galit sa kanilang lahat.

"I will never fall in love with a man like you!"

Dinuro ko siya sa dibdib para dama niya.

"Uwi na tayo, Leon."

Sumakay na kami sa motor niya ng walang ibang sinasabi ang grupo nila Kiro. Malungkot na pinapanood ni K.O. ang pag-alis namin. Malas niya lang dahil hindi ako madadala sa pag-iinarte niya na 'yan.

"Leon, huwag mo muna pala ako iuwi. Bring me to a park."

Usap ko kay Leon habang nagbibiyahe kami. Hindi na siya sumagot pero alam kong nadinig niya ako dahil lumingon at tumango siya sa'kin.

Hindi nagtagal bumagal na din ang pagpapatakbo niya, senyales na malapit na kami sa park. At tama nga ko.

"Why are we here?"

Tanong niya sa'kin ng makaupo kami sa swing.

"Ewan ko sa'yo, ikaw nagdala sa'kin dito diba?"

"Baliw, ang ibig kong sabihin bakit gusto mo pumunta sa park?"

Kinuha niya mula sa kamay ko ang helmet na pinahiram niya sa'kin at siya na ang humawak.

"Gusto ko lang makapag-isip. Dami ko kasi natuklasan ngayon."

"Spill the tea, sis."

Natawa ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy si Cons, 'yung kaibigan ko.

"I was kidnapped, again."

"Again?"

Yung tono niya parang pagod na pagod na siya sa ganitong kwento, e panalawang beses pa lang naman 'to.

"This time it was K.O.'s ex-girlfriend. Nalaman yata na nagpapapansin sa'kin si K.O., kaya ayun beast mode."

"Siya din ba 'yung nauna?"

Sabi na iisipin niya din na may koneksyon e.

"Noong una, naghinala ako na sila din 'yun. But after seeing all Olive's men, iba 'yung aura nila e. Alam mo 'yun, diba kapag laging magkakasama ang isang grupo parang alam mo na. Basta, there's something inside me that's saying it wasn't them."

"But if they really weren't them, sino kaya 'yung unang nagtangka sa'yo?"

And that's why I needed some place quite to think. Wala naman akong nakaka-away sa lugar na 'to, bago ko maka-away ang grupo at girlfriend ni Kiro. Kung may nakaaway man ako sa luma kong school, na-solve na namin 'yun. Hidni na reresbak 'yun. So, sino?

"Anyway, ano pa 'yun isa?"

Leon snapped me out of my overflowing thoughts.

"Yung mga grupo na naka-away ko kanina papunta sa library, sinabi nila sa'kin na ang nag-uutos daw sa kanila na i-bully ako ay si Kiro."

"Si Kiro? Si Kiro na kapatid mo?"

Gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa overreaction niya.

"Nagulat naman ako sa'yo! Wala naman ng ibang Kiro dito diba?"

Natahimik siya bigla. Ang reaksyon niya ngayon ay katulad ng reaksyon ko noong nadinig ko 'yun. Gulat na hindi makapaniwala.

"Your brother would do that?"

"I told you to stop calling him my brother."

Seryosong puna ko sa sinabi niya.

"Oh, sorry. So.... ano plano mo? Ngayon na nalaman mo 'yan, ano plano mo?"

Sumeryoso ang tono ng boses niya. Napaisip din ako.

"Well, continue what I have been doing. They mess with me, I'll mess with them."

"Okay. I'll continue what I have been doing too, support you."

Ngumiti ako sa kaniya. It's really good to have someone you can rely on.

"I suddenly felt the urge to want to fly."

Sabi ko sa kaniya.

"Whatever you're thinking, stop it!"

Pagpipigil niya sa'kin pero hindi ko siya pinakinggan. Nag swing ako ng pabalis nang pabalis hanggang sa tumaas na rin ng tumaas ang naabot ko. Nang ma-satisfy sa taas ng naabot ng swing, tumalon na ako.

"Fhey! Ang kulit mo!"

Dinig kong sigaw ni Leon. Pero hindi ko siya pinansin at inenjoy ko ang malamig na hangin. Hindi din din 'yun nagtagal dahil agad akong bumagsak.

"Fhey! Sabi ko sa'yo e! Ano saan masakit?"

Lumapit siya sa'kin. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. Nanatili akong nakahiga sa damuhan at nakatingala sa kaniya.

"Ano, bakit ka tumatawa? Saan masakit?"

"Para kang nanay 'no? Laging nag-aalala."

Sumama naman ang tingin niya. Natawa ako lalo.

"Walang nakakatawa, Fhey!"

Sabi niya pero nakangiti naman siya.

"I'm glad we're friends."

Bigla naman akong sumeryoso ng sabihin niya 'yun.

"Let's be friends for a long time, Fhey."

Sinubukan ko tumayo at agad niya akong inalalayan. Hindi ko naman tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Once I become friends with someone, I never let go."

Sabi ko sa kaniya at itinaas ang kamay namin na magkahawak. Lalo naman lumaki ang ngiti niya.

"Okay, Miss friendship. Pagpagan mo muna katawan mo!"

Bumitaw siya dahil siya din ang gumawa ng inutos niya. Umuwi na rin kami dahil madilim na, at hindi ko inaasahan na naghihintay sila K.O. sa labas ng bahay ko.

"Saan kayo galing? Anong ginawa niyo? Bakit ngayon lang kayo? Anong oras na, Fhey."

Sumbat agad ni Kiro sa'kin, pero hindi ko siya sinagot at tiningnan lang.

"Pasalamat ka wala sila tita, umattend sila ng party. Kung hindi pinag-alala mo na naman."

Again, hindi ko siya pinansin at inayos na lang ang sarili ko dahil nagulo buhok ko habang nasa biyahe.

"Uwi ka na, Leon, ingat ka."

"Ikaw din, ingat dito."

Tumingin siya kila Jed, K.O., at Archie bago magibaba ang salamin ng helmet niya at umalis.

"Ano ba problema mo?"

Papasok na sana ako sa loob ng bigla niya akong hawakan sa braso at pigilan.

"Ikaw, anong problema mo?"

Balik na sumbat ko sa kaniya.

"Sinabi ko na sa'yo kahapon kung ano hinanaing ko diba? Huwag ka na magpanggap na parang concern ka! Tapos ano, kapag kasama mo girlfriend mo o kaya kapag nasa harap na ng maraming tao, hindi na naman tayo magkakilala? Hindi mo na naman kapatid? Target na naman ako? Bully na naman kita ha!?"

"Hindi kami ang nangbu-bully sa'yo!"

Napakamot ako sa ulo dahil sa inis.

"Pero nanonood kayo? Maganda ba? Masaya ba? Nag-e-enjoy ba kayo? Next time magdala kayo ng popcorn para mas masaya."

Doing nothing after seeing something that you is completely evil, is just as bad as doing it yourself.

"We're trying, Fhey. We're trying to stop them, pero masiyadon madami ang bully sa school."

Natawa ako sa sinabi niya. Anong klaseng joke ang sinasabi nito.

"Trying to stop them? Talaga ba? So, you're trying to stop yourself, your friends and your girlfriend? I doubt that. Kasi diyan pa lang o, sa mga kaibigan mo pa lang, matitigil niyo na ang lahat. Malalakas kapit sa school niyan diba? O, ano ginagawa niyan?"

Hindi siya nakapagsalita. Kasi totoo naman. Diba nga kaya hindi sila nambubully noon at kaya walang nangyayare sa kanila ay dahil matataas ang posisyon ng mga pamilya nila at may kapit sila sa school? Bakit hindi nila gamitin ang katayuan nila na 'yun?

"You don't know anything, Fhey. Wala na silang pwedeng gawin. Tigilan mo na 'to."

Ako pa talaga? Parang ako pa ang masama? Ako pa ang may kasalanan?

"Tigilan ko na 'to? Bakit ako? Sabihin mo 'yan sa girlfriend mo. Sabihin mo 'yan sa sarili mo. Sabihin mo 'yan sa mga kaibigan mo. Sabihin mo 'yan sa buong school. Alam mong hindi ako nagsimula nito. At alam ko na alam mo kung sino at saan ang puno't dulo nito, takot ka lang harapin."

Iniwan ko na sila doon at hindi na ako nakarinig pa ng kahit anong salita mula sa kanila.

"O, Fhey, dumating na 'yung uniform mo. Halika, sukatin mo para makita natin kung may kailangan baguhin."

Kinabukasan, masayang mukha ni tita ang bumungad sa'kin. Sabado ngayon at wala kaming pasok. Lumapit ako kay tita. Apat na uniform ang pinagawa niya, since Wednesday is washday at hindi kami naka-uniform no'n.

"Try mo na."

Inabot niya sa'kin ang mga uniform at ginawa ko ang inutos niya.

"Sakto po lahat."

"Buti naman, masusuot mo na 'to sa lunes."

Okay naman siya. Maganda naman ang tela, makapal. Ayos 'yun kasi naka-aircon naman ang mga room at halos lahat ng establishment sa school. Dalawa lang ang pinoproblema ko. Una, sigurado ako na laging madumi ang uniform ko kapag uuwi ako. Hindi maiiwasan 'yun dahil target number 1 ako ng mga bully sa school. Pangalawa, hindi na ako makakasakay sa motor ni Leon. Unless, nakatagilid ang upo ko. Kaso iniisip ko pa lang, nahihirapan na ako. Bahala na.

Tahimik ang buhay ko buong sabado, walang Kiro dahil nakipag-date sa girlfriend niya. Si kuya Zion naman may Saturday class. Si tio at tita lang ang kasama ko sa bahay pero hindi naman nila ako masiyado kinakausap dahil mas gusto ko magkulong sa kwarto.

Kinabukasan nag-aya si Leon lumabas. May part time job pala siya at nakasahod na siya kaya gusto niya daw ako i-libre.

"San ka pupunta?"

Hindi ko inaasahan na gising na si Kiro ng makababa ako. Usually kasi tanghali na siya nagigising kapag walang pasok o kaya kapag wala silang date ng jowa niyang maarte.

"Tinanong na kita kung saan ka papunta kahapon?"

Pumunta muna ako sa kusina para uminom bago ako lumabas. Susundoin namana ako ni Leon.

"Alam nila tita na lalabas ka?"

Tuwing linggo laging nagsisimba sila tita kaya wala sila ngayon dito. Hindi naman ako reliheyoso kaya hindi ako sumasama. Si Kiro naman obvious naman ang dahilan, masusunog siya kapag pumasok siya ng simbahan.

"Aalis ba ako kung hindi ako nagpapa-alam?"

Kahapon pa ako inaya ni Leon, kaya nakapag-sabi na ako kay tita at tito. May sinabi pa siya pero hindi ko na pinansin dahil nadinig ko na ang busina ng motor ni Leon sa labas.

"Wow, pormado ah! Date ba 'to?"

Papuri ko sa kaniya. Ngayon ko lang siya nakita na nakaporma ng ganito. White t-shirt, black ripped jeans, black shoes at naka-leather jacket pa.

"Pwede naman."

Nakatawa na sagot niya. Lumapit ako sa kaniya at inabot niya naman sa'kin ang helmet na lagi kong suot.

"Tara na, bago pa lumabas ang kampon ng demonyo sa bahay. Kanina pa ako pinipeste no'n."

Utos ko sa kaniya ng makasakay na ako. Tumawa muna siya bago paandarin ang motor niya.

"Saan tayo pupunta?"

Tanong ko habang nagbi-biyahe kami.

"Amusement park."

Napangiti ako. Matagal na rin simula ng makapunta ako ng amusement park. Parang last year pa yata, noong nag-field trip kami. Kaya sigurado akong magiging masaya ang araw na 'to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lie For The Memories    Epilogue

    "Hello?" Sagot ko sa kung sino man ang tumawag sa'kin. Ang aga-aga may tumatawag na. Puyat pa naman ako. "Hello ka riyan, ano na nasaan na kayong mag-asawa?" Kumunot ang noo ko at tiningnan ang katabi ko na sobrang sarap pa ng tulog."Nasa bahay. Bakit?" "Wow, nasa bahay pa lang kayo? At base sa boses mo kakagising mo lang? Fhey, baka nakakalimutan niyo na ngayon ang reunion natin!" Nabuhayan ako ng diwa dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko naman kung sino ang tumawag at pangalan ni Kiro ang nakita ko. Pilit ko naman ginigising ang asawa ko gamit lang ang isang kamay. "Hmmmm. Good morning, love." Inaantok na bati niya sa'kin at malaking nakangiti pa. "Kayo nagplano nito ha! Umuwi ng bansa si Leon at ang pamilya niya para rito, umayos kayong dalawa!" And that was the last thing he said before hanging up. "Who was calling you early in the morning? After 10 years ngayon ka lang nagdecide na palitan ako? Late na yata para sa ganiyang desisyon, mahal." "Manahimik ka nga! Si Kiro '

  • Lie For The Memories    Chapter 26

    After the holidays, the next few months were our busiest. We were all graduating, and there were so many things we needed to do. It was stressful. Especially our final examinations. But after all that stress, all the sleepless nights, the crying in the middle of the night, we still made it. All six of us are graduating together. Kiro and K.O. are both graduating with high honours. While I and the rest of the group are just graduating. I mean, that doesn't actually matter, right? What's important is we're graduating, and we all passed our university entrance examinations. "Fhey, tara na anak. Baka ma late ka." Pumasok si mommy sa kwarto ko para tawagin ako dahil kailangan na namin pumunta sa events place kung saan gaganapin ang graduation namin. Malaki ang ngiti ko na lumapit sa kaniya at yumakap. "I love you, mom." Nagulat siya noong una pero naramdaman ko rin ang mainit at mahigpit na yakap niya."I love you more than you know, anak." We went out of the unit to our whole fami

  • Lie For The Memories    Chapter 25

    "Hulaan ko kung ano sasabihin mo..."Hindi pa kami nakakapwesto ng maayos sa gilid ng building pero nagsalita ako. "Sorry." Napayuko siya dahil alam niyang ayun talaga ang sasabihin niya sa'kin. "And also... thank you."Tumahimik ako at hinayaan siya magsalita. "Thank you for paying all our debts." Napakunot ang noo ko. Wala naman kasi akong natatandaan na nagbayad ako ng utang ng kahit sino."Sabi sa'mi nung nautangan ni papa, Morales daw apilyedo nung nagbayad. Kahit hindi niya sinabi ang pangalan mo, alam kung ikaw 'yun. Ikaw lang naman ang nakakaalam ng utang namin." Ngumiti siya na parang relived siya na may pakialam pa ako sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako. "Believe it or not, hindi ako ang nagbayad ng utang niyo."Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya."It's probably one of my family members. You what money can do, they probably had the whole situation investigated. And that's how they found out about you." Paliwanag ko sa kaniya. "That's common in my family. P

  • Lie For The Memories    Chapter 24

    "E bakit biglang nalungkot ang mga beshy ko!?" Biglang binasag ni Archie ang naging katahimikan dahil sa sinabi ko. Paramg na awkward silang lahat. "Oo nga, hindi naman nangyare e. At kahit may hindi magandang nangyare kay Cons, nakikita naman natin na lumalaban kaya huwag na natin kaawaan. Pity is the least he needed." Paliwanag ni Jed, at tama naman siya. "Bakit ako ang topic?" Napalingon kaming lahat sa likod ko nang madinig ang boses ni Cons. And threre he was in his wheelchair that was being pushed by our other friend, Ezel. "Cons!" Sabay sabay na tawag sa kaniya. Pero hindi gulat kung hindi excitement ang madidinig sa mga boses namin, kaya napangiti si Cons."Wow, andito din ako guys. Libre lang batiin ako." Naiinis na nagtatampong sagot ni Ezel."What are you guys doing here again? Wala ba kayong pasok? Pumapasok pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila."Huwag mo kami

  • Lie For The Memories    Chapter 23

    Ilang araw na rin ang lumipas simula noong pumasok na ako sa school. Wala naman nagbago, mas napapadalas lang ang pagkaplastic ng mga tao sa harapan ko. Kung noon ang sasama at mapang-husga sila tumingin, ngayon ang tingin nila sa'kin para akong anghel na pinadala ng langit. Akala siguro nila uubra ang kaplastikan nila sa'kin. Hindi ako uto-uto at mas lalong hindi ako sabik sa atensyon. "Fhey, may practice kami ngayon. Sama ka o uwi ka na?" Tanong sa'kin ni K.O. Biyernes na ngayon at sa lunes na ang simula ng games kaya umaga at hapon na ang practice nila. Madalas hindi ko na sila nakakasabay pero okay lang. "Uwi na ako, gusto ko na magpahinga." Hinatid nila ako hanggang sa may gate bago sila pumasok ulit sa loob ng campus para simulan ang training. Nakaalis na ang pamilya ko kaya tahimik na sa condo ng makabalik ako. Wala naman problema sa'kin dahil alam ko na mas kailangan sila sa Makati kesa dito. Braso ko lang naman ang hindi magamit at hi

  • Lie For The Memories    Chapter 22

    "Okay, bago kayo lumabas ililista ko na kung anong sports niyo." Biglang sigaw ni Kiro noong lumabas na ang last teacher namin. Nag-ring na kasi ang bell, senyales na lunch na. Lumakad siya papunta sa unahan ng room na may hawak na ballpen at papel. "Una, basketball, sino sasali?"Tanong niya at agad na nagkagulo at umingay sa room namin. Halos lahat ng mga lalaki ay isinigaw ang pangalan nila. "Sa tingin niyo talaga maiintindihan ko kayo sa lagay na yan?" Tumigil siya sa pagsusulat at humalukipkip, natahimik naman ang lahat. Namangha naman ako sa kakayahan niya na magpatahimik ng magulong classroom kahit hindi sumisigaw. May use naman pala ang pagkamasungit niya. "Ikaw K.O.?" Tanong ni Kiro sa katabi ko, na kanina pa tahimik, matapos mailista lahat ng gusto sumali ng basketball. "Pass. Madami na sila kaya na nila 'yan." Sagot niya naman, kaya ibang sports namin ang tinanong ni Kiro. "Bakit ayaw mo?" Tanong ko kay K.O."May usapan na kami..." Sagot niya at itinuro sila Jed

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status